You are on page 1of 3

SUMMATIVE TEST IN EsP 7

2 ND
GRADING – MODULE 5 and 6

Basahing mabuti ang bawat katanungan at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. BAWAL ANG MAGBURA.

1. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao
b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
c. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga
d. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin
2. Ang mga sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:
a. May kapangyarihang mag-alala b. May kapangyarihang mangatwiran
c. May kapangyarihang maglapat ng pasiya d. May kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay
3. Sa pamamagitan ng kilos loob nahahanap ng tao ang _____.
a. kabutihan b. kaalaman c. katotohanan d. karunungan
4. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?
a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng control sa sarili o disiplina
b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
c. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisp at pamimili
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng karanasan
5. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
b. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
c. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
d. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon sa isip
6. Ano ang maitutulong ng pag-iwas ng tao sa paggamit ng maling konsensiya?
a. maiiwasan ang landas na walang katiyakan
b. masusugpo ang paglaganap ng kasamaan
c. makakamit ng tao ang kabanalan
d. wala sa nabanggit
7. Hindi pare-pareho ang dikta ng konsensiya ng bawat tao. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil nakabatay ito sa edad at kakayahan ng isip ng tao
b. Mali, dahil iisa lamang ang pamantayan na nararapat na sinusunod ng lahat ng tao
c. Mali, dahil pare-pareho tayong tao na nakaaalam ng tama at mali, mabuti o masama
d. Tama, dahil nagkakaiba-iba ang karanasan, kinalakihan, kultura at kapaligiran ng tao
8. Ang likas na batas moral ay hindi imbensiyon ng tao, ito ay natutuklasan lamang. Ito ay ang pagkalahatang katotohanan na may
makatwirang pundasyon. Anong katangian ng likas na batas moral ang tinutukoy sa pangungusap?
a. obhektibo b. unibersal. c. walang hanggan d. di nagbabago
9. Ano ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensiya?
a. mapapalaganap ang kabutihan b. makakamit ng tao ang tagumpay
c. maabot ng tao ang kanyang kaganapan d. mabubuhay ang tao nang walang hanggan
10. Ang likas na batas moral ay nakapangyayari sa lahat ng lahi, kultura at sa lahat ng lugar at sa lahat ng pagkakataon. Ito ay
nangangahulugan na ang likas na batas moral ay
a. obhektibo b. unibersal. c. walang hanggan d. di nagbabago
11. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
a. mag-isip b. umunawa c. magpasya d. magtimbang ng esensya ng mga bagay
12. Analohiya: isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob: ____________
a. kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos
b. kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
c. kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
d. kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang nadarama
13. Ang tao ay may tungkuling _________, ang isip at kilos-loob.
a. sanayin, paunlarin at gawing ganap
b. kilalanin, sanayin, at gawing ganap
c. kilalanin, sanayin, paunlarin, at gawing ganap
d. wala sa nabanggit
14. Ang halaman at hayop ay nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos
b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga magulang
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay maging malusog at makaramdam
d. Tama, dahil katulad ng tao ay mayroon nangangailangan din silang alagaan upang lumaki, kumilos, at dumami.
15. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa
patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw ang
nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataon na ito?
a. Ang kahihinatnan ng kilos ng gtao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili.
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa ng akuin ang pagkakamali.
c. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos para sa kanyang sarili.
d. Lahat ng nabanggit
16.Lumaki si John Lloyd sa isang pamilyang relihiyoso. Habang siya ay lumalaki at nagkakaisip, nakikita niya ang maraming mga
pagkakataon na kailangan niyang maging matatag laban sa tukso ng gumawa ng masama. Dahil ditto madalas siyang sumasangguni sa
