You are on page 1of 16

7

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan- Modyul 2

AIRs - LM
Edukasyon sa Pagpapakatao 7
Ikatlong Markahan – Modyul 2
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pag kuha ng bahagi ng walang pahintuot ay hindi pinapayagan

Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Masinag B. Velasco, T-III

Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team

Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph. D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph. D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS

Lorna O. Gaspar, EPS in Charge of Edukasyon sa Pagpapakatao

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Magandang araw sa inyong lahat! noong nakaraan, pinag-aralan ninyo ang


tungkol sa pagkakaiba at pagkakaugnay ng birtud at pagpapahalaga na
kinakailangang maisasabuhay. Ngayon ating pag-aralan kung papaano nahuhubog
at napapaunlad ng isang nagbibinata/nagdadalaga ang kaniyang pagpapahalaga at
birtud.

Aralin 1:
Napapatunayan na ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi
batay sa mga moral na pagpapahalaga ay patungo sa paghubog ng mga birtud
(acquired virtues) EsP7PB-IIIb-9.3

a. Naiisa-isa ang tinuran ni Aristotle tungkol sa paghubog ng mga


nagdadalaga/nagbibinata ng kanyang pagpapahalaga at birtud

b. Nakikilala ang tinuran ni Aristotle tungkol sa paghubog ng mga


nagdadalaga/nagbibinata ng kanyang pagpapahalaga at birtud

c. Nabibigyan ng kahulugan ang tinuran ni Aristotle tungkol sa paghubog ng


mga nagdadalaga/nagbibinata ng kanyang pagpapahalaga at birtud

Aralin 2:
Naisasagawa ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga at birtud na
magpapaunlad ng kanyang buhay bilang nagdadalaga/nagbibinata EsP7PB-IIIb-
9.4

a. Natutukoy ang anim (6) na pagpapahalagang moral (6 CORE Values) na


magpapa-unlad sa buhay ng mga nagdadalaga at nagbibinata

b. Naipaliliwanag ang anim (6) na pagpapahalagang moral (6 CORE Values) na


magpapa-unlad sa buhay ng mga nagdadalaga at nagbibinata

c. Nagagamit ang anim (6) na pagpapahalagang moral (6 CORE Values) na


magpapa-unlad sa buhay ng mga nagdadalaga at nagbibinata

1
Aralin
Paghubog ng mga Birtud
1

Simulan

Lahat ng bagay ay may simula o pinagmulan. Ang simula o pinagmulan ay


puwedeng kagagawan ng Lumikha, tao, pangyayari, siyensiya at iba pa. Ang ilan sa
dapat nating malaman ay ang pag-aaral tungkol sa pagkahubog at pag-unlad ng
pagpapahalaga at birtud ng isang nagbibinata/nagdadalaga.
Ngunit itong pag-aaral ay maging makabuluhan lamang kung ito ay
nailalapat sa pang-araw-araw na buhay sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga
birtud at pagpapahalaga.

Lakbayin

Ang pag-hubog sa pagkatao ng isang nagdadalaga at nagbibinata ay hindi


biro. Kinakailangan ang mahabang pasensiya at pag-aaral upang iwasto at itama
ang pag-uugali at ibang katangian na hindi nangangailangan ng pasakit sa bawat
isa.

Ayon kay Aristotle nahuhubog ang birtud sa pamamagitan ng pagkatuto at


paggamit. At ayon din sa kaniyang suhestiyon, ang tao ay may kakayahan upang
mahubog nito ang kanyang kaugalian at gawain sa pamamagitan ng pagsasanay
sa pansariling disiplina.

Siya rin ang nagsabi na ang simula ng pagkahubog nitong pagpapahalaga at


birtud ng isang tao ay sa pamamagitan ng pagsasagawa kung ano ang nakita o
naobserbahan. Ang pauli-ulit na pagsasagawa nito ay naisasabuhay ng tao ang
kanyang nakita o naobserbahan hanggang ito ay kaniya ng pagpapahalaga at
birtud.

