You are on page 1of 13

Masusing Banghay Aralin

sa Pagtuturo ng Filipino

I. Layunin:

Pagkatapos ng 50 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang


a. nailalarawan ang sanaysay na paglalahad;
b. nakalilikha ng sanaysay tungkol sa pagliligawan ng binata at dalaga sa kasalukuyan; at
c. naipapahayag ng mga mag-aaral ang aral mula sa sanaysay na nabasa.

II. Paksang – Aralin

a. Paksa: Sanaysay
b. Sanggunian: Grade VII (Panitikang Pilipino) pp.79-82
c. Kagamitan: Kahon, ispiker, cartolina, at kagamitang pampagtuturo

III. Pamamaraan

Gawaing guro Gawaing mag-aaral


A. Panimulang Gawain

1. Pagbati
Magandang umaga, klas! Magandang umaga din po Gng.
Nida
2. Panalangin
Tayo ay yumuko at damhin ang
prisensya ng ating Panginoon.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng
Espiritu, Santo, Amen. Diyos
Ama, hindi po magiging madali

para sa amin ang araw na ito


kung wala po kayo sa aming tabi.
Sa ngalan ng Ama, ng Anak,
ng Espiritu Santo, Amen.

3. Pag-aayos ng Klasrum
Bago kayo umupo, nais kong ayusin ninyo
muna ang inyong upuan at pulutin ninyo
ang mga nakikita ninyong kalat.

4. Pagganyak
Ngayong umaga ay papangkatin ko kayo sa
dalawang grupo. Tayo ay maglalaro, na tatawagin
nating “Arte ko, Hula mo”.

Huhulaan ninyo kung ano ang madalas na


gawain ng isang binata at dalaga o magkasintahan
sa kasalukuyang panahon.

Bawat grupo ay kailangan magtalaga


ng isang pares na aarte
sa mabubunot nilang salita sa
ating mahiwagang kahon. Ang matitirang
miyembro ay siya namang huhula sa inaarte ng
kanilang kasama sa harapan.

Isang puntos sa bawat tamang sagot. Pwede


kayong sumagot ng ilang beses sa loob ng
tatlong minuto lamang.

Kung sino ang may pinakamaraming mahulaan


ay siyang hihirangin nating kampyeon. Kung
sakaling hindi ninyo mahulaan ang inaarte ng
inyong kasama ay maari kayong “mag-pass” o
lampasan muna at maari niyo itong balikan kung
may natitira pa kayong oras.

Tandaan, magiging magaan ang aktibidad na ito


kung mayroon kayong kooperasyon sa bawat isa.

Pero , bago tayo magsimula, akin munang (Gagawin ng mga mag-aaral


ang basahin sa inyo ang ating rubriks sa aktibidad.)
pangkatang gawain.
Rubriks sa Pangkatang Gawain

Pamantayan 15 puntos 10 puntos 5 puntos


Kooperasyon Lahat ng miyembro Isa o dalawang Tatlo o higit pa sa
ay nagpapakita ng miyembro ang hindi miyembro ang hindi
pagkakaisa sa nagpapakita ng nagpapakita ng
paggawa ng pagkakaisa sa pagkakaisa sa
aktibidad. paggawa ng paggawa ng
aktibidad. aktibidad.
Disiplina Lahat ng miyembro Isa o dalawang Tatlo o higit pa sa
ay nagpapakita ng miyembro ang hindi miyembro ang hindi
disiplina nagpapakita ng nagpapakita ng
disiplina. disiplina.

B. Panlinang na Gawain

1. Paghahawan ng Balakid
Klas, mayroon tayong babasahing
seleksyon na pinamagatang “Pananabik-
Dalaga at Binata”. Upang lalo nating
maunawaan ang seleksyon, tulungan
natin si Daniel, na maibigay niya ng maayos
ang kanyang bulaklak sa kanyang
sinisintang si Kathryn sa pamamagitan ng
pagbigay ng kasingkahulugan ng
salitang nakalimbag sa bawat hahakbangan
niya papunta kay Kathryn.

