You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON – X NORTHERN MINDANAO
DIBISYON NG ILIGAN CITY
MASUSING BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG
FILIPINO- BAITANG 7
S.Y. 2021-2022
I. Layunin:
A. Pamantayan Pangnilalaman
Naipamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa Ibong adarna bilang
isang obra maestra sa Panitikang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naisasagawa ng mag-aaral ang malikhaing pagtanghal ng ilang
saknong ng koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang
Pilipino.
C. Kasanayan sa pagkatuto
(F7PB-IVc-d-22)

D. Mga Layunin

Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa


binasang akda. (F7PB-IVc-d-22)
II. Nilalaman:

Paksa: Ibong Adarna(korido)

III. Mga Kagamitang Pampagkatuto:

a. Sanggunian: Retained Learning Competencies (MELCS) quarter 4


b. Iba pang kagamitan Panturo: Laptop, Pantulong biswal (Powerpoint)

IV.Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
Panimulang Gawain Tatayo si amor at pangungunahan ang pagdarasal)
Panginoon, maraming Salamat po sa pagkakataong
Panalangin ibinigay ninyo sa amin. Gabayan, ilayo at
Hinihiling ko ang lahat na magsitayo para sa panatilihing malakas ang aming mga sarili lalong-
ating lalo na sa panahon ngayon. Sa ngalan ng Ama ng
pagdarasal na pangungunahan ni Hailah Anak at ng Esprito Santo. AMEN.

Maraming salamat Amor!


Pagbibigay-bati
Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang umaga Binibining Wasquin.

(Bago paupuin ang mga mag-aaral patingnan sa (Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga papel
na nakakalat at aayusin ang upuan)
mga mag-aaral ang kalinisan ng loob ng klase)
Tignan muna ninyo ang nasa sahig kung ito ba
ay malinis kapag hindi pakipulot ang lahat ng
kalat sa sahig.

Pagtawag sa pangalan ng mga mag-aaral


Mayroon bang nagliban sa ating klase Wala po Ma’am.
ngayong
araw? (Nagpalakpakan ang mga mag-aaral)
Magaling! Palakpakan natin ang ating mga sarili
dahil walang liban ngayong araw.

Pagkolekta ng Takdang Aralin


Kahapon ay may ibinigay akong takdang aralin
sa inyo ito ay tukuyin kung anong uri ng
damdamin na pinahiwatid sa imoji.

Paalala:bago tayo mag-simula sa ating klase ngayong


araw mayroon akong ginupit na hugis puso ito ay
pagpapatibay na nag participate kayo sa klase natin
ngayon at pagkatapos ng ating talakayin ibigay niyo
kung may nakuha kayong ganito para mabigyan ko kayo
ng puntos .

A.Balik-Aral sa nakaraang aralin/o pagsisimula ng


bagong aralin.

Bago tayo magsimula sa ating magiging paksa ngayong


umaga magbalik tanaw muna tayo ukol sa mga
nakaraang aralin na inyong natalakay.

Klas may ipapakita ako sa inyo na nakadikit sa


pisara ang tawag dito ay scramble words.

magpapakita ng scramble letters na nakapiskil


sa pisara ng mga salita SALOOBIN at
DAMDAMIN (Ipaayos ang mga salita sa piling
mag- aaral) Hailah :Opo ma’am
Amor:Opo ma’am
Hailah at Amor maari bang kayo ang tumayo at
isaayos ang mga salita na nakadikit sa pisara!

Pagkatapos na buo ang mga letra ipakita ang


nasa plaskard at ipabasa ito sa piling mag-
aaral(idikit ito sa pisara katumbas ng salita na
buo)

Magaling na magaling bigyan sila ng


masigabong palakpak!

Klas mayroon akong ipapanuod na maikling


bidyo Panoorin ito at unawain

http//www.youtube.com/watch?
v=BOZ5dxu5kBget=185
(Daig kayo ng lola ko: Don Juan captures
Ibong Adarna)

Ngayon ay panoorin…

Sino-sino ang nakita ninyo sa bidyo na tauhan? Salima: ma’am Ibong Adarna
Salima, saliha,aslania Saliha:ang magkapataid na nagging bato sina don
pedro at don juan
Aslaine:ang nakita ko Ma’am ay sii Don Juan
Magaling nakilala niyo ang mga tauhan.bigyan
sila ng masigabong palakpakan

Amor, sinong tauhan ang nagpapakita ng Amor:si Don Juan po Ma’am. ang
saloobin/damdamin sa bidyo na napanood saloobin/damdamin ipinakita niya ay tapang po.
ninyo?

