You are on page 1of 26

NAME: GRADE :

CLASS ADVISER: SECTION:

QUARTER 3 - WEEK 5
MOTHER TONGUE

Aralin Angkop na Ekspresyon sa


Pagpapahayag ng
1 Obligasyon

Bilang isang batang kasapi ng tahanan, paaralan at pamayanan, ikaw ay tungkuling


dapat gawin. Sa araling ito, matutuhan mong gamitin ang angkop na ekspresyon sa
pagpapahayag ng obligasyon o tungkulin.

Tuklasin

Panuto: Basahin ang kuwento. Sumangguni sa nakatalang talasalitaan para sa kahulugan ng


salitang nakapaloob sa maikling kuwento.

Ang Aming Obligasyon

ni Jay Ann Y. Lopez

bilin - utos na dapat gawin


obligasyon - tungkuling dapat gampanan

Araw ng Sabado, maagang ginising ng nanay ang kanyang mga anak na sina Ate Betty
at Lenlen dahil maaga siyang pupunta sa palengke. Bago siya umalis ay nagbigay siya ng
bilin sa mga anak na gawin nang maayos ang kanilang obligasyon sa bahay.
“Ako na po ang maglalaba ng ating mga damit, Nanay,” ang sabi ni Ate Betty.
“Nanay, tutulungan ko po si Lola sa paglilinis ng bahay,” ang sabi ni Lenlen.
Pag-uwi ni Nanay tuwang-tuwa siya nang makitang natapos ng kanyang mga anak
ang kanilang mga obligasyon sa kanilang tahanan.
“Salamat naman at maaasahan pala kayo.”

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.
1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
a. Ate Betty b. Nanay c. Lenlen d. Lahat ng nabanggit
2. Kailan nangyari ang kuwento?
a. Sabado b. Linggo c. Lunes d. Biyernes
3. Saan pupunta ang nanay?
a. simbahan b. palengke c. paaralan d. tindahan
4. Ano ang obligasyon ni Ate Betty?
a. maglaba ng damit c. magdilig ng halaman
b. maglinis ng bahay d. magluto ng pagkain
5. Ano ang obligasyon ni Lenlen?
a. tumulong sa pagluluto ng agahan
b. tumulong sa pagdidilig ng halaman
c. tumulong sa paglilinis ng bahay
d. tumulong sa paglalaba ng damit

Suriin

Angkop na Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Obligasyon


Ano ang obligasyon? Ang bawat bata ay may obligasyon. Ang obligasyon ay mga
tungkuling dapat na isagawa at tuparin sa takdang panahon.
Ang bawat kasapi ng tahanan, paaralan at pamayanan ay may mga obligasyong
ginagampanan.
Ang pagwawalis, paglilinis ng bahay at paglalaba ay mga halimbawa ng obligasyon sa
tahanan.
Ang pagbabasa, pagsusulat at pakikinig sa guro ay mga obligasyon sa paaralan.
Ang pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan at pagsunod sa batas trapiko ay mga
obligasyon sa pamayanan.
May mga wastong ekspresyon upang maipahayag ang pagsasagawa ng obligasyon.
Ang magagalang na salita ay ginagamit sa pagpapahayag ng obligasyon. Narito ang ilang
halimbawa:
• Ako na po ang maglilinis ng ating bahay.
• Ako na po ang magdidilig ng halaman.
• Ako na po ang bahala sa mga kalat na ito.
Ang batang tulad mo ay maaari nang bigyan ng mga obligasyong naaangkop sa
sariling kakayahan.

Panuto: Hanapin ang ekspresyon o pahayag na angkop sa bawat larawan. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa tabi ng mga larawan.

1. 2.

3. 4. 5.

A. “Nanay, tulungan ko na po kayo sa pag-aalis ng mga alikabok.”

B. “Mano po Lolo. Mano po Lola.”

C. “Nanay ako na po ang magpapasok ng inyong mga pinamili sa loob ng bahay.”

D. “Tatay tulungan ko na po kayo sa pag-aayos ng sirang gripo.”

E. “Ate tulungan na kitang maglaba. Tulungan kita sa pagbabanlaw.”


FILIPINO

Aralin 1 Ang Aking Mga Karanasan

Bawat tao, bata man o matanda ay puno ng mga karanasan mula sa kaniyang
pagsilang. Ang mga karanasang ito ay maaaring maging kasingkulay ng bahaghari
(rainbow).
Ang mga karanasang ito ay maaaring masaya, malungkot, nakaiinis, nakapapagod,
nakatatakot o ano pa mang damdaming maaari nating maramdaman.

