You are on page 1of 42

7

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Awiting-bayan at Bulong
(Panitikan ng Kabisayaan)

AIRs - LM
Filipino 7 (Panitikan ng Kabisayaan)
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Awiting-bayan at Bulong
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: John-John L. Pasul at Evangeline C. Medriano


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph. D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II

Sanggunian
Julian, A. B. et.al (2018). Pinagyamang Pluma 7 (K to12). Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.

Awiting-bayan. Nahango noong Oktubre 19,2020 mula sa


https://www.kapitbisig.com/philippines/folk-songs_331.html

2
Sapulin

Mapagpalang araw sa iyo minamahal kong mag-aaral! Kumusta ka?


Binabati kita dahil natapos mo nang mahusay ang mga paksa at mga gawain
sa unang markahan. Nagkaroon ka ng kaalaman at malalim na pang-unawa sa mga
akdang pampanitikan ng Mindanao. Ngayon, handa ka na ba para sa mga bagong
kaalaman at kasanayan malilinang mo sa markahang ito? Kung oo, maghanda ka
na sa mga aralin at halina’t samahan mo akong lakbayin ang inihandang modyul
para sa iyo.
Ngayong markahan, ating pag-aaralan ang mga akdang pampanitikan ng
kabisayaan o taga-Bisaya. Tiyak na lubos mong ikatutuwa at ikamamangha ang
napakayamang kultura, tradisyon, paniniwala at kaugalian na sumasalamin sa
kanilang mga akdang pampanitikan.
Ang unang paksang atin matutunghayan ay ang mga Awiting-bayan at Bulong
ng kabisayaan at Antas ng Wika batay sa Pormalidad.
Nabuo ang modyul na ito para sa iyo upang maunawaan ang mga
pinakamahalang kasanayan sa pampagkatuto na:
• Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais
iparating ng napakinggang bulong, awiting-bayan, alamat bahagi ng akda at
teksto tungkol sa epiko sa Kabisayaan. (F7PN-IIa-b-7)
• Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa
akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-Bisaya. (F7PB-IIa-b-7)
• Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng
awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawigan, pormal) (F7WG-Iia-b-7)

Pagkatapos ng mga gawain ay inaasahang makakamit mo ang mga


sumusunod na layunin:
• Natutukoy at nauunawaan ang mga mahahalagang detalye, mensahe at
kaisipang nais iparating ng awiting-bayan at mga bulong.
• Nakikilala ang mga tradisyon, paniniwala at kultura na sumasalamin sa mga
akda ng mga taga-Bisaya.
• Nakikilala at nauunawaan ang pagkakaiba-iba ng antas ng wika batay sa
pormalidad.
• Nagagamit nang wasto ang mga salitang pormal at di-pormal sa pagsulat ng
pangungusap.
• Nakapagsusulat ng sariling bersiyon ng awiting bayan gamit ang antas ng
wika batay sa pormalidad.

Halina’t atin nang talakayin ang mga ipinagmamalaking Awiting-bayan at mga


Bulong ng taga-Bisaya. Handa ka na ba? Kung nakahanda ka na, maaaring ka nang
magsimula sa mga gawain at aralin.

3
Aralin
Awiting-bayan at
1.1 Bulong ng Kabisayaan

Simulan

Bago natin simulan ang malalimang talakayan, alamin muna natin ang iyong
kaalaman sa mga bulong at awiting-bayan sa sumusunod na gawain.

Gawain 1: Magkantahan Tayo!


Panuto: Kantahin ang awit na nasa ibaba at pagkatapos sagutin ang mga tanong sa
sagutang papel.

Si Filemon (Tagalog Version)

Si Filemon, si Filemon, nangisda sa karagatan,


Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan,
Pinagbili, pinagbili sa isang maliit na palengke
Kumita ng kaunting pera, kumita ng kaunting pera,
Para lang sa kaniyang alak na tuba.

Nakanta mo ba nang may himig ang awiting naihanda para sa iyo? Kung oo,
Halina’t sagutin ang mga tanong.

1. Pamilyar ka ba sa awiting Si Filemon?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang tawag sa ganitong awitin?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ang iyong mababasa sa ibaba ay isang halimbawa ng Bulong.

Lumayo kayo, umalis kayo at baka


Tabi-tabi po! Makikiraan po ako.
mabangga kayo.

4
Binabati kita sa mahusay mong pagsagot. Matagumpay mong
naisagawa ang paunang gawain. Batay sa iyong inawit na awiting-bayan at
binasang mga bulong, mapapansin ang mga kaugalian, tradisyon at kultura
ng mga Pilipino.
Sa pagkakataong ito, babasahin mo kung paano nagsimula ang awiting-
bayan at mga bulong.

Alam mo bang…
Ang Pilipinas ay napakayaman sa larangan ng Panitikan mula pa man
sa ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga mananakop?
Sumasalamin ito sa ating sariling kultura, tradisyon, kaugalian,
paniniwala, pamumuhay at kasaysayan. Isa sa patunay nito ang mga
pasalindilang panitikan na Awiting-bayan at mga Bulong na nagmula pa
sa ating mga ninuno na hanggang sa kasalukuyan ay isinasabuhay pa rin
natin.
Ang pasalindilang panitikan ay naging laganap sa panahon ng ating
mga ninuno bago pa man ang mananakop ng mga espanyol. Ito ang mga
panitikang pinalaganap sa pamamagitan ng pagpapasalin-salin ng pasalitang
tradisyon mula sa iba’t ibang henerasyon.
Ang kabisayaan o mga taga-Bisaya ay isa sa napakayaman ng mga
awiting-bayan at mga bulong. Nasasalamin ng mga ito ang kanilang
sariling pagkakakilanlan.

Lakbayin

Samahan mo akong alamin ang kahulugan ng Awiting-bayan at mga Bulong.


Subukan ding awitin ang iba’t ibang awiting-bayan ng mga taga-Bisaya.

Awiting-bayan
➢ Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma
subalit kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Sa
ganitong paraan ay higit na naging madali ang pagtanda o pagmemorya sa
mga awiting ito. Ito rin ay sinaunang awit ng mga Pilipino na tinatangkilik pa
rin ng mga kabataan maging sa kasalukuyan.
➢ Ito ay tinatawag ding kantahing-bayan na isa sa mga uri ng sinaunang
panitikang Pilipino bago pa man dumating ang mga mananakop. Ito ay nasa
anyong patula na inaawit at karaniwang binubuo ng labindalawang pantig sa
bawat taludtod.
➢ Ang karaniwang paksa ng mga awiting-bayan ay ang pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao sa isang bayan. Masasalamin sa mga ito ang
kaugalian, karanasan, pananampalataya, gawain o hanap-buhay.
➢ Taglay rin ng awiting-bayan ang iba’t ibang damdamin tulad ng kaligayahan,
kalungkutan, galit at kapanatagan ng kalooban.

Dahil ito’y repleksiyon ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino may iba’t


ibang uri ng awiting bayan para sa iba’t ibang pagkakataon o okasyong
ipinagdiriwang.

5
Uri ng Awiting-bayan
1. Balitaw – Awit ng pag-ibig na ginagamit sa paghaharana ng mga Bisaya. Ito
rin ay kombinasyon ng awit, sayaw at debate na karaniwang umiikot sa
paksang pag-ibig.
2. Kundiman – Awit ng pag-ibig na ginagamit ng mga Tagalog. Ito ang ginagamit
ng mga kalalakihan upang suyuin ang kanilang iniibig na mga kababaihan
sa pamamagitan ng paghaharana.
3. Dalit – Awit panrelihiyon o himno ng pagkilala sa May-kapal.
4. Diyona – Awitin sa panahon ng pamamanhikan o sa kasal.
5. Dung-aw – Awit sa patay ng mga Ilokano.
6. Kumintang – Awit ng pakikidigma o pakikipaglaban.
7. Soliranin – Awit sa pamamangka o sa mga manggagawa tulad ng magsasaka.
8. Oyayi o Hele – Awiting ginagamit para sa pampatulog ng bata.
9. Talindaw – Isa pang uri ng awit sa pamamangka o pagsagwan.

Mahusay! alam kong sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa kahulugan ng


Awiting-bayan. Ngayon samahan mo akong alamin at awitin ang mga awiting-bayan
na nagmula sa kabisayaan.

