You are on page 1of 24

DIAGNOSTIC TEST

ESP 7

Pangalan: _________________________________ LRN: ______________________ Iskor: __________


Bilang/Baitang: _____________________________Guro: ___________________ Petsa: ___________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot
at bilugan ang titik ng may tamang sagot.

1. Ito ay yugto sa buhay ng tao kung saan malaking pagbabago ang mapapansin sa sarili at maging ang mga tao
sa iyong paligid ay nag-iiba ang paraan ng pakikitungo sa iyo. Ang yugtong ito ay tinatawag na _______.
a. Ancient Period b. Class Period c. Formative Period d.Transition Period

2. Ang pakikipagtalastasan katulad ng pagbabahagi ng problema at paghingi ng opinion sa kapwa ay isa sa mga
pagbabagong nagaganap at ito ay masusumpungan sa pamamagitan ng ______.
a. Kaasalan c. Kakayahang magpasya
b. Papel sa lipunan d. Pakikipag-ugnayan sa kasing edad

3. Ang kinabukasan ng isang tao ay kailangan ng positibong paghahanda o plano para sa matagumpay at
maunlad na hinaharap. Ang paghahanda o pagpaplano ay isang palatandaan ng isang nagbibinata o
nagdadalaga tungkol sa pag-unlad niya sa anong aspeto?
a. Moral b. Pangkaisipan c. Pandamdamin d. Panlipunan

4. Ang buhay ng nagbibinata/nagdadalaga ay maraming pagbabagong nagaganap. Ang mga sumusunod na


palatandaan ay patunay na ang tao ay nagdadalaga/ nagbibinata, maliban sa ____.
a. Maraming pagbabago sa pisikal na anyo
b. Maraming hamon na kailangang harapin
c. Maraming kalituhang nararanasan tungkol sa sarili
d. Maraming rason para magbalik sa pagiging bata o manatiling bata

5. Ang mga pagbabagong nagaganap sa buhay ay kailangan ng pagtanggap at pag-unawa. Ito ang inaasahang
kakayahan at kilos upang ______.
a. Mai-post mo sa social media c. Matamo ang kaayusan sa pamayanan
b. Malinang ang mga talento at kakayahan d. Walang masabing negatibo ang kapwa sa iyo

6. Sa yugto ng maagang pagdadalaga o pagbibinata, inaasaha na ang pagkakaroon ng tinedyer ng kasintahan


(girlfriend/boyfriend). Ang pangugusap ay:
a. Tama, dahil mahalagang mamulat ang nagdadalaga o nagbibinata sa pagbuo ng relasyon sa katapat na
kasarian sa maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makakatulong sa kanya upang matutong humawak ng isang relasyon at maging handa
sa magigigng seryosong relasyon sa hinaharap.
c. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon ang isang tinedyer.
d. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at damdamin ng isanag nagdadalaga/
nagbibinata sa paghawak ng isang seryosong relasyon.

Para sa bilang na 7-10. Basahin ang kwento at sagutin ang ang sumusunod na tanong.

Si Bianca Karina ay isang iskolar sa isang pamantasang mataas ang kalidad. Napapaligiran siya ng
mga mayayaman na kamag-aral. Ngunit kahit na marami siyang pagkakaiba sa kanyang kamag-aral hindi
nito naging balakid upang ipamalas niya ang kanyang kakayahan at talento. Dahil sa determinasyon at
pagsisikap ni Bianca Karina napaunlad niya ang kanyang sarili at nagkaroon siya ng maraming kaibigan sa
paaralan.

7. Paano nagkaroon ng kaibigan si Bianca Karina?


a. Ipakita niya ang kanyang totoong pagkatao.
b. Makipagkaibigan lamang siya sa kapwa niya iskolar na mahirap din.
c. Kausapin niya ang kanyang mga magulang upang bumili ng mga gamit at damit na halos katulad ng sa
mga mayayamang kamg-aral.
d. Makiangkop sa kamag-aral na mayaman sa oras na sila ang kasama at s mga kapwa niyang iskolar na
mahirap kung sila naman ang kasama.