Tama! Ayon kay Amor ay tapang ang


saloobin/damdamin ni Don Juan.

Bakit tapang ang saloobin /damdamin ni Don Saliha:tapang ang damdamin ni Don Juan dahil sa
Juan na napansin sa bidyo? hindi siya nagpadala sa mahiwaga awit ng ibong
adarna.

Tama! ikaw Maila may ideya kaba? Mailah:malakas ang loob niya gumawa siya ng
paraan na hindi siya antukin
Magaling!

Ano ang paraan ang ginawa niya? Almahar :Pitong beses niya hiniwa ang palad at
pitong din niya ito pinigaan ng dayap po maam

Ang galing-galing niyo tanggapin niyo itong hugis


puso.
B. Paghahabi ng layunin ng aralin
Tulad ng kaugalian natin bago tayo magsimula sa
bagong aralin sa umagang ito. Ibig ko muna ninyong
basahin ang layunin nakapiskil sa pisara.

Hailah,pakibasa mo nga ang layunin na nakapaskil sa (Binasa ni Hailah ang layunin nakapaskil sa pisara)
pisara.
Layunin:
Naiuugnay sa sariling karanasan ang mga
karanasang nabanggit sa binasang akda.
Mula sa binasang layunin ni Hailah (F7PB-IVc-d-22)
Ano-ano ang mga salitang hindi ninyo naintindihan.
Wala po ma’am
Magaling! Sana naunawaan ninyo ang binasang layunin.
C. Pag-uugnay ng halimbawa sa bagong aralin
Upang magkaroon kayo ng ideya sa magiging paksa Mga mag-aaral: Ang naranasan ko sa larawan
natin ngayong umaga may inihanda akong gawain, Ang ay
gawain na ito ay pinamagatang Karanasan mo, Isigaw
mo!

Ipahayag ninyo sa klase ang inyong naranasan sa mga


makikita niyo sa pisara na larawan at kung bakit ninyo
ito naranasan? Ano kaya ang pinapahiwatig ng larawan?

Pagtatanim

Paglalaro

Pag –eehersisyo

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan #1

Batay sa paglalarawan at pagbabahagi ninyo ng


karanasan sa mga larawan kanina, ano kaya ang paksang
pag-uusap natin ngayon?

(Malayang Talakayan)
Ang paksang pag-uusapan natin ngayong umaga ay;
tungkol sa Karanasan
Opo maam (binasa ni Salihah ang nasa Ppt. )
Klas, pamilyar ba kayo sa karanasan? Salihah paki basa
nga! Karanasan- ang karanasan ay mula sa salitang-ugat
na danas na tumutukoy sa aktuwal na
pagkakasangkot ng isang tao sa isang pangyayari.
Karanasan- ito ay mula sa salitang-ugat na danas na
tumutukoy sa aktuwal na pagkakasangkot ng isang tao
sa isang pangyayari. Salima: ang Sariling karanasan-Ay kapag ikaw na
mismo ang dumaranas sa bagay na tinutukoy o
kaya’y pinagdaanan mo na talaga ito.
Ano naman ang sariling karanasan ?Salima paki basa

Tama!

Sariling karanasan-Ay kapag ikaw na mismo ang


dumaranas sa bagay na tinutukoy o kaya’y pinagdaanan
mo na talaga ito.

Ang karanasan ay karaniwang hinahati sa apat na uri:


Amor:Pampuso, Pag-isip ma’am
May ideya ba kayo kung ano ang apat na uri ng
Hailah:Pangkatawan, Pangkaluluwa ma’am
karanasan?

Maliban sa sinagot ni amor sino pa ang may ideya?

Magaling !

(idikit ng guro ang uri ng karanasan at ipamamahayag


ang mga nakasulat na uri sa piling mag-aaral at ipadikit
ito sa pisara) pagkatapos na ipinaskil ipabasa ang mga
uri sa piling mag-aaral

Paki basa nga sa unang uri, aslania at sa pangalawa


naman ay si salima at sa pangatlo ay si amor sa pang
huli naman ay si hailah pwedi ba tumayo ang inatasan
ko bumasa.

Mga uri ng karanasan


1. Pangkatawan-ito ay tumutukoy sa pisikal na
Gawain katulad ng pagtatanim,
pagluluto,pagbibiskleta,pag eehersisyo, at iba pa.