Awiting-bayan na ipinagmamalaki ng mga Kabisayaan

Awiting-bayang Ilonggo/Hiligaynon

Dandansoy Dandansoy
(Salin sa Filipino)
Dandansoy, baya-an ta ikaw,
Pauli ako sa payaw, Dandansoy, iiwan na kita
Ugaling kong ikaw hidlawon Uuwi na ako sa payaw
Ang payaw imo lang lantawon Kung sakaling ika’y mangulila
Sa payaw, ikaw ay tumanaw
Dandansoy kon imo apason,
Bisan tubig di magbaon Dandansoy, kung ako ay iyong susundan
Ugaling kon ikaw uhawon Kahit tubig, huwag ka nang magbaon
Sa dalan magbubon-bubon. Ngunit ikaw ay mauhaw
Sa daan, may maiinumang balon.

Halaw mula sa https: //images.app.goo.gl./XsCyqT7pcYzkUz1m7

6
Awiting-bayang Ilonggo/Hiligaynon

Ay! Ay! Kalisud Ay! Ay! Kalisud


(Salin sa Filipino)
Ay! ay kalisud, kay saklap ng iniwan
Ay! Ay, kalisud sang binayaan, Gabi’t araw ang mata ay laging luhaan
Adlao gab-I firmi kita guina tangisan, Ay! ay irog ko, ang sumpa’y bakit
Ay, ay! Inday nga walay sing kapalaran, nalimutan?
Walay guid, walay guid sarang ko Buhat nang iyong iniwan laging sa
kalipayan kalungkutan.
Ay cielo azul abao! Diin ka na , bala O aking mahal, nahan ngayon ang
Bulugui ta bangi ang na bilango sang iyong habag
gugma. Bakit di mo lingapin ang pusong
Mayad pa ng mamatay kung halus nagdurusa
mamatay, Aanhin ang buhay kung di matanaw
Agud di ako maka dumdum nga ako Nanaisin pang pumanaw yaring sawi
walay kalipay. kong buhay
Ay! ay, kalisud sang binayaan, O aking mahal, nahan ngayon ang
Adlao gab-I firmi kita guina tangisan. iyong habag
Ay! ay! Inday nga walay sing kapalaran, Bakit di mo lingapin ang pusong
nagdurusa
Walayguid, walay guid sarang ko Aanhin ang buhay kung di ka matanaw
kalipayan. Nanaisin pang pumanaw yaring sawi
kong buhay.

Halaw mula sa https: //images.app.goo.gl/Ey9z1HEMmwZ327

Awiting-bayang Ilonggo/Hiligaynon

Ili-Ili Tulog Anay Batang munti, Batang munti


(Salin sa Filipino)
Ili-Ili, tulog anay.
Wala diri imong nanay. Matulog ka na,
Kadto tienda Wala rito ang iyong ina.
Bakal papay. Siya ay bumili ng tinapay
Ili-ili Batang munti, batang munti
Tulog anay Matulog ka na.

Halaw mula sa https: //images.app.goo.gl/fhnhrsipo8fMkUgN9

7
Awiting-Bayang Sugbuwanon / Cebuano

Ug Binhi Ang Binhi


(Salin sa Filipino)
Tra, la, la, la.
Aco’y gatanum ug binhi, Tra, la, la, la.
Nanalingsing, nabuhi. Ako’y nagtanim ng binhi,
Sana buhi, namunga, Sumibol, nabuhay.
Sa namunga ng naminhi. Di naglao’t namunga,
Ang bunga’y naging binhi.

Halaw mula sa : https: //images.app.goo.gl/Ey9z1HEMmwZ327

Kumusta! Alam kong marami ka ng natutunan tungkol sa mga awiting-bayan ng


kabisayaan. Ngayon, handang-handa ka na sa mga gawain.

Gawain 2: Tukuyin Mo!


Panuto: Batay sa halimbawang tinalakay sa itaas, tukuyin kung anong uri ng
awiting bayan ang mga sumusunod. Itala rin ang mga kaugalian, tradisyon o paniniwala ng
mga kabisayaan na matatagpuan sa mga awiting-bayan. Kopyahin ang pormat sa inyong papel
at sagutan.
Pamagat Uri ng Awiting- Tradisyon,
bayan paniniwala o
kaugalian
Awiting-bayan
1. Dandansoy
2. Ug binhi/ Ang binhi
3. Ili-Ili Tulog Anay
4. Ay! Ay Kalisud

Mahusay! binabati kita dahil natapos mo ang gawain. Magpatuloy at ating alamin ang isa
pang yaman ng ating mga katutubong panitikang pasalindila na pamana sa kasalukuyan.

Bulong
➢ Ang Bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa
kapuloan ng Pilipinas? Isinasagawa ng ating mga ninuno at maging sa kasalukyang
panahon ang mga bulong sa iba’t ibang sitwasyon.
➢ Ginagamit kapag nagpapasintabi kung napaparaan sa tapat ng nuno sa punso, sa
kagubatan, sa tabing-ilog at sa iba pang lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga
engkanto, lamang lupa o maligno. Binibigkas ang mga bulong upang mabigyang babala
ang mga nilalang na hindi nakikita para maiwasan silang masaktan o matapakan.
Pinaniniwalaan kasing kapag nasaktan ang mga nilalang na ito ay maari silang
magalit at magdulot ng hindi maipaliwanag na karamdaman o sakit.
➢ Ginagamit ang bulong upang itaboy ang masasamang elemento sa iba’t ibang lugar.
➢ Isinasagawa rin ang bulong ng mga albularyo sa kanilang panggagamot.
➢ Ginagamit ang mga ito para gumaling ang taong may karamdaman tulad ng nausog,
sumakit ang tiyan, pagkahilo at pagkawala ng malay.
➢ Ito ay nagiging gamot sa pamamagitan ng pagbulong para sa mga taong nakulam,
namaligno o napaglaruan ng lamang-lupa.

8
Mga Halimbawa ng mga Bulong

1. Kapag ikaw ay nasa gubat habang naglalakad bumubulong ng ganito: “Tabi,


tabi po apo, baka po kayo mabunggo.”
2. Kung nangangahoy sa gubat upang hindi mamatanda ay bumibigkas ng
bulong bilang paghingi ng paumanhin gaya ng: “Aming pinutol lamang, ang
sa aming napag-utusan.”
3. May bulong rin ang ating matatanda kung nabubungian ng ngipin at
humihingi ng panibagong ngipin at ito’y ihahagis sabay ang bulong na
“Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang
Sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang ang kabisayaan ay naniniwala
at isinasagawa pa rin ang mga bulong na ito.

Galugarin
Isa sa pinakapopular na awiting-bayan ng kabisayaan ay ang awit na Si
Pilemon na nagmula sa Cebu. Subukang alamin at ipaliwanag ang mahahalagang
detalye at mensaheng nais ipaabot nito.

Gawain 3: Bigyang Linaw Mo!


Panuto: Ibigay ang mensahe at ipaliwanag ang kaugalian at pamumuhay ng
kabisayaan na sinasalamin ng awiting-bayang na "Si Pilemon".

Si Pilemon Si Pilemon (Filipino Version)

Si Pilemon, Pilemon Si Pilemon, si Pilemon,


Namasol sa kadagatan nangisda sa karagatan,
Nakakuha-nakakuha Nakahuli, nakahuli
Ug isdang ng tambasakan
Guibaligya, guibaligya ng isdang tambasakan,
Sa merkado ng guba Pinagbili, pinagbili
Ang halin puros kura, sa isang maliit na palengke
Ang halin puros kura Kumita ng kaunting pera,
Igo ra I panuba. kumita ng kaunting pera,
Para lang sa kaniyang alak na tuba.

Halaw mula sa : https: //images.app.goo.gl/z5nYEaDKxZKwbWmx9

Pagpapaliwanag:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

9
Palalimin
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang talata tungkol sa paniniwala ng
mga Pilipino.

Isa sa kultura ng mga Pilipino ang


paniniwala sa mga engkanto, laman-lupa at
maligno na siyang kinakatakutan nating
magambala kaya naman isinasagawa o sinasambit
natin ang iba’t-ibang mga bulong upang makaiwas
sa anomang kapahamakan. Naging kaugalian na
rin ang pagpunta sa mga albularyo upang
magpagamot sa mga nararamdamang hindi maipaliwanag dahil na rin sa
paniniwala natin sa kulam, namaligno o napaglaruan ng engkanto. Ito ay mga
paniniwala ng ating mga ninuno na hanggang sa kasalukuyang panahon ay
pinaniniwalaan pa rin natin.

