Professional Documents
Culture Documents
ANGEL
PAMAGAT NG ULAT: Kasaysayan ng Ortograpiyang Filipino
ASIGNATURA: PhD FL 384 – Leksikograpiyang Filipino
PROPESOR: Dr. Penelope Tica-a
LEKSIKOGRAPIYANG FILIPINO 1
Ang letrang C, Ň, Q, X ay itinuturing na redundant. Ibig sabihin, hindi
kumakatawan ang mga ito sa iisa at tiyak nay unit ng tunog sa palatunugang
Ingles.
Gagamitin ang mga letrang ito sa salitang naglalaman ng letra ay binabaybay ng
buo ayon sa orihinal nitong anyo.
o Ang salita ay pangngalang pantangi
o Ang salita ay teknikal o siyentipiko
o Ang salita ay may natatanging kahulugang kultural
o Salitang may irregular na ispeling, ibig sabihin gumagamit ng sala o higit
pang letrang hindi binibigkas
o Salitang may internasyonal na anyong nakikilala at ginagamit
Pasalitang Pagbabaybay
LEKSIKOGRAPIYANG FILIPINO 2
Pasulat na Pabaybay
Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika
sa Pilipinas.
o vakul‟ (Ivatan)
o payyo/payew (Ifugaw) pangkalahatang tawag sa palayan ng mga Ifugaw.
o bananu (hudhud) sa halip na hagdanghagdang palayan (rice terraces)
o butanding (Bikol) sa halip na “whale shark”
o cabalen (Pampango) kababayan
LEKSIKOGRAPIYANG FILIPINO 3
Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na “o” hindi ito pinapalitan
ng letrang “u”. Ginagamit ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.
o ano - ano-ano
o sino - sino-sino
o pito - pito-pito
o halo - halo-halo
Sa mga salitang may “o” sa huling pantig inuulit man o inuunlapian, nananatili ang
letrang “o”. Ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang ugat.
o Bukod – bukod-bukod
o Kahon – kahon-kahon
o Dugtong – dugtong-dugtong
o Milyon – milyon-milyon
o Taon – taon-taon
Gamitin ang natatanging mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas at
panatilihin ang orihinal na baybay.
o “bana” (Hiligaynon at Sugbuanong Binisiya) tawag sa asawang lalaki
o “butanding “(Bikol) whale shark
o “Imam” (Tausug) panseremonyang sayaw
o “Banhaw” (Visaya) muling pagkabuhay
LEKSIKOGRAPIYANG FILIPINO 4
o “Chidwai (Ivatan) biloy (dimple)
o “Gahum” (Cebuano, Hiligaynon,Waray) kapangyarihan
Panghihiram sa Wikang Ingles – kung ang wikang Ingles at iba pang wikang
dayuhan ang pinanghihiraman, panatilihin ang orihinal na ispeling kung makalilito
sa pagsasa-Filipino o baybay.
o Habeas corpus o Spaghetti
o Bouquet o Jogging
o Salvage
LEKSIKOGRAPIYANG FILIPINO 5
Pagpapantig
Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, katutubo man o hiram,
ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa kasunod na
patinig.
o Buksan buk-san
o Pinto pin-to
o Pantig pan-tig
o Tokwa tok-wa
Kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang
dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa kasunod na patinig
o Eksperimento eks-pe-ri-men-to
o Eksperto eks-perto
o Inspirasyon ins-pi-ras-yon
o Transpormer trans-pormer
Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang
dalawang katinig ay kasama ng patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa
patinig na kasunod.
o Ekstradisyon eks-tra-dis-yon
o Eksklusibo eks-klu-si-bo
o Transkripsyon trans-krip-yon
o Eksplosibo eks-plo-si-bo
Pag-uulit ng Pantig
Kung ang unang tunog ng salitang ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig
lamang ang inuulit.
o Alis aalis
o Ulan uulan
o Iwan iiwan
LEKSIKOGRAPIYANG FILIPINO 6
Ang tuntuning ito din ay sinusunod kahit na may unlapi ang salita
o Mag-alis mag-aalis
o Umulan umuulan
o Maiwan maiiwan
Kung ang unang pantig ng salita ay nagsisimula sa KP, ang katinig at kasunod na
patinig lamang ang inuulit.
o Basa babasa magbabasa
o Lakad lalakad maglalakad
o Takbo tatakbo nagtatakbo
o Putol pupurol magpuputol
Kung ang unang pantig sa salitang-ugat ay may kambal katinig o klaster, inuulit
lamang ang unang katinig at patinig.
o Plantsa paplantsahin magpaplantsa
o Prito piprituhin magpiprito
o Preno pepreno magpepreno
Sa mga salitang hiram na kalimitam ay Ingles, ang inuulit ay ang tunog ng unang
katinig at patinig.
o Brown out magba-brown out
o Drawing magdo-drawing
o Transcribe magta-transcribe
Kapag ang salitang hiram ay may digrapo o kambal katinig na may iisang tunog,
inuulit ang digrapo at ang unang patinig o tulog sa Filipino ng unang pantig.
o Shower magsha-shower
o Tsokolate magtso-tsokolate
o Tsinelas magtsi-tsinelas
Ang iba pang salitang hiram na may kambal katinig kapaginuulit o nilalapian ay
binabaybay sa pamamagitan ng pag-uulit ng tunog ng unang katinig at patinig ng
unang pantig ng salitang-ugat.
o Iki-crimate
o Magko-crochet
o Magda-dye
LEKSIKOGRAPIYANG FILIPINO 7
Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula
sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan.
o Mag-alis
o Nag-isa
o Nag-ulat
o Pag-asa
Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brando tatak ng bagay o
kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa
spelling.
o Maka-Diyos o Pa-Baguio
o Maka-Rizal o Maka-Johnson
o Maka-Pilipino o Taga-Luzon
LEKSIKOGRAPIYANG FILIPINO 8