You are on page 1of 20

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino Baitang 7

I.Layunin
Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong-
bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.
A. Pamantayang Pangnilalaman

Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitkan ng Mindanao.

B. Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ng mag-aaral ang isang makatotohanang proyektong panturismo.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto

a. .Nabibigyang kahulugan ang mga sumusunod na salita tulad ng kaugalian at kalagayang


panlipunan.

b. Natutukoy ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng


kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.

c. Nakapanghinuha mula sa mga linya o pahayag na may kinalaman sa kaugaliang dapat


taglayin ng bawat indibidwal.

d. Nasusuri ang mga pangyayari at usapan ng mga tauhan mula sa binasang kuwentong-
bayan.
II. Nilalaman
Paksa:Kaugalian at Kalagayang Pnalipunan/Kuwentong bayan.

III. Kagamitang Panturo


Internet, mga larawan, powerpoint presentation, module

D. Sanggunian

1. Pahina sa Gabay ng Guro


Modyul 1 Unang Markahan Ang Munting Ibon pahina 1-10.

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral


3. Mga Pahina sa Teksbuk
Modyul 1 Unang Markahan Ang Munting Ibon Pahina 1-10.

4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

D. Iba pang Kagamitang Panturo


Link sources from deped portal.
II. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

Panimulang Gawain

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa Amor: Panginoon, maraming salamat po sa


panalangin. araw na ito na kami ay nagtitipon dito sa
aming silid-aralan na nawa’y gabayan niyo
Amor, maaari bang pangunahan mo po ang aming guro sa kanyang pagtuturo sa
ang panalangin. amin.

2. Pagbati Magandang umaga Binibining Wasquin


Magandang Umaga klas!

(Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga papel


Bago kayo umupo pakipulot ng mga na nakakalat at aayusin ang upuan)
nakakalat na papel at pakiayos ng
inyong mga upuan.

Maari na kayong umupo. Salamat po!

3. Pagtsek ng Atendans

May lumiban ba sa klase ngayon? Wala po Maam ang lahat po ay narito.

Magaling! Lahat ay may pagkakataong


matuto. Bigyan natin ang ating sarili ng
limang bagsak para sa kompletong
atendans.

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin/o


pagsisimula ng bagong aralin.

May mga strips ako rito klas na may


nakasulat na mga nilalang na hindi nakikita
ng nakakarami. Tatawag ako ng pangalan
na pupunta sa harap ng pisara at kumuha
ng isang strips na sa tingin ninyo ay mga
karakter ng isang kuwentong- bayan at
magbahagi kayo kung may nalalaman
kayong kuwento tungkol sa strips na napili.
(Ipapaskil ang mga strips sa pisara)

Alexander maari ka bang pumunta sa


harapan at kumuha ng isang strips.

Mga strips:
1. Kapre
2. Duwende
3. White Lady
4. Manananggal
Alexander: Ang strips na nakuha ko Maam
Mga Strips na nakuha ni Alexander ay kapre.

1. Kapre
Alexander: Maam ang mga kapre ayon sa
Mayroon ka bang nalalaman na kuwento lolo ko ay mga malalaki ang pangangatawan,
tungkol sa mga kapre maari mo bang ibahagi at matangkad na palaging may nakatustos
sa amin. malaking tabako sa bibig. Ayon sa lolo ko
sila daw ay nakatira sa mga malalaking
punongkahoy. Kailangan nating mag-ingat
lalo na ang mga kababaihan dahil delikado
daw pag nagustuhan ka ng kapre. Maaari ka
niyang dalhin sa kaniyang tahanan.

Magaling klas! Maraming salamat Alexander


sa iyong pagbahagi.

Allan maari ka bang pumunta sa pisara at


kumuha ng isang strips.
Mga Strips na nakuha ni Allan:
Allan: Maam ang strips na nakuha ko ay
1. White Lady White Lady

Ang trips na nakuha ni Allan ay white lady.