Tandaan na ang kahulugan ng mga salitang


ito ay upang lalo nating maunawaan ang
babasahin nating seleksyon.

2. Tuklasin Mo

1. sinusuyod ng tingin
2. nanaig ang pagka-Pilipina
3. mabining-mabini ang paghakbang
4. gustong pasakitan
5. mutyang nilalangit
6. naliligayahang di-mawari
7. nagsatengang-kawali
8. animo’y maamong kordero
9. inaaninaw ang buong kaanyuan
10. nanuyo sa dalaga

3. Pagganyak na Tanong

Bago natin basahin ang seleksyon, atin munang


basahin ang pagganyak na tanong

 Sa inyong palagay, paano mapapatunayan


ang katapatan ng pag-ibig ng isang binata
sa dalagang kanyang napupusuan?

Iba pang mga tanong.

1. Ilarawan ang kilos at ugali ng dalaga


at binatang tinutukoy sa seleksyon.
2. Ano-anong pag-uugaling binanggit sa seleksyon
ang dapat baguhin?
3. Masasabi bang natural lamang ang kinikilos
ng dalaga at binate sa seleksyon?
4. Maituturing bang kapintasan ng isang dalaga
ang magpahayag ng pag-ibig sa isang binata?
5. Bigyang-puna ang ugali ng pagliligawan
ng binata’t dalaga sa kasalukuyan.

Klas, ano-ano ulit ang mga pamantayan Intindihin ang kwento.


ng pagbasa nang tahimik at pakikinig? Huwag maingay.
Unawain ang binabasa.
Makinig ng mabuti

(Papakinggan ang kwento at


sasabayan ng pagbasa ng mga mag-
aaral.)
4. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong
at iba pang mga tanong.

 Sa inyong palagay,paano mapatutunayan Sa pamamagitan


ang katapatan ng pag- ibig ng isang pagpapakita ng mabuting intensyon
binata sa dalagang kanyang napupusuan. sa dalagang kanyang napupusuan.
.

Magaling! Ano pa kaya Kenneth? Sa pamamagitan ng pagpapakita ng

mga mabubuting gawain at sa paano


niya susuyuin ang dalaga
Iba pang mga tanong.

1. Ilarawan ang kilos at ugali ng dalaga Sila ay maituturing mga modernong


binatang tinutukoy sa sanaysay. dalaga at binata ngayon
sapagkat nasusukat na sa
modernisasyon ng
kanilang postura kapag may gusto
sa kanilang sinisinta.

May ideya ka! Ikaw Milky, maari mo rin bang Kanya-kanya po sila ng paraan sa pa

ilarawan ang kilos at ugali ng dalaga at binata aayos nang kanilang sarili.
sa binasa nating sanaysay?

Tama! Inilalarawan sa seleksyon na ating


binasa na ang dalaga at binata ngayon ay
moderno na rin sila sa pagpapakita
nang kanilang nararamdaman sa
kanilang sinisinta.

2. Ano-anong pag-uugaling binanggit sa Ma’am, marahil ang maaring


seleksyon ang dapat baguhin? baguhin sa pag-uugali ng dalaga
ay yung pagtatagal nila sa
“comfort room” dahil lang sa
pag-
aayos nang kanilang sarili.
Tama! Ano pa kaya, Cammille? Ma’am yung masyadong
pagpapa- ikli ng palda.

Tumpak! Dahil sa masyadong pagpapaikli


ng palda ay maaring dahilan ito
upang mabastos ang isang babae.

3. Masasabi bang natural lamang ang Opo ma’am, dahil sa pamamagitan


mga kinikilos. ng kanilang mga kilos naipapahayag
nila ang kanilang nadarama
sa kanilang sinisinta.