May mga karanasang nananatiling malinaw sa ating alaala kahit matagal na itong
nangyari. Mayroon din namang madaling makalimutan.
Ang mga karanasan ay maaari nating mabuo magisa o kasama ang pamilya, mga
kalaro at kaibigan, kamag-aral, guro at iba pang tao sa paligid.
Maaari itong ukol sa iyong paglalaro, pag-aaral, pagsunod sa mga utos sa bahay o sa
mga nababasa, napapanood at napapakinggan natin.

Tuklasin
Basahin ang kasunod na akda.

Batang Bayani
Ni Maricar S. Gerela

Ang ating mga dakilang bayani tulad ni Dr. Jose Rizal, na Pambansang Bayani at si
Andres Bonifacio, na Ama ng Katipunan ay malimit na maging huwaran ng pagmamahal sa
bayan. Sila, kasama pa ang ibang magigiting na Pilipino ay nag-alay ng buhay para sa
kalayaan ng mga Pilipino.

Sa makabagong panahon, tunay na marami pa rin tayong maituturing na bayani –


batang bayani. Isa na rito si Paulo.

Si Paulo ay nasa ikalawang baitang at isa sa pinakamapagmahal sa bayan. Madalas


niyang iguhit ang mga magagandang tanawin sa Pilipinas at mga pambansang sagisag sa
tuwing sila ay guguhit sa Sining.

Mahilig siyang magbasa at makinig sa mga kuwento ukol sa kagitingan ng mga


bayani ng bansa.

Kahit saan at kahit kailan niya marinig na tinutugtog o inaawit ang


Lupang Hinirang ay magalang siyang humihinto at sumasabay sa pag-awit nang buong
paggalang.
Bukod pa rito, lagi rin siyang handang tumulong sa kaniyang mga kababayan kahit
siya ay bata pa lamang – itinatawid ang mga matatanda sa daan, nagsasauli ng mga bagay na
napulot, nagtatapon ng basura sa tamang tapunan at magalang kahit kaninoman.
Sa lahat ng kaniyang mga katangian, maituturing na rin natin siyang “Batang Bayani”.

1. Ang pinag-uusapan sa kuwentong binasa ay si______.


a. Pablo b. Pablito c. Paulo d. Paquito

2. Ang katangiang taglay ni Paulo sa lahat ay ang pagiging_______.


a. mabait b. matalino c. masunurin d. makabayan

3. Alin sa mga ginagawa ni Paulo ang naging karanasan mo na rin?


a. Umawit ng Lupang Hinirang.;Magsauli ng gamit na napulot.
b. Gumuhit ng mga pambansang sagisag.;Tumulong na itawid ang matanda sa
tamang tawiran; Magtapon ng basura sa tamang tapunan.
c. isa o dalawa sa a at b
d. wala ni isa sa a at b

4. Bakit mahalaga ang pagiging makabayan?


a. Dahil ito ay tanda ng pagmamahal at paggalang sa bansa.
b. Maipagmalaki ka ng iyong mga magulang, kapatid at pamilya
c. Maaari kang maging tanyag at kilalang-kila sa inyong lugar
d. Lahat ng nabanggit

5. Dapat ba nating tularan si Paulo? Bakit?


a. Opo, dahil magandang halimbawa ang ipinakita niya.
b. Opo, dahil masayahing siyang bata.
c. Hindi po, dahil mahirap ang kaniyang ginagawa.
d. Hindi po, dahil siya lamang ang kayang gumawa niyon.

Ang pag-uugnay ng ating sariling karanasan sa binabasang teksto o kuwento ay


makatutulong upang:

 Mas madali nating matatandaan ang detalye ng binasang teksto o kuwento


 Magamit natin ang aral mula sa ating mga binasa o binabasa sa araw-araw
na gawain
 Mahubog ang ating pagiging malikhain kung paano natin hahanapin ang
kaugnayan ng ating mga karanasan sa ating binasa.

