You are on page 1of 21

1

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 16:
Pag-uulat nang Pasalita ng mga
Naobserbahang Pangyayari sa Paligid atsa mga
Napanood
Filipino – Unang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 16: Pag-uulat nang Pasalita ng mga Naobserbahang
Pangyayari sa Paligid at sa mga Napanood
Kompetensi: Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa paligid
(bahay, komunidad, paaralan) at sa mga napanood (telebisyon, cellphone,
kompyuter)
Competency Code: F1PS-IIc-3/ F1PS-IIIa-4/ F1PS-IVa-4
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Elvira O. Marquez
Editor : Fe G. Buccahan, Felimendo M. Felipe
Tagasuri : Ronald T. Bergado, Charibel F. Guillermo
Tagaguhit : Kristine Mae D. Benhel
Tagalapat : Rozen D. Bernales, Oswaldo A. Valiente

Tagapamahala: Benjamin D. Paragas


Jessie L. Amin
Octavio V. Cabasag
Rizalino G. Caronan
Romel B. Costales
Jorge G. Saddul, Sr.
Felimendo M. Felipe
Fe G. Buccahan

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region II
Office Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
Telefax: (078) 304-3855; (078) 396-9728
E-mail Address: region2@deped.gov.ph
1

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 16: Pag-
uulat nang Pasalita ng mga
Naobserbahang Pangyayari sa Paligid at
sa mga Napanood
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral satahanan. Binubuo ito
ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang
bawat aralin at malinang ang mgakasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulongo estratehiyang magagamit
ng mga magulang o kung sinumanggagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama omali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.Huwag susulatan
o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa
mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.

1
Aralin
Pag-uulat nang Pasalita ang mga

16 Naobserbahang Pangyayari sa
Paligid at sa mga Napanood.

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa para sa batang katulad mona nasa unang
baitang upang malinang ang kakayahanmo sa wikang binibigkas. Ang
mga gawaing matatagpuan sa modyul na ito ay inaasahang
makatutulong sa iyo upang makapag- ulat nang pasalita ng mga
naobserbahang pangyayari sa paligid at sa mganapanood.

Ang modyul na ito ay tumutugon sa:


Pag-uulat nang pasalita ng mga naobserbahangpangyayari
sa paligid gaya sa bahay, komunidadat paaralan at sa mga
napanood sa telebisyon, cellphone at kompyuter.

Pagkatapos ng mga Gawain sa modyul na ito, ikaw ayinaasahang:


makapag-uulat nang pasalita ng mga naobserbahang
pangyayari sa paligid gaya sa bahay, komunidad at paaralan
at sa mga napanood sa telebisyon, cellphone at kompyuter.

2
Subukin

Gawain 1: Isipin ang mga naobserbahang pangyayari sa paligid at


sa mga napanood.

Gawain ng Magulang/Guro
• Sabihin
-May mga babanggitin akong pangyayari. Subukan mong
magbigay ng sariling karanasan tungkol dito sa
pamamagitan ng pagsabi nito.

A. Subukang magbahagi ng personal na karanasan tungkol sa mga


sumusunod na kalagayan sa pamamagitan ng pagdudugtong sa
pangungusap:

1. Kapag nawala ang alagang aso,


.
2. Nakita mong maraming bata sa palaruan,
.
3. May mga batang nagkakalat ng supot sa daan,
.
4. May tindang paboritong pagkain sa tindahan,
.
5. Napanood sa telebisyon na may parating na malakas
na bagyo sa inyong lugar,
.

3
Gawain 2: Ibigay ang sariling obserbasyon sa bawat larawan.
Gawain ng Magulang/Guro
• Ipakita ang larawan sa mag-aaral
• Sabihin:
-Sa bawat larawang aking ipakikita sa iyo, subukan mong
ibigay ang iyong obserbasyon.

Gawain ng Mag-aaral
• Mag-uulat ng sariling obserbasyon batay sa larawan.

Sabihin kung ano ang iyong obserbasyon:

1.

2.

4
3.

4.

5.

