You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Araw: Ika-11 ng December 2019 (Huwebes)


Baitang: 7- Capulla (Ikatlong Markahan)
Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao
Oras: 9:45-10:45 ng umaga

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa
sa hirarkiya ng mga pagpapahalaga.
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mag-aaral ang paglalapat ng
mga tiyak na hakbang upang mapataas ang antas ng kaniyang mga
pagpapahalaga
C. Kasanayang Pampagpakatuto:
1. EsP7PB-IIId-10.3: Napapatunayang ang piniling uri ng
pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng mgapagpapahalaga ay gabay
sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao.
II. PAKSA
A. Nilalaman: Hirarkiya ng mga Pagpapahalaga
B. Sanggunian:
i. Gabay sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 TG p. 107-117
ii. Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 23-36
C. Oras sa Pagtuturo: Isang Oras
D. Kagamitan:
i. Modyul para sa Mag-aaral
ii. Laptop, Projector
iii. Pictures
iv. Manila Paper
III. PAMAMARAAN
A. Paunang Pagpapahalaga: Panalangin, Pagtsek ng attendance
B. Pagbabalik-aral:
Gawain: “CALL – A - NUMBER” (Math Integration)

Panuto: Tumawag ng isang mag-aaral para kuhanan ng numero at ang


mag-aaral na natapat sa numero ay ang siyang sasagot sa mga tanong
na nasa screen.

MgaTanong: (TELA integration)


1. Alin sa susmusunod ang nangangahulugang pagiging malakas o matatag at pagiging
makabuluhan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan? PAGPAPAHALAGA
2. Alin sa susmusunod ang nangangahulugang ang galing sa salitang latin na virtus o
“pagiging tao” pagiging matatag at pagiging malakas? BIRTUD
3. Ano ang Moral na Birtud na gumagamit ng Kilos – loob upang ibigay sa tao ang
nararapat para sa kanya: Sino man o ano man ang kanyang katayuan sa lipunan?
KATARUNGAN
4. Ayon sa Kanya ang pagpapahalaga ay obhetibo n gating intensyonal na damdamin.
Sino ang nagwika nito? MAX SCHELER
5. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa hirarkiya ng pagpapahalaga?
PANDAMDAM, PAMBUHAY, ISPIRITWAL, BANAL hirarkiya ng pagpapahalaga
C. Pagganyak: “Pahalagahan Mo!”
Panuto: Pangkatin sa apat ang buong klase. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ng mga larawan. Isa sa ayos nila ang mga larawan ayon
sa kung ano sa tingin nila ang pinakamahalaga.

1. Ano ang naramdaman niyo sa ginawa niyong gawain?


2. Ipaliwanag ang ginawa ninyong pagkakaayos?
D. Pangkatang Gawain: “Sine mo to!”
Panuto: Papangkatin sa apat ang buong klase. Ang bawat pangkat
ay bubunot ng isang sitwasyon na kanilang isasadula sa loob ng
tatlong minuto. Bibigyan lamang ang bawat pangkat ng sampung
minuto upang pag-usapan ang gagawin.

Unang sitwasyon: During recess time niyaya ka ng iyong kaklase


na maglaro ng takyan. Hindi ka sumama sa kaniya dahil gutom
kana kaya’t mas pinili mong bumili ng pagkain sa kantina. Paano
mo ito ipapaliwanag? (awitin mo)

Ikalawang sitwasyon: Ikawalona ng gabi ng niyaya ka ng iyong


kaibigan na maglaro ng mobile legends. Ngunit tinanggihan mo
dahil may pinaghahadaan kang pagsusulit kinaumagahan. Paano
Differentiated
Instruction mo ito sasabihin? (isayaw mo)

Ikatlong sitwasyon: Panganay ka sa walong magkakapatid at dahil


sa kahirapan huminto ka muna sa pagaaral upang magtrabaho at
tustusan ang pag-aaral ng mga nakababatang kapatid. Ipakita ang
kahalagahan ng iyong pagpili. (tulain mo)

Ikaapat nasitwasyon: Nakaganyak ka na para sa pagsimba nang


dumating ang kaibigan mo at niyaya kang manood ng sine. Ano
ang gagawin mo? (i-news flash mo)

1. Ano ang naramdaman ninyo sainyo ng ginawang


presentasyon?
2. Anong mga balakid na naranasan ninyo sa isinagawang
pagsasadula?
Rubric saPagsasadula
Kraytirya 5 4 3
Lahat ng kasapi sa 1-2 ng kasapi ng 3-4 ng kasapi ng
pangkat ay pangkat ay hindi pangkat ay hindi
Galing ng
nagpapakita ng nagpakita ng nagpakita ng
pagkaganap
galling sa galling sa galling sa
pagganap pagganap pagganap
Naipakita ng
Naipakita ng
maayos ngunit
maayos at may Hindi naipakita ng
Tamang saloobin may pag-
tiwala ang tamang tamag sa loobin sa
sa sitwasyon aalinlangan ng
saloobin sa sitwasyon
tamang saloobin
sitwasyon
sa sitwasyon
100% ang 80% ang 70% ang
Dating sa
nasisiyahan sa nasisiyahan sa nasisiyahan sa
Manonood
panonood panonood panonood

E. Pagsusuri
Pagsusuri sa pangkatang gawain:
1. Ayon sa apat na sitwasyon na inyong isinadula tama ba ang
pinili niyong pagpapahalaga?
2. Paano nakatulong sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao ang
pinili mong aksyon?
3. Kung babaliktarin natin ang sitwasyon, ano kaya sa palagay
ninyo ang mangyayari sa tauhan?
F. Pagtatalakay
Tatalakayin ng guro ang apat na Hirarkiya ng mga
pagpapahalaga. Ipabasa ang slides (AP/ Ekonomiks integration
and Reading Literacy)

G. Paglalapat
1. Lagi kang sumasama sa iyong kaklase na mag cutting class
at alam mong mababa ang iyong mga marka. Ano ang
nararapat mong gawin at bakit? (HOTS : Real Life Situation)
IV. PAGTATAYA
Lagyan ng tsek (√) ang iyong dapat pahalagahan at ekis (X) naman kung hindi.
Isulat ang dahilan o patunay kung bakit iyon ang iyong sagot.
Mga Tsek (√) Ekis (X) Dahilan o Patunay
pinapahalagahan
1. Pagkain
2. Paglalaro ng
Video Game
3. Pagsisimba
4. Pag - aaral
5. Mag -
ehersisyo

V. KASUNDUAN
Panuto: gumawa ng collage (mga larawan ng tao, bagay at lugar na
pinapahalagahan mo)

Inihanda ni: Iniobserbahan ni:

JEFFREY C. SANTILLAN BONIFACIO L. PIEZAS, JR.


Guro ng ESP Asst. Principal II

You might also like