You are on page 1of 12

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
____
2
EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter IV - Linggo 4
Kakayahan Ko, Gagamitin Ko

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 2
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter IV – Linggo 4: Kakayahan Ko, Gagamitin Ko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o
trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng
materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang
gamit maliban sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets


Manunulat: Femie A. Nazon
Pangnilalamang Patnugot: Shirley F. Lilang at Armor T. Magbanua PhD
Editor ng Wika: Jane A. Custodio
Tagawasto: Loida A. Sernadilla PhD
Mga Tagasuri: Shirley F. Lilang at Armor T. Magbanua PhD
Tagaguhit: Daniel Tabinga Jr.
Tagalapat: Elena Grace Q. Torrefiel
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD., ASDS
Cyril C. Serador PhD., CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Shirley F. Lilang, EPS-EsP
Loida A. Sernadilla PhD., PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald S. Brilliantes, Mary Jane J. Parcon,
Armor T. Magbanua, Maricel A. Zamora

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Bgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Kakayahan Ko, Gagamitin Ko
MELC: Nakapagpapakita ng pasasalamat sa mga kakayahan/ talinong
bigay ng Diyos sa pamamagitan ng paggamit ng talino at
kakayahan. (EsP2PD-lVe-i-6.1)

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga kakayahan at talinong bigay ng Diyos.
2. Nakikilala ang mga kakayahan at talinong bigay ng Diyos.
3. Naipakikita ang kahalagahan ng pasasalamat sa mga kakayahan
at talinong bigay ng Diyos.

Subukin Natin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa patlang.
____1. Magaling lumangoy si Juno. Anong paligsahan ang dapat niyang
salihan?
A. Paligsahan sa pag-awit
B. Paligsahan sa paglangoy
C. Paligsahan sa pagsayaw
D. Paligsahan sa pagtakbo

____2. Hindi masyadong marunong sumayaw si Lito. Alin sa mga larawan


ang dapat niyang matutuhan?

A. C.

B. D.
1
____3. Alin sa mga larawan ang nagpapakita na ikaw ay nangunguna sa
klase?

A. C.

B. D.

____4. Tinuruan ni Louie magsanay si Kristal sa pagtugtog ng flute. Anong


kakayahan ang ipinamalas ni Louie?
A. kakayahang magpinta
B. kakayahang sumayaw
C. kakayahang tumugtog
D. kakayahang umawit

____5. Mahalaga ba na paghusayan natin ang ating kakayahan?


A. Opo, dahil ito ay isang biyaya na dapat nating isapuso.
B. Hindi po, dahil wala akong kakayahan.
C. Hindi po, dahil hindi ko kayang gawin.
D. Siguro dahil ito ay binigay sa atin.

2
Ating Alamin at Tuklasin

Paghahawan ng Balakid
Taglay ng Diyos ang katangiang mapagbiyaya sa lahat ng tagasunod
niya.

Bilang mag-aaral, nakapagpasalamat Cka na ba sa Diyos sa mga biyayang


natanggap mo mula sa kanya?

Mahusay kabang sumayaw? Umawit? Gumuhit? Naranasan mo na bang


manalo sa isang paligsahan?
Sa araling ito, sama-sama nating tuklasin ang ibat ibang paraan upang
magamit ang talino at mga kakayahang ipinagkaloob sa atin.
Ating tandaan, lahat tayo ay may kani-kaniyang angking talino at
kakayahan na dapat gamitin at ipagpasalamat sa Panginoon. Ang wastong
paggamit ng kakayahan at talino sa mabuting paraan ay kinalulugdan. Ito
ay ating pahalagahan, mahalin at bigyang pansin.
Ang sumusunod ay ilan sa mga kakayahan na tinataglay ng isang batang
tulad mo.

(Pinagkunan: Victoria Guia-Biglete, et al., Edukasyon sa Pagpapakatao 2, Pasig City: Department of Education, 2014,
249-254.)

3
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Iguhit ang puso ( ) sa patlang kung ang larawan ay
nagpapakita ng tamang paggamit ng talino at kakayahan at
tatsulok ( ) naman kung hindi.

.
______1. ______2. ______3.

______4. ______5.

Gawain 2
Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pahayag ay
nagpapakita ng tamang paggamit ng talino at kakayahan at MALI
naman kung hindi.

