You are on page 1of 10

Detalyadong Banghay Aralin sa Filipino Baitang 7

Lunes 7:30 n.u – 8:30 n.u


Ika- 5 ng Setyembre 2022
I.LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisagawa ng mag-aaral ang pagpapakilala sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao
gamit ang social media platform.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng


kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan (F7PN-Ia-b-1)

1.1 Natutukoy ang kaugalian at kalagayang panlipunan sa kuwentong-bayan ng


Mindanao.
1.2 Naipapaliwanag ang kaugalian at kalagayang panlipunan sa kuwentong-bayan ng
Mindanao sa pamamagitan ng pagpost sa social media.
1.3 Napapahalagahan ang kaugalian at kalagayang panlipunan sa kuwentong-bayan ng
Mindanao.

II. NILALAMAN
Ang Munting Ibon: Kuwentong-bayan ng Mindanao
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian
1. MELC 225
2. Video Clip
3. Mga larawan sa google
4. https://youtu.be/uldzLg2R0-S

B. Iba pang Kagamitang Panturo


1. Powerpoint Presentation
2. Laptop
3. Speaker
4. Cardboard
5. Chalk

IV. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. PANIMULANG GAWAIN
a. Panalangin

Inaanyayahan ko ang pangulo ng Magsitayo ang lahat at iyuko ang mga ulo
klase,si Bb. Mariel na pangunahan ang tayo’y manalangin. Sa ngalan ng Ama ,Anak at
panalangin. Espiritu Santo.Panginoon maraming salamat
sa panibagong araw na ito. Amen.

b. Pagbati
Magandang umaga po Ginang Elaine!
Magandang umaga klas! Magandang umaga mga kaklase!
Magandang umaga.
c. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago umupo ayusin ang hanay ng mga (Inayos ang hanay ng mga upuan at itinapon
upuan at pulutin ang mga basurang ang mga basurang Nakita sa paligid at
makikita sa paligid at itapon. nagsiupuan ang lahat.)
Maaari ng umupo klas.

d. Pagtala ng Liban

Tinatawag ko ang atensyon ng ating (Binilang ang mga kaklse.)


kalihim na itala ang mga lumiban sa Ma’am wala pong lumiban sa araw na ito lahat
klase. po ay pumasok.

Mabuti naman at walang lumiban sa (Nagsitayuan ang lahat at sinimulan ang


ating klase ngayon.Gustong gusto pagpalakpak at pagpadyak.Pagkatapos ay
niyo talagang matutu ng mga bagong umupo na ang lahat.)
aralin.
Ngayon bigyan ang sarili ng tatlong
palakpak at tatlong padyak .
Magsitayo ang lahat.

B. Balik-Aral sa nakarang aralin at /o


pagsisimula ng bagong aralin.

a. Balik-aral
Kahapon ang ating tinalakay ay tungkol sa
Sinong nakaalala sa tinalakay pagpapkahulugan ng Panitikan. Ang panitikan
kahapon? Itaas ang kanang kamay sa ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga
gustong magbahagi sa tinalakay na kaisipan,mga damdamin,mga
aralin kahapon. karanasan,hangarin at diwa ng mga tao.
Okay ,Ginoong Mark .
Opo ma’am.
Tama ka Ginoong Mark.
Mahusay ang iyong pakikinig sa
talakayan kahapon. Ang Panitikan o
Literature sa Ingles ay nagsasabi o
nagpapahayag ng mga kaisipan kung
kaya’t ang manunulat ay binibigyang
diin ang mga damdamin,mga
karanasan,mga hangarin at diwa ng
tao. Naitindihan ba klas?
Handang-handa na po ma’am.
Kung gayon mabuti naman klas.
Nababatid kung handa na ang lahat
para sa ating aralin ngayong araw.
Handa na ba ang lahat?

C. Paglalahad ng bagong aralin Opo ma’am.

May mga larawang inihanda


nais kung ilarawan ninyu ito batay sa
inyong pang-unawa.