Allan: Ang white lady po Maam ay may
mahahabang buhok na nakatakip sa buo
May nalalaman ka bang kuwento sa isa isang nitong mukha. Sabi ni lola ito daw ay mga
karakter na nakuha mo Allan? kaluluwang hindi matahimik dahil hindi pa
nabibigyan ng hustisya ang kanilang
kamatayan o hindi pa tanggap nila ang
kanilang pagkawala sa mundo. Biktima daw
umano sila ng mga karahasan noong unang
panahon.

Kadalasan klas, ang mga kwentong narinig


ninyo na ibinahagi ni Allan at Alexander ay
katulad sa mga kwentong narinig ninyo noong Lahat: Opo maam.
kayo’y bata pa na kadalasan ay ikinukwento sa
inyo ng inyong mga lola at ina? Tama?

May ideya ba kayo ano ang tawag ng mga Bea: Maam Kwentong-Bayan.
kwentong kadalasan ang mga tauhan ay
dewende,kapre atbp?

Magaling! Bea.Ang mga iyon ay mga


Kwentong-Bayan.

Tatalakayin natin sa umagang ito ang mga


Kwentong-Bayan,Pero bago natin pag aralan,
kung ano ang kwentong-bayan,

B. Paghahabi ng layunin ng aralin

Nais kong basahin ninyo ang layunin na


kailangan nating matamo pagkatapos ng aralin.

Ana pakibasa mo nga ang layunin na


nakapaskil sa pisara.
Andres: Maam ang nahinuha/hinuha ay mga
palagay
Naintindihan niyo bang ang binasang layunin?

Magaling! At naintindihin ninyo klas.

Kung naintindihan ninyo sige nga maaari niyo


bang sabihin kung ano ang kahulugan ng
nahinuha/hinuha.

Magaling! Palakpakan natin si Andres.

Ang ibig sabihin ng nahinuha na mula sa


salitang hinuha ay kutob o hinala. Peter: Maam kaugalian at kalagayang
panlipunan
Ano pa ang mga salita na hindi ninyo
naintindihan sa layunin?
Ford: Maam ang kaugalian ay ating mga
paniniwala, mga tradisyon na itinuro sa atin
ng ating mga magulang lalo na ng ating mga
May ideya ba kayo klas kung ano ang
lolo at lola.
kaugalian at kalagayang panlipunan?

Tama! Magaling Ford limang bagsak para kay Alondra: Maam ang kalagayang panlipunan
Ford. ay mga isyu ng lipunan na maaaring
sumasalamin sa katayuan ng pamumuhay ng
Sino pa ang may maibabahaging ideya kung
isang tao.
ano ang kalagayang panlipunan?

Magaling! Palakpakan natin si Alondra. Lahat: Opo Maam.

Naintindihan niyo na ba klas ang kaugalian at Mich: Halimbawa ng kaugalian Maam ang
kalagayang panlipunan. pagbati sa mga taong nakakasalamuha natin.
Sige nga kung naiintindihan ninyo magbigay
nga kayo ng halimbawa.

Tama! Palakpakan natin si Mich. Allan: Maam ang pagiging mayaman at


maunlad ng siyudad ng Davao.
Allan magbigay ka nga ng isang halimbawa ng
kalagayang panlipunan.
Arthur: Maam ang kuwentong-bayan ay
Magaling! Palakpakan natin si Allan. nagpasalin-salin ito’y batay sa mga kuwento
ng mga nakakatanda sa atin na
Ano naman ang kuwentong-bayan? Arthur nagpapahiwatig ng tradisyon at paniniwala.
magbahagi ka nga ng iyong ideya.

Lahat: Opo Maam.


Magaling! Arthur.

Naitindihan niyo na ba klas kung ano ang Ariana: Maam nakalbo si pilandok.
kwentong-bayan?

Sige nga kung naintindihan magbigay nga


kayo ng isang halimbawa ng kwentong-bayan.

Magaling! Ariana.

Nais kung ipanood sa inyo ngayon klas ang


video na ito na naglalaman ng isang
halimbawa ng kwentong-bayan.