2. Pang-isip-ito ay isang pangkaisipanng Gawain


katulad ng paglalaro ng damath,crossword puzzle,pag-
aaral sa aralin,at iba pa.
3. Pampuso-ito ay tumutukoy sa natutunan mula sa
pagharap sa mga sitwasyong may kaugnayan sa
nararmadaman kagaya ng pag-
ibig,pagkagalit,pagkatuwa,pagkamangha,at iba pa.

4. Pangkaluluwa-ito ay pagkatutong pang-


espiritwal kagaya ng pagdarasal.

Magaling bigyan sila ng tatlong palakpak


E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2

Upang mas maunawaan ninyo ang paksa natin ngayon


basahin at unawaing mabuti ang buod ng “Ibong
Adarna:ang muling pagkahamak ni Don Juan at ang (Binasa ng mga mag-aaral)
pagkatakot ng pag-ibig sa kanyang puso.”
(Ipabasa ng dugtungan ang ibinahagi photo copy mula
sa modyul 8 linggo 8 pahina.3)

Maraming salamat bigyan sila nag tatlong bagsak na


palakpak
Opo Ma’am (sagot ng mag-aaral)
Klas, naitindihan niyo ba ang inyong binasa?

Mabuti!.
Ang pinagkasunduan ng magkapatid na si Don
Ano ang pinagkasunduan ng magkapatid na si Don Pedro at Don Diego ay linlangin si Don Juan.
Pedro at Don Diego laban kay Don Juan ?

Si Don Diego at Don Pedro


Sino ang nag isip na gumawa na di mabuti laban kay
Don Juan?

Upang maiwasan ang pagtatanong ng hari


Ano ang dahilan bakit nilisan ni Don Juan ang kanilang
kaharian?
Dahil sa taglay na tibay ng loob at pananalig sa
Ayon sa bahagi ng binasa niyo ipanakita o ipinaalam diyos
dito ang tagumpay ni Don Juan.
Ako po ma’am maihahalintud ko ang aking sarili
Mayroon ka bang alam na may katulad sa naging kay don juan, dahil ako po ay mapagmahal sa
karanasan ni Don Juan na pwede mo may ibahag magulang at higit pa doon Nanatili akong mabuting
tao sa kabila ng paggawa ng masama sa akin ng
ibang tao.
Tama! Ang gagaling bigyan natin ng masigabong (Nagpalakpakan ang mga mag-aaral)
palakpak ang ating mga sarili.
F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative Assessment)

Panuto: Iuugnay sa sariling karanasan ang mga


karanasang nabangit sa binasang akda.

Paksa 1:pagtataksil
Paksa 2:tibay ng loob at pananalig sa diyos
Paksa 3:pagtulong sa nangangailangan at pagtibok ng (Magkakaroon ng pitong minuto para pag-usapan
puso sa unang pagkakataon ang kanilang gagawing aktibidad.)

Pagpapakita ng Rubriks:
(Ippresenta ng bawat grupo sa harap ng klase ang
kanilang isasasagawang)
Pamantayan Puntos

1.Wasto ang pag- 5%


uugnay ng sariling
karanasan batay sa
binasang akda
2.Kaangkopan sa 5%
paksa
3.Angkop ang 10%
ginamit na mga salita
sa pag-uugbay na
karanasan
4.Nabibigkas ng 10%
mahusay ng tagapag
salita
KABUUAN : 30%

(Bibigyan ng limang minuto ang mga mag-aaral


para pag-usapan ang kanilang magiging aktibidad)
G. Paglalapat ng Aralin sa Araw-araw na Buhay

Mula sa binasa nating buod Sino-sino ang mga Ma’am sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
pangunahing tauhan?

Tama ka dyan!

Sino sa mga tauhan na iyong nabangit na may


pagkakatulad sa iyo kapatid,kapit bahay at pinsan at Sa palagay ko po maam ang aking pinsan na
kamag-anak nagkaroon kayo ng karanasan sa kanila. katulad siya ni don diego.

Ano kaya ang maaari natin gawin upang mapigilan ang


ugali na kanilang ipanapakita sa di dapat tularan. Saliha: kakaibiganin,kakausapin ng mahinahon na
huwag gawin ang gusto niyang mangyari dahil
Magaling!tama ka dyan! hindi ito tama po ma’am.
H. Paglalahat ng Aralin

Kung tunay nga na naunawaan


ang talakayan.Ibigay ang sariling opinyon sa bawat
pangungusap.Ipaskil ang salitang Nagawa at Di-
nagawa batay sa sariling karanasan.

