You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
Schools Division of the City of Mati

Strategic Intervention Material

In EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

ANG PANGARAP AT MITHIIN

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
Naisasagawa ang paglalapat ng pansariling
plano sa pagtupad ng mga pangarap.
(EsP7PB-IVb-13.4)

Inihanda nina:

Vicky G. Miedes
Grace B. Cavalida
Aiza Coreena P. Navarette
Sofony G. Balisalisa
Harniper G. Barnido

Mga Guro Ng ESP 7


Patnubay
(Guide card)

Taga saan ka?

Alam mo na ba kung saan ka patungo? Tama kaya ang daan na iyong tinatahak?

Inaanyayahan kita na alamin ang iyong pangarap at mithiin sa buhay at ipamalas ang mga katangian ng taong may pangarap.

Anu-ano ang mga dapat gawin upang makamit ang mga pangarap at mithiin?

1. Katangian na taglay ng taong may pangarap

2. Ang pamantayan sa pagtatakda ng mithiin

3. Hakbang sa pagtatakda ng mithiin

Kaugnay ng paanyayang ito, ikaw ay inaasahang makagagawa ng paglalapat ng pansariling plano sa pagtupad ng pangarap.

Magiging masaya ito, dahil sasamahan


kita sa iyong paglalakbay. Tara na!
Patnubay (Guide card)

Narito ang mga nilalaman ng iyong mga gagawin upang mas maunawaan mo kung paano mo tatanggapin
ang mga paanyayang aking sinasabi

Sa mga Gawain ( Activity Card) :

Gawain 1: Ikaw ay inaasahang makapaglalarawan ng iyong sarili sa hinaharap sa pamamagitan ng


Petmalu na pagguhit malikhaing pagguhit.

Gawain 2: Sa gawaing ito ikaw ay inaaasahang makapagtatala ng mga katangian na dapat mong taglayin
Pangarap mo, akyatin mo! ukol sa pagkamit ng iyong mga mithiin sa buhay gamit ang hagdan ng pangarap.

Gawain 3: Dito ikaw ay mag-iisip ng mga salita na iyong maiuugnay sa salitang pangarap at mithiin. Ang mga
Pagtatagpi ng mga salita salitang ito ang siyang gagamitin mo upang makabuo ng isang kahulugan ng pangarap at mithiin.
Dito masusubok ang iyong husay sa pagbuo ng kahulugan.

Samantala sa pagtataya ikaw naman ay inaasahang makasasagot sa lahat ng mga


katanungan na makikita sa assessment card.

Dahil magaling ka bes, daragdagan natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng


gawain na makikita sa enrichment card.
Panuto: Ano kaya ang mangyayari sa aking sarili sampung
taon simula ngayon? Iguhit ito sa loob ng kahon
gamit ang iyong malikhaing pag-iisip.

Gawain 1 :
Petmalu na
pagguhit.
Panuto: Magtala ng mga 5 katangian na taglay ng taong may pangarap at mithiin sa bawat baitang ng
hagdan at isulat sa pinakamataas na baitang ng hagdan ang iyong ninanais na marating sa hinaharap.

Gawain 2:
Pangarap mo,
akyatin mo!
Panuto: Kapag narinig mo ang salitang mithiin at pangarap, ano ang mga salitang
naiisip mo kaugnay dito? Isulat sa mga kahon ang iyong kasagutan.

Gawain 3.
Pagtatagpi ng Pangarap at mithiin
mga salita

Gamit ang mga salita na iyong naisulat, ano ang pagkakahulugan mo sa pangarap at mithiin?

Ang pangarap at mithiin ay________________________________________________________________


________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________.
Pagtataya
( Assessment Card)

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na tanong:

_____1. “Mas malala pa sa pagiging isang bulag ang may paningin ngunit walang tinatanaw na kinabukasan?”Ano ang higit na malapit na
pakahulugan ng pahayag ni Helen Keller;
a. Mahirap maging isang bulag
b. Hindi mabuti ang walang pangarap
c. Ang kawalan ng pangarap ay mas masahol sa kawalan ng paningin
d. Hindi garantiya ang pagkakaroon ng paningin sa pagtatagumpay sa buhay

______ 2.. Ito ay pinaka tunguhin o pinakapakay na iyong nais na marating o puntahan sa hinaharap
a. Pangarap c. Panaginip

b. Mithiin d. Pantasya
______ 3. Sa pagtatakda ng mithiin, ang ibig sabihin ng SMARTA ay:
a. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – affordable
b. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – action-oriented
c. S-smart, M-manageable, A-attainable, R- relevant, T- time-bound, A – action-oriented
d. S-smart, M-measurable, A-attainable, R- refreshing, T- time-bound, A – action-oriented

______ 4. Alin sa mga sumusunod ang hakbang sa pagtatakda ng mithiin?


a. Ipagpasa Diyos ang mga itinakdang mithiin
b. Sabihin ang itinakdang mithiin sa mga kaibigan
c. Isulat ang takdang-panahon sa pagtupad ng mithiin
d. Isulat ang iyong itinakdang mithiin at ilagay ito sa ilalim ng unan

______5. Bakit mahalaga ang kakailanganing mithiin o enabling goals?


a. Nakatutulong ang mga ito upang makamit ang itinakdang pangmatagalang mithiin
b. Nakatutulong ito sa pagpapanatili ng tuon sa itinakdang mithiin
c. Napapabilis nitong makamit ang itinakdang mithiin
d. Napapabilis nito ang pangmatagalang mithiin.
Pagpapalawak Panuto: Magkalap ng mga larawan na nagsasaad tungkol sa iyong
(enrichment card) pangarap at mithiin. Gawin ito sa pamamgitan ng collage.
Sanggunian (Reference card)

Learner’s material ESP 7, Modyul 13 Mangarap ka! pp 75-96

Mga Larawan, hinango sa:


www.clipartof.com

Mga kasagutan ng mga Gawain:

Gawain 1: answers may vary

Gawain 2: answers may vary

Gawain 3 : answers may vary

Pagtataya: 1. c 2. b 3.b 4. c 5. a

Pagpapalawak: answers may vary

You might also like