C.Pag-ugnay ng halimbawa sa bagong aralin

Bago iyan nais kung pansinin ninyo ang mga


larawan sa pisara. Magbahagi kayo ng inyong
mga ideya mamaya.

(Pagpapakita ng larawan)
Larawan 1

Isang siyudad na may malalaking


establisyemento.

Larawan 2

Batang nagmamano sa isang matandang babae.

Jasmine: Maam isang siyudad na may


malalaking building.

Alex: Magulo Maam

Sassy: Maam kalagayang panlipunan.

Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan?

Sige Jasmine ibahagi mo ang iyong ideya.

Magaling! Jasmine, at Alex limang bagsak Gerald: Maam isang bata na nagmamano sa
para sa kanilang dalawa. isang matanda.
Pag mayaman ba at magulo ang isang siyudad
ito ba ay halimbawa ng isang kaugalian ug
kalagayang panlipunan? Derek: Maam kaugalian.

Klas ang mayamang siyudad na magulo ayon


sa paglarawan ninyo dahil sa dami ng tao ay
isang halimbawa ng kalagayang panlipunan.

Ano ang napansin ninyo sa isa pang larawan?

Magaling! Geralad.

Ang pagmamano ba klas ay isang halimbawa


ng kaugalian at kwentong-bayan?

Tama! Derek.

Ang pagmamano sa mga nakakatanda sa atin


lalo na sa ating lola at lolo at mga magulang ay
ilan lamang sa mga kaugalian na namana natin.
Ito’y sumisimbolo sa paggalang o respeto sa
mga nakakatanda sa atin.

Upang mas maintindihan ang talakayan alamin


natin ang mga kaugalian,at kalagayang
panlipunan mula sa video na ipapanood ko sa
inyo.

D.Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #1
Gabuya: Pagtuklas ni Lokes a Babay sa
Bago natin panoorin ang video klas, hahatiin panloloko sa kaniya ng asawa.
ko muna kayo sa dalawang grupo. Kayo ay
pupunta sa inyong grupo at manonood kayo ng
sama sama. Ang unang grupo ang siyang
magbibigay ng mga pangyayari sa kwento na
sa tingin ninyo ay mga halimbawa ng
kaugalian at ang ikalawang grupo ang siyang Unang grupo: Maam kaugalian po.
magbibigay ng mga pangyayari sa kwento na
sa tingin ninyo ay mga halimbawa ng
kalagayang panlipunan.

Batay sa kuwento na inyong nakita magbigay


nga kayo ng mga pangyayari na naganap sa Unang grupo: Paghihiwalay ni Lokes a
mag-asawa. Babay sa kaniyang asawa na si Lokes a
Mama.

Tama! Isang bagsak para kay Gabuya.


Norhaila: Ang pagiging maramot at kawalan
Ang pangyayari ba na ibinigay ni Gabuya ay ng pagpapahalaga ni Lokes a Mama sa
isang halimbawa ng kaugalian o kwentong- kaniyang asawa.
bayan?

Magaling! Ito ay isang halimbawa ng


kaugalian.
Sige nga unang grupo magbigay pa kayo ng
mga mga pangyayari sa kwento na sa tingin
ninyo ay halimbawa ng kaugalian.

Harvey: Maam magkakaroon ka ng


Magaling! Palakpakan natin ang unang grupo maraming kaibigan at marami ang
dahil naibigay nila ang mga pangyayari na mga magtitiwala sa iyo.
halimbawa ng kaugalian mula sa kwento.

Ikalawang grupo: Maam pangangaso.

Ikalawang grupo: Maam mahirap po.


Sa palagay niyo klas, paano makakatulong ang
pagkakaroon ng maayos na relasyon sa kapwa
ang paggalang o pagrespeto at pagiging tapat?
Ikalawang grupo: Maam kalagayang
Magaling! Palakpakan natin si Harvey. panlipunan.

Ano ba ang hanapbuhay ng mag-asawa klas?

