You are on page 1of 9

DETALYADONG BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO

BAITANG 9
Inihanda ni: Jefferson C. Andrin

I. Layunin:

Pagkatapos ng isang oras ang mga mag- aaral ay inaasahang:


a. Nailalahad ang mga pangyayari sa kabanata 7 ng Noli Me Tangere;
b. naihahambing ang suyuan noon at ngayon sa pamamagitan ng pagsasadula; at
c. napapahalagahan ang kultura at ugaling Pilipino na ipinamalas ni Ibarra at Maria
Clara sa pamamagitan ng islogan.

II. Paksang Aralin: Suyuan sa Asotea


(Noli Me Tangere- Kabanata 7)
Kagamitang Panturo: laptop, Cartolina, Pentel pen, IM’s
Sanggunian: Modyul sa Filipino 9, Internet, SLM, Pop- up Book, IM’s
Pagpapahalaga: Pagkakaisa

III. Pamamaraan: Deductive (Pasaklaw)

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating panalangin. Tatayo at mananalangin.

2. Pagbati
Magandang umaga mga mag-aaral!
Magandang umaga po, Sir.
3. Pagtala ng Liban
Sino-sino ang lumiban ngayon sa klase?
Sekretarya, pakitala ng mga lumiban sa klase at
ipasa mo sa akin mamaya.

4. Pagtala ng Takdang- Aralin


May mga takdang- aralin ba tayo klas? Meron po Sir!
Pakipasa dito sa harap ang mga takdang- aralin.

Tungkol saan ba ang ating takdang aralin klas? Tungkol po sa mga pagsubok na nararanasan,
solusyon nito at ano ang nagging aral sa buhay.
Tama!

Ano ba ang mga pagsubok na naranasan ninyo


sa buhay, papaano ninyo ito na solusyonan at (Ibinahagi ng mga mag- aaral ang kanilang mga
ano ang nagging aral nito sa inyong buhay? sagot).

Magaling!

Ang pagsubok na naranasan sa buhay ay ang


nakakuha ng mababang marka, solusyon nito ay
ang mag- aral ng mabuti, huwag pagpalinlang
sa mga barkada at ang nagging aral sa buhay
nito sa akin ay walang mawawala kung
susubukan.

5. Pagbabalik Aral
Ano ang tinalakay natin noong unang
pagtatagpo?
(Jannica) Ang ating tinalakay noong nakaraang tagpo ay
tungkol sa kabanata 6 ng Noli Me Tangere na
pinamagatang “Si Kapitan Tiyago”.
Tama! Paano nga ba inilarawan si Kapitan
Tiyago sa kabanata na ito? Sir!

Jamileen. Si Kapitan Tiyago ay mailalarawan bilang isang


magandang lalaki, may morenong
pangangatawan, pandak, at bilugan ang mukha.
Ang kanyang hitsura ay sinira ng pananabako at
pagnga- ngangaa nito.
Magaling! Ano pa ang mga mahahalagang
bagay na natuklasan niyo tungkol kay Kapitan
Tiyago at anak nitong si Maria Clara? Sir!

Jelian Nalaman po namin na hindi pala tunay na anak


ni Kapitan Tyago si Maria Clara ng dahil sa
panggagahasa ni Padre Damaso kay Donya Pia
ay nagkaanak sila. Yun po ay si Maria Clara.
Mahusay! Talagang nakikinig kayo sa ating
talakayan kahapon.

Wala na ba kayong katanungan tungkol sa ating Wala na po, Sir.


nakaraang leksiyon?

Magaling!

Dahil naiintindihan niyo na, ang ating nakaraang


leksyon. Dadako naman tayo sa ating
panibagong paksang tatalakayin ngayong
umaga.

B. Paglinang ng Gawain
1. Pagganyak
Sa umagang ito ay magkakaroon tayo
ng gawain. Meron akong lobo dito. Sa loob ng
lobo ay may nakasulat na mga pick up line ng
mga sikat na loveteam ng ating henerasyon
ngayon. Ang gagawin ninyo ay ipapasa ito sa
mga kaklase habang may ipinapatugtog akong
musika. Kung sino ang may hawak ng lobo sa
oras ng paghinto ng musika ay siyang
magpapaputok nito. Pagkatapos ay pipili siya ng
kapares upang isabuhay o isadula kung ano ang
nakasulat doon.

Maliwanag ba ang mekaniks sa gagawin ninyo? Maliwanag po.

Kung ganon ay simulan na natin.