Panuto: Basahin ang talataan. Punan ang mga patlang ng angkop na salita sa loob ng
parihaba. Letra lamang ang iyong isusulat.
a. aralin b. bagong c. buhay
d. karanasan e. kaugnayan
Araw-araw ay nakabubuo tayo ng mga (1) _____________ karanasan kung saan tayo ay
natututo ukol sa (2) _______________. Ang mga karanasang ito
ay maiuugnay sa mga (3)_______________. sa paaralan. Maaaring may maituro sa klase
na hawig sa ating mga naging (4) _______________. Mas magiging madali ang (4)
pagkatuto kapag nalaman natin ang(5) _______________ ng mga aralin sa ating mga
karanasan.

ARALING PANLIPUNAN

Aralin 1 Konsepto ng Pamamahala at Pamahalaan

Tuklasin
Ang pamahalaan ay napakahalaga sa pag-unlad ng ating mga komunidad. Ito ang
nagbibigay sa atin ng mga serbisyo upang makatulong sa ating pang-araw-araw na
pamumuhay.
Tuklasin mo ang ginagawa ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng pagsasagawa
ng mga gawain sa ibaba.
Pamamahala sa Aming Komunidad
ni: Raffy Jan P. Angeles

Ako ay may hinahangaan,


mga pinuno silang kinakailangan
Pinatatatag nila ang bawat haligi ng pamayanan
Pinalalakas ang samahan sa kanilang nasasakupan.

Mga pinuno na binoto o pinili,


upang mamahala sa bawat pangkat at haligi
Nakahandang maglingkod sa mga tao at bayan
ng buong puso at katapatan.

Handang tumulong anumang panahon,


umaalalay sa krisis at malalang sitwasyon
Iyan ang pamamahala sa aming komunidad
na aming hinahangad.

Upang magkaroon ng kaayusan ang komunidad, gumagawa ng mga ordinansa o


alituntuning dapat sundin ang Sangguniang Barangay na binubuo ng mga Kagawad sa
pangunguna naman ng Kapitan. Bawat kagawad ay may pamumunuang komite upang
mabilis ang pagbibigay ng serbisyo sa mga tao.

Sa araling ito ating kilalanin ang ilang mga pinuno katulad nila.
Basahin ang mga kuwento ng mga sumusunod na pinuno at sagutin ang mga
katanungan ayon sa nabasang kuwento.

Si Dr. Simon ay isang punong manggagamot sa


isang pampublikong pagamutan. Siya ang
nangunguna sa pag-aasikaso sa mga taong may
sakit at nangangailangan ng medikal na atensyon.
Tinitiyak rin niya na ligtas at nasa maayos na
kalagayan ang mga nagtatrabaho maging ang mga
pasilidad ng pagamutan. Sinisikap niya na ang serbisyong ibinibigay ng pagamutan ay de-
kalidad at ligtas.

Si Major Cruz na hepe ng Himpilan ng Pulis ay matapang at masigasig na


pinamumunuan ang kapulisan na siyang sumusugpo sa mga krimen at masamang gawain
sa komunidad. Pinapanatili niya ang kapayapaan at kaayusan sa lugar na kaniyang
nasasakupan gayundin ang katapatan at malasakit ng mga pinumumunuan nyang
kapulisan.

Si Kuya Noli ang SK chairman ng Brgy. Masagana na siyang nangunguna sa mga


proyekto ng barangay para sa mga kabataang katulad niya. Sinisikap niya na nabibigyan
ng boses ang mga kabataan na maipahayag ang kanilang saloobin at ideya. Nagsasagawa
siya ng mga programa na katulad ng isports, sining, clean- up drive at iba pa upang
makaiwas sa masamang bisyo ang mga kabataan.
Si Kapitan Raffy ng Brgy. Cuayan ay
buong pagmamahal na pinamumunuan ang
kaniyang komunidad at may malasakit na
naglilingkod sa mga mamamayan. Sinisikap
niyang makisalamuha sa kaniyang mga
nasasakupan upang hikayatin sila ana makiisa sa
mga programa ng barangay para sa ikauunlad ng
pamayanan.

Si Gng. Paras naman ang punong-guro ng


Mababang Paaralan ng Cuayan ay buong malasakit
na pinaglilingkuran at pinamumunuan ang mga
guro, mag-aaral at magulang ng paaralan.
Tinutulungan niya ang mga guro na mapaunlad ang
kanilang mga kakayahan sa pagtuturo at
nagsasagawa rin siya ng mga programang
magpapaunlad sa mga mag-aaral sa larangan ng
akademya, isport, sining at agham at iba pang
asignatura.

