You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

LEARNERS ACTIVITY SHEET 7


Mahal naming mag-aaral,
Magandang araw!
Nakapaloob sa dokumentong ito ang mga aralin at iba’t-ibang gawain sa loob ng isang linggo. Basahin at
unawain ng mabuti . Sundin ang mga alituntuning nakasaad. Huwag mag atubiling humingi ng tulong

2
kung may mga bagay na di nauunawan. Higit sa lahat gamitin ang pagiging malikhain at maging maingat
sa lahat ng oras. Naway maging kasiya siya at makabuluhan ang mga gawaing ito. Masayang pag-aaral!

Nagmamahal,
Ang iyong Guro

Mga angkop at inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng


pagdadalaga/pagbibinata
Panuto : Basahin at unawain ang mga pangungusap na nagsasalarawan ng mga pagbabago dala
ng pagbibinata o pagdadalaga.

Ang pagbibinata/pagdadalaga o adolescence ay napakahalaga sa buhay ng tao


dahil ito ay transisyon sa panahon ng pagiging bata at patungo sa pagiging ganap na tao.
Narito ang paglalarawan ng mga inaasahang kakayahan at kilos:
1. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa
Walang taong nabubuhay nang nag-iisa, kailangan natin ang bawat isa. Kaya, sa iyong
pakikisalamuha maging mapanagutan ka sa iyong mga ginagawa.
2. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya
Bawat desisyon ay may kaakibat na pananagutan kaya pag-isipan mong mabuti
ang anumang gagawing pagpapasya.

3. Paghahanda para sa paghahanapbuhay


Ang pagkamit ng magandang kinabukasan ay hindi mabilisan. Ito ay isang proseso
na dapat paghandaan kaya ngayon pa lang, galingan mo ang iyong pag-aaral.

4. Paghahanda sa pag-aasawa at pagpapamilya


“Ang pag-aasawa ay hindi katulad ng kaning isinubo na kapag napaso ay iyong
iluluwa”. Mabigat ang nakaatang na responsibilidad kaya bago magdesisyon
maging handa sa anumang kahihinatnan.
5. Pagkakaroon ng mga pagpapahalagang gabay sa mabuting asal
Ito ang mga sumusunod na kakayahan upang mapaghandaan ang mataas na
antas ng pagdadalaga/pagbibinata:
• Hayaang mangibabaw ang iyong kalakasan
• Huwag matakot na harapin ang mga bagong hamon.
• Maging positibo sa iyong mga iniisip
Maraming tao ang nagsasabi sa iyo na hindi ka na bata. Habang nadadagdagan ang iyong
edad gayundin ang iyong mga tungkulin. Mulat ka na ba sa iba-iba mong tungkulin? Hayaan
mong tulungan kita upang mapalago at higit na mapayabong ang iyong pag-uunawa, pagkilala sa
iba’t ibang tungkulin ng nagbibinata/nagdadalaga.
1. Ang Tungkulin sa Sarili. Simulan sa sarili ang pagtupad sa mga
tungkulin.
• wastong pamamahala sa mga pagbabago sa pangangatawan
• pagpapaunlad ng talento, kakayahan, at wastong paggamit nito
• makabuluhang paggamit ng mga hilig.
2. Ang Tungkulin Bilang Anak. Mahalaga ang magandang
ugnayan sa mga magulang. Anuman ang kanilang magandang payo ay agad
mong sundin sapagkat ito ay para sa iyong kabutihan.
3. Ang Tungkulin Bilang Kapatid. Ang mabuting pakikitungo sa iyong mga kapatid ay
makatutulong upang matuto kang makitungo nang maayos sa iyong kapwa.