Ngunit ang pagpapahalaga o birtud ay puwedeng sirain ng kalabisan. Kaya


kinakailangan na ang pagsasabuhay ng mga moral na pagpapahalaga at birtud ay
balansi lamang. Kung paano balansihin ang pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
at birtud ay nakasalalay sa tao mismo.

2
Narito ang ilan sa kaniyang mga birtud.

Mga Birtud
Kakulangan Kasapatan Kalabisan
duwag matapang bulastog
nakakahumaling mapagtimpi mapagmataas
kuripot mapagbigay Labis-labis
Nagpapahirap sa sarili totoo mayabang
bastos matalino mababa
malungkot masigla maingay
Masama ang loob matapat mapagkatiwalaan
naiinggit nagagalit gumanti
maimot mabait masakripisyo sa sarili
tamad masipag nag-iisa ang isip

Ayon din sa ibang eksperto sinabi nila na ang pagpapahalaga at birtud ay


matututunan ng bawat isa sa pamamagitan ng pagsasanay at pagsasabuhay. Ang
ilan sa mga ito ay mga mapagbigay-hustisya, pagiging tutuo, makapagpigil sa sarili,
mapagmamahal, mapagpasalamat, mapagpursige, pagiging matatag,
mapagkumbaba, at iba pa.

Sa aking obserbasyon totoo na may pagkatuto sa paulit-ulit na pagsasagawa


kagaya ng aking anak. Natuto ang aking anak na magwalis noong dalawang taong
gulang pa siya. At kung paano ito nangyari ay palagi niyang nakikita ang kanyang
lola na nagwawalis gamit ang walis tambo kayat kung makita niya na kukunin ng
kahit sino ang walis tambo, siya rin daw ay magwawalis. Dahil malaki ang walis
tambo para sa kanya, gumawa ang lola ng maliit na walis tambo na sakto sa kanya.
Sa tuwing matatapos ang pagwawalis, siya ay pinapalakpakan at niyayakap ng
nakakakita sa kanya sabay ang pagsasabi ng kahalagahan ng pagwawalis.
Hanggang sa kanyang paglaki, patuloy pa rin siyang nagwawalis kahit wala ng
palakpak at yakap.

Galugarin
Gawain 1
Panuto: Piliin sa kahon ang kasagutan at isulat sa patlang.

Mapagbigay, hustisya, Mapagmahal,


Mapagpakumbaba, Pagiging matatag,
Pagiging totoo

1. Tumutukoy ito sa lawak ng pang-unawa sa iniaasal ng kapwa. __________


2. Ang abilidad na gawin ang tama at wasto kahit nasa kalagitnaan ng
paghihirap o pangangailangan. __________
3. Unahin ang kapakanan ng iba kaysa pansarili. __________
4. Hindi ikinakahiya ang paggawa ng tama kahit lahat sila ay walang suporta.
___________
5. Abilidad ang kilalanin ang sariling pagkukulang at handang iwasto ng
lubusan. __________

3
Gawain 2

Panuto: Basahin ang mga salita sa hanay kasapatan. Mamili ng akmang salita
mula sa kahon ng kakulangan upang maging akma sa salitang nasa hanay
kasapatan. Basahin ang mga pangungusap bilang gabay sa pagsagot sa hanay ng
kakulangan.
Isulat ang napiling salita sa hanay kakulangan.

