You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 7

Nobyembre 7, 2019/7:40-8:40,8:40-9:40,10:00-11:00/7-B, 7-A, 7-C


I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikan ng Luzon.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong pagbabalita (newscasting) tungkol sa kanilang sariling lugar.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto 1. Naibibigyang kahulugan ang ponemang suprasegmental
2. Naiisa-isa ang mga ponemang suprasegmental
3. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng ponemang suprasegmental (tono, diin, antala)

(F7PN-IIIa-c-13)
II. Nilalaman PONEMANG SUPRASEGMENTAL
III. Mga kagamitang Panturo
Mga Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk Panitikang Rehiyonal, p. 196-200
4. Karagdagang Kagamitan Mula
sa LR Portal
5. Iba Pang Kagamitang Panturo Laptop, manila paper, pandikit, larawan, kahon
IV. PAMAMARAAN WIKARAMBULAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin Halimbawa: POOH + No = PUNO
at/o pagsisimula ng bagong aralin
Magkakaroon ng twist ang wikarambulan, mayroon itong tatlong istasyon na dapat malagpasan upang masagot ang
misteryo.
Unang istasyon ay bugtong, sunod ay simple mathematics at ang huli ang wikarambulan

1. *Isang bakuran 1. Langit ang paligid, ang gitna ay tubig


Sari-sari ang dumaraan Buko
ngipin
2. 6 x 9 = 54
2. 12 x 4 = 48
3. A + DEW + BOW = ADOBO
3. TWO + Big = TUBIG

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ang ginawang aktibiti ay may kinalaman sa pag-aaralan ngayon sa araw na ito. “Ponemang Suprasegmental”. Ipaliwanag
ang layunin na dapat matamo sa araw na ito.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Sasabihin ng guro: Mula sa ginawang aktibiti mayroon mapapansing PONEMA
sa bagong aralin Ang salitang PONEMA ay mula sa salitang Griyego na “Phonomo” na nangangahulugang makatuuturang tunog at ng
“Phono” na nangangahulugang salitang tinig (boses) na naasimila sa wikang Filipino bilang Ponema.
Ito ay tumutukoy sa anumang yunit ng mga tunog o pagbigkas na taglay ang kahulugan. Ito din ay pinakamaliit na bahagi ng wika na
may kahulugang tunog. Makabuluhang yunit ng tunog na nagpapabago sa kahulugang tunog.
D. Pagtatalakay ng bagong Pagtalakay sa Kahulugan ng Ponemang Suprasegmental.
konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #1 Haba at Diin
Ponemang Suprasegmental Tono o Intonasyon
Hinto o Antala

Haba at Diin - Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na inuukol ng nagsasalita sa patinig ng pantig. Ang diin naman ay
tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita.
Sa Filipino batay sa Tagalog (buhat sa Malayo Polinesyo) sinasabing syllable-timed, samantala sa Ingles buhat sa
Indo-Europeo sinasabi namang stress-timed.

In mathematics, Length determines the distance between two points or in other words it is the amount of space
between two points. For example, the distance between my house and our school. The principal unit for measuring length
is the meter. (Math-Integration)

Halimbawa:
/ha/pon – afternoon ta.yo - us
Ha/pon/ - Japanese ta.yo?-stand

Do you know that decibel (dB) is a unit used to measure sound level.(Science Integration)

Maiuugnay natin ito sa ikalawang ponemang suprasegmental.


Tono o Intonasyon – tumutukoy sa pagbigkas ng salita ng may mababa,
katatamtaman at mataas. Gayundin tumutukoy ito sa pagbaba at pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita,
parirala o pangungusap.

Kung mapapansin natin sa asignatura niyong MAPEH, sa Music mayroong tinatawag na pitch note – means how high or
low the note is. Remember the musical note?
Do re mi fa so la ti do

Halimbawa:
a. pon b. ha
ka ka
ha pon

Hinto at antala - Saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig nating
ipahatid sa ating kausap. Ito ay inihuhudyat ng kuwit, tuldok, semi-colon o kolon.

HALIMBAWA:
a. Hindi, ako si Joshua. Ang nagsasalita ay nagsasabing siya si Joshua.
b. Hindi ako, si Joshua. Nagsasabing hindi siya ang gumawa kundi si Joshua
c. Hindi ako si Joshua. Ang nagsasalita ay nagsasabi na siya si Joshua.

Paglinang na mga Tanong:


1. Bakit mahalaga ang ponemang suprasegmental sa pakikipagtalastasan?
D. Pagtatalakay ng bagong
konsepto at paglalahad ng bagong
kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan Pangkatang Gawain: MISTERYOSONG KAHON KO HULAAN MO!
(Tungo sa Formative Assessment)
RUBRIKS SA PAGMAMARKA
Wastong Sagot - 8pts
Pag-uulat - 5pts
Unang Makatapos - 2 pts
KABUUAN - 15pts

Hatiin ang klase sa tatlong grupo,pipili ng misteryosong kahon ang lider, at bawat grupo ay sasagutan ang nasa loob ng
misteryosong kahon. Ang bawat grupo ay mayroon lamang 10 minuto upang matapos ang gawain.

G.Paglalapat ng aralin sa pang- Mahalagang mapag-aralan ang ponemang suprasegmental upang mas maunawaan ang layunin, dadamdamin o saloobin
araw araw na buhay ng isang tagapagsalita o ng kausap.
I. Pagtataya ng Aralin Basahin ang bawat tanong at piliin ang tamang sagot.
1. Ano ang wastong haba at diin ng nasa larawan?
a. PAsa c. pa/sa/
b. pASa d. paSA
2. Ano ang kahulugan ng salitang /BU:kas/ batay sa diin nito?
a. open c. tod ay
b. tomorrow d. yesterday
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagdududa o pagtatanong?

a. Maligaya siya b. Maligaya siya c. Maligaya siya

4. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabing hindi niya kaibigan?


a. Hindi siya ang kaibigan ko.
b. Hindi, siya ang kaibigan ko.
c. Hindi siya, ang kaibigan ko.

5. Bakit mahalagang gamitin ang ponemang suprasegmental?


a. Dahil bahagi ito ng leskyon sa Filipino na dapat pag-aralan.
b. Dahil nagpapahayag ito ng wastong damdamin
c. Upang mas madaling malaman ang layunin at magkaunawan ang mga nag-uusap

J. Takdang-aralin/ Karagdagang Alamin ang kahulugan ng tugmang de-gulong at tulang panudyo.


Gawain
V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng magaaral nanakakuha


ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng magaaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulongbaang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloysa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

KAYCEE JEANETTE M. DICEN


Guro ng Filipino

Nabatid:

ELEANOR P. TALAY
Punong Guro

You might also like