You are on page 1of 5

ESP V

Petsa: Pebrero 4, 2020 (Lunes) __________________

Aralin- Biyayang Kaloob ng Diyos, Ipagpasalamat

I. Layunin:
 Natatalakay ang iba’t ibang paraan ng pagmamahal sa Dakilang Lumikha (ESP5PD – IVe-i-15)
 Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.
 Napapahalagahan ang epektong dulot ng pagpapasalamat sa Diyos.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: BIYAYANG KALOOB NG DIYOS, IPAGPASALAMAT- Day 1

MgaKagamitan:tsart (tarpapel), larawan ng pamilya, metacards
Sangguninan:Wastong Pag-uugli sa Makabagong Panahon, pahina 94-98
Integrasyon: Filipino (Pagbasa, Pagsulat)
Pagpapahalaga:Espiritwalidad, Pagmamahal sa Diyos.

III. Pamamaraan:
 Panimula:
Nararapat lamang na pasalamatan natin ang ating Diyos sa patuloy na paggabay Niya sa atin sa araw-
araw.

Alamin Natin
Basahin ang panalangin.
Panalangin ng Pasasalamat sa Diyos
Panginoon ko, maraming salamat po sa lahat ng mga biyayang walang sawang ibinibigay ninyo sa
akin. Pipilitin ko pong gamitin ang mga biyayang natatanggap ko upang makatulong din po sa ibang kapwa
ko nilalang na nangangailangan.

Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagbibigay ng pagkakataon upang malaman ko ang

dahilan ng aking pag-iral. Ibinabalik ko po ang karangalan sa Inyo sa aking pagkakalikha.

Maraming salamat po sa pagkakaroon ng masayang pamilya, mga mapagkakatiwalaang kaibigan at

mga kakilala. Sila po ang dahilan ng aking kasiyahan. Sila po ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang
mabuhay at maging masaya sa araw-araw.

Maraming salamat po sa patnubay na inyong ibinibigay sa aming lahat upang magampanan namin
ang mga responsibilidad at tungkuling nakaatang sa aming balikat.

Maraming salamat din po sa kalakasan, katalinuhan at kapasyahan. Ito po ang ginagamit namin sa
pagsugba sa mga alon at pagsubok ng buhay.

Maraming salamat din po sa inyong bugtong na Anak na siyang tumubos ng aming kasalanan.

Amen
Sagutin at gawin ang mga sumusunod:
1. Ayon sa panalangin, anu-ano ang mga ipinagpasalamt sa Diyos?
2. Bilang mag-aaral, anu-ano ang mga dapat mong ipagpasalamat sa Diyos?
3. Sa iyong palagay, bakit nararapat lamang na magpasalamat tayo sa Diyos?

- Bb. Erlyn L. German

ESP V
Petsa: Pebrero 26, 2020 (Miyerkules) __________________

Aralin- Biyayang Kaloob ng Diyos, Ipagpasalamat

I. Layunin:
 Natatalakay ang iba’t ibang paraan ng pagmamahal sa Dakilang Lumikha (ESP5PD – IVe-i-15)
 Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.
 Napapahalagahan ang epektong dulot ng pagpapasalamat sa Diyos.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: BIYAYANG KALOOB NG DIYOS, IPAGPASALAMAT- Day 2

MgaKagamitan:tsart (tarpapel), larawan ng pamilya, metacards
Sangguninan:Wastong Pag-uugli sa Makabagong Panahon, pahina 94-98
Integrasyon: Filipino (Pagbasa, Pagsulat)
Pagpapahalaga:Espiritwalidad, Pagmamahal sa Diyos.

III. Pamamaraan:

Gawain 1

Pag-aralan at suriin ang larawan.

Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa sinuring larawan.

1. Anong kaisipan ang ipinapakita ng larawan?

2. Paano ipinakita ng pamilya ang kanilang pasasalamat sa Diyos?

Gawain 2

Sumulat ng mga dahilan na dapat ipagpasalamat ng isang pamilya sa Diyos.

Gawin ito sa iyong kuwaderno.
___________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

__________________________________________

IV. Takdang-Aralin:

Magdala ng mga materyales para sa Pangkatang Gawain bukas.

- Bb. Erlyn L. German

ESP V
Petsa: Pebrero 27, 2020 (Huwebes) __________________

Aralin- Biyayang Kaloob ng Diyos, Ipagpasalamat

I. Layunin:
 Natatalakay ang iba’t ibang paraan ng pagmamahal sa Dakilang Lumikha (ESP5PD – IVe-i-15)
 Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.
 Napapahalagahan ang epektong dulot ng pagpapasalamat sa Diyos.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: BIYAYANG KALOOB NG DIYOS, IPAGPASALAMAT- Day 3

MgaKagamitan:tsart (tarpapel), larawan ng pamilya, metacards
Sangguninan:Wastong Pag-uugli sa Makabagong Panahon, pahina 94-98
Integrasyon: Filipino (Pagbasa, Pagsulat)
Pagpapahalaga:Espiritwalidad, Pagmamahal sa Diyos.

