You are on page 1of 29

2

Ako’y Ako, Bakit Kaya?

Basic Literacy Learning Material


Bureau of Alternative Learning System
DEPARTMENT OF EDUCATION
Reformatted for distribution via
DepEd LEARNING RESOURCE MANAGEMENT and DEVELOPMENT SYSTEM PORTAL
INSTRUCTIONAL MATERIALS COUNCIL SECRETARIAT, 2011
Ako’y Ako, Bakit Kaya?
Karapatang Ari 2005
KAWANIHAN NG ALTERNATIBONG SISTEMA SA PAGKATUTO
Kagawaran ng Edukasyon

Ang modyul na ito ay pag-aari ng Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto, Kagawaran ng Edukasyon. Ang alinmang
bahagi nito ay hindi maaaring ilathala o kopyahin sa anumang paraan o anumang anyo nang walang nakasulat na pahintulot ng
organisasyon o ahensya ng pamahalaang naglathala.

Inilathala sa Pilipinas ng:

Kawanihan ng Alternatibong Sistema sa Pagkatuto


Kagawaran ng Edukasyon
3/F Mabini Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Tel. No.:(02) 635-5188, Fax No.: (02) 635-5189
Ako’y Ako, Bakit Kaya?
Tungkol Saan ang Modyul Na Ito?

Ang modyul na ito ay tungkol sa pagpapahalaga sa sarili at mga kaugalian.


Nakatutulong din ito sa pag-unawa sa kaugalian ng ibang tao, sa pagbubuo ng tamang
saloobin, at pagpapahalaga sa pagkatao niya.

Tinatalakay rin sa modyul na ito ang mga salik na nakakaimpluwensiya sa sarili gaya
ng pamilya, kapaligiran, kaibigan, gawain, at relihiyon.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:

Aralin 1 - Gaano Ako Kahalaga?

Aralin 2 - Mga Salik Na Nakaiimpluwensya sa Sarili

i
Anu-ano ang mga Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang magagawa mo na ang


mga sumusunod:

• naipakikita ang pag-unawa sa sarili sa pamamagitan ng pagkukwento tungkol


sa sarili ;

• nakakikilala ng sariling kakayahan;

• nakasusulat ng maikling kwento tungkol sa sariling gawi at kaugalian; at

• natatalakay ang mga salik na makaiimpluwensya sa sarili gaya ng pamilya,


kapaligiran, kaibigan, gawain, at relihiyon.

ii
Anu-ano na ang mga Alam Mo?

Bago mo simulang pag-aralan ang modyul na ito, gawin ang pagsusulit na ito upang
malaman kung ano na ang alam mo tungkol sa mga paksang tatalakayin sa modyul na
ito.
Basahin ang mga pangungusap na sumusunod. Maglagay ng tsek (√ ) sa patlang
bago ang bilang kung ang pangungusap ay TAMA at ( x ) kung ang pangungusap ay
MALI.

_______1. Mas masustansya ang gatas ng ina kaysa mga gatas na de-lata.
_______2. Habang maliit ang bata dapat pabayaan natin kung ano ang gusto.
_______3. Ang batang kambal ay karaniwang parehas sa panlabas na anyo at pag-
uugali.
_______4. Ang anak na lalaki ay madalas makuha ang pag-uugali ng kanyang tatay.
_______5. Sa ating bansa, mas gusto ng isang pamilya ang magkaroon ng anak na
lalaki.
_______6. Maagang tumanda sa pisikal na anyo ang babae kaysa sa lalaki.
_______7. Mas malikot ang batang lalaki kaysa batang babae.
_______8. Habang maaga dapat turuan ang bata ng kagandahang-asal.
_______9. Hindi dapat paluin ang bata kahit ito’y may kasalanan.
______10. Ang pagdisiplina sa bata ay tungkulin ng nanay at tatay.

Lumapit sa isang Facilitator upang malaman ang mga tamang sagot.


iii
Aralin 1
Gaano Ako Kahalaga?
Kung minsan, tinatanong natin ang ating sarili, bakit ako’y ako? Sinisisi natin ang ibang
tao o ang ating sarili kapag di maganda ang takbo ng ating buhay. Kung minsan, hindi
natin maintindihan ang ating sarili.

Sa puntong ito, kailangang intindihin ang ating sarili. Pag-aralan natin kung sino tayo
talaga upang sa ganoon maintindihan din natin ang ibang tao.