Si nanay Lisa at tatay Lito ang


nagsisilbing pinuno ng kanilang tahanan at
nagpapanatili ng kaayusan at pagmamahalan
ng mag-anak. Tinitiyak nila na natutugunan
ang pangangailangan ng kanilang pamilya at
nabibigyang pansin ang mga problemang
kinakaharap. Sila ay nagsisilbing ilaw at
haligi ng tahanan
upang manatili itong buo at puno ng
pagmamahal.

Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang salitang tumutukoy sa pinuno sa bawat
pangungusap at isulat sa patlang ang tungkuling kanilang ginagampanan.

1. Nagpatawag ng pagpupulong ang punong-guro ng paaralan tungkol sa pagbibigay ng


modyul.
____________________________________________________
2. Ipinag-uutos ng punong-barangay o kapitan ang wastong pagtatapon ng basura.
____________________________________________________

3. Ipinaalala ng pinuno ng kabataan ang kahalagahan ng pag-iwas sa masamang bisyo.


____________________________________________________

4. Iniingatan ng isang ama at ina na mailayo sa nakakahawang sakit ang kanilang mga
anak.
____________________________________________________

5. Pinagsabihan ng hepe ng mga pulis ang mga taong hindi nagsusuot ng face mask sa
palengke.
____________________________________________________

Panuto: Basahin ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap
ay wasto at MALI kung ang ipinapahayag ay hindi wasto.

_________1. Ang punong-guro ang siyang namumuno sa isang pampubliko at pribadong


paaralan.
_________2. Ang ama at ina ang namumuno sa isang pamilya o tahanan.
_________3. Ang barangay ay pinamumunuan ng isang hepe ng pulis.
_________4. Ang mga kagawad ng isang barangay ay personal na pinili ng Kapitan upang
tulungan siya sa mga gawaing pambarangay.
_________5. Ang Kapitan at mga kagawad na ibinoto ng mamamayan ng barangay ay
nagtatrabaho sa hospital.

ENGLISH

Lesson 5 Identifying Important Details in Expository Text Listened


Expository text is a type of text that gives true information about a topic. It gives us clue
to get the details of a text quickly.

Expository text also gives us idea to get the important details of the text given. To get the
important details of the text, you must listen carefully to the text so that you can easily get
the main idea.
What’s New

Read the the dialog below, then answer the following questions after the conversation.
Encircle the letter of the correct answer.
Philippine Symbols
By: Elisa O. Cerveza
It’s a sunny Monday morning. Bryan was excited to go to school. The teacher told them to
bring pictures of Philippine symbol last Friday.

He brought a picture of the Philippine flag and a chart of the Philippine symbols that her
teacher told them to bring. His classmates had pictures, too.
Let’s hear the conversation of a teacher and the pupils about the Philippine symbols.

Pupils: Good morning, Mrs. Santos!

Mrs. Santos: Good morning, class! Last Friday, I told you to bring pictures of our
Philippine Symbols. Please bring out your assignment.

Bryan: Ma’am, this is my assignment.

Mrs. Santos: What did you bring?

Bryan: Philippine flag, ma’am.

Mrs. Santos: Okay. Very good, Bryan!

The teacher took the picture of the Philippine flag from Bryan and started talking about it.

Mrs. Santos: The Philippine flag is the most important symbol of our country. It consists
of white triangle stands for equality, the blue stripe which stands for peace and the red
stripes stands for bravery and patriotism.

The pupils started to raise their hand to name other Philippine Symbols and say something
about it.

Mrs. Santos: Yes, Ana. What do you want to say about our lesson today?
Ana: Ma’am I brought a picture of a sampaguita. The sampaguita is our national flower. It
is sweet smell and it is small and white petals.

Mrs. Santos: Very good, Ana!

Mary: (raising her hand)

Mrs. Santos: Yes, Mary. What about your answer?


Mary: Ma’am, this is a narra tree. It has strong and shady tree and it also gives us good
lumber.

Mrs. Santos: Thank you, Mary. Good job! How about you Ryan? Do you want to say
something?

Ryan: Ma’am, this picture is a Philippine mango. It is a tropical fruit. It may be yellow if it
is ripe and green color if it is unripe. Many people love to eat ripe mangoes because they
are sweet and delicious.

Mrs. Santos: Thank you, Ryan for your explanation. Let’s have the last one, Rick.

Rick: Ma’am, this is a carabao. It is strong and useful animal. It helps the farmer in the
field.

Mrs. Santos: Congratulations, to all of you! Everyone participated and recited in our
discussion. Did you learn a lot about our national symbols?