III. Pamamaraan:
ISAPUSO NATIN

Paano mo ipinapakita na ikaw ay nagpapasalamat sa Diyos?

Sumulat ng buong pusong pangako sa pagpapakita ng iba’t-ibang paraan ng pagpapasalamat sa Diyos.

Ako’y nangangakong ______________________________________________

______________________________________________________________________________

_______________________________________.

Tandaan Natin

Maraming dahilan upang tayo ay magpasalamat sa Diyos. Tulad na lamang ng ating pamilya na isang biyaya mula sa
Kanya, ang lahat ng biyayang ipinagkakaloob sa atin, at sa paggabay sa araw-araw. Nararapat lamang na pasalamatan
natin ang Diyos. Maraming paraan upang maipakita ang pasasalamat sa Diyos tulad na lamang ng panalangin o
palagiang pagdarasal, paggawa ng kabutihan sa kapwa, at iba pa.

IV. Takdang-Aralin:

Gumawa ng isang simpleng panalangin ng paasalamat sa Diyos.

PANALANGIN

- Bb. Erlyn L. German

ESP V
Petsa: Pebrero 28, 2020 (Biyernes) __________________
Aralin- Biyayang Kaloob ng Diyos, Ipagpasalamat
I. Layunin:
 Natatalakay ang iba’t ibang paraan ng pagmamahal sa Dakilang Lumikha (ESP5PD – IVe-i-15)
 Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.
 Napapahalagahan ang epektong dulot ng pagpapasalamat sa Diyos.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: BIYAYANG KALOOB NG DIYOS, IPAGPASALAMAT- Day 4

MgaKagamitan:tsart (tarpapel), larawan ng pamilya, metacards
Sangguninan:Wastong Pag-uugli sa Makabagong Panahon, pahina 94-98
Integrasyon: Filipino (Pagbasa, Pagsulat)
Pagpapahalaga:Espiritwalidad, Pagmamahal sa Diyos.

III. Pamamaraan:

ISABUHAY NATIN:
Punan ng sagot ang graphic organizer tungkol sa mga paraan upang maipakita ang iba’t-ibang
paraan ng pasasalamat sa Diyos.

Iba’t-ibang paraan ng
pagpapakita ng
pasasalamat sa Diyos.

TANDAAN NATIN

Maraming dahilan upang tayo ay magpasalamat sa Diyos. Tulad na lamang ng ating pamilya na isang biyaya mula sa
Kanya, ang lahat ng biyayang ipinagkakaloob sa atin, at sa paggabay sa araw-araw. Nararapat lamang na pasalamatan
natin ang Diyos. Maraming paraan upang maipakita ang pasasalamat sa Diyos tulad na lamang ng panalangin o
palagiang pagdarasal, paggawa ng kabutihan sa kapwa, at iba pa.

V. Takdang-Aralin:

Pag-aralan ang mga natapos na aralin at humanda sa Lagumang Pagsusulit bukas.

- Bb. Erlyn L. German

ESP V
Petsa: _____________________ __________________

Aralin- Biyayang Kaloob ng Diyos, Ipagpasalamat

I. Layunin:
 Natatalakay ang iba’t ibang paraan ng pagmamahal sa Dakilang Lumikha
(ESP5PD – IVe-i-15)
 Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos.
 Napapahalagahan ang epektong dulot ng pagpapasalamat sa Diyos.

II. Paksa/ Pagpapahalaga: BIYAYANG KALOOB NG DIYOS, IPAGPASALAMAT- Day 5

MgaKagamitan:tsart (tarpapel), larawan ng pamilya, metacards
Sangguninan:Wastong Pag-uugli sa Makabagong Panahon, pahina 94-98
Integrasyon: Filipino (Pagbasa, Pagsulat)
Pagpapahalaga: Espiritwalidad, Pagmamahal sa Diyos.

III. Pamamaraan:
Subukin Natin (Day 5)

Isulat kung Tama o Mali

_____1. Ang pamiliyang walang problema ay itinuturing na biyaya ng Diyos.

_____2. Ang paggalang sa ideya o opinyon ng bawat myembro ng pamilya ay tanda ng

pasasalamat sa Diyos.

_____3.Ang pangangalaga sa anumang may buhay ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa Poong

Lumikha.

_____4. Ang pananalangin o pakikipag-usap sa Diyos ay basehan ng isang taong madasalin

_____5. Higit sa lahat ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay dapat ugaliin.

B. Ipaliwanag:

“ Ang ating mga katawan ay templo ng Espiritu Santo at ipinagkaloob ng Diyos sa atin”

V. Takdang-Aralin:

 Gumawa ng maikling tula na nagpapakita ng “Pagpapahalaga sa Buhay na Ibinigay ng Diyos”

- Bb. Erlyn L. German

You might also like