Kung pangangaso ang hanapbuhay ng mag-


asawa ano sa palagay niyo ang estado nila sa
buhay? Mayaman ba o mahirap? Ikalawang grupo: Maalwan na pamumuhay
ni Lokes a Babay matapos makipaghiwalay
Ang kahirapan ba ay halimbawa ng isang sa asawa.
kaugalian o kalagayang panlipunan?
Ang pangangaso klas sa kuwento ay isang
simbolo ng kahirapan, simple at payak na
pamumuhay ng mag-asawa. Tama ang
ikalawang grupo na ito ay isang halimbawa ng
kalagayang panlipunan.

Ikalawang grupo ano pa ang pangyayari na


maibibigay ninyo na halimbawa ng kalagayang
panlipunan?

Tama! Limang bagsak para sa ikalawang


grupo. Ang pagyaman ni Lokes a Babay ay
isang halimbawa ng kalagayang panlipunan.

Ang pangangaso klas at ang pagkakaroon ng


maalwan na buhay ni Lokes a Babay
pagkatapos makipaghiwalay sa asawa ay ilan
lamang sa halimbawa ng kalagayang Zoey: Opo Maam para malaman natin at
panlipunan na makikita sa video. maintindihan ang pagkakaiba ng ating
kultura at kaugalian upang tayo ay
magkaintindihan.

Carla: Opo Maam upang malaman natin ang


ating pinagmulan at magsilbing gabay ito
tungo sa ating mga pangarap na nais nating
Sa inyong palagay klas mahalaga ba na makamit sa buhay.
malaman natin ang kalagayang panlipunan at
kaugalian ng isang lugar, lalo na ang lugar na
ating pinagmulan?

Magaling! Palakpakan natin si Zoey.

Ano pa klas? Carla ibahagi mo nga ang


inyong ideya.

Tama! Magaling Carla

Ang kwentong-bayan ay naglalahad ng mga


kaugalian at kalagayang panlipunan sa isang
lugar kung saan ito nagmula.

Ibibigay ko ang mga pangyayari batay sa


kuwento na ating tinalakay at kilalanin ang
mga pangyayari kung ito ay mga halimbawa
ng kaugalian o kalagayang panlipunan.

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan #2

Isinulat ko na ang mga pangyayari klas sa


isang kartolina at akin itong ginupit. Sa pisara
may nakalagay na kaugalian at kalagayang
panlipunan. Kunin ninyo ang mga gupit na
kartolina na naglalaman ng pangyayari at idikit
ito sa pisara kung ito ba ay halimbawa ng
kaugalian at kalagayang panlipunan. Kailangan
ko ng limang estudyante upang magawa ang
gawaing ito.

Mga pangyayari:

1. Pagtuklas ni Lokes a Babay sa Mga estudyante: Opo Maam


panloloko sa kaniya ng asawa.
2. Pakikipaghiwalay ni Lokes a Babay sa Venus: Maam ang kwentong-bayan ay
kanyang asawa na si Lokes a Mama. nagpapakita ng kultura, kaugalian at
3. Ang pagiging maramot at kawalan ng kalagayang panlipunan sa isang lugar kung
pagpapahalaga ni Lokes a Mama sa saan ito nagsimula.
kaniyang asawa na si Lokes a Babay.
4. Pangangaso ang pangunahing
hanapbuhay ng mag-asawa.
5. Maalwan na pamumuhay ni Lokes a
Babay matapos makipaghiwalay sa
asawa.

Naintindihan niyo ba klas?


Ken: Maam ang kaugalian ay mga
Ano nga ulit ang kahulugan ng kwentong-
paniniwala, kultura na itinuro ng ating mga
bayan klas? Venus magbahagi ka nga ng iyong
magulang pati na ng ating mga lolo at lola.
ideya.

Ken: Maam pagmamano sa mga


Tama! Magaling Venus.
nakakatanda sa atin.

Bong: Maam ang kalagayang panlipunan ay


mga isyu ng lipunan na maaring
Ano naman ang kaugalian? sumasalamin sa katayuan at pamumuhay ng
isang tao.

Magaling Ken! Magbigay ka nga ng isang


halimbawa ng kaugalian Ken?