Bryan: Yes, ma’am. Now I know why we have flag ceremony every Monday morning.

Comprehension Questions:

1. Who was excited to go to school?


a. Bryan b. Ana c. Mary d. Ryan 2. What
did he bring to school?
a. picture of a mango b. picture of a narra tree
c. picture of Philippine flag d. picture a sampaguita
3. What are the different colors in our Philippine flag?
a. red, white, blue and green b. red, white, yellow and black
c. red, white, yellow and blue d. red, white, brown and blue
4. The red color in our Philippine Flag stands for what?
a. bravery and patriotism c. peace
b. equality d. brave only
5. In school, how do you show your respect to our flag?
a. Stand straight when singing the national anthem.
b. Ignore the singing of the national anthem.
c. Do not stop doing the activity when singing the national anthem.
d.Play with the playmates when singing the national anthem.

Encircle the letter of the correct answer.


1. The most important symbol of our country is the _______.
a. Philippine flag b. mango c. carabao d. narra
2. What are the different colors of the Philippine flag?
a. red, white, blue and green b. red, white, yellow and black
c. red, white, yellow and blue d. red, white, brown and blue
3. Where can we see the picture of the sun?
a. at the center b. at the middle
c. at the bottom d. on the left side
4. What is the shape of the Philippine flag?
a. square b. circle c. rectangle d. oval
5. Which color of the flag stands for bravery and patriotism?
a. white b. yellow c. blue d. red

MATHEMATICS
Solves Routine and Non-Routine Problems Involving Division of Numbers by
Aralin 1 2,3,4,5 and 10 with Any of the Other Operations of Whole Numbers Including
Money Using Appropriate Problem Solving Strategies and Tools

Tuklasin
Basahin ang talata. Makatutulong ito para sa iyong kaalaman sa pag-analyze ng
tamang proseso sa pagsagot ng routine at non-routine problems sa division.
Naghanda ng 48 food packs ang Malhacan
Integrated School Teachers’ Association (MISTA) officers bilang tulong sa mga pamilyang
labis na naapektuhan ng pandemiyang dulot ng COVID-19. Kung 24 lahat ang pamilyang
nahandugan ng tulong, ilang food packs ang natanggap ng bawat isa?
Naapektuhan din ba ng pandemiya ang iyong pamilya?
Paano ninyo ito nalagpasan?

Suriin

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ilang food packs ang inihanda ng MISTA officers?


a. 48 food packs c. 50 food packs
b. 28 food packs d. 58 food packs
2. Ilang pamilyang naapektuhan ng community quarantine ang kanilang nahandugan ng
food packs?
a. 28 pamilya c. 24 pamilya
b. 48 pamiya d. 38 pamilya
3. Ano ang hinahanap na sagot mula sa talata?
a. bilang ng pamilyang nahandugan ng food packs
b. bilang ng food packs na natanggap ng bawat
pamilya
c. kabuuang bilang ng ibinahaging food packs
d. bilang ng mga gurong kasapi sa MISTA.
4. Anong operation ang dapat mong gamitin upang masagot ang tanong sa talata?
a. addition (pagdaragdag)
b. subtraction (pagbabawas)
c. multiplication (pagpaparami)
d. division (paghahati-hati)
5. Ilang food packs ang natanggap ng bawat pamilya?
a. 5 food packs c. 3 food packs
b. 2 food packs d. 4 food packs

May dalawang uri ng word problem sa Mathematics. Ito ay ang routine at non-routine
problem. Ang isang routine problem ay word problem na may agarang paraan ng pagsagot.
Ang non-routine problem naman ay word problem kung saan nangangailangan nang
masusing pag-aanalisa. Maaari ding kailanganin nang higit sa isang paraan upang masagot
ito.
Maraming paraan para ma-solve ang isang word problem. Ngunit mayroong mga
subok na hakbang upang magawa ito. Naririto ang
kailangan mong tandaan sa pag-solve ng word problem.

Understand – pag-unawa sa word problem


Plan – pag-iisip kung paano sasagutin ang problem
Solve – pagsasagawa ng plano upang masagutan ang problem
Check and look back – pag-aanalisa muli sa iyong isinagawang pagsagot at
nakuhang sagot.

Balikan natin ang talata.