8. Alin sa sumusunod ang isang kilos na nagkaila sa pagkatao ni Bianca Karina?


a. Ginaya ni Bianca Karina ang lahat ng ginagawa ng mga kaibigan niya
b. Ipinakita ni Bianca Karina ang kanyang tunay na pagkatao at kakayahan
c. Sumusunod si Bianca Karina sa payo ng mga magulang at nakakatanda sa iyo
d. Ipinapahayag ni Bianca Karina ang pagtutol sa mga bagay na labag sa kabutihang moral

9. Sa paanong paraan hindi makakatulong kay Bianca Karina ang pilit na pagbabago?
a. Hindi niya makakamit ang respeto
b. Hindi tatagal ang mga kaibigan na puno ng pagpapanggap
c. Hindi niya magugustuhan ang pilit niyang pagbabago ng pagkatao niya
d. Hindi magiging kuntento si Bianca Karina dahil hindi siya kayang tanggapin ng kanyang kapwa

10. Ang mga paraang ito ay dapat gawin ni Bianca Karina para makapaghanda sa sumusunod na yugto ng
buhay, maliban sa isang paraang hindi nararapat.
a. Mag-aral nang mahusay
b. Magsanay sa mga talentoong akma sa taglay na kakayahan
c. Gampanan nang mabuti ang mga responsibilidad sa Diyos, sa kapwa at sa sarili
d. Uminom, kumain, at magsaya total ibang tao naman ang gumagawa para sa iyong pag-unlad

11. Ang pagpapasya ay kailangan ng masusing pag-iisip sa mga bagay na dapat gawin at dapat ihanda ang sarili
sa iba’t ibang konsekwensiya anuman kapasyahan nagawa. Paano ka magkakaroon ng kakayahang makagawa
ng maingat na pagpapasya?
a. Labis na umasas sa mga magulang
b. Maghintay na lang ng pagkakataon. Bahala na
c. Huwag magsanggunni sa mga nakakaalam ng mabuting pamumuhay
d. Magsaliksik, sumangguni at pag-aralan ang advantage at disadvantage ng pinagpipiliang aksyon

12. Sa iyong masigasig na pag-aaral at tamang disiplina sa sarili iyong makakamit ang inaasam na tagumpay at
ito ay makapagtapos sa pag-aaral. Ang susunod na hakbang na iyong dapat gawin ay maghanda para sa iyong
hinaharap. Ano ang wastong paraan para makapaghanda sa paghahanap-buhay.
a. Magsariling-kalooban, di na kailangan ang payo ng kapwa
b. Huwag nang gawin ang mga trabahong hindi mo alam gawin
c. Iwasang magplano sa kursong akademiko o teknikal-bokasyonal na kukunin sa hinaharap
d. Magplano, sumangguni, sanayin ang kakayahan at hubugin ang tiwala sa sarili at maingat na pagpapasya

13. Ang pagmamahal sa sarili ay katumbas ng pagtitiwala sa iyong sariling kakayahan at sa mga aral na
ibinahagi ng iyong mga magulang at guro. Ang kawalan ng tiwala sa sarili ay sanhi ng ______.
a. Paniniwala sa mga himala
b. Pag-aakalang mananalo sila sa paligsahan
c. Hindi sila nahihiyang ipakilala ang sarili sa madla
d. Takot na baka magkamali/pagalitan sila sa kanilang planong gawin

14. Ang bawat isang tao ay mayroong kani-kaniyang kakayahan na harapin ang mga hamon ng buhay, na
makaunawa at makalutas ng mga suliranin, at ng kanilang karapatan na matamo ang kaligayahan at mabigyan
ng paggalang o respeto. Ano ang importansya ng pagmamahal mo sa sarili?
a. Magiging mayabang at mayaman ka
b. Matutututhan mong magpahalaga sa ibang tao
c. Mahihirapan kang tanggapin ang tunay mong pagkatao
d. Matatanggap mo ang kahinaan mo, pero di ka magbabagong-buhay
15. Ang kakayahan ng isang tao ay nauuri ayon sa Multiple Intelligence ni Dr. Howard. Ito ay nagpapatunay na
________ ang uri ng katalinuhang taglay ng bawat tao.
a. iisa lang b. magkakaiba c. marami d. pareho-pareho

16. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:
a.Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
b. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
c. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
d. Mali, dahil kapag naabot nan g tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa
kanyang tunay na tunguhin

17. Nahuli ng kanyang guro si Axel Valenzuela na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsususulit.
Nagawa lamang ito ni Axel dahil sa patuloy na pangungulit at panunumbatng kanyang kaibigan. Nang ipatawag
ng guro ay palaging sinisisi ni Axel ang kaibigan at ito raw na nararapat na sisishin. Ano ang nakaligtaan ni Axel
sa pagkakataon na ito?
a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
b. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
c. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin ang pagkakamali.
d. Hindi sa lahat ng oras laging iisipin ang kapakanan ng iba, dapat magkaroon ng limitasyon sa pagtulong.

18. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:


a. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alaala.
b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran.
c. Ang isip ay may kapangyarihang maglapat ng mga pagpapasya.
d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay.

19. Nag-ulat ang iyong kamag-aral tungkol sa paano mo tratuhin ng masama ang iyong isang guro. Nagbunsod
ito ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng inyong silid-aralan. Ano ang gagawin mong hakbang upang maayos
ang relasyon mo sa iyong kamag-aral at guro?
a. Hayaan nalang ito sapagkat maayos din ito sa paglipas ng araw.
b. Mag-ulat sa mga magulang sa nangyari at hayaan na ang mga magulang ang umayos nito.
c. Magpakumbaba sa guro at kamag-aral na ang pangyayaring naganap ay hindi na mauulit at magiging aral
sa iyo na ang bawat hakbang at sasabihin ay dapat pinag-iisipan.
d. Ipaunawa sa guro at kamag-aral na wala kang ginawang mali dahil ito ay pasyang idinikta ng iyong isip at
ipinakita mo sa iyong kilos-loob ang mga bagay na kayang mong gawin.

20. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos.
b. Tama, dahil katulad ng tao ay mayroon ngangailangan din silang alagaan upang lumaki at dumami.
c. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walng mga magulang.
d. Mali dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay, maging malusog at makaramdam.

Prepared by:
BRANDY D. RONQUILLO
Subject Teacher
Checked by:
LELIA M. LLIMIT, MAEM
Principal I
ESP 7
ANSWERS KEY

1. D
2. D
3. B
4. D
5. B
6. D
7. D
8. A
9. D
10. D
11. D
12. D
13. D
14. B
15. B
16. A
17. B
18. C
19. C
20. D
21. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng control sa sarili o disiplina.
b. Sa pamamagitan ng tamang pagagamit ng kalayaan at kilos-loob.
c. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili.
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan.

22. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:


a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan.
b. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
c. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama.
d. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin.

22. Ang tao ay may tungkuling sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos-loob. Sa paano mong
paraan ito ipapakita?
a. Ipagmalaki ang iyong pagtulong sa kapwa.
b. Magpakumbaba sa lahat ng bagay at layunin sa buhay.
c. Ibigay ang respeto sa mga taong karapatdapat ng iyong respeto.
d. Sumunod sa mga bagay na ikakaganda ng iyong pangalan at istado sa buhay.

23. Analohiya: Isip: kapangyarihang mangatwiran – Kilos-loob:________________.


a. Kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos.
b. Kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili.
c. Kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya.
d. Kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama.