Kakulangan

duwag, inggit, kababalaghan, kabastusan, kahihiyan, kalaswaan,


mayabang, padalus-dalus, pagkagalit, pambobola, walang kabuluhan

1. Ang ilang kabataan ay marunong gumawa ng kabaitan sa kapwa ngunit ang


iba ay gumagawa ng ________________ sa kapwa ng dahil sa impluwensiya ng
social media.
2. Kabastusan ang pagpapakita ng __________________, taliwas sa katotohanan.
3. Ang kadakilaan na ginawa ng mga bayani natin ay dapat pagyamanin at
huwag sana tayong gumawa ng _________________ upang yurakan ang
kanilang ginawa.
4. Kung ang kahinhinan ay hindi naisasabuhay, ito ay __________________
5. Ang kalayaan ay ang karapatan ng tao na gumawa ng mabuti ngunit kung
ang tao ay _____________________ sa pagpili ng mga gawain pwedeng
nakapagbibigay pasakit sa iba.
6. Ang pagsasabi ng katotohanan ay nagpapakita ng respeto sa kapwa. Ngunit
may mga tao rin na sa halip na masiyahan sila ay magpapakita ng
_________________.
7. Ang mga bata ay binibigyan ng pangaral upang maging matuwid ang
kanilang pagsagot sa mga katanungan datapwat may mga kabataan na
marunong sa _______________ upang ilihis ang usapan.
8. Sa umpukan may mga kasamahan na _______________ at para iwas gulo,
kinakailangan ang pagpigil sa sarili.
9. Ang salitang pasensiya ay simbolo ng pagpapakumbaba ngunit kung ito ay
ginamit sa pagdahilan ay hahantong sa_____________.
10. Ang taong ginagamit ang tapang sa wastong paraan ay magtatagumpay.
Subalit ang taong ayaw sumubok ay makakaramdam ng __________________.

Hanay kakulangan Hanay kasapatan


Halimbawa: (duwag) Matapang
1. 1.kabaitan
2. 2.kabastusan
3. 3.kadakilaan
4. 4.kahinhinan
5. 5.kalayaan
6. 6.katotohanan
7. 7.matuwid
8. 8.pagpigil
9. 9.pasensiya
10. 10.tapang

4
Palalimin

Marahil ay namangha ka sa ipinamalas ng mga maraming


nagmamahal sa iyo, mula sa patuloy na pagpapa-unlad at paghuhubog ng iyong
moral na pagpapahalaga at birtud. Upang sariwain kung paano ka nila hinuhubog,
sige na at mag-umpisa.
Gawin 1
Panuto: Ipagpatuloy ang pangungusap upang makabuo ng isang sanaysay.

Palagi mong nakikita ang ginagawa ng iyong mga magulang sa kanilang


trabaho, ang trabahong ______________ at ______________. Sa kanilang paggawa,
kailangang ulitin ang trabahong hindi maganda. Ang dahilan ay upang masiyahan
silang mga gumawa at ang mga taong gagamit ng kanilang ginawa. Dahil naawa ka
sa kanila, nagsabi ka na ikaw na lang ang magsaing ng bigas ngunit kailangan na
turuan ka muna dahil unang pagkakataon mo itong gawin. Hinayaan ka na gawin
ang mga pamamaraan hanggang naging kabisado mo na ang pagsasaing. Sa
pagsasaing ng bigas, ako ay nahirapan sa ______________________tuloy
mamasamasa ang sinaing kahit matagal ng mababa ang apoy. Ngunit hindi nila
ako pinagalitan bagkus ay
_________________________________________________________ at sa wakas natatansha
ko na ang dami ng bigas sa tubig. Sa tuwing ako ay magsasaing palaging
nagbibigay ng______________________________ ang aking mga magulang. Hanggang
bihira na silang nagbibigay ng payo o pasabi. Ngayon lang, kusa na akong
nagsasaing dahil marunong na ako. Yeheey!

Gawin 2: Libangan na, Birtud pa!


Panuto:
1. Gumuhit o gumupit ng limang (5) larawan at idikit sa maikling coupon bond.

2. Isang larawan sa isang coupon bond lamang.

3. Sa ibaba ng larawan ay isulat ang mga pagpapahalaga o birtud na


puwedeng mahuhubog sa paulit-ulit na pagwa ng gawain na nasa larawan.

4. Ilagay sa maikling folder ang limang coupon bond na may larawan at may
sulat upang malagyan ng puntos.

5
Aralin Pagsasabuhay ng mga
2 Pagpapahalaga at Birtud

Lakbayin

Masasabi lamang na naging matagumpay ang pagtuturo ng pagpapahalaga


ng iyong guro o ng iyong mga magulang kung tunay mong isinasabuhay ng paulit-
ulit ang iba’t ibang mga birtud.