Sa naunang talata, nakasaad na mayroong 48 food packs na tulong para sa 24 na
pamilyang naapektuhan ng community quarantine. Ang hinahanap na sagot ay ang bilang ng
food packs na natanggap ng bawat pamilya.
Sa word problem na ito, kailangan mong hatiin ang kabuuang bilang ng food packs na
ipamamahagi sa 24 na pamilya. Ang operation na gagamitin ay paghahatihati o division.
Narito ang isang solusyon:
48 𝑓𝑜𝑜𝑑 𝑝𝑎𝑐𝑘𝑠 ÷ 24 𝑝𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎 = 2 𝑓𝑜𝑜𝑑 𝑝𝑎𝑐𝑘𝑠 𝑏𝑎𝑤𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑚𝑖𝑙𝑦𝑎

Sa makatuwid, ang bawat isang pamilya ay makatatanggap ng dalawang food packs.


Bukod sa mga hakbang na nabanggit sa pagsagot ng mga word problem, tandaan na
pinakamahalaga pa rin ang iyong tiyaga sa pagsasagot sa mga ito.
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Aralin 1 Pagiging Masinop, Taglay Ko!

Ang pagiging masinop o matipid ay mahalaga sa kabuhayan ng pamilya. Paano


mo maipakikita ang pagiging masinop?

Ang batang tulad mo ay dapat malaman ang kahalagahan ng pagiging masinop


sa lahat ng bagay. Malaki ang maitutulong nito hindi lamang sa iyong sarili
kundi pati na rin sa mga tao sa paligid.

Balikan
Lagyan ng tsek (  ) ang larawang nagpapakita ng pagiging masinop o matipid
at ekis (  ) naman kung hindi.
+1 1

. 2 1

3 1
4 1

5 1

Tuklasin

Tunghayan natin ang isang maikling kuwento ng dalawang magkaibigan na katulad mo na


nasa Ikalawang Baitang. Sa tulong ng iyong magulang o nakatatandang kasama sa bahay,
basahin mo ito nang may buong pag-unawa.

Si Isang Gastador at si Litang Masinop

Si Isang at Lita ay parehong nasa Ikalawang Baitang. Sila ay sabay na pumapasok sa


paaralan.

Tuwing oras ng recess sabay silang


pumupunta sa kantina para bumili ng
meryenda. Inuubos ni Isang ang lahat ng
kanyang baon, samantalang si Lita ay
nagtitira para ilagay sa kaniyang alkansiya.

Habang ang
magkaibigan ay
kumakain, pinuna ni Lita ang kaibigan ukol sa labis na
paggasta nito sa kaniyang baon.Napatigil sa pagkain si
Isang at nakinig sa kaniyang kaibigan na si Lita.

Napaisip ito at tinanong ang kaniyang sarili “Bakit


nga ba ako magastos?” Sa kanilang pag-uusap ibinida ni Lita ang kaniyang alkansiya na
binili ng kaniyang tatay upang maipon niya ang mga sobra sa kaniyang baon. Sinabi niya
na mapupuno na ito at makakabili na siya nang gustong- gusto niyang bisikleta. Binigyan
niya ng payo ang kaibigang si Isang kung paanong paraan magiging masinop sa mga iba
pang bagay. Sumang ayon naman si Isang at nangako kay Lita na magsisimula na rin
siyang mag- ipon at hindi na uubusin ang lahat ng kaniyang baon.
Masayang natapos kumain ang magkaibigan at dali-dali na silang bumalik sa kanilang
silid-aralan

Suriin

Nasiyahan ka ba sa ating kuwento? Ngayon naman, mula sa kuwentong iyong binasa,


sagutin ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino sa dalawang magkaibigan ang masinop sa kuwento?


a.Lita b.Isang c.Rita
2. Ano ang ginagawa ni Lita sa kaniyang sobrang baon?
a. binibigay sa nanay
b. binibili ng pasalubong
c. iniipon sa alkansya
3. Ano ang planong bilhin ni Lita sa naipong pera?
a. damit b. manika c. bisikleta
4. Ano ang ipinangako ni Isang sa kaibigang si Lita?
a. bibigyan niya ito ng lapis
b. magsisimula na din itong mag ipon
c. maglalaro sila
5. Dapat bang tularan ang pagiging masinop ni Lita?
a. oo b.hindi c.marahil