Gawain 4: Saliksikin Mo!


Panuto: Magsaliksik ng limang awiting-bayan sa inyong sariling bayan. Ilista lahat
ito sa sagutang papel.

Awiting- Bayan
1.
2.
3.
4.
5.

Basahin at unawaing mabuti ang talata.

Basahin:
Kasabay sa pagmoderno ng panahon, ang pagbabago ng mga musikang
pinakikinggan ng mga Pilipino. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa panlasa sa
mga musikang nais pakinggan lalong-lalo na ang mga kabataang tulad mo.
Nandiyan ang Rock, RnB, KPop, Ppop, Jazz, Reggae at kung ano-ano pa na
kinahuhumalingan ng mga kabataan. Dahil sa pag-usbong ng mga bagong awitin
unti-unti na rin nalilimutan at nawawala ang mga Awiting-bayan na pamana pa
sa atin ng ating mga ninuno.

10
Aralin
Antas ng Wika Batay sa
1.2 Pormalidad

Simulan

Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang iyong kaalaman
hinggil sa paksa ng ating aralin. Mangyari lamang na isagawa ang mga sumusunod
na gawain.

Gawain 1: Kahulugan Ko, Hanapin Mo!

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang
madiin sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang
papel.

1. Hindi ako nabilhan ni nanay ng bagong damit dahil kulang ang kaniyang
datung.
2. Kahapon pa dumating ang kanilang haligi ng tahanan mula sa probinsiya.
3. Mahal na mahal ko ang aking manang.
4. Hinabol kami ng parak kahapon.
5. Lodi ko si Daniel Padilla.
6. Charing lang! ikaw naman masyado ka seryoso.
7. Ipinakilala ni Emma ang kaibigan niyang kano.
8. Bet ko sanang pumunta sa inyo kaso gabi na.
9. Makakalimutin na ang aking ermat.
10. Yumao ang aking tiyahin dahil sa Covid-19.

A. pulis B. pera C. ama D. gusto E. idol

F. biro G. ate H. namatay I. Amerikano K. nanay

11
BASAHIN at UNAWAIN . . . . .

Panuto: Kantahin ang mga awiting nasa ibaba. Pagkatapos, sunawaain ang
katanungan sa ibaba at basahin ang paliwanag.

Ang Dalagang Pilipina Bebot


Composer: Jose Santos (Black Eyed Peas)
Lyricist: Jose Corazon De Jesus
I Bebot, bebot
Ang dalagang Pilipina Be bebot, bebot
Parang tala sa umaga Be bebot, bebot be
Kung tanawin ay nakaliligaya Ikaw ang aking
May ningning na tangi’t Bebot, bebot
dakilang ganda. Be bebot, bebot
II Be bebot, bebot be
Maging sa ugali, maging kumilos, Ikaw ang aking
mayumi, mahinhin, Bebot, bebot
mabini ang lahat ng ayos Be bebot, bebot
Malinis ang puso maging sa pag-irog Be bebot, bebot be
may tibay at tining ng loob. Ikaw ay
III Filipino!!! Filipino!!!
Bulaklak na tanging marilag, Filipino!!! Filipino!!!
Ang bango ay humahalimuyak
Sa mundo’y dakilang panghiyas,
Pang-aliw sa pusong may hirap.
IV
Batis ng ligaya at galak,
Hantungan ng madlang pangarap.
Iyan ang dalagang Pilipina,
Karapat-dapat sa isang tunay na
pagsinta.

1. Batay sa pamagat ng dalawang awitin, saan pumapatungkol ang mga ito?


Sagot:- Ang dalawang awitin ay pumapatungkol sa mga BABAE.

2. Saan-saang lugar at ano-anong pagkakataon mo maririnig ang salitang dalagang Pilipina?


Sagot: - Ang Salitang Dalagang Pilipina ay karaniwang nababasa sa mga libro at naririnig sa
mga kanta maging sa mga pormal na programa tulad ng mga palatuntunan o di kaya'y sa
pormal na beauty pageant.

3. Saan-saang lugar at ano-anong pagkakataon mo naman maririnig ang salitang bebot?


Sagot: - Ang Salitang Bebot ay karaniwang naririnig sa mga mga tao na nakatambay sa mga
kalye at hindi ito pormal pakinggan.

4. Sa iyong palagay, alin kaya sa dalawang pamagat ng awitin ang masasabing pormal at di-
pormal? Pangatwiranan.
Sagot: -Ang Salitang Dalagang Pilipina ay pormal na salita sapagkat karaniwan itong
-
ginagamit sa mga pormal na gawain. Ang Salitang Bebot ay impormal na salita sapagkat ito ay
gawa-gawa lamang ng walang basehan at nabuo lamang sa mga malikhaing pag-iisip ng mga
tao tulad na lamang ng mga salitang lodi, petmalu, igop at iba pang mga salitang karaniwang
ginagamit sa kalye.
Magaling! Marahil ay nasiyahan ka sa mga gawaing iyong ginawa. Bago mo ipagpatuloy
ang mga kapana-panabik na gawain inihanda para sa iyo, basahin mo muna ang Lakbayin upang
ganap mo pang makilala ang ating aralin.

12
Lakbayin

Antas ng Wika Batay sa Pormalidad

Iba’t ibang salita ang ginagamit sa pakikipag-usap depende sa lugar, okasyon,


panahon gayundin sa taong kausap. Ipinapakita nito ang antas ng wika batay sa
pormalidad.

Mga Salitang Pormal - mga salitang istandard dahil ito’y kinikilala, tinatanggap,
ginagamit ng karamihang nakapag-aral sa wika. Ito ay nauuri sa dalawa:
1. Pambansa ang salitang ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
Ilan sa mga halimbawa nito ay ama, ina, anak, tahanan, dalaga at iba pa.
2. Pampanitikan ang mga salitang matatayog, malalalim, mabibigat,
makukulay, at sadyang matataas ang uri. Ito ang mga salitang ginagamit ng
mga malikhaing manunulat. Ilan sa halimbawa nito ay:
Ilan sa mga halimbawa nito ay mabulaklak ang dila, di-maliparang uwak,
kaututang dila, balat sibuyas, taingang kawali, nagbukas ng dibdib atbp.

Mga Salitang Impormal o Di Pormal - mga salitang karaniwang ginagamit sa


pakikipag-usap o pakikipagtalastasan sa mga kakilala o kaibigan. Ito ay nauuri sa
tatlo:
1. Balbal ang tawag sa mga salitang pangkalye o panlansangan. Tinatawag din
itong singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong mga
salita. Ito ang pinakamababang antas ng wika. Ilan sa halimbawa nito ay:

Salitang Balbal Kahulugan Salitang Balbal Kahulugan


Gurang Matanda yosi sigarilyo
Tipar Parti dyahi Hiya
Tisoy mestiso lafang Kain
Lagpak palpak 50-50 naghihingalo
Bagets kabataan ermat nanay
Datung Pera beshie kaibigan
2. Kolokyal ang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Madalas na
ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang
mapaikli ang salita o kaya’y mapagsama ang dalawang salita. Ilan sa
halimbawa nito ay:

pa’no mula sa paano nasan mula sa nasaan


p’re mula sa pare meron mula mayroon
sa ‘kin mula sa sa akin kelan mula sa kalian

3. Lalawiganin ang mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o


probinsiya o kaya’y partikular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika.
Kapansin-pansing ang mga lalawiganing salita ay may taglay na kakaibang
tono o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan dito. Ilan sa
halimbawa nito ay:
TAGALOG ILOKANO CEBUANO BIKOLANO
Aalis pumanaw molakaw Mahali
Kanin Inapoy kan-on Maluto
Alikabok Tapok abug Alpog
Paa Saka Tiil Bitis

13
Galugarin

Gawain 2: Ihanay Natin…


Panuto: Ihanay ang mga sumusunod na salita sa kung anong antas ng wika
sila nabibilang. Gayahin ang pormat na kahon sa iyong sagutang papel.