5
Balikan

Gawain ng Magulang/Guro

• Sabihin:
-Iba’t iba ang mga naoobserbahang pangyayari sa paligid mula sa
bahay, sa komunidad at sa paaralan.
-May mga napapanood rin sa telebisyon, cellphone at sa
kompyuter. Ang mga ito ay nakatutulong sa paglinang ng
natatanging kakayahan ng bata na maging mapanuri sa mga
pangyayari sa paligid.
-Ngayon babasahin ko sa iyo ang mga kalagayan.
-Piliin ang letra ng naobserbahang pangyayari sa bawat lugar na
nabanggit.
1. Ano ang nangyayari sa inyong bahay?
A. Nagtutulungan ang mag-anak sa mga gawain.
B. Tinuturuan ng guro ang mga batang bumasa.
C.Nagsasayawan ang mga kasali sa kalahok.

2. Ano ang ginagawa ng mga tao upang laging ligtas sa sakit ang
komunidad?
A. Nagbabasa ng aklat ang mga bata.
B. Naglalaro ang mga bata sa palaruan.
C.Naglilinis ang mga tao sa paligid.

3. Alin ang ginagawa sa paaralan?


A. Natutulog ang mga bata.
B. Nagbabasa ang mga bata.
C. Naglalaro ng cellphone maghapon.
6
4. Ano ang napanood sa telebisyon tungkol sa COVID?
A. Marami na ang mga taong nagkasakit ng COVID.
B. Masasaya ang mga tao dahil may COVID.
C. Maraming pagkain ang mga tao.

5. Alin ang hindi nakatutulong na ginagawa ng mga bata sa


cellphone?
A. Nagbabasa ng aralin ang mga bata.
B. Naglalaro ang mga bata sa cellphone.
C.Nakikinig sila ng mga awiting pambata.

Hikayatin ang bata na ibahagi sa iba ang naobserbahang


pangyayari sa paligid at sa mga napanood gamit ang
wikang binibigkasupang malinang ang kakayahan sa
pagsasalita.

7
Tuklasin

Gawain ng Magulang/Guro
• Sabihin
-Magbabasa tayo ng isang kuwento. Pero bago koito basahin sa
iyo, alamin natin ang kahulugan ng ilang salita na galing sa
kuwento.

Basahin sa bata ang gawaing paglinang sa talasalitaan.


Kapag marunong ng magbasa ang mag-aaral, maaring
gabayan siya sa pagbasa nggawain.

Gawain ng Mag-aaral
• Makikinig sa babasahin ng magulang o guro.
• Sagutin ang mga tanong

1. Paglinang ng talasalitaan:

Piliin ang letra ng kahulugan ng mga sumusunod nasalita batay sa


pangungusap.
a. galak na galak
Galak na galak ang batang nakatanggap ng gintong
medalya.
A. masaya B. malungkot C. galit

8
b. bagong-lipat
Isa si Ben sa iilan pa lang na kaibigan ng bagong-lipat na bata
sa aming klase.
A. dating mag-aaral B. bagong mag-aaral C. luma

Gawain ng Magulang/Guro
• Basahin nang malakas sa bata ang kuwento
• Ipasagot ang mga tanong sa pamamagitan ng pagsasabi
ng tamang sagot.

2. Pakinggang mabuti ang kuwento at sagutin ang mga


tanong pagkatapos:

Si Mila sa Kaniyang Bagong Paaralan


Ni Elvira O. Marquez

Si Mila ay isang bagong-lipat na mag-aaral sa Unang Baitang sa


Paaralang Sentral ng Kanlurang Diffun. Ang kaniyang pamilya ay tubong
Isabela ngunit sa kasalukuyan ay dito na sa Diffun ang hanapbuhay ng
kaniyang mga magulang.

9
Isang hapon pagkagaling sa paaralan, galak na galak si Mila
na humarap sa kaniyang mga magulang.
“Bakit ang ganda ng ngiti mo Mila?”, tanong ng kaniyang Tatay.

