You are on page 1of 25

1

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Inaalagaan Ko ang Aking Sarili
Edukasyon sa Pagpapakato -Unang Baitang
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan 1 – Modyul 3: Inaalagaan Ko ang Aking Sarili
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Christine Joy C. Cagud


Editors: Alejandro A. Corre, Joene O. Dela Cruz, Lyme S. Arellano, Bernadette M. Angel
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Agabai S. Kandalayang, Mary Joy D. Bautista,
Mary Anne A. Barrientos
Tagaguhit: Chritine Joy C. Cagud
Tagalapat: Maria Fe C. Linao
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo – Regional Director
Fiel Y. Almendra – Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz - Schools Division Superintendent
Natividad G. Ocon - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Cynthia G. Diaz - REPS – Edukasyon sa Pagpapakatao
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura – Division EPS in Charge of LRMS
Marcelo B. Bocatera - Division ADM Coordinator
Edmund A. Rosete Sr. - EPS – Edukasyon sa Pagpapakatao

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
1
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3
Inaalagaan Ko ang Aking Sarili
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao - Unang


Baitang ng Self – Learning Module (SLM) para sa Ikatlong Aralin: Inaalagaan Ko
ang Aking Sarili,
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Paalala Para sa mga Guro


Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang
pampagtutturo na katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at
maibahagi sa inyong mga mag-aaral ang tamng kaalman upanag mapalawak at
malinang ang kanilang karunungan tungkol sa Inaalagaan Ko ang Aking Sarili. Ang
inyong tamang paggabay ay makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit
ang ating layunin sa pag-aaral.
Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain, at sagutin nila nang tama
ang lahat ng mga gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang inihanda
para sa kanila.
Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at hangarin
para sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis at mabisang
pagkatuto. Maligayang pagtuturo.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Baitang ng Self-


Learning Module (SLM) ukol sa Aralin 3: Inaalagaan Ko ang Aking Sarili

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
reyalidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian - ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang tanungin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

iv
Alamin

Ang Modyul na ito ay inihanda para sa inyong


kaalaman at pagkatuto sa mga aralin at upang higit na
malinang ang inyong mga natatanging kakayahan na
may tiwala sa sarili at pagpapasalamat sa Diyos kahit kayo
ay nasa bahay lamang.

Pinaniniwalaan din na ang kagandahang-asal at


mabuting pag-uugali ay nagsisimula sa pagkakaroon ng
kamalayan at pagtuklas sa sariling kakayahan,
pangangalaga sa sarili upang higit pa ng malinang ang
mga kakayahang ito, at paggamit ng nasabing mga
kakayahan upang makapagdulot ng kaligayahan sa
pamilya.

Ang aralin ay nakapokus lamang sa inyong


kaalaman tungkol sa pangangalaga sa sarili at mga
gawain na maaaring mabubuti sa kalusugan.

Most Essential Learning Competencies


1. Nakapaglalarawan ng iba’t ibang gawain na
maaaring makasama o makabubuti sa kalusugan
(EsP1PKP- Id – 3)

Sa araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. Nakikilala ang iba’t ibang gawain/paraan na
maaaring makasama o makabuti sa kalusugan.
2. Natutukoy ang iba’t ibang gawain/paraan na
nakasasama sa kalusugan

1
Subukin

Panuto A: Iguhit ang kung nakabubuti sa kalusugan


at kung hindi nakabubuti sa inyong kuwadernong
panggawain sa ESP.

1. 2.

3. 4.

5.

2
Panuto B: Iguhit sa iyong kwadernong panggawain ang
hugis puso ( ) kapag ito nakabubuti sa ating kalusugan
at bilog (O) naman kapag nakakasama.

1. 2.

3. 4.

5.

3
Balikan

Panuto: Isulat sa kuwadernong panggawain ang (√ )


kung nakabubuting gawain sa kalusugan at (X)kung
nakakasama ang mga sumusunod na sitwasyon.
______1. Sinisiguro ni Sita na siya ay nakakainom ng
walo o higit pang basong tubig araw- araw

______2. Mahilig manood ng telebisyon si Lorna. Laging


siyang puyat sa panonood.

______3. Mahilig kumain ng sitsirya si Joan tuwing oras


ng meryenda.