4. Ang Tungkulin Bilang Mag-aaral. Gawin mo ang higit na inaasahan sa iyo pagdating sa
pag-aaral.
• Mag-aral nang mabuti
• Magkaroon ng masidhing pagnanais na matuto
• Pataasin ang mga marka.
• Gamitin ang kakayahan sa komunikasyon nang buong husay.
• Pagyamanin ang kakayahan sa pag-iisip.
• Matutong lutasin ang sariling mga suliranin.
• Makilahok sa mga gawain sa paaralan

5. Ang Tungkulin sa Aking Pamayanan. Bilang kasapi ng isang lipunan magandang


tunguhin ang pagtupad sa mga sumusunod:
• pangalagaan nang maayos at malinis na barangay
• makibahagi at maglingkod sa gawain ng pamayanan
• maging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang tao
• maging tapat, makilahok, at makibahagi sa mga pagpupulong sa kinabibilangang
pamayanan
6. Ang Tungkulin Bilang Mananampalataya. Ang pag-aalay ng panalangin araw-araw ay
napakalaking bagay na para masabing isa kang tunay na mananampalataya.
7. Ang Tungkulin Bilang Konsiyumer ng Media. Gamitin ang mapanuring pag-iisip (critical
thinking) sa pagtanggap ng mga impormasyong napanood sa social media ngunit huwag kaligtaan
ang mga obligasyon lalo na sa pagaaral at gawaing bahay.
8. Ang Tungkulin sa Kalikasan. Ang kalikasan ay iyong tahanan nararapat lamang na
pangalagaan. Maaari mong gawin ang sumusunod:
• Ibahagi sa mga kasama sa tahanan ang mga kaalaman na natutuhan
sa paaralan.
• Ilapat sa buhay ang anumang natutuhan sa paaralan lalo na sa
siyensiya.
• Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa at sa
tubig.
• Hikayatin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing
pangkalikasan.
Gamitin ang social media para ipahayag ang pangangalaga sa kalikasan.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek (√) kung ikaw ay sang-ayon
at ekis (x) kung ikaw ay hindi sang-ayon.
_______1. Ang mga napapansing mga pagbabago sa sarili sa panahon ng pagdadalaga o
pagbibinata ay dapat ipagwalang bahala.
_______2. Dapat huwag mong kalimutan ang pagiging isip bata sa panahon na ikaw ay isang
ganap na dalaga o binata.
_______3. Maging responsable sa mga tungkulin sa sarili at sa kapwa.
_______4. Kailangan huwag kang makinig sa mga payo ng mga magulang kung ikaw ay
nagdadalaga o nagbibinata dahil malaki at marunong ka nang umunawa sa iyong sarili.
_______5. Kailangang pumasok sa isang relasyon sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.

Gawain 2: “Halo-Halo Espesyal”


Panuto: Basahin at suriin ang bawat pangungusap sa hanay A. Sa hanay B ay ang mga letrang
pinaghalo-halo, ilagay ang sagot sa hanay C.

A B C

1. Bilang isang dalaga/binata dapat linangin ang


_____ at kilos para magkaroon ng tiwala sa sarili. nayhkkaaa Sagot:__________

2. Kailangan ng mga ____para magkaroon ng


kaalaman kung paano harapin ang mga hamon ng Bgaya Sagot:__________
buhay
3. Nagsisilbing pangganyak o _________ang mga ito
sa binatilyo o dalagita upang gawin niya ang mga
inaasahan sa kaniya ng lipunan. Onybsatio Sagot:__________
m

4. Dahil malaki ka na at hindi ka na isang bata,


dapat ang iyong ______ ay naaayon sa pamantayan
bilang dalaga/binata. Oslik Sagot:__________

5. Dapat gampanan ang mga ______________ sa


sarili, sa tahanan, sa paaralan at lalo na sa lipunan. Nliukngut Sagot:__________