Palakpakan natin si Ken.

(Magtataas ng kamay si Jerson)


Magaling klas at naintindihan niyo na kung Jerson:
ano kaugalian.
Ano naman sa tingin ninyo ang ibig sabihin ng 1. Kaugalian
kalagayang panlipunan? 2. Kaugalian
3. Kaugalian
4. Kalagayang panlipunan
5. Kalagayang panlipunan
Magaling! Ngayon na alam niyo na ang ibig
sabihin ng kaugalian at kalagayang panlipunan.
Naniwala ako na masasagot ninyo ang aking
mga katanungan.

Sino sa inyo ang makapagbibigay ng mga


sagot sa mga pangyayari na aking inilahad
mula sa bilang isa hanggang ikalima? Kilalanin
kung ito ba ay isang kaugalian o kalagayang
panlipunan.
Barron: Maam bilang mag-aaral mahalaga
Sige nga Jerson ibigay mo ang iyong mga talagang malaman ang kaugalian at
kasagutan. kalagayang panlipunan ng lugar kung saan
ito nagmula upang matuto tayong gumalang
Tama! Magaling palakpakan natin si Jerson. sa iba sa kabila ng ating pagkakaiba ng
kultura, tradisyon at paniniwala.

Bilang mag-aaral gaano ba kahalaga na


malaman natin ang mga kaugalian, at
kalagayang panlipunan lalo na sa lugar kung
saan ito nagmula?

Tama! Limang bagsak para kay Barron.

Naintindihan niyo na ang mga salita na ating


tinalakay, nakapabigay na rin kayo ng mga
halimbawa.
F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative Assessment)

Ngayon magkakaroon tayo ng isang laro klas.


Hahatiin ko kayo sa dalawang grupo at sa
bawat grupo may tig-isa kayong representante.
Huhulaan nila ang mga sagot sa mga
pangyayari na aking ilalahad kung ito ba ay
halimbawa ng kaugalian o kalagayang
panlipunan. Ang grupo na makakakuha ng
mataas na puntos ay bibigyan ko ng plus points
sa ating gagawing pagsusulit mamaya.

Guess what! Ito ang tawag sa laro natin


ngayon.

Mga pangyayari:

1. Pagtuklas ni Lokes a Babay sa


panloloko sa kaniya ng asawa.
2. Pakikipaghiwalay ni Lokes a Babay sa
kaniyang asawa na si Lokes a Mama.
3. Ang pagiging maramot at kawalan ng
pagpapahalaga ni Lokes a Mama sa
kaniyang asawa na si Lokes a Babay.
4. Pangangaso ang pangunahing
hanapbuhay ng mag-asawa.
5. Maalwan na pamumuhay ni Lokes a
Babay matapos makipaghiwalay sa
asawa.
Lahat: Opo Maam

Maari ng pumunta sa harap ang dalawang


estudyante at isulat sa pisara ang mga
kasagutan sa limang pangyayari na aking
ibinigay. Tandaan klas, kikilalanin ninyo kung
ito ba ay isang halimbawa ng kaugalian o
kalagayang panlipunan.

Naintindihan ba klas?

Nalaman niyo na kung ano ang kaugalian at


kalagayang panlipunan. Tignan natin ngayon
kung naintindihan niyo ba ng mabuti ang ating
aralin.

Alissa: Maam pagdiriwang ng pasko, bagong


taon, piyesta, kaarawan atbp.
G. Paglalapat ng Aralin sa Araw-araw na
Buhay

Tayong mga Pilipino ay kilala na mahilig


magdaos ng mga pagdiriwang na atin ng na
kaugalian
Lenon: Maam natutunan ko po na dapat
Ano ba ang mga okasyon na kadalasan nating pahalagahan at mahalin ang mga
ninyong ipagdidiriwang kasama ang inyong taong mahalaga sa atin. Upang maiwasan
pamilya? ang pagkakaroon ng hindi
pagkakaintindihan.
Magaling Alissa palakpakan natin si Alissa.