maraming mga mahahalaganag aklat na magtuturo sa kanya ng mga batayan sa pamimili ng tama at mabuti. Anong pamamaraan ng
paglinang ng konsensiya ang inilalapat ni John Lloyd?
a. Sanayin ang sarili na pinakikinggan at sinusunod ang konsensiya
b. Ipagpaliban muna ang pasya o kilos kung may pag-aalinlangan at agam-agam
c. Isabuhay ang mga moral na alituntunin. Nalilinang ang konsensya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ayon sa tamang alituntunin.
d. Pag-aralan ang mga moral na alituntunin upang maging sensitibo ang konsensya sa pagkilala sa mabuti at masama.
17. Sobra ang sukli na natanggap ni Melody nang bumili siya ng pagkain sa isang restawran. Alam niyang kulang na ang kanyang
pamasahe pauwi sa kanilang bahay ngunit isinauli pa rin niya ang sobrang pera. Anong uri ng konsensya ang ginamit ni Melody?
a. tamang konsensya b. purong konsensya c. maling konsensya d. mabuting konsensya
18. Maaaring maging manhid ang konsensya ng tao. Ang pahayag ay:
a. Mali, dahil hindi ito ang kalikasan ng tao
b. Mali, dahil kusang gumagana ang konsensya ng tao sa pagkakataon na ito ay kailangan
c. Tama, dahil maihahalintulad ito sa damdamin ng tao na maaaring maging manhid dahil sa patuloy na pagsasanay
d. Tama, dahil kung patuloy na babalewalain ng tao ang dikta ng konsensya magiging manhid na ito sa pagkilala sa tama.
19. Ang mga sumusunod ay katangian ng konsensya maliban sa:
a. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng tao na may mga bagay siyang ginagawa o hindi ginagawa
b. Sa pamamagitan ng konsensya, nakikilala ng gtao ang tamang bagay na dapat gawin at masamang dapat iwasan
c. Sa pamamagitan ng konsensya, nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa ng di maayos o
mali
d. Sa pamamagitan ng konsensiya, nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat siyang ginawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya
dapat isagawa subalit ginawa.
20. Ang pagbebenta ng pirated CD sa mga mall ay malaki ang naitutulong sa mga tao dahil mas nakatitipid kaysa bumili ng orihinal na
kopya. Halos lahat ng tao ay ito na ang hinahanap sa kasalukuyan kung kaya lumalaki na ang negosyo na ito at marami ang
natutulungan. Ang sitwasyon na ito ay nagpapatunay na:
a. may mga pagkakataon na ang paghuhusga ay nararapat na ibatay sa benepisyo o tulong sa taong nagsasagawa ng kilos
b. ang masamang pamamaraan sa pagkamit ng layunin ay mababalewala kung ang layunin ay mabuti at tama.
c. Ang isang bagay na mali ay maaaring maging tama kung ito ay nakatutulong sa mas nakararami.
d. May mga kilos na nagmumukhang tama at normal dahil sa dami ng gumagawa nito.
21. Ayon kay ____, binibigyang direksiyon ng batas-moral ang pamumuhay ng tao.
a. Lipio b. Sto. Tomas de Aquino c. Agapay d. Dr. Manuel Dy Jr.
22. Ayon sa kanya, ang tao ay mayroong tatlong mahalagang sangkap.
a. Lipio b. Sto. Tomas de Aquino c. Agapay d. Dr. Manuel Dy Jr.
23. Ang tao ay mayroong tatlong mahalagang sangkap. Ito ay ang mga sumusunod maliban sa:
a. Isip b. puso c. kaluluwa d. kamay o katawan
24. Ayon sa kanya, ang kilos-loob ay makatwirang pagkagusto sapagkat ito ay pakultad na naaakit sa mabuti at lumalayo sa
masama.
a. Lipio b. Sto. Tomas de Aquino c. Agapay d. Dr. Manuel Dy Jr.
25. Ayon sa kanya, tama ang konsensya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at bilang mali ang mali.
a. Lipio b. Sto. Tomas de Aquino c. Agapay d. Dr. Manuel Dy Jr.
SUMMATIVE TEST IN EDUKASYON SA SUMMATIVE TEST IN EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO PAGPAPAKATAO
2 ND
GRADING – MODULE 5 AND 6 2 ND
GRADING – MODULE 5 AND 6

ANSWER SHEET ANSWER SHEET

Name: _______________________________________ Name: _______________________________________


Grade/Section: ____________ Date: ____________ Grade/Section: ____________ Date: ____________

A B C D A B C D

1. O O O O 1. O O O O
2. O O O O 2. O O O O
3. O O O O 3. O O O O
4. O O O O 4. O O O O
5. O O O O 5. O O O O
6. O O O O 6. O O O O
7. O O O O 7. O O O O
8. O O O O 8. O O O O
9. O O O O 9. O O O O
10. O O O O 10. O O O O
11. O O O O 11. O O O O
12. O O O O 12. O O O O
13. O O O O 13. O O O O
14. O O O O 14. O O O O
15. O O O O 15. O O O O
16. O O O O 16. O O O O
17. O O O O 17. O O O O
18. O O O O 18. O O O O
19. O O O O 19. O O O O
20. O O O O 20. O O O O
21. O O O O 21. O O O O
22. O O O O 22. O O O O
23. O O O O 23. O O O O
24. O O O O 24. O O O O
25. O O O O 25. O O O O

You might also like