______1. Nakikipaglaro si Abby sa kaniyang kapitbahay.


______2. Mahusay sumayaw si Hero pero hindi sumasali sa mga
paligsahan.
______3. Hindi nag-aaral nang mabuti si Marky.
______4. Pinalakpakan si Donabel sa kaniyang galing sa pag-awit.
______5. Sumali si Peter sa paligsahan ng pagtugtog ng gitara.

Anong kakayahan at talinong taglay mayroon ka?

4
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Iguhit sa patlang ang masayang mukha ( ) kung ang
pahayag ay nagpapakita ng tamang paggamit ng talino at kakayahang
bigay ng Diyos at malungkot na mukha ( ) kung hindi.

_____1. Ugali ni Karlo na kumain ng keyk kaysa mag-ensayo sa pagsayaw.


_____2. Inaantok si Modie sa tuwing sumasagot siya ng kaniyang modyul.
_____3. Laging nananalo sa paligsahan sa pag-awit si Lino dahil may
disiplina siya sa pag-eensayo.
_____4. Araw-araw na nag-eensayo si Lita sa pagsasayaw ng
itik-itik.
_____5. Mahusay sa pagpinta si Armor dahil lagi siyang nagsasanay.

Gawain 2
Panuto: Piliin ang mga larawan na nagpapakita ng kakayahang
taglay na kaloob ng Diyos. Gumuhit ng linya papunta sa tatsulok.

Paano mo pinahahalagahan ang mga biyayang kaloob ng Diyos?

5
Ang Aking Natutuhan

Gawain 1
Panuto: Kumpletuhin ang mga salita upang mabuo ang
talata. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa
mga patlang.

Diyos kakayahan talino


ipagpasalamat pahalagahan

Ang wastong paggamit ng (1) k__ __ a __ __ h __ n at


(2) t __ l __ __ o ayon sa mabuting paraan ay kasiya-siya.
Ang bawat isa ay may kani-kaniyang natatanging kakayahan at talino o
dapat gamitin at (3) i __ __ g __ __ __ a __ __ m __ t.
Ating pasalamatan ang ating (4) D__ y __ s sa binigay niyang talino at
kakayahan.
Ating (5) p__ h __ __ a __ __ h __n, mahalin at bigyang pansin ang mga
kakayahan at talino.

6
Ating Tayahin

Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.

____1. Magaling magpinta si Alea. Anong kakayahan ang ipinakikita niya?

A. C.

B. D.

____2. Alin sa mga larawan ang HINDI nagpapakita ng kakayahan ng isang


bata?

A. C.

B. D.

____3. Mahusay na ipinakita ni Zia ang galing sa paggitara sa harap ng


maraming tao. Ano ang naramdaman ni Zia habang ipinakikita ang
kaniyang kakayahan?

A. B. C. D.

7
____4. Sumali ng paligsahan sa pag-awit sina Marie at Joane. Anong
kakayahan ang kanilang ipinakita?
A. Kakayahang magpinta
B. Kakayahang sumayaw
C. Kakayahang tumugtog
D. Kakayahang umawit

____5. Bakit dapat natin pahalagahan at pasalamatan ang ating kakayahan


at talino na ibinigay sa atin ng Panginoon?
A. Dahil ito ay isang biyaya na dapat nating isapuso.
B. Dahil ito ay magagamit natin.
C. Dahil ito ay nararapat na ibigay sa atin.
D. Dahil ito ay natatangi.

8
Susi sa Pagwawasto
Subukin Ating Pagyamanin
1. B Gawain 1 Gawain 2
2. A 1. "
$
# A, B, E, F, G
3. B 2. "
$
#
4. C 3. %
(
'
&
5. A 4. %
(
'
&
5. %
(
'
&

Tayo’y Magsanay Ating Natutuhan


Gawain 1 Gawain 2
1. 1. Tama 1. kakayahan
2. 2. Mali 2. talino
3. 3. Mali 3. ipagpasalamat
4. 4. Tama 4. Diyos
5. 5. Tama 5. pahalagahan

Tayahin
1. D
2. A
3. A
4. D
5. A

Sanggunian
Aklat

Biglete, Victoria G., Maria Carla M. Caraan, Rolan B. Catapang at


Isabel M. Gonzales. Edukasyon sa Pagpapakatao 2. Pasig City:
Department of Education. 2014.

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang iyong


lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang nakasaad


para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya para sa


pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo, ano
ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at pagkatuto


ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono: __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS :

Petsa ng Pagbalik ng CLAS :

10

You might also like