You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 9

I. LAYUNIN
A. Nailalarawan ang katangian ng bawat tauhan sa pabula.
B. Naibibigay ang kahalagahang pangkatauhan na nauukol sa pabula.
C. Nakapagsasadula ng mga bahaging naibigan sa kwento.

II. PAKSANG – ARALIN


1. Pamagat: “Ang Hatol ng Kuneho”
2. May Akda: Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
3. Sanggunian: Panitikang Asyano 9
4. Mga Kagamitan: Powerpoint, Visual Aids, Aklat

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag - Aaral
A.Panimulang Gawain
1. Panalangin
Danica, maaari ka bang tumayo dito sa harapan
upang pangunahan ang panalangin. Panginoong aming Diyos, patnubayan mo po ang araw
na ito sa aming lahat upang magampanan namin ang
aming sariling tungkulin. Gabayan din naman ninyo
ang aming guro upang magkaroon sila ng sapat na
katiyagaan upang maihatid sa mga estudyante ang
mga aral na dapat nilang ituro. Pagpalain mo rin ang
aming mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa
amin. Salamat po. Amen.

2. Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat. Magandang umaga din po aming guro.

Bago kayo umupo ay pakipulot muna ang mga kalat sa


ilalim ng inyong upuan at pagkatapos ay maaari na
kayong umupo. Maraming salamat po.

3. Hillary, maaari mo bang ilahad kung sino – sino ang


mga lumiban ngayong araw. Ikinalulugod ko pong ipinapabatid na wala pong
lumiban ngayong araw.

Mabuti! Kung gayo’y natitiyak kong mas magiging


maganda at masaya ang ating talakayan ngayong
araw.

4.Pagbabalik – Aral
Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa pandiwa, Opo.
tama ba?
Kung gayon ano na nga ulit ang pandiwa, Ely? Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng
kilos o galaw.

Tama! Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o


nagbibigay buhay sa isang lipon ng mga salita.
Magbigay nga ng mga halimbawa ng pandiwa, Prince. Kumanta, sumayaw, at nagbasa.

Tama! Ano pa? Umiyak, tumakbo, naglakad.

Magaling! At ano na nga uli ang tatlong aspekto ng


pandiwa, Trisha? Perpektibo, Imperpektibo, at Kontemplatibo.

Tama! Magbigay nga ng halimbawa nito? Tumawa, tumatawa at tatawa.

Magaling! Talaga ngang naunawaan na ang tungkol sa


pandiwa.

Ngayon ay dadako na tayo sa bagong aralin.

Ngunit bago yun ay mayroon akong nakahandang mga


tanong na inyong sasagutin kapag nahintuan kayo ng
awit.

5.Pagganyak
Panuto: (Habang tumutugtog ang isang awit, Umiikot
ang mga tanong na sasagutin ng mag – aaral kapag
nahintuan ng awit.)

1.Kung ikaw ay magiging hayop,


anong hayop ang pipiliin mo?
Bakit? (Sasagot ang mag – aaral)

2.Sa anong hayop mo


maihahalintulad ang iyong (Sasagot ang mag – aaral)
sarili? Ipaliwanag.

3. Paano ka magbigay ng
isang hatol? Sasagot ang mag – aaral)

Salamat sa pagbabahagi ng inyong damdamin at


saloobin. Ano kaya sa tingin niyo ang kinalaman nito
sa ating tatalakayin ngayon? Tungkol po ito sa mga hayop.

Nakuha mo! Ito nga ay tungkol sa mga hayop.


Ano na nga ulit ang tawag sa akdang pampanitikan na
ginagamitan ng mga hayop bilang tauhan? Pabula.

Magaling! Ito nga ay pabula.


Ano na nga ba ulit ang pabula? Ang pabula ay isang uri ng kathang – isip na akdang
pampanitikan na kung saan ang mga hayop ang
gumaganap bilang tauhan.

Mahusay! Dahil ang pag – aaralan natin ngayon ay


isang pabula na hinalaw sa Korea.

Ngunit bago ko sabihin kung ano ang pamagat ng


ating pabula ay huhulaan niyo muna kung ano itong
hawak ko.

(Nakahawak ang guro ng isang moleta. Panghatol po.

Tama! Ito nga ay ginagamit na panghatol.


Saan ba kadalasang ginagamit ito? Sa korte.

Magaling! Ito ay isang moleta na kadalasang


ginagamit sa paghatol. At may kinalaman ito sa pag –
aaralan natin ngayon na pinamagatang “Ang Hatol ng
Kuneho.”

Ngunit bago yun, mayroon ditong mga malalalim na


salita na maaaring makasagabal sa inyong pagbabasa.

B. Pagtalakay sa Aralin
1. Paghawan ng sagabal
Panuto: Upang mapakain ang kuneho ay kinakailangan
piliin sa hanay B ang kasingkahulugan ng mga salita
sa hanay A at gamitin sa pangungusap. Kapag mali
ang sagot ay maaaring mamatay ang kuneho.

A B
A B

Lumupasay

Lumupasay Lumupasay

Sakmalin Sakmalin
Lumulukso Lumulukso
- lukso - lukso

Nakadungaw
Nakadungaw

Hapong
Hapong
- hapo
- hapo

2. Pagpapabasa
(Pipili ang guro ng anim mag –aaral na babasa ng (Babasahin ng mga napili ang kwento sa harap.)
isang akda.)
Opo.
Naunawaan ba ng binasa?