Pagkatapos pag-aralan ang araling ito, inaasahang makakaya mo nang gawin ang
mga sumusunod:

• nakalulutas ng mga suliranin kaugnay ng pang-araw-araw na suliranin sa lipunang


ginagalawan;

• nakikilala ang sariling kakayahan ayon sa mga pangyayaring nagaganap; at

• nakatutugon nang wasto sa mga isyung mayroong kinalaman sa buhay upang


makagawa ng makabuluhang pagpapasiya.

1
Pag-aralan Natin

Ganyan si
Rene noon. Ang
Oy, ang Ay naku! Mabait, taba-taba.
taba-taba mana sa akin.
mo! Mabait
ba ito?

Hoy, mana
sa lolo.

Sa akin yata
mana.

2
Pag-usapan Natin

Mahiwaga

Mahiwaga ang buhay ng tao


Ang bukas ay di natin piho
At manalig lagi sana tayo
Ang Diyos ang pag-asa ng mundo.

Pag-ibig sa ating kapwa tao


At laging magmahalan tayo
‘Yan ang lunas at ligaya
At pag-asa ng bawat kaluluwa.

‘Yan ang hiwaga ng buhay ng tao.

3
Subukin Natin

Alamin natin ang mga natutuhan sa awit. Punan ang patlang ng tamang sagot.

1. Ang buhay ng tao ay ____________________.

a. mahiwaga c. maiksi
b. mahirap d. maganda

2. Hindi natin ____________________ ang bukas.

a. tiyak c. malaman
b. piho d. hawak

3. Dapat tayong manalig lagi sa ____________________.

a. kapwa c. kakayahan
b. magulang d. Diyos

4. Sapagkat ito’y pag-asa ng ____________________.

a. bayan c. lahat
b. bansa d. mundo
4
5. Pag-ibig sa ating kapwa ____________________ ang lunas at ligaya.

a. kapatid c. tao
b. natin d. kaibigan

6. Pag-ibig at pagmamahalan ang pag-asa ng bawat ____________________.

a. pangarap c. nagmamahal
b. mamamayan d. kaluluwa

Makipag-usap sa inyong Facilitator para malaman ang mga tamang sagot.

5
Alamin Natin

Ako’y si Clark. Sabi nila ako raw ay mabait, masipag,


mapagmahal, at matalino. Nasa ikatlong taon ako ng
mataas na paaralan. Sina G. at Gng. Ed dela Cruz ang
aking mga magulang. Kapwa sila may mga trabaho.
Nakatira kami sa Puzon St., San Gabriel, Tuguegarao
City. Ang pangarap ko sa buhay ay maging abogado.
Mahilig akong magbasketball. Mapili ako sa pagkain
ngunit mahilig sa noodles. Palakaibigan, palasimba at
masipag ako. Tumutulong ako sa mga gawain sa
aming tahanan.

Ako’y si Mae, nasa ikatlong taon sa mataas na


paaralan. Nag-iisa akong anak nina G. at Gng. Jun
Santos. Ang tatay ko ay inhinyero, ang nanay ko ay
isang negosyante. Lahat ng hinihingi ko ay naiibigay ng
aking mga magulang. Mahilig ako sa pagsasayaw.
Mapili ako sa pagkain at sa mga kaibigan. Ang
pangarap ko sa buhay ay maging manggagamot.

6
Tandaan Natin
Sukat ng Kahalagahan

Halaga’y di masusukat sa kaanyuan


O sa tikas at tindig ng katawan
Maging mabuti, ‘yan ang tandaan
Sa sariling bahay o kahit saanman.

Maliit na gawain ay pagbutihan


Kagandahang dulot nito’y di matatawaran
Mabait na anak yaman ng magulang
Ipinagkakapuri ng ating lipunan.

7
Subukin Natin

A B

C D

A. Pag-aralan ang mga larawan ng iba’t ibang mag-anak. Ilarawan ang bawat isa.
Isulat ang katangian sa apat na hanay. Hanay A – unang mag-anak, Hanay B –
ikalawang mag-anak, Hanay C – ikatlong mag-anak, Hanay D – ikaapat na mag-
anak.
8
B. Kilalanin mo ang iyong sarili. Ano kaya ang gagawin mo sa bawat sitwasyon?
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nakatira ka sa isang subdibisyon. Ang kapitbahay mo ay mahilig sa musika.


Miyembro ng isang banda ang isa nilang anak. Halos gabi-gabi nag-eensayo
sila. Di kayo makatulog sa ingay. Anong gagawin mo?

a. Sisigawan mo sila para huminto.


b. Batuhin mo ang bahay.
c. Lilipat ng tirahan.
d. Kakausapin ang may-ari ng bahay.