(Ang mga linyang isasabuhay ng mga mag-


aaral:
1. Boy: Nag- review ka na ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi mamaya, pasasagutin na kita.
2. Boy: Kape ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi ginigising mo ang natutulog kong
puso.
3. Boy: Hindi mo na kailangan ng RELO.
Girl: Bakit?
Boy: Kasi handa kong ibigay lahat ng oras ko
sayo!)

Ang unang pares na magsasadula ay sina 1. Boy: Nag- review ka na ba?


Honiza at Amoncio. Tunghayan natin ang Girl: Bakit?
kanilang pagsasabuhay sa linyang nakuha. Boy: Kasi mamaya, pasasagutin na kita.

Palakpakan natin ang mahusay na pagganap (Clap! Clap! Clap!)


nila Honiza at Amoncio. Magaling!

Ang pangalawang pares ay sina Sancho at 2. Boy: Kape ka ba?


Cadorna. Tunghayan natin ang kanilang Girl: Bakit?
pagsasabuhay sa linyang nakuha Boy: Kasi ginigising mo ang natutulog kong
puso.

Palakpakan natin ang mahusay na pagganap (Clap! Clap! Clap!)


nila Sancho at Cadorna. Mahusay!

Ang pangatlong pares ay sina Donna at Jeff. 3. Boy: Hindi mo na kailangan ng RELO.
Tunghayan natin ang kanilang pagsasabuhay sa Girl: Bakit?
linyang nakuha. Boy: Kasi handa kong ibigay lahat ng oras ko
sayo!)

Palakpakan natin ang mahusay na pagganap (Clap! Clap! Clap!)


nila Donna at Jeff. Magaling!

Ano ang nararamdaman niyo habang


pinapanood niyo ang mga kaklase niyo na
nagsadula kanina. Sir!

Ikaw Charisse? Kinikilig po habang pinapanood ko sila kanina.

Okay. Ikaw naman Beyonce? Tuwa- tuwa po Sir kasi nadala ako sa kanilang
pag- arte. Magaling po sila.

Talagang nakakadala ang kanilang akting.


Nakakaramdam tayo ng kilig at saya habang
pinapanood sila. Saan ba natin kalimitang
naririnig at natutunghayan ang mga linyang ito? Sir!

Sige Donna. Tuwing dumidiskarte po ang lalaki sa babae

Tama! Ano pa? Tuwing nanliligaw o sinusuyo ang mga babae


ng mga lalaki po sir.

Tumpak! Ano ba ang kalimitang ginagawa o Sinasabihan po ng mga matatamis na salita ang
sinasabi ng mga lalaki sa babae tuwing mga babae o di kaya ay nagbibigasy ng sulat,
nanliligaw o nanunuyo? Jamileen. bulaklak at hinaharanan nila ang babae.

Magaling! Ang ganitong uri ba ng suyuan ay Hindi po lahat sir. Kasi ngayon isang chat or text
ginagawa pa rin ng mga magkasintahan ngayon lang pwede na. hindi na gaanong
o ng mga nagliligawan ngayon? pinaghihirapan para ng lalaki na ipakita ang
kanyang pag mamahal para sagutin ng babae.

Tama! Ganun din ba kayo klas? Hindi po sir!


Mabuti naman kong ganon.
2. Paglalahad
Kaya naman samahan ninyo ako at ating
tatalakayain ngayong umaga ang tungkol sa
kabanata 7 ng Noli Me Tangere na
pinamagatang “Suyuan sa Asotea”. Alamin natin “Suyuan sa Asotea”.
kung ano ang pagkakaiba ng suyuan noon at
ngayon at tingnan natin kung anong kaugaliang
Pilipino ang dapat nating panatilihin.

Pero bago iyan basahin muna natin ang ating


mga layunin. Pakibasa. Pagkatapos ng isang oras ang mga mag- aaral
ay inaasahang;
a. Nailalahad ang mga pangyayari sa kabanata
7 ng Noli Me Tangere;
b. Naihahambing ang suyuan noon at ngayon sa
pamamagitan ng pagsasadula; at
c. Napapahalagahan ang kultura at ugaling
Pilipino na ipinamalas ni Ibarra at Maria Clara sa
pamamagitan ng islogan.
3. Pamatnubay na Tanong
Sa ating pagtatalakay may mga katanungan
tayong nais mabigyang linaw. Basahin ng
sabay- sabay.

1. Sino- sino ang mga tauhan sa napanood na


kabanata?
2. Bakit maagang nagsimba si Maria Clara at
Tiya Isabel?
3. Paano pinatunayan ni Ibarra at Maria Clara
na hindi nila nilimot ang isa’t- isa?

