You are on page 1of 3

Pagsusuri sa Ponolohiya ng wikang Filipino at Waray

Patinig

Posporo- Pospora

Bituin-Bituon

Makikita sa korpus ng mga salita sa itaas ang pagkakaiba sa ginamit na ponemang patinig ng mga salita
sa wikang Filipino at Waray.Mapapansingang salitang posporo ay may panumbas na pospora sa wikang
Waray.Ang / o/ ay naging /a/ na siyang ginamit sa huling pantig ng salita.Ganoon din ang nangyari sa
salitang bituin at bituon; ang /i/ sa huling pantig ng salita ay naging /o/.

Katinig

Ahas- halas

Kumbinsido-conbensido

Kalapati-sarapati

Makikita sa korpus ng mga salita sa itaas ang pagkakaiba ng ponemang katinig ng wikang Filipino at
Waray.Ang salitang ahas sa Filipino ay may panumbas na halas sa Waray. Mapapansing may naganap na
paglilipat sa posisyon ng /h/ mula sa pinagmulang wika patungong isinaling wika.Ang /h/ na nasa gitna
ng salitang ahas sa Filipino ay naging pamuno ng salitang halas sa wikang Waray.Sa mga salitang
kumbinsido at cunbensido;mapapansing ginamit ang titik k sa wikang Filipino at ang panumbas naman sa
wikang waray ay titik c na binibigkas gaya ng /k/. Mapapansing ang /m/ sa naturang salita sa Filipino ay
naging/n/ . Ang salitang kalapati naman ay may panumbas na sarapati.Makikitang sa nasabing
salita,ang /k/ ay naging /s/ maging ang /l/ ay naging /r/.

Klaster

Ekonomiks-ekonomiks

Eksport- eksport

Tsokolate- tsokolate

Kwarto -kwarto

Dyip- dyeepnee

Grado - greyd

Makikita sa korpus ng mga salita sa itaas na ang mga salitang nakikitan ng klaster gaya ng ekonomiks,
eksport,tsokolate at kwarto sa wikang Filipino ay may parehong panumbas na salita sa wikang waray;
nasa magkaparehong kaligiran din makikita ang kambal katinig o klaster na ks,rt,ts at kw.
Makikita rin na ang salitang dyip sa wikang Filipino ay may panumbas na dyeepnee sa Wikang
Waray.Mapapansing isang pantig lamang ang dyip sa pinagmulang wika at ang panumbas nitoy naging
dalawang pantig. Mayroong pag- uulit sa ponemang patinig na e samantalang nasa magkatulad na
kaligiran ang ang kambal katinig na dy.

Ang salitang grado sa wikang Filipino na mayroong dalawang pantig ay may panumbas na isang pantig sa
wikang Waray na greyd.Ang panumbas na salita ay maaaring hinalaw nila sa panumbas nito sa Ingles.
Makikita na nasa magkaparehong kaligiran parin ang kambal katinig na ginamit na gr.

Diotonggo

Ama-amay

Wala-waray

Ina-iroy

Lolo- apoy

Suka-suoy

Maganda- maupay

Magaling- mahusay

Bakal- puthaw

Makikita sa korpus ng mga salita ang ilan sa mga salita sa Filipino at ang panumbas nito sa wikang
waray na mayroong diptonggo.Ang salitang ama sa Filipino ay naging amay sa wikang waray,nang itong
isinalin mapapansing idinagnag ang /y/ kaya kakikitaan ito ng diptonggo. Ang salitang wala ay naging
waray; mapapansing ang/l/ sa Filipino ay naging /r/ at ikinabit ang /y/ kakikitaan ito ng
diptonggo.Mapapansin din na hindi likas sa wikang Waray ang mga salitang
ina,lolo,suka,maganda,magaling,bakal at lawa kung kayat magkaibang salita ang naging panumbas sa
mga ito.Nang ang mga naturang salita sa Filipino ay isinalin sa wikang
Waray(iroy,apoy,suoy,maupay,mahusay,puthaw at danaw) kakikitaan ito ng diptonggong oy,ay at aw.

Antala

Kanin-kan- on

Gabi - gab-i

pagkakaltas ponema

Buwaya- buaya

Alimasag- masag
Harina -arina

Makikita sa korpus ng mga salita sa itaas ang pagbabagong naganap sa mga salita ng itoy isinalin mula sa
Filipino patungong wikang waray.Ang salitang buwaya sa Filipino ay naging buaya; mapapansing may
nakaltas na pomena ang /w/.

Ang salitang alimasag naman sa wikang Filipino ay may panumbas na salitang masag sa wikang
Waray.Mapapansing nang ang naturang salita ay isinalin makikitang kinaltas ang dalawa sa pantig ng
salita ang a-li. Sa salitang harina naman na may panumbas sa wikang waray na arina,mapapansing
kinaltas ang /h/.

Ponemang Malayang Nagpapalitan

Araw- adlaw

Sugarol- hugador

Buwan- bulan

You might also like