Ipinapakita nito ang lawak ng mapa ng


Mindanao.
Unang Larawan

Ipinapakita sa larawan ang mga tradisyon at


Ikalawang Larawan kaugalian ng mga kapwa Pilipino.

Mula sa ikatlong larawan binibigyang diin nito


ang kultura ng Mindanao lalo na ang mga tribu
Ikatlong Larawan ng Muslim.

Tama! Mahusay ang inyong


pagpapaliwanag sa mga larawang
ipinakita.
Tinutukoy nito ang parte ng
Mindanao at mga ugali at tradisyon Opo ma’am.
na nangyayari sa lipunan.

Ngayon may ideya na ba kayo sa ating


paksang tatalakayin?
Kung gayon ihanda ang inyung
panulat at kwaderno at itala ang mga
mahahalagang impormasyon na
maririnig at makikita. (Nagkabuo ang mag-aaral ng tatlong pangkat.)

D. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

Magkakaroon tayo ng Pangkatang


Gawain.
Panuto: Ayusin ang mga nagkabuhol-
buhol na letra para mabuo ang KUWENTONG-BAYAN
tamang salita at iugnay sa akmang = ay bahagi ng isang particular na pangkat ng
kahulugan nito. mga tao;sinasaklaw nito ang mga tradisyon
karaniwan sa kalinangan,subkultura , o
Pangkat Una = TONGWENKU YANBA pangkat na iyon.

KAUGALIAN
= o tradisyon ay mga
paniniwala,opinion,kostumbre o mga
Pangkat Pangalawa = LIANUGA kuwentong naisalin mula sa mga magulang
papunta sa mga anak nila.

PAGHIHINUHA
= ito ay ang pagbibigay ng iyong sariling haka-
haka o opinion tungkol sa isang bagay o
sitwasyong naganap.
Pangkat Pangatlo = HANUHIHIPAG
(Nagpalakpakan at nagpadyakan)

Opo ma’am.
Mahuhusay ang lahat na pangkat.
Bigyan ang mga sarili ng tatlong
palakpak at tatlong padyak.

Ito ang mga terminong dapat nating


pakatandaan upang mas magkaroon
ng malawak na pagkaintindi sa
paksang tatalakayin. Naintindihan ba
klas? Opo ma’am. (Inihanda ang mga sarili sa
pakikinig at panonood inihandang video clip
E. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa mula sa youtube.)
bagong aralin

Ngayon ihanda ang mga sarili sa


pakikinig ng isa sa mga kuwentong-
bayan sa Pilipinas partikular sa
kapuluan ng Mindanao. Ito ay (Ang Munting Ibon Video Clip)
pinamagatang ANG MUNTING IBON
ang kuwentong-bayan ng
AGAMANIYOG.
Nagkaintindihan ba klas?
Ang Kuwentong-bayan na Ang Munting Ibon ay
http://youtu.be/uldzLg2R0-S may pangunahing tauhan sina Lokes a Babay at
Lokes a Mama. Kapwa pangangaso ang
F. Pagtalakay ng bagong konsepto at kanilang pamumuhay.Isang arawa nakakuha si
paglalahad ng bagong kasanayan #1 Lokes a Mama ng malaking usa,samantala……
(ipinagpatuloy ang pagsasalaysay)
Ngayong natapos na ang panonood
ng video clip. Sino sa inyo ang (pinalkpakan ang mag-aaral na nagbahagi)
makapagsasalaysay sa “Ang Munting
Ibon”? Itaas ang kanang kamay upang
mabigyang pansin.

Mahusay ang iyong pagsasalaysay at


paglalarawan talagang napakinggang
mabuti at napanood ng maigi ang
kwentong-bayan.