Musta pre takip-silim insan


meron chibog salamin yumao
erpat werpa mangan praning
ginoo manan kapatid

Gayahin ang pormat na ito:


ANTAS NG WIKA BATAY SA PORMALIDAD
Balbal Kolokyal Lalawiganin Pormal

Gawain 3: Suring Awit

Panuto: Balikan ang sinulat na awiting-bayan at suriin ito sa pamamagitan


ng pagsagot sa mga sumusunod na tanong. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

1. Magtala ng mga salitang ginamit mo sa iyong sariling awiting bayan at


tukuyin kung anong antas ng wika batay sa pormalidad nakahanay ang mga
ito. Gayahin ang pormat na kahon sa sagutang papel.

Gayahin ang pormat na ito:


Salitang ginamit Antas ng wika batay sa Pormalidad
sa Awiting-bayan Balbal Kolokyal Lalawiganin Pormal

14
Sukatin

Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang natutuhan sa
iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang iyong kaalaman sa
nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa iyong
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Ito ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma subalit
kalauna’y nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta?
A. Awiting-Bayan C. Pambansang-awit
B. Bulong D. Katutubong awit
_____ 2. Ang awiting-bayan ay karaniwang sumasalamin sa _____________?
A. mayamang kalikasan ng ating bansa
B. suliraning kinakaharap ng ating bansa
C. kutura, paniniwala at kaugalian ng bansa
D. pagkamasayahin ng mga Pilipino sa araw-araw
_____ 3. Ang talindaw at oyayi ay karaniwang naiuugnay sa __________?
A. pangangaso C. pamamangka
B. panliligaw D. pakikidigma
_____ 4. Ang bulong ay sumisimbolo sa paniniwala ng mga Pilipino sa _______?
A. Himala B. Diyos C. Engkanto D. Kamalasan
_____ 5. Ito ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao
sa kapuloan ng Pilipinas
A. Awiting-Bayan B. Albularyo C. Bulong D.Dasal
B. Panuto: Tukuyin kung anong antas ng wika ang mga sumusunod na salita at
bigyan ito ng kahulugan. Kopyahin ang pormat sa sagutang papel.

Antas ng wika Kahulugan o


Salita
(Pormal o Di-Pormal) Katumbas na salita
1. Selfie
2. Tam’nan
3. Di-mahulugang karayom
4. Kasambahay
5. Bukas palad

Napakahusay mo! Binabati kita sa matiyaga mong


pagsama sa paglalakbay at pagtalakay natin sa
Awiting bayan at mga bulong na nagmula sa
kabisayaan. Alam kong nakapapagod maglakbay ngunit
sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan ang
mga dapat mong malaman. Ihanda mo nagyon ang iyong
sarili sa kasunod na modyul – Modyul 2: Alamat ng
Kabisayaan.

15
7

Filipino 7
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Alamat (Panitikan ng Kabisayaan)

AIRs - LM
Filipino 7 (Panitikan ng Kabisayaan)
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Alamat
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Delia A. Estrada at Joralyn A. Magtoto


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph. D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II

17
Sapulin

Isang mapagpalang umaga sa’yo minamahal kong mag-aaral. Batid ko ang


iyong tagumpay sa unang aralin sapagkat nasagutan mo nang buong husay ang
lahat ng mga gawain. Ngayon ay handa ka na ulit na tumuklas ng panibagong
kaalaman kaya naman nandito ako muli para gabayan ka sa iyong paglalakbay.

Ang Modyul 2 ay naglalaman ng kaalaman tungkol sa Alamat ng Kabisayaan


na may pamagat na “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”. Malalaman mo rito na
walang mabuting kahihinatnan ang isang taong may matigas ang ulo. Matatalakay
rin dito ang mga Pahayag sa Paghahambing.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Nahihinuha ang damdamin ng mga tauhan batay sa diyalogong napakinggan.
2. Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng
Kabisayaan (F7PB-IIc-d-8)
3. Naibibigay ang kahulugan at sariling interpretasyon sa mga salitang paulit-
ulit na ginamit sa akda, (F7PT-IIc-d-8)
4. Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa paghahambing (higit/mas, di-
gaano, di-gasino at iba pa. (FWG-IIc-d-8)

O minamahal kong mag-aaral, handa ka na ba? Kung gayon, maaaring ka


nang magsimula sa mga gawain at aralin.

18
Aralin Alamat ng Kabisayaan
1.1 Panitikan: Alamat ng Isla
ng Pitong Makasalanan

Simulan
Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat
Alam mo bang…
➢ Ang Alamat ay mula sa salitang Latin na legendus, na nangangahulugang
“upang mabasa”?
➢ Ang alamat ay pasalitang anyo ng panitikan na nagsimula pa noong panahon
ng katutubo.
➢ Ang panitikang ito ay may layuning ipaliwanag ang pinagmulang ng mga
bagay, lugar, hayop o pangyayari sa pamamagitan ng pagsasalaysay.
➢ Dahil ito ay nabibilang sa piksyon, ang mga pangyayari ay hango sa mga di-
kapani-paniwalang pangyayari at walang siyentipiko o pag-aaral
➢ Ang karaniwang paksa ng alamat ay ang mga kaugalian, kapaligiran at
katutubong kultura.
➢ Ito ay naglalaman ng mga magagandang katangiang gaya ng katapatan,
kalinisan ng kalooban at katapangan.
➢ Minsan tinatalakay din sa alamat ang negatibong pag-uugali tulad ng
kasakiman, katamaran, kalupitan, paghihiganti, pagsumpa at iba pa.
➢ Madalas itong kapulutan ng aral at nagpapamalas na ang kabutihan ay laging
nananaig laban sa kasamaan.
➢ Ang alamat ay lumaganap sa paraang pasalita; at nagpasalin-salin sa bibig
ng mga taumbayan.

Ngayon ay batid mo na ang ilang mga impormasyon tungkol sa alamat. Kaya


ako ay naniniwalang sabik na sabik ka nang pag-aralan ang tungkol sa isang alamat
na nagmula sa Kabisayaan. Bago mo tuluyang lakbayin ito nais ko munang sagutin
mo ang mga sumusunod na gawain.
BASAHIN AT SAGUTAN: Pagnilayan mo!
Panuto: Basahin at ilagay sa sagutang papel ang sagot.

Paano mo sila
Naranasan mo na bang
sinuway?
suwayin ang iyong
magulang?

Ano ang naging bunga ng


iyong pagsuway?
Ipaliwanag .

Natutuwa ako at talaga namang sinagot mo ang mga tanong mula sa


kaibuturan ng iyong puso. Nawa’y nasiyahan ka sa ginawa mong pagsagot sa mga
Gawain na aking ibinigay. Ngayon ay simulan munang basahin ang alamat.
19
Lakbayin

Basahin mo ang teksto at unawaing mabuti.

Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan


Noong unang panahon, may isang matandang mangingisdang may pitong
anak na dalaga na nainirahan sa isang tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat
ng Bisaya. Ang kanilang tirahan ay nasa bayan ng Dumangas, isang bayang nasa
gawing hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo na bahagi ng isla ng Panay. Araw-
araw ay makikita ang pitong dalagang masayang nagsasagawa ng mga gawaing-
bahay o kaya nama’y nasa dalampasigan at nagtatampisaw o masayang
lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan. Tila sila mga nimpang kay gaganda
habang nakikipaghabulab sa mga alon sa baybayin.
Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan
kundi maging sa malalayong lugar. Kaya naman, hindi kataka-takang ang
kanilang tahanan ay dinarayo ng maraming binatang naghahangad na makuha
ang kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang mga
anak at ang labis niyang ikinatatakot ay ang makapag-asawa ang sinuman sa
kaniyang mga dalaga ng mga lalaking maaring maglayo sa kaniya. “Sana, kung
makakahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lamang
sa aming isla uoang hindi sila mapalayo sa akin,” ang naibulong ng ama sa sarili
habang pinagmamasdan ang kaniyang mga ank na abala sa mga gawaing-bahay.
Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal
ang dumating sa kanilang bayan. Nabalitaan din pala ng mga binate ang
kagandahan ng mga dalaga kaya’t nagsadya sila sa bayang iyon hindi lang para
mangalakal kundi para makilala rin ang mga dalaga. Sakay sila ng magagara at
mabibilis na bangka.
Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga binata sa dalaga. Naging mabilis
ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ang pitong binatang estranghero.
Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalagang agad
naming nagsipayag.
Subalit hindi nagging madali ang paghingi nila ng pahintulot sa kanilang
ama. “Hindi niyo pa kilala nang lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo
sasama? Hindi ako papaya,” ang matigas na wika niya kahit pa nagpupumilit ang
kaniyang maga anak na sumama sa mga binata
Isang araw, habangnasa dagat at nangingisda ang ama ay gumawa ng isang
mapangahas na pasiya ang mga dalaga. “Sasama ako sa aking kasintahan, sa
ayaw at sa gusto ni Ama,” ang wika ng panganay na si Delay.
“Ako man, ako man, ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga.
Sinamantala ng magkakapatid ang pag-apis ng ama upang mangisda. Bitbit ang
kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga dalaga sa bangkang
dala ng mga binate palayo sa kanilang tahanan.
Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan
nangingisda ang kanilang ama ay natanaw niya ang bangka ng mga estranghero
lulan ang kaniyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama
para mahabol ang kaniyang pinakamamahal na mga anak subalit lubhang