Mahalaga ang pagtitipid hindi lamang ng pera kundi pati na rin ng


kuryente, tubig, at iba pang bagay. Ang wastong paggasta ng pera ay isang
paraan upang makapag-impok. Kung may pera kang naitago, may magagamit ka
sa oras ng iyong pangangailangan.
Ang wastong paggamit naman ng tubig at kuryente ay makakatulong
hindi lamang sa pamilya kundi gayundin sa ating bansa at sa buong mundo.
Ang wasto at matalinong paraan ng paggamit sa ating mga kagamitan ay
isang paraan din ng pagtitipid. Makakatipid tayo kung ang bibilhin natin ay mga
bagay na kailangan lamang natin.
Panuto: Isulat ang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Mali
kung di wasto ang pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

_________1.Tinatapon ko na ang pudpod na krayola.


_________2. Sinasara ko ang gripo kapag hindi ito ginagamit.
_________3. Pinapatay ko ang mga appliances na hindi ginagamit.
_________4. Gumagamit ako ng timba at tabo sa paliligo para hindi maaksaya
sa tubig.
_________5. Magtatanim ako ng mga halamang gulay sa aming bakuran

MUSIC

Aralin 1 Pagsasalita at Pag-Awit

PANUTO:Kilalanin ang bawat instrumentong pang-musika. Isulat ang titik


ng tamang sagot.

a. Tamburin b. Pompyang c. Triangle


d. Marakas e. Gong f. Tambol

1. 2.
3.

4. 5.
Suriin

Ang tinig na umaawit ay kakaiba sa tinig na naguusap o nagsasalita. Pag-


aralan at sagutin ang mga sumusunod na larawan.
Upang makaawit nang kaayaaya sa pandinig,kailangan ang wastong
paghinga.Kontrolin ang pagpasok(inhale) at paglabas ng hangin
(exhale).Humihinga pagkatapos ng bawat parirala ng awit.Kinakailangan din
ang wastong ayos ng katawan habang nakaupo upang makaawit ng maayos.

Pag-Aralan Natin:

Ang Pagsasalita (Speaking Voice) ay normal na boses na gawain ng mga


tao upang makipag-usap at magkaintindihan.
Ito din ay sangkap upang magkaintindihan ang bawat isa.
Ang ilan sa halimbawa ng Speaking Voice o
Pagsasalita ay: Tula, Dayalogo, Balagtas, Dula-dulaan, Sabayang Pagbigkas,
Pagkukweto, pagpapaliwanag atbp.

Ang Pag-awit (Singing Voice) naman ay ginagamitan ng boses na may


indayog o tono.
Ito din ay nagpapakita ng pagtaas at pagbaba ng boses upang makabuo ng
magandang awitin.

Ang tinig na umaawit ay kakaiba sa tinig na naguusap o nagsasalita. Ang


mga halimbawa ng Singing Voice o Pagkanta ay: Isahang Pagkanta, Sabayang
Pagawit, Acapella, Dalawahang pagkanta atbp.

Sabayang pagbigkas- ito pangkatang gawain sa pamamagitan ng pagsasalita na


nakabubuo ng magandang mensahe sa tagapakinig.

Sabayang Pagkanta- ito din ay binubuo ng pangkat na ang tanging gagawin ay


lalapatan ng tono ang teksto.
Tula- isang likhang sining na binibigyang halaga ang paggamit ng damdamin,
emosyon at indayog sa pagsasalita

Pag-awit- ito naman ay gawain na nagpapakita din ng damdamin at emosyon


ngunit nilalapatan ito ng tamang tono, upang makabuo ng magandang awitin.

Dayalogo-ito ay paraan ng pakikipag usap upang mapag usapan at maibigay ang


sariling opinyon at opinyon ng dalawang panig.

Tandaan:
Ang boses nating natural o ―Speaking voice o Pagsasalita ay ginagamit
naman natin kung tayo ay nakikipag-usap o nagsasalita.
Subalit ang ―Singing voice oPag-awit naman kung tayo ay umaawit.
Sa pag-awit ay ginagamitan natin ang ―singing voice upang maging kaaya-
aya sa ating pandinig ang isang awit.

Panuto:Iguhit ang nota ( ♪) kung ito ay nagpapakita ng singing voice at


bibig ( ) kung ito ay nagpapakita ng speaking voice.
____1. “Paa, tuhod, balikat, ulo” “Paa, tuhod, balikat, ulo”
____2. “Atin Cu pung sing sing metung yang timpukan, amana ke iti king
indong ibatan”
____3. “Magandang Umaga sa inyong mga mahal na guro at kamag-aral”.
____4. “Ako’y may aso, asong mataba, buntot ay mahaba, makinis
ang mukha”.
____5. “Sampung mga daliri, kamay at paa, dawalang tenga dalawang mata
ilong na maganda.