Ang paghubog ng gawi ay may kaugnayan sa halaga. Ang pagsasabuhay ng


birtud ay bunga ng maingat na paghuhusga. Ito ay dahil naniniwala tayo na
mayroon itong napakahalagang kontribusyon sa ating pang-araw-araw na
pagpapasya.

Ito rin ang pinakamatibay na patunay na naisaloob na ng isang kabataang


katulad mo ang mga moral na pagpapahalaga. Ang moral na pagpapahalaga ay
dapat ng mailapat sa anumang mahalagang pagpapasya, okasyon o kilos.
Mahalagang kasanayan din ito na makatulong upang mapaunlad ang iyong isip,
hangarin at kilos.
Anim na Pagpapahalagang Moral
(6 CORE Values)
Pananampalataya at pagmamahal sa Diyos
(Faith and love of God)
Paggalang sa awtoridad
(Respect for Authority)
Paggalang sa buhay
(Respect for life)
Paggalang sa dignidad ng sekswalidad ng tao
Respect for the dignity of human sexuality)
Pagmamahal sa katotohanan
(love for truth)

6
Paggalang sa Awtoridad Pagmamahal sa katotohanan Paggalang sa sekswalidad ng
tao

Paggalang sa buhay Pananampalataya at Mapanagutang


paggamit
Pananampalataya at pagmamahal sa Diyos

Ang mga kristiyano ay naniniwala na si Jesu Kristo ay namatay sa krus


upang magkaroon ng sila ng buhay na walang hanggang. Kaya karapat dapat lang
na Siya ay sambahin at purihin nila ito ng buong puso. Samantala para sa ibang
relihiyon mayroon din silang sinasamba at pinupuri kagaya ng Yaweeh, Jehova,
Kabunian, Espiritu at marami pang iba.
Paggalang sa Awtoridad
Ang mga magulang, nakakatanda (kuya, ate, lolo at lola), guro, kapulisan,
opisyal sa bansang Pilipinas at iba pa ay maituturing na awtoridad dahil sila ang
nagbibigay gabay sa atin upang makamit ang kaayusan at kapayapaan.
Paggalang sa buhay
Ayon sa mga batas natin kagaya ng Anti-bullying, Cyber-bullying, Sexual
harassment, Child abuse, Child labor at iba pa ay nagbibigay proteksyon sa mga
kabataan laban sa mga taong mapagsamantala. Ang mga nabanggit na batas ay
nagbibigay galang sa buhay ng tao.
Paggalang sa dignidad ng sekswalidad ng tao
Ito ay tumutungkol sa paggawa na walang pinipiling kasarian. Sa English
sabi Gender Equality o may pantay na karapatan ang babae at lalaki sa bawat
trabaho. Dito dapat iwasto natin ang ating isipan na ang paglilinis sa bahay ay kay
ate o nanay lamang dahil puwede na rin na gawaiin ni kuya o tatay.

7
Pagmamahal sa katotohanan
Ang pinakamataas na libel ng respeto ay ang pagsasabi ng totoo. Ang
pagsasabi ng katotohanan ay naglalarawan ng busilak na pag-iisip at puso. At
kapag pawang katotohanan lamang ang sasabihin, tayo ay palaging ligtas sa
kapahamakan.
Mapanagutang paggamit/pamamahala ng materyal na bagay
Ang mga pagmamay-ari natin kagaya ng damit, bag, sapatos, relo at iba pa
ay dapat alagaan ito ng maayos. Dahil ang mga nabanggit ay nagbibigay ng
maraming benipisyo sa atin. At isa pa ang pinambili ng mga iyon ay galing sa
inyong mga magulang na dapat bigyan ng halaga.

Galugarin

Alam ko na nabasa at pinag-aralan mo ang maikling talakayan sa modyul


na ito. Kaya tatanugin kita at sana sagutin mo ito ng wasto at tama.

Gawain 1

Panuto: Piliin sa kahon ang wastong halimbawa ng tinatanong. Isulat sa papel ang
napiling kasagutan.