24. Ang isa mong kamag-aral ay madalas na gumawa ng hindi maganda sa kapwa at nang ito ay iyong iulat
sa iyong guro, ikaw ay pinayuhan na siya ay iyong iwasan. Ano ang iyong pagpapasyang gagawin?
a. Susundin ko ang aking guro sapagkat siya ay tama.
b. Susundin ko ang aking guro sapagkat nais lamang niya akong huwag gumaya sa aking kamag-aral.
c. Susundin ko ang aking guro sapagkat ang pag-iwas ay hindi palatandaan ng karuwagan bagkus ito ay
kilos na naglalayo sa akin sa kapahamakan at kasamaan.
d. Susundin ko ang aking guro sapagkat siya lamang ang makakapagtanggol sa akin sa oras ng kagipitan
at maglalaan ng oras upang ang kilos ko ay maging kapakipakinabang.

25. Si Angel Ken ay binigyan ng responsibilidad na pamahalaan ang silid-aklatan ng paaralan. Ibinilin sa
kanya na hindi maaring ipahiram ang isang libro kung ang mag-aaral ay walang dalang I.D. card. Dumating
upang humiram ang kanyang matalik na kaibigang si Jen Cyreen ngunit wala itong dalang I.D. card. Ano ang
pagpaspasyang dapat gawin ni Angel Ken?
a. Ipapahiram ito sapagkat dalawa lamang kayong nakakaalam.
b. Ipapahiram ito sapagkat malaki ang kanyang tiwala sa kanyang kaibigan.
c. Ipapahiram ito at ilista na lamang ang sariling pangalan at iiwan ang sariling I.D. card.
d. Ipapahiram ito at ibilin sa kaibigan na ibalik agad ang libro bukas ng maaga upang walang makaalam.

26. Paano naipapakita ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa pang-araw-araw na kilos?
a. Mag-aral, magsimba at mag-ulat sa mga magulang.
b. Gawin ang responsibilidad, magpakumbaba at gawing positibo ang pananaw.
c. Magbasa ng libro, makipagkaibigan at salihan ang lahat ng paligsahan sa paaaralan.
d. Pumasok sa paaaralan, tumahimik sa klase at laging sabihin na ikaw ang nagsasabi ng totoo.

27. Ang likas na batas moral ay hindi imbensyon ng tao, ito ay natututklasan lamang. Ito ay pangkalahatang
katotothanan na may makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa
pangungngusap?
a. Obhekatibo b. Unibersal c. walang hanggan d. hindi nagbabago

28. Lumaki si Jaypee sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip. Nakikita niya
ang maraming mga pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tukso ng gumawa ng
masama. Dahil ditto madalas siyang sumangguni sa maraming mga mahalagang aklat na magtuturo sa
kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan sa paglinang ng konsensyia ang
inilalapat ni Jaypee?
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensya.
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos may pag-aalinlangan at agam-agam.
c. Pag-aralan ang mga moral na alintuntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa pagkilala sa
mabuti at masama.
d. Isabuhay ang mga moral na alintuntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng pagsasabuhay
ayon sa tamang alituntunin.

29. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensya?


a. Maiiwasan ang landas na walang katiyakan.
b. Masusugpo ang paglaganap ng kasamaan.
c. Makakamit ng tao ang kabanalan.
d. Wala sa nabanggit

30. Ano ang moral na birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang nararapat para sa kanya:
sino man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?
a.Karunungan b. Katarungan c. Kalayaan d. Katatagan

31. Si Mekayla ay nagsisimula ng magdalaga, dumarating na ang pagkakataon na nagpapaalam siya sa


kanyang magulang na gagabihin sa pag-uwi sa bahay dahil may mga proyektong kailangang gawin kasama
ang kanyang mga kaklse. Ngunit kailangang makauwi sa itinakdang oras. Kapag hindi niya ito nagawa ay
hindi na siya muling papayagan ng kanyang mga magulang. Anong mahalagang aral ang itinuturo sa kanya
ng kanyang mga magulang?
a. Ang halaga ng pagsasabuhay ng mga birtud
b. Ang halaga ng pagtataglay ng moral na itegridad
c. Tamang paggamit ng kanyang konsensya sa paghuhusga
d. Pag-unawa ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad.

32. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa halaga (values)?

a. Ito ay nagmula sa salitang Latin na valore


b. Ito ay obheto ng ating intensyonal na damdamin.
c. Ito ay nababago depende sa tao, sa lugar at sa panahon.
d. Ito ay nangangaluhugang pagiging matatag o malakas at pagiging makabuluhan.

33. Alin sa mga sumusunod na pahayag ukol sa Halagang Pangkultural/Panggawi and hindi totoo?
a. Ito ay halagang nagmula sa loob tao.
b. Ito ay mga mithiin na tumatagal at nananatili
c. Halimbawa nito ay ang pangsariling pananaw, opinion, ugali o damdamin.
d. Ito ay may layuning makamit ang mga dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin.

34. Ano ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga?


a. Pamana ng Kultura c. Pamilya at Pag-aaruga sa anak
b. Mga Kapwa Kabataan d. Guro at Tagapagturo ng relihiyon

35. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA.


a. Kapag hindi nagtagumpay ang isang tao sa pagtugon sa isang halaga hindi masisira ang taong hindi
tumugon.
b. Kahit pa napababayaan ng isang tao ang kanyang katawan at kalusugan dahil sa pagtulong sa kapwa
nanatili paring mabuti ang kanyang gawain.
c. Ang sino man, bata man o matanda ay walang sapat ng kakayahang bumuo ng kanyang sariling
pagkatao at magakamit ng mataas na antas ng halaga.
d. Mayroon tayong magkakatulad na kilos-loob ngunit magkakaiba ng taglay na virtue at mahalagang
maunawaan na ang virtue ay lagging nakaugnay sa pag-iisip at pagklos ng tao.

36. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi totoo tungkol sa birtud?
a. Ang birtud ay laging nakaugnay sa pag-iisip at kilos ng tao.
b. Ang salitang birtud ay galing sa salitang Latin na virtus o vir.
c. Ang birtud ay natural lamang na taglay ng lahat ng nilikha ng Diyos.
d. Ang gawi ay bunga ng paulit-ulit na pagsasakilos na nakamit dahil sa pagsisikap.

37. Masasabi lamang na tunay na naging epektibo ang edukasyon sa pagpapahalaga sa tahanan kung:
a. Walang sino man sa kanilang mga anak ang nagsasabuhay ang pagiging maingat sa kanilang mga
paghuhusga.
b. Tunay na nabubuo ang magandang relasyon ng magulang at ng kanilang mga anak dahil sa mahigpit
at istriktong pag-aalaga.
c. Nasiguro ng magulang na ang lahat ng kanilang mga anak ay matagumpay na naisasabuhay ang
parehong halaga na kanilang itunuro.
d. Nagkakaroon kani-kaniyang buhay ang bawat membro ng pamilya at nagpapadala na lamang ng mga
regalo tuwing may mahalagang okasyon.

38. Sa paanong paraan nagkakaroon ng kaugnayan ang halaga at birtud?


a. Matatawag lamang na mahalaga ang isang bagay kung ito ay ginagabayan lahat ng mga birtud.
b. May kaugnayan ang halaga at birtud dahil pareho lamang itong naghahangad ng kabutihan para sa
tao.
c. Kung nakikita ng tao na ang isang bagay ay mahalaga tutukuyin niya ang angkop na birtud na mas
makapagpapayaman dito.
d. Kung nakikita ng tao na ang isang birtud ay may malaking tulong sa kanyang pagkatao pagyayamanin
niya ito at pahahalagahan.

39. Ang mga sumusunod ay katangian ng ganap halagang moral maliban sa:
a. Ito ay nagmumula sa labas ng tao.
b. Ito ay pangkalahatang katotohanan na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga.
c. Ito ay maaaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat ng tao
d. Ito ay ang mga prinsipyong etikal na pinagsisikapang makamit ng tao at mailipat sa kanyang pag-araw-
araw na buhay.