______4. Pinananatiling maliksi ni Ruben ang katawan


sa pamamagitan ng pag-eehersisyo dalawang
beses sa isang lingo.

______5. Masusustansiyang pagkain ang kinakain ni Beth


dahil yan ang palaging handa at luto ng kanyang
nanay para sa kanilang pamilya.

4
Tuklasin

Panuto: Basahin ang tula at unawain ito.

Ang Malusog na Si Mela


Ang batang si Mela na nasa unang baitang
laging isinasaisip ang kanyang kalusugan
sinusunod niya ang maraming paraan
upang mapanatiling malusog ang pangangatawan

Paglilinis ng katawan tulad ng pagsisipilyo


araw-araw din ang kanyang pagligo
Pag-eehersisyo ay di rin isinasantabi
Sa katawan ito’y nagbibigay silbi

Pagkain ng masuntansya
Ay ginagawa niya sa tuwina
Pag-inom ng walong basong tubig
Ay madalas niyang ginagawa

Ang pagtulog ng sapat


Sa kanya ay mahalaga
Sa isang batang tulad niya
Ito’y nagbibigay ng bagong sigla

Ang mga paraang kanyang sinusunod


Nagbibigay gabay ng lubos at lugod
Sa pagpapalusog ng kanyang katawan
Sa tuwina ay laging isagawa at tandaan.

5
Suriin

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa tulang


binasa. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
kwadernong panggawain.

1. Paano nililinis ni Mela ang sarili?

a. Siya ay naliligo at nagsisipilyo araw-araw


b. Nagpupunas ng mukha sa umaga
c. Nagpapalit ng damit sa gabi

2. Anong uri ng pagkain ang kanyang madalas kainin


upang maging malusog?

a. itsirya at softdrinks
b. Ice cream at tsokolate
c. Masustansyang pagkain tulad ng gulay at
prutas

3. Ilang basong tubig ang kanyang iniinom araw-araw?

a. anim
b. lima
c. walo o higit pa

6
4. Bakit mahalaga ang pagtulog ng sapat?

a. Upang magkaroon ng lakas ang katawan


b. Upang maging mabigat ang katawan
c. Upang manghina ang katawan

5. Bakit kailangang panatilihing malusog ang


pangangatawan?

a. Upang magawa ang mga gawain sa araw-


araw
b. Upang maging malayo sa sakit
c. Lahat ng nabanggit

Pagyamanin

Panuto A: Tingnan ang larawan. Piliin sa kahon ang


angkop na salita na bubuo sa pangungusap.
Pagkatapos gawin ay basahin nang malakas ang
mga pangungusap.
walo
kuko
umiinom
nag-eehersisyo
masustansya

Pinananatiling maiksi si Nilo ang


1. kanyang mga __________ upang
lagi itong malinis.

7
Si Nestor ay ______________
2. dalawang beses sa isang lingo.

Si Rita at Resty ay ___________ ng


3. walong basong tubig araw-araw.

4.
Kumakain ng _____________
pagkain sina Lina at Lino.

Upang mapanatiling masigla ang


katawan, sinisiguro ni Rona na
5. ______ oras ang kanyang tulog.

8
Panuto B: Iguhit ang hugis puso kung mga gawain ay
nagpapalusog at tumutulong sa paglinang ng sariling
kakayahan at hugis kung hindi. Gawin ito sa iyong
kuwadernong panggawain.

____1. Si Ana ay nakakatulog ng walong oras araw-araw.

____2. Si Mario ay napupuyat sa panonood ng telebisyon.

____3. Iniiwasan ni Leah ang uminom ng malamig at


kumain ng matatamis na mga pagkain.

____4. Paborito ni Nilo ang pagkain ng masustansyang


pagkain.

____5. Umiinom ng walo o higit pang basong tubig si Rey


araw – araw.