Ang Munting Ibon ay kuwentong-


bayan ng Maranao.
Tauhan = Lokes a Mama
Lokes a Babay
Tagpuan = Agama(Relihiyon) + niyog
“Lupain ng mga niyog” Kung ako si Lokes a Babay at ginanito ako
pagtratu ng aking asawa. Kakausapin ko siya
Narito ang ilan sa mga katanungan na masinsinan at papakinggan ang kanyang
patungkol sa kwento ,itaas ang panig.
kanang kamay sa gustong magbahagi (nagbahagi pa ang ibang mag-aaral)
ng kanilang sagot.
Naging mayaman po si Lokas a Babay dahil sa
1. Kung ikaw si Lokes a Babay ,ano mga gintong itlog ng ibon. At naisipang ilihim
ang gagawin mo kapag ganito ang ang bagay na ito sa kanyang asawa dahil na rin
pagtrato ng asawa mo sa iyo? sa ginawa ng asawa sa kanya,ang pagpalit ng
mga nahuling hayop.
(nagbahagi rin ang ibang mag-aaral)

2. Anong magandang kapalaran ang Sa paraang pagpalit ng mga bitag nila kung
nangyari kay Lokes a Babay? Bakit saan malking usa ang nabitag ni Lokas a Babay
kaya niya naisipang ilihim ang at ibon ang nabitag ni Lokas a mama. Ngunit
bagay na ito sa kanyang asawa? pinagpalit ni Lokas a Mama ang dalawang
hayop at hindi niya napansin na nakita ito ni
Lokas a Babay. Ang isa pang hindi
makatarungang ginawa ni Lokas a Mama ang
3. Sa paanong paraan niloko ni Lokas hindi pag-aya sa hapunan kung saan siya lang
a Mama ang asawa niyang si Lokas ang kumain sa bihag na pinagpalit niya.
a Babay? Anu -ano pang hindi
makatarungang bagay ang ginawa Kung ako si Lokas a Mama hahanapin ko si
niya sa asawa? Lokas a Babay hihingi ako ng pasinsya at
patawad sa mga kasalan na aking ginawa dahil
naging sakim ako sa lahat ng bagay. At kung
hindi man ako tatanggapin ni Lokas a Babay
tatanggapin ko ito at maging aral sa akin na
4. Kung ikaw si Lokas a Mama,ano huwag maging sakim lalo na sa pamilya.
ang gagawin mo sa sitwasyong Magsisimula at babangon muli ako para sa
iiwan ka na ng iyong asawa nang panibagong pag-asa .
dahil sa mga hindi mabubuting
bagay na ginawa mo sa kanya? Opo ma’am.

Mahuhusay talagang may emosyon


kayong ipinapahiwatig sa bawat
sagot na inyung ibinibigay. Lagi
nating isa-isip na kapag may ginawa
kang kamalian at kasakiman may
kapalit ito. Kaya pinapaalala ko sa
lahat na maging mabuti sa kapwa
lalo na pamilyang meron ka.
Naintindihan ba klas?

G. Pagtalakay sa bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2

Mula sa kwentong-bayan “Ang


Munting Ibon” mas nakilala natin ang
mga tauhan at kalagayang panlipunan (Ibinigay sa bawat pangkat ang cardboard at
sa lugar na kanilang ginagalawan. chalk.)
Upang mas mapalawak pa ng lubusan
ang kanilang iba’t ibang kaugalian at
kalagayan sa lipunan narito ang ilang
mga katanungan.
(Lahat ng pangkat sumagot ng A,ang may
Panuto: Mula sa tamang sagot)
pangkatan ,pakinggan ng mabuti ang
katanungan at pagpasyahan kung ano
ang iyung kasagutan. Isulat ang
malaking titik sa cardboard gamit ang
chalk.
(sumagot ng A ang lahat ng pangat,ang
1. Ang mag-asawa sa binasa ay tamang sagot)
kapwa nabubuhay sa pangangaso.
Ang kanilang lugar ay:
A. Magubat at mapuno
B. Nasa tabing dagat
C. Nasa lungsod