2. Ikaw ay mayroong kamag-anak na magnanakaw. Ilang beses ka niyang


ninakawan. Ano ang dapat mong gawin?

a. Tumawag ng pulis at ipakulong


b. Awayin mo siya
c. Isumbong mo siya sa “facilitator” mo
d. Kausapin mo siya nang masinsinan

9
3. Marami kayong magkakapatid. Bawat isa ay may gawaing dapat gampanan
sa bahay, ngunit di nila ito ginagawa. Nakikita mo na ikaw lamang ang
nagtatrabaho? Ano ang dapat mong gawin?

a. Magdabog ka para mapansin na ikaw ay inis na inis.


b. Matulog ka na lang.
c. Awayin mo sila.
d. Sabihin mo sa magulang mo para kausapin sila.

4. Si Nelia ay kamag-anak mo. Palagi siyang nanguguna sa klase. Mabilis siyang


makatapos ng kanyang modyul. Sa klase, siya ang palaging pinupuri ng
“facilitator”. Ano ang gagawin mo para mapuri ka rin ng iyong facilitator?

a. Hindi mo siya kikibuin


b. Sisiraan mo siya sa mga ibang kamag-anal
c. Magpapaturo ka sa kanya para matuto ka rin
d. Hindi ka na papasok sa “learning center.”

Talakayin ninyo sa klase ang sagot sa pagsasanay na ito.

O ano, unti-unti mo na bang nakikilala ang sarili mo? Tama ka. Makikilala mo ang sarili
sa pamamagitan ng mga aksyon at reaksyon mo sa iba’t ibang pangyayari sa buhay mo.

10
Aralin 2
Mga Salik Na Nakaiimpluwensiya sa Sarili
Maraming bagay na maaaring makaapekto sa paghubog ng isang pagkatao. Ikaw,
alam mo ba kung anu-ano ang mga bagay na nakaiimpluwensiya sa iyong pag-uugali?

Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, maaari mo nang isagawa ang mga
sumusunod:

• natatalakay ang mga salik na nakaiimpluwensiya sa sarili gaya ng pamilya,


kapaligiran, kaibigan, gawain, at relihiyon; at

• nakasusulat ng maikling salaysay tungkol sa pansariling gawi at ugaling nais


baguhin o kaya’y panatailihin at pagtibayin.

11
Pag-usapan Natin

Sinu-sino Kayo?

Hindi natin tiyak


Ang buhay ng tao
Maging ang ugali
Maaaring magbago.

Relihiyon, barkada
Gawai’t, pamilya
Sa ugali niya
Mayroong impluwensiya.

Buhay na maganda
Kung nanaisin mo
Sa kapaligiran
Mag-ingat nang husto.

12
Subukin Natin

Sagutin ang mga tanong na sumusunod:

1. Ano ang pamagat ng tula?

2. Bakit ito pinamagatang “Sinu-sino Kayo?”

3. Anu-ano ang mga pwedeng magbago habang lumalaki ang isang tao?

4. Paano ito mababago?

5. Kung gusto mo ng magandang buhay, ano ang kailangang gawin?

6. Anu-ano ang mga salik ayon sa tula ang nakaiimpluwensiya sa kinabukasan


ng isang tao?

Talakayin ang iyong naging sagot kasama ng kapwa mo mag-aaral at ng iyong


facilitator.

13
Pag-aralan Natin

Pag-aralan ang larawan. Anu-ano ang iyong mga nakikita? Paano


naiimpluwensiyahan ng bawat sitwasyon ang buhay ng tao?

14
Subukin Natin
Noon
Halika! O Inay, bibigyan ko Tama na! Bati
laro tayo, po si Lito. na kayo.

Ngayon

15
Paghambingin ang mga pag-uugali noon at ngayon batay sa larawan sa pahina 17.
Isulat ang sagot sa tamang hanay. Maliban sa nakita, ano pa ang maidaragdag mo.

A. Noon B. Ngayon

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

6. 6.

Talakayin ang iyong mga naging sagot kasama ng kapwa mo mag-aaral at ng


iyong facilitator.

16
Tandaan Natin
Basahin ang mga tugma.

Ugali at gawi ng tao ay madaling maimpluwensyahan


Kaya magulang nararapat na anak ay ingatan
at gabayan
Disiplina’y magmumula sa tahanan

Ngunit sa iyo nakasalalay tiwala


sa sarili at paninindigan
Kung nais maligtas sa
kapahamakan
Mag-ingat sa gagayahin
o tutularan.