9
Isaisip

Panuto A: Isulat sa iyong kwadernong panggawain ang


tatlong paraan kung paano mapapanatiling malusog ang
ating pangangatawan?
1. ___________________________________
2. ___________________________________
3. ___________________________________

Panuto B: Iguhit sa iyong kwadernong panggawain ang


dalawang bagay o gawain na makasasama sa iyong
kalusugan.
4. _________________________________
5. _________________________________

Tandaan:
Ang kalusugan ay isang kayamanan. Maraming
paraan o gawain ang maaring gawin upang maging
malusog ang pangangatawan gaya ng mga
sumusunod:
• pag-eehersisyo
• pagkain ng masustansiyang pagkain
• pag-inom ng walong basong tubig sa isang araw
• sapat na tulog

Pag-usapan natin:
Ikaw may alam ka bang pamamaraan kung paano
mapananatiling malusog ang iyong

10
Isagawa

Panuto A: Basahin ang pahayag. Iguhit ang mukhang


masaya kung nakabubuti sa kalusugan ang
isinasaad nito at malungkot na mukha kung hindi sa
iyong kuwadernong panggawain.

___ ___1. Panatilihing malinis ang katawan.


_______2. Kumain nang masustansyang pagkain sa
tamang oras.
______3. Madalas na pagpupuyat sa panood ng
telebisyon.
_______4.Pag-eehersisyo dalawang beses sa isang
linggo.
_______5. Magsuot ng malinis na damit araw-araw.

Panuto B: Piliin sa loob ng kahon ang kakayahan na


nangangailangan ng pangkalusugang gawain. Isulat ang
inyong sagot sa kuwadernong panggawain.

pag-awit Isports pagsasayaw pagguhit

1. Pag- ehersisyo sa pagpapalakas ng mga buto.


2. Pagtulog ng sapat para maging masigla.
3. Pagkain ng kalabasa, pampalinaw ng mata.
4. Pag-iwas sa matamis at malamig na pagkain

11
Tayahin

Panuto A: Isulat ang OPO kung nagpapakita ng


gawaing nakapagpapalusog ng katawan at HINDI PO
kung hindi sa inyong kwadernong panggawain.

1. Paborito ni Ana ang sitaw, kalabasa at okra


na ulamin.
2. Ako ay naliligo isang beses isang linggo.

3. Mahilig manood ng teleserye si Sita. Palagi


siyang natutulog ng alas dose ng gabi.

4. Sinisiguro ni Lisa na nakakainom siya ng


walong basong tubig o higit pa sa isang araw.

5. Tuwing umaga, madalas magkasamang


magjogging sina Yayo at mga kaibigan sa
plasa.

12
Panuto B: Isulat sa kwadernong panggawain ang TAMA
kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng
mabuting gawain na nagpapalusog at tumutulong sa
paglinang ng sariling kakayahan at HINDI TAMA hindi.

_______1. Paglilinis ng sarili araw-araw.

_______2. Pagkain ng gulay at prutas.

_______3. Madalas na pag inom ng softdrinks at iba


pang may artipisyal na flavor na mga inumin.

_______4. Pag-ehersisyo dalawang beses sa isang


linggo.

_______5. Pag-iwas sa pagpupuyat.

13
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumupit ng mga larawan mula sa lumang


newspaper o magasin na nagpapakita ng mga
gawaing nagpapalusog ng katawan.

Kriteria ng Gawain

Kriteria 5 4 3
1. Galing sa
paggupit
2. Kaalaman
3. Natapos
ang
Gawain
sa
takdang
oras

14
15
Subukin
Balikan Suriin
A B.
1. A
1. √
1. 1. 2. X
2. C
3. X
2. 2.
4. √ 3. C
5. √
3. 3.
4. a
4. 4.
5. C
5. 5.
Pagyamanin Isaisip
A B
Dependi sa sagot ng bata
1. Kuko 1.
2. mag-ehersisyo 2.
3. umiinom 3.
4. masustansya 4.
5. walo 5.
Isagawa Tayahin
A B
A. B.
1. 1. isports
1. Opo 1. Tama
2. Hindi po 2. Tama
2. 2. pasayaw
3. Hindi po 3. Hindi Tama
3. 3. pagguhit 4. Opo 4. Tama
5. Opo 5. Tama
4. 4. Pag-awit
5.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
n.d. Most Essential Learning Competencies.
Victoria Guia-Biglete, Maria Carla Mabulay-Caraan, Rolan
Baldonado Catapang, Isabel Montezero-Gonzales.
2013. Edukasyon sa Pagpapakatao 2 Tagalog,
Kagamitan ng Mag-aaral. Unang.
—. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao Tagalog, Patnubay
ng Guro. Unang Edisyon.

16
PAHATID LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran
ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin
na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang
nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning
Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan
ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong
1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang puna, komento at
rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like