ARTS

Aralin 1 Pag-uukit ng mga Hugis at Letra

Marami ang maaaring gamitin mula sa mga bagay sa ating paligid upang
makagawa ng isang likhang-sining.
Ang pambura at kamoteng hilaw ay maaaring gamitin upang makapag-
ukit ng mga hugis at letra na maaaring gamitin sa paglilimbag ng isang likhang-
sining.

Balikan

Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang paggawa ng pattern sa


pamamagitan ng dalawa o tatlong paglilimbag na ginagamitan ng pag-uulit o
pagsasalitan ng hugis o kulay.

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ☺ kung ito ay nagpapakita ng pattern at


malungkot na mukha  kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na
sagutang papel.

1.

2.

3.

Tuklasin

Nakakita na ba kayo ng taong nag-uukit? Naranasan mo na bang mag-


ukit? Ano ba ang mga bagay na kailangan sa pag-uukit?
Sa kuwentong iyong babasahin ngayon matututuhan mong mag-
ukit ng mga hugis at letra at kung ano-ano ang mga bagay na maaaring
gamitin sa pag-uukit.

Si Nilo
ni Marian M. Dondriano
Si Nilo ay isang bata na ang lahat ng kanyang
gusto naibibigay ng kanyang magulang.
Minsan, napansin ni Bb. Mallari si Nilo na
itinatapon ang kanyang lumang pambura. Kaagad
siyang nilapitan ng kanyang guro. “Nilo, Bakit mo
itinatapon ang mga
pambura?” ang tanong ni Bb Mallari.

“Luma na po kasi, kaya itinapon ko na lang,” ang sabi ni Nilo. “Alam mo


bang maari pa yang gamitin ng iba o maari pang gamitin iyan upang maka-ukit
ng hugis at letra” ang sabi ni Bb. Mallari. “Talaga po ba?” manghang tanong ni
Nilo. “Oo Nilo, halika at tuturuan ko kayong mag-ukit ng
hugis at letra gamit ang pambura,” masayang tugon ni Bb.
Mallari. Pinulot ni Nilo ang itinapong pambura.
Pagdating sa silid-aralan tinuruan ni Bb. Mallari ang
mga mag-aaral sa pag-ukit ng hugis at letra gamit ang
pambura. Sinabihan niya rin ang mga bata na hindi lang
pambura ang maaring gamitin, puwede ring gumamit ng
kamote kung sila ay nasa bahay.

Masayang ginawa ng mga bata ang pag-ukit ng hugis at letra gamit ang
pambura.

Suriin

May mga paraan na dapat sundin upang makapagukit ng hugis at letra


gamit ang pambura o hilaw na kamote.
1. Maghanda ng mga gagamitin sa pag-uukit tulad ng lumang pambura
o hilaw na kamote at patpat.
2. Gumuhit ng gusto mong hugis o titik sa pambura bilang pattern.
3. Tanggalin ang sobrang bahagi ng pattern na iginuhit mo.
*Paalala:
Magpatulong sa iyong magulang o nakatatanda. Mag-ingat sa
paghawak ng patpat o matalim na bagay.
Linisin ang pinaggamitan pagkatapos ng iyong gawain.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong.


1. Anong bagay ang ginagamit sa silid-aralan ang maaaring gamitin upang
makapag-ukit ng hugis at letra?
__________________________________________________
2. Maliban sa pambura ano ang maaari pang gamitin sa pag-uukit na
maaaring makita sa tahanan na binanggit sa kuwento?
__________________________________________________

3. Ano dapat mong gawin ang upang makagawa ka at mapakag-ukit ng


hugis sa pambura?
___________________________________________________

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Pagsunod-sunorin ang mga larawan upang ikaw ay makapag-ukit sa
pambura o sa hilaw na kamote. Ilagay ang wastong sagot sa hiwalay na
sagutang papel.
Isaisip

Maraming bagay sa ating paligid ang maaari nating gamitin upang


makagawa ng likhang-sining. Tayo ay makapag-uukit ng iba’t ibang hugis at
letra gamit ang lumang pambura at hilaw na kamote. Maaari rin nating gamitin
ang mga inukit na hugis at letra na pantatak o panlimbag upang makagawa ng
magandang disenyo.
Maipapakita natin ang ating kakayahan sa pag-ukit.

You might also like