40. Ang panaginip at pangarap ay magkaiba?


a. Ang panaginip ay natatapos din kung ikaw ay magising
b. Ang panaginip ay nangyayari lang sa isip habang gising
c. Ang panaginip ay katumbas ng taimtim na pangangarap
d. Wala sa nabanggit

41. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?”
Ano ang higit na malapit na pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller:
a. Mahirap maging isang bulag
b. Hindi mabuti ang walang pangarap
c. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin
d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay

42. Ano ang kaibahan ng pagpapantasya sa pangarap?


a. Ang pagpapantasya ay galling sa damdamin.
b. Ang pagpapantasya ay pananaginip ng gising.
c. Ang pagpapantasya ay likha ng malikhaing isip.
d. Ang pagpapantasya ay ginagawa ayon sa kagustuhan ng nagpapantasya

43. Si Lucky Manaois ay isang ulirang guro sa kanilang paaralan. Ang pagiging guro ang bumubo sa mga
pangarap at mithiin ni Angel Ken. Para sa kanya ang pagiging guro ay isang bokasyon na dapat ipagmalaki
at ikarangal. Ano ang ibig sabihin ng bokasyon?
a. Ang bokasyon ay tumutukoy sa layunin ng isang tao.
b. Ang bokasyon ay higit sa trabaho o propesyon o negosyo.
c. Ang bokasyon ay kalagayan o gawain na naayon sa plano ng Diyos sa atin.
d. Ang bokasyon ay tumutukoy sa mga gawaing hindi nangangailangan ng kapalit na sweldo o pasahod.

44. Ito ay pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap.
a. Pangarap b. Mithiin c. Panaginip d. Pantasya

45. Sa pagtaktakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:


a. S-smart, M-manageable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound, A-action-oriented
b. S-smart, M-measurable, A-attainable, R-refreshing, T-time-bound, A-action-oriented
c. S-smart, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound, A-action-oriented
d. S-smart, M-measurable, A-attainable, R-relevant, T-time-bound, A-affordable

46. Anu-ano ang dalawang hangganan ng pagtatakda ng mithiin?


a. Pangmatagalan at Panghabambuhay
b. Pangmatagalan at Pangmadalian
c. Pangmadalian at Panghabambuhay
d. Pangngayon at Pangkinabukasan

47. Alin ang halimbawa ng pangmatagalang mithiin?


a. Makapasa sa Licensure Exams for Teachers
b. Maging guro sa aming pamayanan
c. Makatapos ng pag-aaral
d. Maging iskolar ng bayan

48. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?


a. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
b. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdan mithiin
c. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin
d. Wala sa mga nabanggit

49. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?


a. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan
b. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithhiin
c. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
d. Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin

50. Ang pakikipagtalastasan katulad ng pagbabahagi ng problema at paghingi ng opinion sa kapwa ay isa sa
mga pagbabagong nagaganap at ito ay masusumpungan sa pamamagitan ng ____________.
a. Kaasalan c. Kakayahang magpasya
b. Papel sa lipunan d. Pakikipag-ugnayan sa kasing edad
Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:

Jemimah R. Paa Rowena M. Lampad


Guro ESP Coordinator

Inirekomenda ni:

Crisanto S. Dispo
Ulongguro III

Inaprobahan ni:

Emma E. Servito
Punungguro III

Republic of the Philippines


DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
SCHOOLS DIVISION OFFICE URDANETA CITY
ANONAS NATIONAL HIGH SCHOOL
Urdaneta City Pangasinan

DIAGNOSTIC TEST
ESP 7
ANSWER KEY

21. D 22. D
23. B
24. D
25. B
26. D
27. D
28. A
29. D
30. D
31. D
32. D
33. D
34. B
35. B
36. A
37. B
38. C
39. C
40. D
41. B
42. B
43. B
44. B
45. C
46. C
47. B
48. A
49. C
50. A
51. B
52. D
53. C
54. B
55. C
56. D
57. C
58. D
59. B
60. A
61. A
62. C
63. D
64. C
65. B
66. C
67. B
68. B
69. A
70. D

You might also like