Mga halimbawa

Pagpunta sa pagamutan, Pagsunod sa mga protocol

Pagtulong sa sinalanta ng bagyo, Plantita/Plantito

Wasto at tamang kasagutan

1. Pananampalataya at pagmamahal sa Diyos: ____________________


2. Paggalang sa Awtoridad: ______________________
3. Paggalang sa buhay: ____________________
4. Paggalang sa dignidad ng sekswalidad ng tao: ____________________
5. Pagmamahal sa katotohanan: ____________________

8
Gawain 2

Panuto:
1. Sumulat ng isa (1) mula sa mga naisagawa mo ng pagpapahalaga bilang
halimbawa sa bawat pagpapahalagang napag-aralan.
2. Tularan ang halimbawa sa baba.
3. Gumamit ng sariling papel.

Mga Pagpapahalaga

Pananampa- Paggalang Paggalang Paggalang Pagma- Pananagutang


lataya at sa sa buhay sa dignidad mahal sa paggamit/pamama-
pagmamahal Awtoridad ng katotoha- hala sa material na
sa Diyos sekswalidad nan bagay
ng tao
Hal. Bago Hal. Kung Hal. Ang Hal. Ugaliing Hal. Hal. Ilagay sa ayos
kumain ay may pagbaba- tumulong sa Magsabi ang mga ginamit na
dapat iniutos na hagi ng anumang ng nasa modyul sa tamang
manalangin. gawaiin ay pagkain gawain. saloobin. lalagyan.
dapat sa kapwa.
tapusin

Palalimin

Sigurado ako na ikaw ay napaisip noong sinagot mo ng tama at wasto ang


mga naunang katanungan. Kaya mas maganda na gawin mo rin ang mga
sumusunod upang may pagkatuto sa araling ito:
Gawain 1

Panuto: Sa pagkukuwento kailangan na sasagutin mo ang mga katanungan dahil


ito na mismo ang nilalaman ng iyong storya.

1. Ano ang iyong napa-unlad na pagpapahalaga o birtud?


2. Sa anong okasyon o pangyayari nagsimula ito?

9
3. Paano napaunlad ang bagong pagpapahala o birtud, isa-isahin ang bawat
hakbang?
4. Sino ang mga tao na tumulong sa pag-unlad?
5. Banggitin ang kahalagahan ng pag-unlad sa pagpapahalaga o birtud?
6. Dapat mo bang ipagpatuloy ito, bakit? O hindi dapat ipagpatuloy, bakit?
Upang makarating sa guro ang iyong kuwento puwede mong gawin ang isa
(1) sa mga sumusunod;
- Videohan ang sarili na nagkukuwento at ipasa sa messenger ni guro o
anumang media platforms
- Kung walang cellphone or gadget, puwede na isulat at lagyan ng pinaka
bagong mong larawan
- Makigamit sa cellphone ng kapamilya

Gawin 2
Panuto: Intindihing mabuti ang ating pambansang awit. Sabihin kung anong
pagpapahalaga ang nangingibabaw sa bawat saknong. Isulat ang letra ng iyong
kasagutan sa papel.

“Lupang Hinirang”
1. Bayang magiliw, perlas ng silanganan.
Alab ng puso, sa diddib mo’y buhay.
Lupang hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil.

2. Sa dagat at bundok, sa simoy at


Sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula at awit
Sa paglayang minamahal.

3. Ang kislap ng watawat mo’y


Tagumpay na nagniningning.
Ang bituin at araw niya
Kailan pa ma’y di magdidilim.

4. Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,


Buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
Ang mamatay ng dahil sa iyo

10
Mga Pagpapahalaga

A. Mapanagutang paggamit/ pamamahala ng material na bagay


B. Paggalang sa Awtoridad,
C. Paggalang sa buhay
D. Paggalang sa dignidad ng sekswalidad ng tao
E. Pagmamahal sa katotohanan
F. Pananampalataya at pagmamahal sa Diyos

_________1. Sa saknong 1, ano ang nangibabaw na pagpapahalaga?


_________2. Sa saknong 2, ano ang nangibabaw na pagpapahalaga?
_________3. Sa saknong 3, ano ang nangibabaw na pagpapahalaga?
_________4. Sa saknong 4, ano ang nangibabaw na pagpapahalaga?