Ang mga okasyon gaya ng sinabi ni Alissa ay Andrea: Maam ang pagiging maramot ay
karaniwan nating ipinagdiriwang taon-taon. Ito walang mabuting naidudulot sa iyong kapwa
ay atin ng nakasanayan at nakaugalian kung lalo na sa iyong sarili.
saan nagtitipon tipon ang bawat miyembro ng
pamilya. .

Ang mga kaugalian natin ay mananatiling parte


na ng ating buhay kalian may hindi mawawala.

Ano ba ang natutunan ninyo klas batay sa mga


pangyayari na inilahad sa kwento tungkol sa
naganap sa mag-asawa?

Tama! Magaling Lenon. Ano pa ang natutunan


ninyo?

Alex:Maam ang panloloko sa kaniya ng


kaniyang asawa, kawalan ng pagpapahalaga
at pagiging maramot nito na hindi na natiis
ng kaniyang asawa na nauwi sa hiwalayan.
Mga pangyayari:

1. Pagtuklas ni Lokes a Babay sa


panloloko sa kaniya ng asawa.
H. Paglalahat ng Aralin 2. Pakikipaghiwalay ni Lokes a
Babay sa kaniyang asawa na si
Pagbigay ng reaksyon sa mga kaugalian ng Lokes a Mama.
mga Pilipino na mababasa sa akda lalo na sa 3. Ang pagiging maramot at
mga may asawa. kawalan ng pagpapahalaga ni
Lokes a Mama sa kaniyang asawa
na si Lokes a Babay.
Ano ang mga pangyayari sa kuwento na 4. Pangangaso ang pangunahing
nagtulak kay Lokes a Babay na hiwalayan ang hanapbuhay ng mag-asawa.
kaniyang asawa? 5. Maalwan na pamumuhay ni
Lokes a Babay matapos
Tama! Magaling Alex.
makipaghiwalay sa asawa.
Ilahad ang mga pangyayari sa kuwento na
Ellias:Opo Maam dahil marami pa din sa
nagpapakita ng kaugalian at kalagayang
mga mag-asawa ang nawawalan ng respeto
panlipunan.
at pagpapahalaga sa isa’t isa na nauwi sa
hiwalayan.

Santino: Opo Maam dahil marami sa atin


ang maramot sa kapwa natin kahit nakaka
alwan naman ang iba sa atin sa buhay.

Masasalamin pa rin ba sa kasalukuyang buhay


ng mga Pilipino lalo na sa mga may asawa ang
mga pangyayari na naganap sa kwento?

Tama! Magaling klas at may natutunan kayo sa


aralin natin ngayon.
Nasagot niyo na ang aking mga katanungan
ibig sabihin naintindihan niyo na ang
kwentong-bayan na aking pinanood sa inyo.
Inaasahan ko na masasagutan ninyo ang
susunod nating gawain.

I.Pagtataya

1. Ano ang pamagat ng kwentong-bayan


na ating tinalakay?
2. Sino ang itinuturing na tuso at hindi
marunong magpahalaga sa asawa ang
nabanggit sa kwento?
3. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng
mag-asawa sa akdang inyong binasa?
4. Magbigay ng isang salita na
naglalarawan kung ano ang kahulugan
ng kaugalian.
5. Batay sa sarili mong opinion ano nga
ba ang kwentong-bayan?
6. Magbigay ng isang pangyayari sa
kwento na sa tingin ninyo ay
halimbawa ng kaugalian.
7. Magbigay ng isang pangyayari sa
kwento na sa tingin ninyo ay isang
halimbawa ng kalagayang panlipunan.

Subukin natin ang inyong isip sa pamamagitan


ng paggawa ng iyong takdang aralin upang
lubos na maunawaan an gating talakayan.

J. Karagdagang Gawain/Takdang-Aralin

Magsaliksik kayo ng isang halimbawa ng


kwentong-bayan ito ay maaring alamat,
pabula, parabula atbp. at magbigay ng tig
dalawang halimbawa ng kaugalian at
kalagayang panlipunan batay sa kwentong
inyong napili.

You might also like