3. Mga Gabay na Tanong


1. Sino – sino ang mga tauhan sa kwento? Tigre, lalaki, puno ng pino, baka at kuneho.

2. Ibigay ang mga katangian ng mga tauhan. Tigre, siya ay mapanlinlang, sinungaling, at walang
utang na loob.
Lalaki, siya ay matulungin at matapang.
Puno ng Pino, siya ay mapagsumbat.
Baka, mapagsumbat.
Kuneho, matalino.

3. Saan ang tagpuan ng pangyayari? Sa gubat.

4. Paano nga ba nagsimula ang kwento? Nagsimula ang kwento nang marinig ng lalaki na
humihingi ng tulong ang tigre.

5. Ano ba ang ipinangako ng tigre kapag tinulungan Na tatanawin niyang utang na loob ito at hinding –
siya ng tao? hindi siya malilimutan.

6. Tinulungan ba ng lalaki ang tigre kahit na


mayroong pag – aalinlangan? Opo.

7. Kung ikaw ang tao sa tauhan tutulungan mo din ba


ang tigre kahit na hindi ka sigurado na hindi ka niya
kakainin? Bakit? Tutulungan ko, dahil malaking bagay ang pagtulong
lalong - lalo na sa nangangailan. At hindi ko na iisipin
kung ano ang posibleng mangyayari.

8. Kung ikaw naman ang tigre sa tauhan, gagantihan


mo ba ng masama ang tumulong sayo? Bakit? Hindi, sapagkat hindi biro ang ginawa niyang
pagtulong bagkus mas pinili niyang magtiwala at
unahin ang kapakanan ko kaysa sakanyang sarili.

9. Ano ang naging hatol ng kuneho?


Na manatili na lamang ang tigre sa butas at
magpapatuloy sa paglalakbay ang lalaki.

10. Sa inyong palagay, bakit kaya “Ang Hatol ng


Kuneho” ang pamagat ng kwento? Sa palagay ko ito ay dahil sa matalinong hatol ng
kuneho kaya nalutas ang isang suliranin sa sitwasyon.

Magaling! Ano naman ang gintong aral na mapupulot


sa pabula, Noemi? Huwag agad magtiwala sa hindi mo kakilala,” dahil
katulad ng nasa pabula agad na nagtiwala ang lalaki
sa tigre at yun ang dahilan ng kanyang
pagkakapahamak.

Tama! Ano pa, Irene? Matutong tumanaw ng utang na loob.

Tama! Kailangan matuto tayong tumanaw ng utang na


loob.
Naunawaan na ba ang kwento? Opo.

Kung gayon ay papangkatin ko kayo sa tatlo.

C.Pangkatang Gawain
Pangkat 1
Panuto: Sa pamamagitan ng Vertical Box Rabbit.
Ilarawan ang katangian at ng bawat tauhan sa
pabula.

Tauhan Katangian Tauhan Katangian


Tigre -mapanlinlang, sinungaling, at
walang utang na loob
Lalaki -matulungin at matapang
Puno ng Pino -mapagsumbat
Baka -mapagsumbat
Kuneho -matalino
Pangkat 2
Panuto: Magbigay ng kasabihan na nagpapakita ng
kahalagahang pangkatauhan at ipaliwanag.

”Ang hindi marunong


lumingon sa pinanggalingan
ay hindi makararating sa
paroroonan.”

PAMANTAYAN
Nilalaman 40%
Presentasyon 40%
Kaayusan 30%
KABUUAN 100%

Pangkat 3
Panuto: Magsadula ng dalawang mahahalagang
pangyayari na naibigan niyo at ipaliwang kung bakit
iyon ang inyong napili.

PAMANTAYAN
Kahusayan sa pag-arte 40% (Magsasadula ang mga mag – aaral ng dalawang
Kalinawan ng boses pangyayaring nagustuhan sa kwento.
Maayos na paglalahad 40%
30%
KABUUAN 100%

Mayroon lamang kayong 5 minuto para tapusin ang


inyong gawain.

Maaari na kayong magsimula.

D. Pag – uulat ng Mag – aaral


Tapos na ang ibinigay kong oras para sa inyong
gawain. Ngayon ay maaari niyo nang idikit sa pisara
ang inyong mga nagawa.
Maliwanag ba?

E. Pagbibigay Input ng Guro


Sa kabuuan, naipamalas niyo ang inyong talento at
kahusayan. Nailahad niyo ang mga katangian ng mga
tauhan at inyong sariling pananaw at damdamin ukol Opo.
sa nabasa at nakapagsadula kayo ayon sa naibigan (Iuulat ng bawat grupo ang kanilang gawain.)
niyong bahagi ng kwento.

F. Paglalahat/Sintesis
Panuto: Itala sa puno ng pino ang natutunan mo.

Matutong tumanaw ng utang na loob

Huwag basta – basta magtitiwala sa iba.

Maging patas sa lahat ng bagay.

Laging tatandaan na ang pabula ay hindi lamang isang


kuwentong kathang - isip kundi ito’y kapupulutan din
ng aral na huhubog sa ating pagkatao. Itinuturo ng
pabula ang tama, patas, makatarungan, at makataong
ugali. At ang mga hayop ay nagsisilbing sagisag ng
katangian at pag – uugali ng tao.

IV.Pagtataya

Panuto: Batay sa binasang akda, magbigay ng isang mahalagang pangyayari at ipaliwanag ang
kahalagahang pangkatauhan nito.

PAMANTAYAN
Bisa sa isip 5 puntos
Bisa sa damdamin 5 puntos
Bisa sa lipunan 5 puntos
KABUUAN 15 puntos

Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto.

V. Takdang – Aralin

Panuto: Basahin ang “Nagkamali ng Utos” at sagutin sa kuwaderno ang mga gabay na tanong sa
pahina 111 panitikang asyano 9.

You might also like