Sukatin

Kumusta ka na? may nadagdag bang pagpapahalaga at birtud sa buhay mo?


Hindi kaman makita at maobserbahan ngayon ngunit naniniwala ako na kayang-
kaya mo ng sagutin ang mga nakagandang katanungan.
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat salita na napaloob sa pangungusap. Isulat
sa patlang ang kasagutan. Kung ang pangungusap ay tama isulat ang TAMA at
kung ang pangungusap ay mali, isulat ang MALI.

_______1. Magpakumbaba tayo sa mga tao na nasaktan natin sa gawa at salita.


_______2. Kung naiintindihan natin ang mga kadahilanan ng ibang mga kamag-aral
sa hindi pagdalo ng ibang pampaaralang programa. Tayo ay may
pagpapahalaga o birtud na makapagbigay hustisya.
______3. Pila ang gustong magswing sa parke. Ikaw na sana ang susunod kaya lang
napansin mo na may mangiyak-iyak na mas bata sa may likuran mo tuloy
pina-una mo na siya. Dahil dito sa iyong ginawa nasiyahan bata at
nagpasalamat pa ang kanyang ina. Ang iyong nahubog na pagpapahalaga o
birtud dito ay mapagpasalamat.
______4. Pahirapan ang maraming modyul na katabi sa bahay ngunit dapat lang na
basahin at sagutan ng wasto at tama, kaya ang nahubog mo na
pagpapahalaga o birtud ay mapagpursige.

11
______5. Maraming naapektuhan sa COVID 19 kabilang na dito ay ang pang-
ekononiya kaya kung ano ang nakahanda sa hapagkainan ay ito na ang
pagsaluhan
______6. Ang pagsasabi ng oo ngunit hindi ginawa ang iniuutos ay halimbawa ng
paggalang sa buhay.
______7. Kumuha ka ng isang aspili sa kabinit ni kuya na nakita niya at ginamit
mo. Ito ay halimbawa ng mapanagutang paggamit.
______8. Maliit man o malaki ang nagawang kamalian, ito ay masama pa rin ayon
sa pananampalataya sa Diyos.
______9. Labindalawang gulang si Gee ngunit natuto na siyang magluto ng iba’t
ibang pagkain. Ito ay naayon sa mapanagutang pagggamit.
______10. Ang pagtatrabaho ng mga ina sa ibang bansa ay halimbawa ng paggalang
sa dignidad ng sekswalidad ng tao.

Gawain 2
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod sa isang malinis na papel.
1. Kung sinabi nila na dapat ipagpatuloy ang magandang birtud o
pagpapahalaga na mayroon ka, ano ang gawain mo upang pag-ibayuhin
pa ito?

2. Kung sinabi rin na ang birtud o pagpapahalaga na taglay mo ay hindi


kanais-nais, ano ang iyong gawain upang iwasto ito?

Rubric sa Pagtataya

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1
Nilalaman Napakahusay Mahusay ng May Maligoy ang May ilang
ng pagkakabuo kahusayan sagot naisulat na
pagkakabuo ng sagot. ang Nakalilito at salita
ng sagot. Malinaw at pagkakabuo hindi tiyak ngunit
Malawak at tiyak ang ng sagot. ang mga walang
marami ang pahayag. Tiyak ang punto. diwa.
angkop na mga
pahayag at pahayag.
elaborasyon.

12
Susi ng Pagwawasto

13
Sanggunian

Edukasyon sa-Sa-Pagkakatao Q34-v1.0 (1). Pdf-Adobe Acrobat Reader DC


retrieved
January 6, 2021
C.:\User\USER\Desktop\pagsasabuhay ng birtud.mhtl retrieved January 6,
2021
https://plato.stanford. educ retrieved Dec. 27, 2020
https://www.spartnotes.com retrieved Dec. 27, 2020
www.binangonan.gov.ph retrieved January 6, 2021

14

You might also like