4. Pag- alis ng Sagabal


Bago natin panonoorin ang ang suyuan sa
asotea, alisin muna natin ang mga salitang
maaring maging hadlang sa ating pagkatuto.
May ipapaskil akong limang salita na nakalagay
sa puso na pinulot ko mula sa binasa at
napanood na kabanata ng Noli Me Tangere
itapat niyo lang ang arrow sa puso ang wastong
kahulugan nito. Panuto: Piliin mula sa Arrow ang kahulugan ng
mga salitang nakapaloob sa Puso.

1. 1.

Napatda Napatda natigilan

2. 2.

Natatalos Natatalos nakaaalam


3. 3.

Mag- ulayaw Mag- ulayaw mag- usap

4.
4.

Nagtulos nagtirik
Nagtulos

5.
5.

Nagpapasikdo nagpapatibok
Nagpapasikdo

6.
6.

Asotea balkonahe
Asotea

Basahin ang mga salitang binigyang kahulugan


at ang mga sagot.

5. Pagbabasa ng Kabanata ng
Nobela
Sa puntong ito ay ating tatalakayin ang
kabanata 7 na pinamagatang “Suyuan sa
Asotea” sa pamamagitan ng pop- up book. Nakikinig ang mga mag- aaral.
Makinig ng mabuti dahil may katanungan ako
pagkatapos ng pagbabahagi ng kabanata.

6. Pagsagot sa mga pamatnubay na


Tanong
Maraming salamat sa pakikinig. Kanina ay
nagbigay ako ng mga katanungan, ngayon
naman ay bigyan natin ito ng mga kasagutan.

1. Sino- sino ang mga tauhan sa napanood na Ang mga tauhan sa kabanata 7 ay sina
kabanata? Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Tiya Isabel, at
Kapitan Tiyago.
Tama!

2. Bakit maagang nagsimba si Maria Clara at Maaga pong nagsimba si Maria Clara at Tiya
Tiya Isabel? Isabel sa araw na iyon sapagkat magkikita sila
Maria Clara at ang kasintahan nitong si
Crisostomo Ibarra.
Tumpak!
3. Paano pinatunayan ni Ibarra at Maria Clara Sinariwa nila ang ang mga alaala ng kanilang
na hindi nila nilimot ang isa’t- isa? pag- ibig.

Magaling!

7. Pagtatalakay
Sa puntong ito kung ating babalikan ang mga
pangyayari sa kabanata 7.

Anong klaseng relasyon mayroon si Ibarra at LDR po Sir!


Maria Clara?

Noong hindi pa dumating si Ibarra ano ang Nanahi po Sir!


ginawa ni Maria Clara? Hindi mapakali.

Tama!

Nang dumating na si Ibarra ano naman ang


Dali- dali po itong nag- ayos ng sarili.
ginawa ni Maria Clara?

Ganyan ba kayong mga babae kapag nandyan Opo Sir!


yung manliligaw niyo? Di Lang sa.

Saan nag- usap sila Crisostomo Ibarra at Maria


Clara? Sa Asotea po Sir!

Maari bang ilahad ninyo kung paano nila


sinariwa nina Ibarra at Maria Clara ang kanilang
pag- iibigan? Sige nga Renejean. Sa pamamagitan po ng pagbabasang muli sa
sulat na ibinigay ni Ibarra kay Maria Clara bago
ito umalis papuntang Europa at pag- alala ng
kanilang kamusmusan. Yung pag- aaway at
pagbabati rin naman nila agad.

Kuhang- kuha mo! Sang- ayon din ba kayo


klas? Opo Sir!

Natutuwa ako dahil napakahusay niyong


sumagot talagang naintindihan ninyo ang inyong
napanood.
May mga katanungan pa ba klas?
Wala na po Sir!
Pangkatang Gawain 1
Sa puntong ito ay magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain. Ang una at pangalawang
hanay ay ang unang pangkat, ang pangatlo at
pang- apat na hanay ay ang pangalawang
pangkat, ang panglima at pang- anim na hanay
ay ang pangatlong pangkat at ang pang- pito at Nakikinig ang mga mag- aaral.
pang- walong hanay ay ang pang- apat.

Balikan ang pangyayari sa kabanata 7 at mag-


isip kayo na tila isang status update sa mga
mahahalagang pangyayari sa kabanata 7, bago
ninyo yan ibahagi ay magkakaroon muna kayo
ng yell at isusulat lang dito sa ibibigay ko na
facebook status box. Pumili ng representante
mula sa inyong pangkat na siyang maglalahad
ng inyong output.

Maliwanag ba?
Opo Sir!
Mahusay kung ganun. Kaya ang tatlong minuto
niyo ay magsisimula na ngayon. (Matapos ang tatlong minuto ay nagkakaroon ng
pagtatanghal ang bawat pangkat).