Magaling! Ito ay magsisilbing dahilan


ng isang dalaga at binata na maipakita
ang kanilang pagka-interes sa kanilang
minamahal.

4. Maituturing bang kapintasan ng isang dalaga Hindi po Ma’am.


ang magpahayag ng pag-ibig sa
isang binata?

Bakit mo naman ito nasabi? Sapagkat, maari silang mag-sisi


kapag hindi nila maipahayag ang
kanilang nararamdam.

Maari! Ikaw naman Rangelyn, maari bang Opo ma’am, dahil maaring pag-
maging kapintasan ng isang dalaga ang ugatan ito ng panlalait ng ibang
magpahayag ng pag-ibig sa isang binata? tao sa isang babae.

Maari din! Marahil kapintasan man ito


o hindi basta alam natin sa ating sarili
ang mga limitasyon natin sa pagpa-
pahayag nang ating nararamdaman sa
taong gusto natin.

5. Bigyang-puna ang ugali ng pagliligawan May malaking kaibahan


ng binata’t dalaga sa kasalukuyan. ang pagliligawan noon ng ating mga
magulang kung ihahalintulad
ngayon.

Noon, hindi basta maligawan ng


binata ang kanyang minamahal at
hindi basta-bastang
nakakaalis
ang isang dalaga sa kanilang bahay.

Tama! Ano pa ang ideya mo sa katanungan Noon po, hindi nakakasuot ng


Dheisa? mga maiikling damit ang mga
dalaga ngunit ngayon, nakakasuot
na nang mga damit
na maiikli sa mga pampublikong
lugar at nakakakita na rin
tayo ng
mga magkasintahan kung saan saan.

Magaling! Marahil may malaking kaibahan


man ang pagliligawan noon at ngayon ngunit
pare- pareho pa rin itong nagpapahayag
ng nararamdaman ng isang dalaga
at binata sa kanilang minamahal.

Ang ating binasang seleksyon kanina ay


isang uri ng Akdang Pampanitikan.

Ano kayang uri ng Akdang Pampanitikan Ito po ay isang sanaysay.


ito, klas?

Paano mo nasabing ito ay sanaysay? Ano ang


ideya niyo kapag naririnig niyo ang salitang
sanaysay?

SANAYSAY
Sa mga naisulat ninyo, ano ang nabubuo Ito ay ang kuro-kuro ng may akda.
ninyong kahulugan ng sanaysay?

Tumpak! Ano pa ang ideya ninyo? Ang sanaysay po ay isang maiksing


komposisyon na naglalaman ng
kaisipan at damdamin ng may akda.
Magaling! Ang sanaysay ay isang akdang
Pampapanitikan na naglalaman ng kuro-kuro
o kaisipan ng may-akda sa isang paksa.

Batay sa nabasa niyong sanaysay kanina, Ang ginamit ng may-akda na pama-


anong pamamaraan ang ginamit ng may- maraan sa sanaysay ay paglalahad.
akda.

Paano mo ito nasabi? Sapagkat inilalahad sa sanaysay ang


madalas na gawain ng dalaga at
binata kapag nagliligawan.

Tama! May iba pa ba kayong ideya? Inililalahad din po sa sanaysay yung


ginawa nang dalaga at binate
para mapahanga ang
kanilang sinisinta.

Magaling! Ngayon naging mabisa ba Opo! Dahil nailahad niya nang maa-
ang may-akda sa ginamit niyang pama- yos an gang kadalasang ginagawa ng
maraan? binata at dalaga kapag mayroon
silang gusto sa isang tao.

Magaling! Sa inyong palagay klas, maka- Ma’am sa palagay ko po ay makato-


totohananba ang mga pahayag na ginamit tohanan ang mga pahayag na ginamit
sa sanaysay o sariling opinyon lamang ito sapagkat kung mapapansin ngayon
ng may-akda? ito ay kadalasang ginagawa ng
dalaga at binata sa
kasalukuyang panahon.