2. Iniluto ni Lokes a Mama ang


matabang usa at ito’y kanyang
kinaing mag-isa nang hindi man
lang inaalok ang kanyang tahimik
lang at hindi tumututol na
maybahay. Ang nais ipahiwatig ng
pahayag ay?
A. Ang lalaki ang lider ng
sambayanan kaya’t
mas nagagawa niya
ang nais kaysa sa
babe. (sumagot ng A ang lahat ng pangkat,ang
B. Ang lalaki ang siyang tamang sagot)
tagapagluto at
tagapagpamahala sa
kusina.
C. Ang babae ay hindi
hinahayaang kumain
ayon sa paniniwala.
(sumagot ng A ang lahat ng pangkat,ang
3. “ Alam kong niloloko mol ang tamang sagot)(sumagot ng A ang lahat ng
ako,pero hindi kita papatulan”, pangkat,ang may tamang sagot)
ang tahimik niyang naibulong sa
sarili. Ang babaeng tulad ni Lokes
a Babay ay:
A. Matampuhin
B. Mapagtimpi
C. Magagalitin

4. Magmula ngayon ,lilipat na ako ng


tirahan at hindi na kita aabalahin
subalit huwag na huwag mon a rin
akong aabalahin”,ang nais
ipahiwatig sa sinasabing ito ni
Lokes a Babay na…..
A. Ang babae,gaano man
kabait ay napupuno rin (Lahat ay sumagot ng ,ang tamang sagot.)
at natututong
ipagtanggol ang sarili.
B. Ang lalaki ay siyang hari
sa kanilang tahanan.
C. Ang babae ay
naghahanap na ng
kalinga at pagmamahal
mula sa asawa.

5. Pinabilinan ni Lokes a Babay ang


kanyang mga gwardiya na huwag
na huwag palalapitin man lang sa
kanyang magarang tahanan ang
kanyang asawa. Nais ipahiwatig ng
pahayag na si Lokes a Babay ay…
A. May itinatagong lakas
ng kalooban at hindi
kasing hina ng inaakala Opo ma’am.
ng kanyang asawa.
B. Mahirap pakisamahan
at walang makasundong
tao.
C. Mapaghiganti at
ikinatutuwa ang
kapahamakan ng iba
tulad ng kanyang
asawa. 1.

Ngayon mas nalaman natin ng


maigi ang kanilang mga karakter
at tagpuan sa kwentong-bayan
“Ang Munting Ibon”.
Natunghayan din natin ang mga
naging dahilan at naging sanhi
2.
kung paano nagtapos ang
kwento.
Nagkaintindihan ba klas?

H. Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa


Formative Assessment)

Pangkatang Gawain
Panuto: Paint me a picture, gawin ang 3.
hihingi ng mga larawan magbunutan
ang tatlong pangkat kung sino ang
matalaga sa bawat larawan isulat sa ¼
ang pangalan ng mga membro.

Pamantayan:
Tamang naisalarawan ang hinihingi ng
larawan.20 pts.
Gumamit ng mga props.10pts.
Maayos na pagpapaliwanag sa ginawang
Paint me a picture.10pts.

I. Paglalapat ng aralin sa pang-araw


araw na buhay
Lagi nating tatandaan na tayong mga
Pilipino ay may angking kaugalian na Sa naging karanasan ko po sa pandemyang
pagkakaisa at mayaman tayo sa kulturang kinkaharap meron po akong maibabahagi lalo
kinagisnan. Lalo na sa kasalukuyang na po sa mga ayuda na dapat po nakalaan sa
panahong nararanasa ang pandemyang amin,ngunit pagdating po sa listahan ay nawa
gumimbal sa lahat. Dahil sa pandemya po ang aming pangalan.
maraming limitasyon ang naganap kung (marami pang mag-aaral ang nagbahagi)
saan naging sanhi ng
pakalugmok,pagkasira at pagkabalisa sa Opo ma’am.
kabuhayan . Sa kabila nito marami paring
mga kapwa Pilipino ang nagbayanihan at
nagtulungan para bumangon sa buhay.