20
mabagal ang kaniyang maliit na bangka kompara sa makabagong bangka ng mga
estranghero kaya hindi na niya nahabol ang mga anak.
Buong pait na lumuha at nagmakaawa ang ama sa kaniyang mga anak.
“Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang walang
katapusang pagsigaw at pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya s amabilis
na paggaod para mahabol ang bangkang sinasakyan ng mga anak subalit hindi
siya pinakinggan ng mga dalaga. Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa
paggaod at sa labis na kalungkutan sa paglisan ng kaniyang mga anak, walang
nagawa ang matanda kundi lumuha nang buong kapaitan. Wari’y nakikidalamhati
rin sa kaniya maging ang kalangitan sapagkat ang maliwanag na sikat ng araw ay
biglang naparam at sa halip ay napalitan ng pagdilim ng himpapawid. Gumuhit
ang matatalim na kidlat na sinabayan ng malalakas na dagundong ng kulog.
Biglang pumatak ang malakas na ulan kaya’t walang nagaya ang matanda kundi
umuwi na lamang.
Sa kaniyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkotna tahanan
ang kaniyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha nang
masagana. Wari’y sinasabayan din ng malalakas na patak ng ulan sa bubungan
ng kaniyang ulilang tahanan ang walang katapusang pagluha ng kaawa-awang
matanda. Labis-labis ang kaniyang kalungkutan at pangunguliala sa kaniyang
mga anak. Sa kabila ng pagsuway na ginawa ng mga anak ay ang kanila pa ring
kaligtasan ang inalala ng ama lalo pa’t masamang panahon ang kanilang
nasalubong sa paglalakbay.
Kinaumagahn, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda.
Inisip niyang maaring sumilong ang bangka ng mga estranghero dahil sa sama ng
panahon nang nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol pa niya ang kaniyang mga
anak. Subalit anong laking pagtataka niya nang nang siya’y nasa laot na.
Nakatanaw siya ng maliliit na islang tila isinabog sa gitna ng laot sa pagitan ng
kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras. Sa lugar na ito siya nangisda
kahapon at alam na alam niyang walang mga islang tulad nito sa lugar na iyon
nang nagdaang araw.
Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kaniyang
puso ang mabilis niyang paggaod papunra sa mga mumunting isla. Anong laking
panlulumo niya nang makita ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan ng
kaniyang mga anak na nakalutang sa paligid. Binilang niya ang mumunting isla.
Pito! Pito rin ang kaniyang mga anak na dalaga. Humagulgol ang matanda. Parang
nahulaan na niya ang nangyari. Nalunod ang kaniyang mga anak nang ang
sinasakyan nilang bangka ay hinampas ng malalakas na along dala ng biglang
pagsama ng panahon kahapon at sumadsad sa mga korales at matatalas na
batuhan kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga ito.
Ang mga mumunting isla ay tinawag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla
ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at kasalanang nagawa
ng pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.

Ngayon ay sigurado akong handa ka ng sumagot sa ilang mga gawain na may


kaugnayan sa akdang binasa. Huwag matakot kasi malaki ang tiwala ko sayo na
kayang-kaya mo itong gawin. Tara simulan muna.

21
Galugarin

Gawain 3: Hanap Salita


Panuto: Bigyang kahulugan ang mga salitang Italisado sa pamamagitan
ng pagpupuno ng mga letra sa bawat kahong blanko. Bumuo ng pangungusap
gamit ang mga salitang nabuo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang kagandahan ng mga pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang


bayan.

K A L

Pangungusap:_____________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Walang nagawa ang kanilang ama kundi humagulgol na lamang.

M Y A

Pangungusap:_____________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ang mga estrangherong mangangalakal ay lulan ng magagarang bangka.

S K

Pangungusap:_____________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ang pitong dalaga”y tila mga nimfa sa kanilang ganda.

D A T

Pangungusap:_____________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Tuwing umaga ang mga dalaga ay pumupunta sa dalampasigan upang


maligo.

B Y A N

Pangungusap:_____________________________________________________________
___________________________________________________________________________

22
Gawain 4: Suring Panitikan
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang
sagot.
1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa akda?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ilahad ang dahilan kung bakit di pumayag ang ama nang magpaalam ang
kaniyang mga anak na sasama sa mga bimatang bago pa lang nilang
nakikilala?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Makatwiran ba ang ginawa ng ama sa kaniyang mga anak? Ipaliwanag.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ano ang ginawa ng dalaga na nagdulot ng labis na sakit ng kalooban sa


kanilang ama?Maganda ba ang naging bunga nito.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Kung ikaw ay isa sa nga dalaga sa kuwento, ganon din ba ang gagawin mo?
Ipaliwanag ang iyong sagot kung Oo o Hindi.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 5: Suriin Mo
Panuto: Suriin mo kung anong emosyon ang namamayani sa mga sumusunod
na dayalogo o pahayag ng mga tauhan mula sa akdang binasa. Isulat ang letra
ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo!


A. nagmamakaawa C. nagagalit
B. nanghihinayang D. nasisiyahan

2. Hindi n’yo pa kilala nang lubusan ang mga binatang iyan. Bakit kayo sasama?
Hindi ako papayag.
A. nagagalit B. natutuwa C. nang-aasar D. natatakot

3. Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni Ama.


A. nagbabanta B. nagagalit C. natutuwa D. nalulungkot
4. Ang pitong dalaga ay madalas nagtatampisaw, naghahabulan at masayang
lumalangoy sa dalampasigan. Mahihinuha na ang mga dalaga ay....
A. masayahin B. palakaibigan C. malungkot D. malaro

5. Araw-araw ang mga dalaga ay gumagawa ng kanilang gawaing-bahay.


Mahihinuha na ang mga dalaga ay.......
A. masisipag B. tamad C. palautos D. masayahin

23
Gawain 6: Sa Aking Pananaw
Panuto:Ibigay ang inyong sariling hinuha tungkol sa kaligirang pangkasaysayan
ng binasa mong alamat mula sa Visaya. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang pitong dalaga ay naging mga pulo o isla dahil sa katigasan ng kanilang
ulo. Sa tingin no bakit kaya mga isla?Ano ang kaugnayan nito sa uri ng
kapaligirang mayroon ang tagpuan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Sa anong panahon kaya nasulat ang akdang ito?Ano ang kaugnayan ng


panahon sa naging desisyon ng ama?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa lugar na iyon?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 7: Saliksik
Panuto: Mula sa nabanggit na katangian ng alamat, isa-isahin ang mga
kapani-paniwala at di-kapani-paniwalang mga pangyayari sa binasang akda.
Gayahin ang pormat na kahon sa iyong sagutang papel.

Gayahin ang pormat na ito:


Kapani-paniwala Di-kapani-paniwala

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Magaling! Nagtagumpay kang muli sa pag-aaral sa nakaraang paksa at


pagsagot sa mga gawain nang buong husay. Ngayon, mas linangin pa natin ang iyong
kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inaasahang awtput
sa araling ito.

24
Aralin Wika at Gramatika:
1.2 Mga Pahayag sa
Paghahambing

Simulan

Sa pang-araw araw nating pakikipagtalastasan sa ating kapwa, hindi natin


namamalayan na ang paghahambing ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na
buhay. Sa pagpili ng mga bagay na ating gagamitin, sa pagkain na ating kakainin, sa
lugar na ating pupuntahan, kadalasan ang mga ito ay naisasagawa natin kung
mayroon tayong paghahambingan.
Sa bahaging ito matutunan mo kung paano ginagamit ang mga salitang
nagpapahayag ng paghahambing sa pagbuo ng makabuluhang pahayag. Hand aka
na ba? Ngayon simulan natin sa paunang gawain.