“Sobrang saya ko po ngayon sa aking bagong paaralan!” wika


ni Mila. “Bakit mo naman nasabi iyan?,” tanong ng kaniyang Nanay.
“Marami kaming ginawa sa paaralan kasama ang aming mabait
na guro. Mababait ang aking mga kaklase kaya madali akong nakiisa
sa mga gawain. May ilan na rin akong kaibigan. Masaya ang unang
araw ko sa aking bagong paaralan!”

“Mabuti naman kung ganoon anak. Magpakabait ka lagi. Mag-


aral ka nang mabuti”, wika ng Tatay. “Opo Tatay, Nanay, mag-aaral po
ako nang mabuti dahil pangarap kong maging isang guro”, wika ni Mila.

Suriin

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwaderno.


1. Sino ang bata sa kuwento?
2. Ano ang ibinalita niya sa kaniyang mga magulang?
3. Bakit galak na galak siyang humarap sa magulang?
4. Paano kaya siya tinanggap ng kaniyang mga
kaklase at guro?
5. Kung ikaw si Mila, maiuulat mo rin ba sa ibang tao ang iyong
mga naobserbahang pangyayari?

10
Pagyamanin

Gawain ng Magulang/Guro
• Ipaliwanag sa bata ang Gawain
• Sabihin:
-Sa bahaging ito ng aralin, titingnan ko kung naunawaan mo ang
ating leksiyon. Ito ay ang pag-uulat mo nang pasalita sa mga
bagay na iyong naobserbahan.

Gawain ng Mag-aaral
• Tingnang mabuti ang bawat larawan
• Magbigay ng ulat tungkol dito sa pasalitang paraan.

Gawain 1: Pansinin ang mga larawan.


Iulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa paligid
at sa mga napanood na may kaugnayan sa mga sumusunod na
larawan.
1. 2.

11
3. 4.

5.

Isagawa

Gawain ng Magulang/Guro
• Sabihin
-May mga dagdag tayong Gawain para mas matuto kang
magbigay ng ulat o report sa mga nakikita mo sa paligid
-Mahalaga sa bata o tao ang marunong magsalita tungkol sa
kaniyang nakikita sa paligid o sa telibisyon
-Maari mong magamit ang kaalamang ito sa sariling kaligtasan
maging ng ibang tao.

12
Gawain ng Magulang/Guro
• Pag-aralan ang mga larawan. Iulat ang mga naobserbahang
pangyayari sa paligid at sa mga napanood na may
kaugnayan sa mga larawan sa ibaba.

Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sasabihin sa pag-uulat.

1. 2.

3. 4.

5.
A. Nagdarasal ang mga bata bago mag-aral.
B. Nakikinig nang mabuti ang mga bata sa guro.
C.Itinatapon ang basura sa tamang basurahan.
D. Naghuhugas ng kamay upang manatiling malinis.
E. Naglalaro maghapon ang mga bata sa palaruan.
F. Nag-eehersisyo ang mga bata upang manatiling malusog.

13
Tayahin

Gawain ng Magulang/Guro
• Samahang lumabas ang bata sa tahanan.
• Hayaan siyang mag- obserba sa paligid.
• Sabihin:
-Tingnang mabuti ang ating paligid.
-Ano ang iyong napapansin sa mga tao?
-May mga halaman ba sa paligid?
-May mga hayop ba sa paligid?
-Ano-ano ang iyong nakikita?
• Isulat sa papel ang mga sagot ng bata.

Gawain ng Mag-aaral
• Mag-ulat nang pasalita tungkol sa 3 hanggang 5 bagay o
pangyayaring kaniyang nasaksihan sa labas ng bahay.

Rubrik ng Pagtataya ng Kakayahan sa Gawain:


Puntos Pagpapaliwanag
4 Napakahusay ang ginawang pag-uulat.
3 Mahusay ang ginawang pag-uulat.
2 Nakapag-uulat nang may kaunting gabay
1 Nangangailangan ng lubos na gabay

14
Karagdagang Gawain

Iulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa mga


sumusunod:
1. sa tahanan

2. sa Komunidad

3. sa paaralan

4. napanood sa telebisyon

5. napanood sa cellphone

15
Susi sa Pagwawasto

16
Sanggunian

K to 12 Most Essential Learning Competencies, p. 14

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)Ground

Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax:

(632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like