Sa inyong naging karanasan lalo na sa


pandemya ,meron bang mga taong
naging sakim lalo na sa pagkain? May
naranasan ba kayong pangyayari
tulad ng pagpalit ng mga ayuda na
dapat nakalaan sa inyo,ngunit kinuha
ng mga sakim?

Tama ka diyan!
Marami tayong naririnig na mga
karanasan na iyan. Meron at meron
talagang tao na sakim sa lahat ng
bagay. Lagi lang natin isaisip na ang
masamang gawain ay may kapalit na
mas hihigit pa sa kanyang ginawa.
Tatandaan natin na may Panginoon
na nakatingin para gabayan tayo at
alalayan.Tama ba klas?

J. Paglalahat ng Aralin

Mula sa ating pagtalakay sa “Ang


Munting Ibon” na isang kuwentong-
bayan ng mga Maranao. Natunghayan
natin ang dalawang karakter na
nagpapakita ng ibat’ibang kaugalian.
Si Lokes a Babay ay Babae na Opo ma’am.
nagpapakita ng kanyang
pagkamatimpi.Si Lokes a Mama
masasabi nating sakim at walang paki-
alam sa may bahay. Sa kanilang
pamumuhay sila ay nangangaso sa
gubat masasabi natin na payak ang
pamumuhay nila . Nahihinuha na
natin ang kaugalian at kalagayang
panglipunan sa lugar. Na kahit noon
paman ay ang payak na pamumuhay
ay nararanasan sa mga
bulubunduking parte ng kapuluang
Mindanao. Kahit hindi man ito
napatunayan na nangyari ngunit
naging parte na ito ng mga
karanasang sa pamumuhay ng tao.
Kaya dahil sa mga akdang
pampanitikan nakikila natin ang mga
ibat ibang kaugalian at kultura at mas
napapalawak pa ang ating mga
kaalaman.
Tama ba klas?

K. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Indibidwal na Gawain.
Kumuha ng ¼ na papel kopyahin ang
tanong at sagutan ng may tamang
sagot.

Maranao Agamaniyog
Lokes a Mama Lokes a Baboy
Kuwentong- sakim
bayan
mapagtimpi taksil
nangangaso usa
ibon Mindanao
1. Tinatawag na “Land of coconut”.
2. Lalaking bida sa “Ang Munting
ibon”.
3. Babaing bida sa “ Ang Munting
Ibon.
4. Pamumuhay ng mag-asawa.
Opo ma’am.
5. Mga ugali ni Lokes a Mama.
6. Mga ugali ni Lokes a Baby.
7. Hayop na nabitag ni Lokes a
Mama.
8. Hayop na nabitag ni Lokes a
Babay.
9. Saang kapuluan kadalasang
naninirahan ang mga Maranao?
10. Tawag sa halimbawa ng akdang
“Ang Munting Ibon”.

L. Karagdagang Gawain para sa


Takdang-Aralin.
Panuto: Magsaliksik ng iba pang
kuwentong-bayan na nagpapakita ng
mga kaugalian at kaligirang
panlipunan sa kapuuluan ng
Mindanao. Isulat ang buod ng iyong
napiling kuwentong-bayan sa isang
buong papel. At bumuo ng mga
katanungang nagsasagot sa mga
kaugalian at kaligiran ng panlipunan.
Nagkaintindihan ba klas?

V. TALA
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

VI. PAGNINILAY

a. Bilang ng nakakuha ng 80% sa pagtataya______________________.


b. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
redemtion__________.
c. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.______________
d. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa redemtion______________.
e. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatutulong ng lubos? Paano ito
nakakatulong?____________________.
f. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyonan sa tulong ng aking punong guro at
superbisor?
g. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro.________________

Inihanda ni : GINANG ELAINE H. TATOY


Guro sa Filipino

You might also like