Maari! May ideya pa ba kayo? Sa tingin ko po ay sariling opinyon


lamang ito ng may-akda,
marahil ito’y kuro-kuro
lamang niya
patungkol sa pagliligawan ng binata
at dalaga.
Salamat! Sa tingin niyo klas, nakaka- Opo, sapagkat ang sanaysay na naba-
pukaw ba ng damdamin ang sanaysay sa namin ay karaniwan ng nangya-
na inyong nabasa? yari sa kasalukuyang panahon.

Salamat! Ano pa klas? Nakakapukaw po ito ng damdamin


sapagkat sumasalamin ito sa ugali
ng dalaga at binata na nagliligawan
sa kasalukuyang panahon.
Maraming salamat! Tunay nga talaga
kayong nakinig sa ating talakayan.

5. Paglalapat

Para sa inyong gawain sa araw na ito,


ay gagawa kayo ng isang sanaysay
na pinamagatang “Ang Pag-ibig ay
Makapaghihintay”

(Pagwawasto sa output ng mga mag-aaral gamit ang rubriks


Pamantayan 15 puntos 10 puntos 5 puntos

Organisasyon ng Makabuluhan ang Naipakita ang Lohikal ang


mga ideya bawat talata dahil sa debelopmentng mga pagkakaayos ng
husay na talata subalit hindi mga talata subalit
pagpapaliwanag at makinis ang ang mga ideya ay
pagtalakay tungkol pagkakalahad. hindi ganap na
sa paksa. nedelop.

Mekaniks Walang Halos walang Maraming


pagkakamali sa mga pagkakamali sa mga pagkakamali sa mga
bantas, bantas, bantas,
kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at
pagbabaybay. pagbabaybay. pagbabaybay.

Gamit Walang Halos walang Maraming


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
estruktura ng mga estruktura ng mga estruktura ng mga
pangungusap at pangungusap at pangungusap at
gamit ng mga salita gamit ng mga salita gamit ng mga salita
6. Pagsasapuso
Gagawin niyo ba ang lahat upang Opo maam!
mapahanga ang inyong minamahal?

Bakit mo naman gagawin ang lahat. Dahil ito ay nagpapakita kung gaano
kapursigido ang isang tao para mapa-
hanga lamang ang kanilang
minamahal.

Marahil gagawin natin ang lahat para sa ating


minamahal ngunit tandaan natin na huwag
tayong magmadali sa mga bagay-bagay lalo
na sa larangan ng pag-ibig. Tandaan natin
na may taong nakalaan sa atin kaya huwag
tayong maging padalos-dalos sa pagdedesisyon.

7. Paglalahat
Klas, ano ang natutunan ninyo sa araw na Natutunan ko po na ang pag-ibig
ito? na tapat ay mapagtiis at maunawain
kaya ito’y nakapaghihintay.

Magaling! Ano pa ang natutunan mo Ruffa? Nalaman ko rin po ang kahulugan ng


sanaysay at yung isa sa mga uri nito
at kung paano magsulat ng
isang magandang sanaysay.

Magaling! Ano ulit ang kahulugan ng Ang sanaysay ay isang maikling


sanaysay klas? komposisyon na kalimitang nag-
lalaman ng personal na kuro-kuro
ng may-akda.

Magaling! Talagang nauunawaan niyo na


ang atingtinalakay ngayong araw na ito.
IV. Pagtataya
Gumawa ng sanaysay patungkol sa pagliligawan ng binata at dalaga sa
kasalukuyang panahon.

V. Takdang Aralin
Kapanayamin ang isang dalaga/binata sa inyong lugar tungkol sa mga katangiang
hinahanap nila sa kanilang napupusuan.
Masusing Banghay Aralin
sa Pagtuturo ng Filipino

Inihanda ni:
Gng. Leonida B. Caliguiran

You might also like