Gawain 3: Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong o pangungusap sa bawat bilang.
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Sa pagtupad sa iyong pangarap kailangan mong maging:
a. Marunong dumiskarte at manloko ng ibang tao para aasenso
b. Matiyaga sa lahat ng bagay pero madaling sumuko sa mga pagsubok
c. Dapat marunong makisama para makapagsamantala sa kahinaan ng iba
d. Kailangan may tiwala sa sarili, kakayahan, kilos at marunong makinig sa mga payo sa
mga nakatatanda.
2. Kailangan ang pakikipagkapwa-tao sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata dahil
____________.
a. makinig ka lang pero sarili mo ang masusunod na desisyon.
b. para may mga taong maaari mong sisihin sa panahon ng kapalpakan.
c. para malinang ang sarili sa mga bagay at magkaroon ng gabay sa mga desisyon sa
buhay.
d. hindi na kailangan ng gabay ng kahit na sino dahil malaki ka na at marunong ka nang
magdesisyon sa iyong buhay.
3. Alin sa mga sumusunod ang katangian sa pagiging magaling at mahusay sa pakikipagkaibigan
at pakikipagkapwa-tao?
a. Pagkakaroon ng tamang asal
b. Pagkakaroon ng sariling mundo
c. Paghahanda sa pag-aasawa at pagpapamilya
d. Pagtatamo ng bago at ganap na pakikipag-ugnayan

4. Alin sa mga sumusunod na tungkulin ang nagbibigay-papuri sa Poong Maykapal?


a. bilang masunuring anak
b. bilang mananampalataya
c. bilang konsyumer ng media
d. bilang tagapangalaga sa kalikasan
5. Bahagi ng pakikipag-ugnayan sa kapwa kung saan naibabahagi ang nararamdaman, ninanais
at mga plano sa buhay.
a. pakiki-isa
b. paglilibang
c. komunikasyon
d. pagkukunwari

6. Bilang isang binatilyo o dalagita masasabi mong mahal mo ang iyong sarili
kung_______________.
a. sarili mo lang ang mahal mo
b. mahal at nagpapahalaga ka sa ibang tao
c. mas mahalaga ang materyal na bagay kaysa buhay ng ibang tao
d. mahal mo lang ang mga mayayaman para ikaw ay mahalin din nila

7. Ito ay nagsisilbing pampalakas ng loob upang malagpasan ang mga pagsubok sa panahon ng
pagdadalaga o pagbibinata.
a. gabay
b. motibasyon
c. pagpapaganda
d. pagmamalasakit

8. Ang tiwala sa sarili ay mahalaga sa panahon ng pagdadalaga o pagbibinata dahil


___________________________.
a. nakatutulong sa pagiging marahas sa sarili at sa ibang tao
b. nakatutulong sa kompetisyon ng mga karibal para sa pag-unlad sa buhay
c. nakatutulong sa pag-unlad ng sarili, batay sa pag-iisip at sa pakikipagkapwa-tao
d. nakapagbibigay-linaw at tiwala sa sarili upang makaapak sa karapatan ng ibang tao

9. Batay sa pagiging binata o dalaga, alin sa mga sumusunod ang totoo?


a. Ang pagiging ganap na dalaga o binata ay may mahahalagang layunin at tungkulin sa
buhay.
b. Ang pagiging ganap na dalaga o binata ay may kaakibat na responsibilidad na dapat
hindi mo gampanan.
c. Ikaw ang masusunod sa mga pagpapasya sa buhay dahil marunong ka nang mag-isip
para sa mga plano mo sa buhay.
d. Malaya ka na sa pagiging bata kaya gawin mo na ang gusto mo, na walang kaakibat na
basbas sa iyong mga magulang.

10.Kailangan mong mangarap para sa sarili _______________________.


a. upang lalapit sa iyo ang maraming tao dahil asenso ka sa buhay
b. upang balewalain ang mga pangarap at aasa na lang sa mga magulang
c. upang mangarap para magkaroon ng maraming salapi at mabibili mo ang lahat ng gusto
mo.
d. upang makapagbigay ng inspirasyon sa buhay na magsusumikap para
sa magandang bukas.

You might also like