You are on page 1of 4

Pebrero 19,2020

Banghay Aralin sa Filipino 9

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman:Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-


unawa sa isang obra maestrang pampanitikan ng Pilipinas.

B.Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakikilahok sa isang movie


trailer o storyboard tungkol sa isa sa lang tauhan ng Noli Me Tangere na binago
ang mga katangian.

C. Kasanayan sa Pagkatuto: Napaghahambing ang kalagayan ng lipunan noon at


ngayon batay sa sariling karanasan at sa napanood sa telebisyon at o pelikula.
(F9PD-Ivd-57)

II.Paksang Aralin

A.Paksa: Kabanata 10 ng Noli Me Tangere (Ang Bayan ng San Diego)

B. Kagamitang Pampagtuturo: , laptop, sipi, yeso at booklets

C.Sanggunian: Noli Me Tangere (Salin ni Virgilio S. Almario)(Pahina 38-45)

III. Pamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag aaral


A. Panimulang Gawain
1.Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa (Lahat ay tumayo para sa panalangin) Sa ngalan
panalangin. ng ama, ng anak … Amen.

2. Pagbati
Magandang hapon sa lahat. Magandang hapon po Bb. Decena.
Maaari nang umupo ang lahat. Salamat po.

3. Pagtala ng Liban
Sino ang liban sa hapong ito? Wala po

B. Pagbabalik-Aral

Bago tayo dadako sa ating bagong Itataas ang kamay at saka-sakaling matawag ay
talakayan ngayong hapon, ano nga ulit ang ating sasagutan nang buong husay ang tanong.
tinalakay noong nakaraang pagkikita?

Sige ikaw Stella. Ang tinalakay natin noong nakaraang pagkikita ay


tungkol sa kabanata 9 ng Noli Me Tangere na
Pinamagatang Mga bagay –bagay tungkol sa
Bayan .
Tama! Anong mahahalagang pangyayari ang (May magtataas ng kamay at sasagot sa
inilahad sa akda.,magbigay ng isa. katanungan)
Inilahad sa akda lalo na sa usapan nina Padre
Damaso at Padre Sibyla na ang pagkakasakit ng
pari ay kaparusahan sa mga nagawa niyang
pagmamalupit at pagmamalabis sa
kapangyarihan.

Magaling! Ano pa ang mga mahahalagang Nalaman po namin na mismong si Kapitan Tiago
bagay na nalaman ninyo ? na ama ni Maria Clara ay walang magawa dahil
Allen. ang lahat ng gustong sabihin at mangyari ng pari
ay kailangang matupad.Binanggit pa ni Padre
Damaso na siya ang mas makapangyarihan at siya
ang magdedesisyon nang makabubuti sa dalaga.
Mahusay! Talagang nakinig kayo sa ating
talakayan kahapon.
C. Presentasyon
1. Aktibiti
PINOY HENYO (6 Na Minuto)
Sa hapong ito ay magkakaroon tayo ng laro.Ang
klase ay hahatiin sa dalawang pangkat.Ang lider
ng pangkat ang siyang kukuha ng sobre na
naglalaman ng kategori sa gagawing Pinoy
Henyo.Para patas ay bubunot ang lahat ng kasapi
sa box upang malaman kung sino ang tagahula at
ang magpapahayag ng oo,hindi at
pwede.Inaasahan na ang lahat ng kasapi ay
makikilahok.

Paramihan ng nahulaang tamang salita sa loob ng


tatlong minuto bawat pangkat.

Handa na ba ang lahat? Opo


Kung ganon ay simulan na natin ang laro. Isasagawa na ang naturang laro

2. Analisis
Talagang napaisip ang lahat sa ating isinagawang Ang mga bagay,hayop,lugar at pangyayari ay
laro.Sa kabuuan,ano ang napansin ninyo o matutunghayan sa sinaunang pamayanan o sa
nahinuha sa nga piling salita na pinahulaan? panahon ng ating mga ninuno

Anthony

Magaling,ano kaya ang kaugnayan nito sa Maaari pong ang kabanatang tatalakayin natin ay
paksang ating tatalakayin sa hapong ito? patungkol sa isa sa tagpuan sa Nobela na
nagpapakita ng lugar na kinamulatan ng mga tao
noon.

Sa palagay ninyo saang lugar kaya ito? Baka po sa San Diego sapagkat doon po
naninirahan ang pamilya nina Ibarra.