16 17
Subukin Natin
A. Anu-ano ang mga salik na nakaiimpluwensiya sa buhay ng tao? Alin sa mga ito
ang higit na nakaimpluwensya sa iyo?

18
B. Sabihin kung sa anong salik nakuha ang isinasaad ng bawat sitwasyon. Lagyan ng
tsek ( ! ) sa hanay na sa palagay mo ang natutugma sa sitwasyon.

Sitwasyon Pamilya Kaibigan Kapaligiran Relihiyon Gawain Medya Paniniwala

1. Si Roger ay lumaki
nang walang
magulang.
Nalulong siya sa
maraming bisyo.

2. Si Rose ay mahilig
manood ng
drama sa TV. Isang
araw, nagulat ang
magulang niya
nang siya’y mag-
iba ng ugali.

3. Halos lahat ng mga


tao sa barangay
na iyon ay walang
ginagawa kundi
maglaro ng
baraha. Si Toto ay
taga roon. Natuto
rin siyang maglaro
nito.

19
4. Si Rene ay isang
batang
basagulero.
Walang gustong
sumama sa kanya.
Ngunit may isang
pangyayaring
nagpabago sa
lahat. Nagbago siya.
Ngayon ay mabait
na at palasimba.

5. Si Ed ay
nagtatrabaho sa
isang “insurance
company.” Di
nagtagal, naging
sobra siyang
bugnutin. Naging
sanhi iyon ng
pagkatanggal niya
sa trabaho.

Pag-usapan sa klase ang tamang sagot.

20
Anu-ano ang mga Natutuhan Mo?

A. Kumpletuhin ang bawat pangungusap.


1. Ako’y si ___________________________________________.
2. Ipinanganak ako noong _________________________________.
3. Ako’y nakatira sa
_________________________________________________________.
4. Ang aking tatay ay si ________________________________________________.
5. Ang aking nanay ay si _______________________________________________.
6. Ako’y ________________gulang.
7. Nakatapos ako ng _____________________________.
8. Ang pangarap ko sa buhay ay ___________________________.
9. Ang gustung-gusto kong gawin ay maging ________________________.
10. Ang paborito kong pagkain ay ___________________________________.
11. Namana ko raw ang aking ugali sa ___________________________________.

B. Basahin ang ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang tsek ( !) kung sang-ayon
at ekis ( x ) kung di sang-ayon.
______ 1. Ang unang guro ng isang bata ay ang kanyang magulang.
______ 2. Sa panahon ngayon, dapat bigyan ng “curfew” ang mga bata.
21
______ 3. Ang paghubog sa bata ay tungkulin lang ng nanay.
______ 4. Tungkulin ng isang magulang na malaman kung sinu-sino ang mga
kaibigan ng kanilang anak.
______ 5. Kapag di namalo, bata’y aabuso.
______ 6. Para sa kinabukasan ng anak, dapat itong ipaubaya sa Diyos, tayong
mga magulang ay nagbibigay payo lang.
______ 7. Dapat piliin ng bata ang kanyang kaibigan.
______ 8. Ang pag-uugali ay nagagaya kaysa naituturo.
______ 9. Ang oras mo sa pamilya ang mas mahalaga kaysa pagbibigay ng sapat
na pera.
______10. Mas malaki ang impluwensiya ng kapaligiran kaysa pamilya.

C. Sumulat ng maikling kwento sa inyong papel. Pumili ng isa sa mga pamagat na


sumusunod:
1. Ang Aking Pamilya
2. Ang Paborito Kong Pagkain
3. Ang Aking Kaibigan
4. Ang Pangarap Ko Sa Buhay
5. Ang Favorite TV Show Ko

22
D. 1. Kung ipinanganak si Cecille noong Mayo 1, 1982 at ngayon ay Oktubre 16, 2007.
Ilang taon na siya noong huli niyang kaarawan?

2. Kung ikinasal sina Ding at Remy noong Pebrero 14, 1980 at ipinagdiwang nila
ang kanilang anibersaryo noong ika-5 ng Disyembre, 2006, ilang taon na silang
mag-asawa?

3. Si Linda ay ipinanganak noong Hunyo 23, 1985. Si Claire ay ipinanganak noong


Setyembre 24, 1980. Sino ang mas matanda ? Ilang taon ang tanda niya kay
Linda?

Pag-usapan sa klase sa tulong ng Facilitator ang mga tamang sagot.

23

You might also like