BASAHIN AT UNAWAIN
Panuto: Basahin ang teksto at unawain ang mga nakadiing salita na nakasulat.

Sa panahong ito ng digital age kung saan bahagi na ng buhay ang Internet, cable
television, video games, smart phones, tablet, at iba pang moder-nisasyon sa
komukasyon at sa pamumuhay, nagiging mas mabigat ang hamong kinahaharap ng
mga magulang sa pagpapalaki ng mga anak na may mabubuting
pagpapahalaga at magagandang asal kaysa sa nakalipas na limampung taon. Ayon sa
pag-aaral, halos 75% ng mga sanggol mula 0-1 taon ay nakapanood ng telebi-syon at
37% sa mga ito ay nakapanonood araw-araw. Kung ganito ang istatistika sa mga
sanggol, isipin na lang ang dami ng oras na ginugugol ng mga batang mula 2-17 taon sa
harap ng telebisyon! Marami namang mabubuting asal ang natutu- han sa ilang
palabas subalit higit na marami pa rin ang mga panooring nagtuturo ng maling
pagpapahalaga tulad ng karahasan, pagpapalaganap sa mga bisyo tulad ng pag-inom,
paninigarilyo at pagkakaroon ng maling konsepto ng kagandahan at kaligayahang
nakaugat sa material sa internet at sa mga video game na nagdudulot din ng
maling pagpapahalaga.
Kaya naman lalong mahalaga ngayon ang presensya ng magulang upang
maagapan ang hindi magagandang maibubunga ng impluwensya ng digital age sa mga
bata.Ang matiyagang pagtuturo at paggabay ng magulang pa rin ang
pinakamahalaga subalit mahalaga rin ang pagtanggap at pagsunod ng mga anak sa
payo o pangaral ng magulang.

Alam mo ba.....
Ang mga salitang mas mabigat, higit na marami at lalong mahalaga ay mga salitang
nagpapahayag ng paghahambing. Maituturing na paghahambing ang isang salaita kung
may nagaganap na pagkokomupara.
Mga halimbawa ng nagpapakita/nagpapahayag ng paghahambing:
mas maganda singlaki magkasingtangkad

25
Lakbayin

Alam mo bang may….


Mga Pahayag Sa Paghahambing
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan, nag-uuri, nagbibigay ng hugis, anyo,
sukat, bilang at dami ng pangngalan o panghalip na binibigyang-turing nito. Ang pang
uring nagbibigay-katangian sa dalawang tao, bagay, lunan o pangyayari ay tinatawag
na pang-uring pahambing. Ang Paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay
nakakatulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagi-
tan ng paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng katangian ng dalawang bagay na
pinaghahambing. Ang Pahambing na Magkatulad at Pahambing na Di-Magkatulad.
1. Pahambing na Magkatulad – ang dalawang tao, bagay, lunan o
pangyayaring pinaghahambing ay magkatulad, pareho o timbang ang katangian.
Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng:
a. Salitang kapwa, pareho, tulad, gaya/kagaya, wangis/kawangis at iba pa
1. Kapwa maganda ang kaibigan kong si Lenie at Julie.
2. Parehong matangkad ang mga pinsan kong si Joy at Marco.
3. Si Carla ay tulad ng kaniyang amang magaling sumayaw.
4. Kagaya ng tigre kung siya’y magalit.
5. Ang kaniyang mukha ay wangis kay Birheng Maria napakaamong tignan.

b. Mga panlaping sing-, kasing-, magsing-, magkasing-, at ga-,


1. Singhusay ng ama ang kaniyang anak sa pagkanta.
2. Ang silid-aralan at silid aklatan ay magkasinglinis.
3. Gamunggo ang pawis niya dahil sa takot sa kaniyang pinapanood.

2. Pahambing na Di-magkatulad – ang dalawang tao, bagay, lunan o


pangyayaring pinaghahambing ay di-magkatulad, di-patas o di-pareho. Ang hambingang
di-magkatulad ay maaaring palamang o pasahol.

a. Palamang – malaki, mataas ang uri o nakahihigit ang katangian sa


pinagtutularan. Naipakikita ito sa paggamit ng sumusunod: higit na, lalo, mas, di-
hamak at ginagamitan ito ng katagang kaysa
matalino kaysa mas mabait kaysa
malaki-laki kaysa lalong aktibo kaysa
higit na tahimik kaysa di-hamak na mayaman kaysa

1. Matalino si Jeric kaysa sa kambal niyang si Juvic.


2. Malaki-laki ang kaniyang tubo ngayon kaysa kahapon.
3. Higit na tahimik manirahan sa probinsya kaysa sa lungsod.
4. Di-hamak na mayaman ang pamilyang Lazaro kaysa mga Cruz.
b. Pasahol – maliit, alangan, mababa ang uri ng inihahambing sa
pinaghahambingan. Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng sumusunod:
di-gasino, di-gaano, di-lubha …gaya, tulad, paris, para

Halimbawa:
di-gaanong malalim gaya di-lubhang palakibo tulad
di-totoong tanyag paris di-gasinong maputi gaya

1. Ang tubig sa ilog ngayon ay di-gaanong malalim gaya noong nakaraang lingo.
2. Di-totoong tanyag ang paborito mong artista paris ni Dino Guevarra.
3. Ang bago naming kaklaseng si Jamica ay di-lubhang palakibo tulad ng kaniyang
pinsan.
4. Di-gasinong maputi ang bago niyang idolo gaya ni Maria Crisanta.

26
Upang matiyak kung lubos mong naunawaan ang aralin subukan
mong gawin ang Galugarin: Gawain 1 sa ibaba.

Galugarin

Gawain 1: Hanapin Mo…Anong Uri ito?


Panuto: Piliin sa talata ang mga pang-uring pahambing at itala sa ilalim
ng hambingang kinabibilangan nito.

Si Alma at si Chin-Chin
Mga kaibigan at kamg-aaral ko sila – si Alma at si Chin-Chin. Wala akong itulak-
kabigin sa kanilang dalawa. Kapwa sila maganda. Pareho silang matalino kaya
magsinghusay sila sa klase. Sila ay kapwa mabait, masipag at matulungin. Kaya nga
lamang, higit na tahimik si Alma. Hindi siya gasinong palakibo tulad ni Chin-Chin.
Wari’y nahihiya siya kapag kinakausap ng mga lalaki. Mas gusto niyang lumagi
sa bahay kapag walang pasok kaya di-lubhang tanyag si Alma sa kabinataan. Iba
naman si Chin-Chin. Higit siyang makabago at masayahin. Mas lista siya kaysa kay
Alma. Lalo siyang aktibo sa mga proyektong pangkultura tulad ng drama. Hindi siya
nakikiming makipag-usap sa mga lalaki.
Sa kabila ng pagkakaiba nila ng ugali at gawi, kapwa ko sila kasundo.
Pareho ko silang mahal.

Gayahin ang pormat na ito:

Pahambing na Magkatulad Pahambing na Di- Magkatulad

______________________ ________________________
______________________ ________________________
______________________ ________________________
______________________ ________________________
______________________ ________________________

Gawain 3: Subukin pa Natin!


Panuto: Kopyahin ang mga pangungusap. Salungguhitan ang paghahambing na
ginamit sa bawat bilang. Isulat sa patlang kung anong uri ng paghahambing.
___________________ 1. Ang mga kabataan ngayon ay mas masaya sa panonood ng
cellphone kaysa sa pakikipaglaro sa kapwa niya bata.
___________________ 2. Simbilis ng palaso ang kaniyang pagtakbo ng makita ang
kaniyang amang paparating.
___________________ 3. Di-gaanong malakas ang buhos ng ulan ngayon.
___________________ 4. Higit na maganda ngayon ang ating plasa kaysa sa
nakaraang mga taon.
___________________ 5. Kapwa mahusay sa paglalaro ng basketball ang mga ating
idolo.

27
Sukatin
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Isulat ang T sa patlang kung Tama ang isinasaad ng pangungusap at M
naman kung mali ang isinasaad nito.