Maaari,baka...,

3. Abstraksyon
(Paglalahad ng Aralin)Tatalakayin natin ngayong
hapon ang kabanata 10 ng Noli Me Tangere na
pinamagatang“Ang Bayan ng San Diego”.
Tunghayan natin ang nilalaman ng nasabing
kabanata. Alamin rin natin
kung paano inilarawan ang bayang may malaking
puwang,bahagi sa buhay ng mga tauhan sa
kwento.

a.Paghahawan ng Sagabal
Bago ninyo babasahin ang buod ng Itataas ang kamay ng sinumang nais sumagot sa
Kabanata 10, bibigyan muna ninyo ng talasalitaan.
kahulugan ang mga mahihirap na salita at
gamitin ito sa pangungusap.

Tingnan ninyo ang guhit na nasa pisara. Kung Nangangalisag- Paninindig ng balahibo
makikita ninyo, may stenelas na naglalaman ng Nakaulinig –nakarinig
mga salitang maaaring magdulot ng kalituhan Taluktok –tuktok
kapag hindi nalinaw ang kahulugan.. Ang gagawin Napagsasamantalahan –naloloko
niyo ay pipiliin ninyo ang kahulugan ng mga Matatas-matuwid magsalita
salitang ito sa kapares na stenelas.

Magaling!

b. Pagbasa ng Kabanata ng Nobela Panonod o dili kayay pagbasa sa akda.


Panoorin ang video clip na nagpapakita ng
kabuuang talakay sa kabanata 10 ng Nobela.

(Kung saka-sakaling hindi iaadya ..,ipakuha ang


aklat,sa walang aklat,meron karagdagang sipi
dito na ibibigay sa inyo. Sa loob ng tatlong minuto
ay babasahin ninyo nang tahimik ang buod ng
Kabanata 10 ng Noli Me Tangere na
pinamagatang “Ang bayan ng San Diego”.

c. Pagtatalakay sa Binasa Sasagutan ng mga mag-aaral sa abot ng kanilang


Mga gabay na katanungan: makakaya ang mga katanungan.
1. Ilarawan ang bayan ng San Diego batay sa
pagkakalahad nito sa akda.
2. Sino-sino ang mga tauhang nabanggit sa
akda?Paano sila nagkakatulad/nagkakaiba?
3. Batay sa akda,paaong ang isang gubat ay
naging bayan tulad ng San Diego.
4. Paano napaugnay si Padre Damaso sa mga
Ibarra?
5. Ano-ano ang mga alamt na lumalaganap
tungkol sa gubat sa San Diego?

4. Aplikasyon Pupunta sa mga kagrupo at pagtutulungang


Matapos basahin at nagawang talakayin ang akda isagawa ang bawat gawain.
ay hahatiin ang klase sa tatlong pangkat(Pangkat
AKO,AY,MAKIKINIG). Ang lider ng bawat pangkat
ay bubunot kung anong gawain ang isasagawa
nila. Kung sino man ang nakabunot ng larawan ni
Juan luna ang pangkat na gagawa ng gawain
bilang isa,ang nakabunot naman ng larawan ni
Jessica Soho ang magsasagawa ng gawain bilang
dalawa at ang ikatlong gawain sa nakabunot ng
larawan ni Edgar Allan Poe.

Gawain bilang isa: larawang guhit ng San Diego


Gawain bilang dalawa: patalastas na
nanghihikayat o dili kayay paglalarawang pabalita
Gawain bilang tatlo: pagsulat ng tula

Mamarkahan ang inyong paglalahad at Isasagawa ang paglalahad at Pagtatanghal ng


pagtatanghal sa pamamagitan ng mga naatas na gawain.
sumusunod na pamantayan:
Nilalaman_____________50%
Kaangkupan sa pagpili ng mga salita_25%
Kahusayan sa pagtatanghal__25%
Kabuuan_______________________100%

(Matapos ang limang minuto ay nagkakaroon


nang pagtatanghal ang bawat pangkat)

IV. Asessment

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat Sasagutan ang mga katanungan nang buong
ito sa kalahating papel. husay

1. Anong pagpapahalagang Pilipino ang


ipinamalas nina Don Rafael at Don Saturnino?
Taglay pa ba ito ng mga Pilipino ngayon?
2. Isalaysay ang relasyon ni Crisostomo Ibarra
sa matandang Kastilang inilibing sa gubat ng
San Diego.
3. Totoo nga bang mapamahiin ang mga Pilipino
noon kung ihahambing ngayon? Patunayan
4. Ihambing ang kalagayang panlipunan noon at
ngayon batay sa inyong sariling karanasan at
sa napanood ninyo sa telebisyon/ pelikula.

V. Kasunduan
Magsaliksik at basahin ng pauna ang kabanata 11 Gagawin ang itinakdang gawain
ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Ang mga
Makapangyarihan”.

Inihanda ni: Bb. Ella May Decena

You might also like