Bigyan natin ng coca- cola clap ang bawat Clap! Clap! Clap!
pangkat na nagtanghal. Napakahusay ng inyong
ginawa.

8. Paglalapat

Pangkatang Gawain 2
Sa pagkakataong ito ay nais kong subukin ang
inyong kakayahan sa pag- arte kase alam kong
ang mga mag- aaral sa BCFI ay mga
magagaling sa pag- arte. Hahatiin ko ulit kayo
sa dalawang pangkat. Ang bawat pangkat ay
magtatanghal ng pagkakaiba ng suyuan noon at
ngayon. Ang unang pangkat ay magtatanghal
ng halimbawa ng suyuan noon at ang
pangalawang pangkat ay suyuan ngayon.
Mamarkahan ang inyong pagtatanghal sa mga
sumusunod na pamantayan:

Pamantayan sa Pagtatanghal
Kagalingan sa 50%
Pagganap
25%
Angkop ang 15%
ekspresyon ng mukha
sa ipinapakitang
emosyon o sa
damdaming pinalilitaw
Mahusay at Malinaw 10%
ang pagbitiw ng mga
pahayag
Kabuuan 100%

Bibigyan ko lamang kayo ng tatlong minuto para


makapaghanda.

Nakuha niyo ba klas? Opo Sir!

Kung ganun ay simulan niyo na ang (Pagkatapos ng tatlong minuto ay nagtanghal na


paghahanda. ang bawat pangkat).
Palakpakan niyo ang inyong mga sarili sapagkat
napakagaling nang inyong ginawang
pagtatanghal.

Marami pong pagkakaiba ang suyuan noon at


ngayon sa ipinakita sa kabanata. Una, noon ay
lalaki talaga ang pumupunta sa bahay ng babae
sapagkat konserbatibo po ang mga babae noon.
Samantalang ngayon ay kalimitang ang mga
babae na ang pumupunta sa bahay ng lalaki. Nakikinig ang mga mag- aaral.
Tapos noon po ay mahiyain ang mga babaeng
ipakita ang kanilang nararamdaman sa lalaki,
samantalang ngayon sila na minsan ang
nanliligaw sa mga lalaki. Kaya mas maganda pa
talaga ang panliligaw noon kase
nagsasakripisyo ang lalaki para makuha ang
minamahal hindi tulad ngayon na isang text o
chat lang at hindi na pinaghihirapan ang
panliligaw.

9. Pagpapahalaga
Paano ipinamalas ni Ibarra at Maria Clara ang
Sa pamamagitan po ng pagpunta ni Ibarra sa
kultura at kaugaliang Pilipino? bahay mismo ni Maria Clara para dalawin si
Maria Clara, na dapat talaga na lalaki ang
pupunta sa bahay ng babae para manuyo at
doon mag- usap ng kanilang mga
nararamdaman.
Tama!

10. Paglalahat
Ang tanging permanenteng bagay dito sa
mundo ay nagbabago. Sa pag- usbong ng
bagong henerasyon ay maraming kapansin-
pansing pagbabago ang nagganap na
pangyayari sa lipunan at isa na rito ang
panliligaw.

Pangkatang Gawain 3
Kaya naman sa parehong pangkat ay gumawa
kayo ng mensahe tungkol sa pagpapahalaga sa
kaugalian at kulturang Pilipino sa panliligaw sa Sa parehong pangkat:
pamamagitan ng islogan. Bibigyan ko lamang Gumawa ng mensahe o islogan para sa
kayo ng isang minuto para gawin ito. Ang pagpapahalaga ng kultura at kaugaliang Pilipino
pangkat na makakabuo ng pinakamagandang sa panliligaw.
mensahe o islogan ay makatatanggap ng
HAPPY.

Palakpakan natin ang bawat pangkat. Kahit na


maraming pagbabago ang nagaganap na istilo
ng panliligaw mula noon hanggang ngayon,
sana’y manatili ang tunay na kabuluhan nito,
ang maipakita ng manliligaw ang sinseridad ng
at malinis na paghahangad sa kanyang
nililigawan.
IV. Pagtataya
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa kalahating papel.
1. Anong katangian ni Ibarra o ni Maria Clara ang nagustuhan at nais mong sundin? Bakit?
2. Kung ikaw si Crisostomo Ibarra papayag ka ba na magkalayo kayo ng taong minamahal mo
para lang sa kagustuhan ng iyong ama?

V. Takdang- Aralin
Panuto: Gumawa ng dalawang saknong na tula tungkol sa pagliligawan. Ipapasa ito ngayong
April 12, 2023.

You might also like