__________ 1. Ang alamat ay galing sa Latin na salitang “legendus”.


__________ 2. Bago pa dumating ang mga mananakop ay may sarili na tayong
mga alamat.
__________ 3. Ang mga alamat ay kapupulutan ng magagandang mga aral sa
buhay.
__________ 4. Napahamak ang pitong magkakapatid sa kuwento dahil sa
kanilang katamaran.
__________ 5. Walang pagpapahalaga ang ama sa alamat ng kuwentong binasa.
__________ 6. Labis ang pagsisisi ng mga pitong magkakapatid sa kanilang
ginawa sa kanilang ama.
__________ 7. Labis na nalungkot ang ama sa paglisan ng kaniyang mga anak.
__________ 8. Ipinagbili ng ama lahat ng mayroon siya maibigay lamang ang
pangangailangan ng kaniyang mga anak.
__________ 9. Pangingisda ang tanging hanapbuhay ng kanilang ama.
__________ 10. Ang libangan ng mga dalaga ay magtampisaw, maghabulan at
maligo sa dalampasigan.

B. Panuto: Isulat ang angkop na pahambing sa pangugusap gamit ang mga gabay na
salita sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa patlang.
1. ________________ (gusto: di-magkatulad) kong magtanim ng halaman kaysa maglaro
sa cellphone.
2. _________________ (maganda: magkatulad) ang pananaw naming magkapatid sa
buhay dahil ito ang turo ng aming magulang.
3. Ang aking kaklaseng sina Juliana at Laiza ay _________________ (bait:
magkatulad).
4. __________________ (nagkakaisa: di-magkatulad) ang aming pamilya ngayon sa kabila
ng mga pagsubok sa buhay.
5. __________________ (marunong: di-magkatulad) magtrabaho ang mga
kabataan ngayon kung ihahambing sa kabataan noon.
6. ___________________ (malalim: di-magkatulad) ang samahan naming
magkakaibigan ngayon kumpara noong nakaraang taon.
7. ______________________ (bait: magkatulad) kami ng aking nanay ayon sa aking lola.
8. Ang buhay noon ay____________________ (simple: di-magkatulad) kumpara sa paraan
ng pamumuhay sa ngayon.
9. ________________ (tumingkad: di-magkatulad) ang kaniyang kagandahan nang isuot na
niya ang kaniyang damit pangkasal.
10. Ang aming bayan ay ______________ (maunlad: di-magkatulad) dahil sa
pamumuno ng aming bagong pinuno.

Napakahusay mo! Binabati kita sa matiyaga mong pagsama


sa paglalakbay at pagtalakay natin sa Alamat mula sa
Kabisayaan. Alam kong nakapapagod maglakbay
ngunit sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan
ang mga dapat mong malaman. Ihanda mo nagyon ang
iyong sarili sa kasunod na modyul – Modyul 3: Dula
28
ng Kabisayaan.
7
Filipino 7
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Dula (Panitikan ng Kabisayaan)

AIRs - LM
Filipino 7 (Panitikan ng Kabisayaan)
Ikalawang Markahan – Modyul 3: Awiting-bayan at Bulong
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Louiela A. Cortez


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph. D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II

30
Sapulin

Kumusta ka na? Naging kawili-wili ba ang nakaraan mong aralin? Mainam.


Ngayon ay panibagong aralin na naman ang iyong pag-aaralan. Tiyak na maiibigan
mo ito sapagkat naghanda ako ng iba’t ibang gawaing sadyang kapaki-pakinabang
at hahamon sa iyong kakayahan.

Ikaw ba ang taong madaling panghinaan ng loob kapag may dumarating na


pagsubok o ikaw ang taong matatag na naniniwalang basta’t may problema, may
solusyon? Ang buhay ng isang tao sa mundo ay isang pakikipagtunggali. Ang mahina
ay kadalasang natatalo. Upang ang pagsubok ay mapagtagumpayan, kailangan
mong maging matibay at matatag sa lahat ng oras. Matapang na harapin ang
problema. Magkaroon ng paniniwala sa Maykapal, magpakatatag ka at ikaw ay
magtatagumpay.

Ang bawat isa sa atin ay nakararanas ng pagsubok at dagok sa buhay. Simple


man o kaya’y matindi o mabigat na halos ‘di na natin kayang dalhin. Kung iisipin
makakaya natin, magtatagumpay tayo. Ang taong handang tanggapin ang
pagsubok, ito ay nagiging inspirasyon o hamon para lalo silang makibaka sa buhay.

Ngunit may mga tao rin na kapag nasangkot sa suliranin ay tila


pinanghihinaan ng loob, nawawalan ng kahinahunan at matindi pa nito ay
dumaranas ng tinatawag na “depression” na sa huli kung hindi maaagapan ay
maaring magdulot ng pagkawala ng katinuan. Sabi nga nila, ano mang pagsubok
ang pinagdadaanan natin, kung tayo ay positibo tiyak na mapagtatagumpayan natin
ito. Ito ay ang pinakadiwa ng isang dulang Bisaya na iyong babasahin. Paano nawala
ng isang tauhan ang kaniyang katinuan dahil sa matinding dagok sa kaniyang
buhay? Paano mo kaya ito kakaharapin kung ikaw ang nasa kaniyang sitwasyon?
Ito ang “Miss Dolying” na isinulat ni Pio Kabahar.

Ang mga isla sa Bisayas ay hindi lamang mayaman sa panitikang


bulong, awiting bayan at alamat. Isa rin sa mga ipinagmamalaking panitikan
ng Kabisayaan ay ang dula. Sa modyul na ito ay sadyang binuo para sa iyo
upang malalaman at masusuri ang katangian at elemento ng panitikang dula.

Ano ang matututuhan mo?

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahan kong matatamo


mo ang mga sumusunod na pinakamahahalagang kasanayang pampagkatuto
(MELC) na:
1. Nabibigyan-kahulugan ang mga salitang iba-iba ang digri o antas ng
kahulugan (pagkiklino). F7PD-lIe-f-9;
2. Naisusulat ang isang editorial na nanghihikayat kaugnay ng paksa. F7PU-IIe-
f-g

Handa ka na ba? Kung nakahanda ka na, maaaring ka nang magsimula sa


mga gawain at aralin.

31
Aralin
Dula ng Kabisayaan
1.1 Panitikan: Miss Dolying

Simulan Alam mo bang ang…


Ang Panitikang bisaya ay lumaganap sa pamamagitan ng
palikha ng mga tula, epiko at kwento, dula na may kaugnayan
sa kanilang kultura, pamumuhay at lugar.

Lakbayin
Samahan mo akong alamin ang kahulugan ng Dul
Dula
➢ Ang Dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto ng maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga
taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay
tinatawag na mga mandudula o dramatista.
➢ Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.
Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang
dula sa pamamagitan ng panonood.
➢ Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango
sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at
malayang kaisipan.
➢ Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na
tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula,
sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na
pinaghahandaan at batay sa isang iskrip

Mga Sangkap ng Dula


1. Simula – Mamamalas dito ang tagpuan, tauhan at sulyap sa suliranin.
A. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring
isinaad sa dula
B. Tauhan – ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan
umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo
at nagpapadama sa dula
C. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang
suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin;
maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa
mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang
dula
32
2. Gitna – Matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang
kasukdulan.
a. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan
b. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan
laban sa kaniyang paligid, at tauhan laban sa kaniyang sarili; maaaring
magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula
c. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa
sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin
o kaya’y sa pinakakasukdulan ang tunggalian

3. Wakas – Matatagpuan naman dito ang kakalasan at kalutasan.


a. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-
ayos sa mga tunggalian
b. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng
panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

Mga Elemento ng Dula

1. Iskrip – ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na


isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang
iskrip
2. Gumaganap o aktor – ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga
tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng iba’t
ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula
3. Tanghalan – anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang
pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-
aaral sa kanilang klase
4. Tagadirehe o direktor – ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya
ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng
mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay
dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip
5. Manonood – hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung
hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin
ng dula’y maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong
makasaksi o makanood

Alam mo bang…
Hindi lahat ng salitang magkakasingkahulugan ay pareho ang ibig sabihin. Hindi maaaring
pagpalitin ang gamit ng mga ito. Bagaman iisa ang malawak na kahulugan magkakaiba
naman ang tindi ng ipinahahayag nito. Magkaiba ng digri o tindi ng nais iparating nito., lalo
na kapag ginamit na sa pangungusap. Ito ay tinatawag na Pagpapasidhi ng Damdamin.