Mga sitwasyon sa Sariling karanasan


akdang binasa
1.May kusang loob na 1.
tumulong sa kapwa.
2.Handang isakripisyo 2.
para sa ikabubuti ng
iba.
3.tumutolong sa 3.
paghahanap ng
nawawalang
importanteng bagay.
4.ipinagkanulo ang 4.
kapatid para sa
sariling interes.
I.Pagtataya
Panuto. Piliin ang pinaka-angkop na pahayag na
maaaring iugnay sa sariling
karanasan. Isulat ang litra sa sagutang papel.
1. Si Don Pedro ay may malaking lihim na inggit kay 1. A.
Don Juan. Kung ako si Don
Pedro, ang dapat kung gawin ay ________.
a. Magparaya para sa ikabubuti ng kapatid.
b. Gumawa ng lihim na hakbang para mawala sa
landas si Don Juan.
c. Panindigan ang pagiging panganay at gagawin ang
lahat kahit may
maapakang iba.
d. Kalimutan na ang kapatid. 2. B.
2. Nalaman ni haring Fernando ang ginawa ng
dalawang anak sa kanilang bunso.
Kung ako si haring Fernando, ano ang
mararamdaman ko ay_________.
a. Kasiyahan ng muntikan ng mamatay ang bunsong
anak.
b. Galit para sa dalawang anak at awa sa bunsong
anak.
c. Kawalang interes sa nararamdaman ng mga anak. 3.B
d. Aliw sa pagdating ng ibong adarna sa kaharian.
3. Sinabi ng palihim ni Don Pedro kai Don Diego ang
masamang balak kai Don
Juan. Kung ako si Don Juan ang hindi ko dapat
ginawa ay_____________.
a. Pagtulong sa nakaka-awang pangyayari kapatid
na si Don Juan.
b. Pagsang-ayon niya sa balak ni Don Pedro.
c. Pinoprotektahan ang kapatid laban sa masamang
balak ni Don Pedro. 4.B
d. Pag-amin sa hari sa nagawang kasalanan
pagkadating sa kaharian.
4. Si Don Juan ay nakahandusay at halos mawalan
na ng malay sa ginawang
pagbugbog at pagtataksil ng mga kapatid. Kung ako
si Don Juan ano ang aking
iisiping gagawin para sa mga kapatid
ay_____________.
a. Maghihigante at ipaparanas sa mga kapatid ang
naranasan niya.
b. Magpapatawad at Ipapasa-diyos nalang ang
kanilang ginawa.
c. Magpapakagaling at hindi na magpapakita sa 5.D
kahariang Berbanya.
d. Maghahasik ng kasamaan sa baying sinilangan.
5. Lubhang nasaktan ang reyna Valeriana sa
nangyaring pananakit ng kanyang
mga anak sa bunsong kapatid nito. Kung ikaw si
reyna Valeriana ang dapat
kung gawin bilang isang ina ay_____________.
a. Konsentehin ang masamang gawain ng mga anak.
b. Sulsulan ang mga anak na gumawa pa ng
masama.
c. Pagalitan at palayasin ang dalawang anak.
d. Pagsabihan at ipapa-unawa sa dalawa anak na
ang ginawa ay masama.

J. Karagdagang Gawain/Takdang-Aralin

Panuto: Magsulat ng sariling karanasan na may


kahawig sa mga karanasang naranasan ni Don Juan.

Pamantayan Puntos
1.Wastong pag-uugnay ng mga 5%
pangyayaring nangyari sa sariling
karanasan na may kaugnayan sa
binasa
2.Angkop ang ginamit ng mga 5%
salita sa pag-uugnay ng karanasan
3.maayos at malinis ang 5%
pagkakasulat
4.wastong gamit 5%
Kabuuan: 20%
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation.

C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang mag-aaral


na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mga mag-aaral na nagpatuloy sa


remediation.

E. Alinsa mga estratehiyang pagtuturo na


nakatulong sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?

F. Anong suliranin ang aking nararanasan na


solusyon sa tulong ng aking punongguro

Inihanda ni: Isinuri ni :


MAILA B. WASQUIN CHERRY M.CINCO

EMMA ZALSOS
BSED Program Head

You might also like