Ang mga halimbawa nito ay:


4. namayagpag 4. pagmamahal 4. damot
3. naghari 3. pagliyag 3. sakim
2. nangibabaw 2. pagsinta 2. gahaman
1. namayani 1. paghanga 1. ganid
33
Gawain 2: Pagpapalawak ng Talasalitaan
Panuto: Gamit ang cline na talahanayan Ibigay ang kasingkahulugan ng salita
batay sa pagpapasidhi ng kaantasan nito.

1.
2.
3.

Gusto Luha Bulong

5.
4.

Pagkasira Ngiti

Miss Dolying
ni Pio A. Kabahar
(Dulang Cebuano)

Unang Yugto
Umaga sa isang silid pagamutan. Sa gitna ng silid ay may anim na maliit na kama para sa
mga pasyente. Sa kanan ay nakatayo ang lamesa ni Bb. Dolying at sa kaliwa, isang
lamesang punong-puno ng botelya na may ibat ibang uri ng gamot.

Unang Tagpo

Bb. Dolying at Victor

Sa pagbubukas ng tabing, si Bb. Dolying ay nakaupo sa kaniyang lamesa at


pinapanood si Victor na nakadapa at nagsisigaw habang sinisindihan ang mga pira-
pirasong papel, isa isa.

Victor: (habang sinusunog ang papel) Ha! Ha! Ha! Nasunog na ang sulat ko sa aking
kasintahan (Babangon at iiyak) Ang aking kasintahan ay maganda! Walang hiya!
Masamang ugali! Sinunog niya ang aking puso.

Dolying: (Lalapit sa kaniya at iiling-iling) Kawawa naman! Victor, kilala mo ba ako?

Victor: Ha! Ha! Ha! (Aabutin ang kaniyang kamay.) kilala kita! (hahalikan ang
kaniyang kanang kamay) Ikaw ang aking kasintahan. Ikaw ay maganda, ikaw ay isang
nars, ikaw ang aking mahal. Hehehe! Ano, hindi ba? Sinungaling. Iiyak ako! Sinungaling
ka.

Dolying: Kawawang nilalang. Tuluyan nang nasira ang kaniyang isipan. Ayon sa doctor
ay nabaliw siya dahil sa isang babae. Sa kaniyang mga isinisigaw, maaaring siya‘y naloko
sa pag-ibig. Wala siyang nabanggit kundi ang tungkol sa kaniyang kasintahan.
Nagtataka ako kung sino ang babaing naging dahilan ng kaniyang pagkabaliw.

Victor: (Tatayo, parang takot) Nakikita ba ninyo? (nanginginig at parang may


itinuturo) Hee! Siya ang aking kasintahan. Nahuhumaling siya sa akin. Ngunit (iiyak) siya
ang nagsunog ng sulat ko. Nanginginig ang aking kamay. Sinunog niya ang sulat ko.

Dolying: Siya! Siya! Magpahinga ka na. Maupo ka upang hindi sumakit ang ulo mo.
Excerpt mula sa dula na Ms. Dolying

34
Galugarin

Wow! Ang husay mo kaibigan. Nailahad mo ang mga pangyayari sa akda.


Ngayon naman upang lubos mong maunawaan ang ating aralin, sagutin ang mga
pagsasanay.

Gawain 3: Pagkiklino
Panuto: Iayos ang mga salita ayon sa digri o antas ng kahulugan (pagkiklino). Isulat ang
sagot sa iyong papel. Gayahin ang pormat na hagdan sa iyong sagutang papel.

1. kalungkutan, kapighatian, kalumbayan


Gayahin ang pormat na ito sa
2. galak, tuwa, saya
pagklilkliniko.
3. nakipaglaban, nakipaghimagsik, nakipagtuos
4. mamatay, makitil, masawi 1. suklam
5. umalis, lumisan, lumikas
galit
6. umiiyak, lumuluha, humahagulhol
7. pagkakaalam, pagkakaunawa, paningin inis
8. pagkaubos, pagkawala, pagkasaid
9. marunong, dalubhasa, matalino
10.kaakit-akit, kabigha-bighani, maganda

Palalimin

Gawain 4: Masidhing Damdamin


Panuto: Kopyahin sa sagutang papel ang mga sumusunod na pangungusap.
Salungguhitan ang salitang nagtataglay ng di-masidhing damdamin, bilugan ang
salitang masidhi ang kahulugan at ikahon naman ang may pinakamasidhing
damdamin.
1. Natutuwa ako na nag-aaral ka nang mabuti. Nagagalak akong matataas ang
iyong marka. Naliligayahan akong malaman na isa ka sa mga magtatapos sa
Marso.
2. Nagandahan ako sa ginawa mong kuwento. Tunay na nabighani ako sa mga
kulay at disenyo ng ginawa mong proyekto. Naaakit akong buksan at basahin ang
aklat na ito.
3. Nabalisa ako nang malaman kong nagkasakit ka. Nagimbal ako sa nangyari sa
iyo kahapon. Natakot din ako nang bahagya kung kaya’t dinalaw kita sa ospital.
4. Kinabahan ako sa iyong ginawa. Marami ang natakot dahil sa hindi
inaasahang pangyayari. Kinilabutan ang lahat dahil nakita ka nila sa ganoong
kalagayan.
5. Labis akong nag-aalala sa maaaring kahinatnan ng ating bansa dahil sa mga
hindi magandang pangyayari. Natigatig ako nang malamang malaki ang
posibilidad na bumagsak ang ekonomiya ng ating bansa kung magpapatuloy ang
mga ganitong pangyayari. Nababahala ako sa magiging epekto ng mabilis na
paglaganap ng kriminalidad sa ating bansa.

35
Aralin
Wika at Gramatika: Mga Pahayag

1.2 na Ginagamit sa Panghihikayat


at Pagsasalaysay

Simulan
Kumusta ka, kaibigan?
Isang gawaing pasulat na naman ang iyong matututuhan sa modyul na ito. Kung sa
nakaraang modyul ay natutuhan mo ang pagtukoyng mga salita na nasa antas ng digri sa
modyul na ito ay mapag-aaralan mo ang pagsulat ng editoryal.
Marahil natatanong mo kung paano isinusulat ang isang editoryal? Ang
editoryal ay may iba’t-ibang uri. Ang mga ito ay nagkakaiba sa paraan ng pagsulat ayon sa
kanilang uri. Sa modyul na ito ating mapag-aaralan kung paano naisusulat ang isang
editoryal gamit ang mga pahayag na ginagamit sa panghihikayat at pagsasalaysay.
Nasasabik ka nang malaman kung paano isinusulat ang isang editoryal gamit ang
mga pahayag na ginagamit sa panghihikayat at pagsasalaysay? Kaya dapat mong
basahin at pag-aralan ang kabuoan ng modyul na ito.
Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang iyong kaalaman hinggil
sa paksa ng ating aralin. Mangyari lamang na isagawa ang mga sumusunod na gawain.

Gawain 5: Hanap-salita
Panuto: Hanapin mo at markahan ang mga konsepto tungkol sa mga pahayag na
ginagamit sa panghihikayat at pagsasalaysay. Nakatago ang mga ito sa hanap-salita sa
ibaba. Pwede mo ing kulayan o kaya ay bilugan ang mga nahanap na salita.

t a l a g a i b z c h

u h o f w c a p e r o

a u y x h w j m z a
m
n i t o n a r d u d
p
y e c r t l k l c x
a
o v n s i a m w e h
k
s a m a n a k b h i k

b y e j z b i y a w l

s a p a g k a t w j e

c r a l a t n a m a s

v i l u h g n a p b q

Mga salitang hahanapin sa iba’t-ibang direksyon:


1. tumpak 6. kasunod
2. sama na 7. ikalawa
3. talaga 8. anyo ay
4. ito na 9. sapagkat
5. pero 10. panghuli 36
Magaling! Marahil ay nasiyahan ka sa mga gawaing iyong ginawa. Bago mo
ipagpatuloy ang mga kapana-panabik na gawain inihanda para sa iyo, basahin mo
muna ang Lakbayin upang ganap mo pang makilala ang ating aralin.

Lakbayin

Alam mo bang…

Ang editoryal na tinatawag ding pangulong-tudling ay bahagi ng


pahayagang nagsasaad ng mapanuring pananaw o kuro-kuro ng pahayagan. Mga
tuntunin sa pagsulat ng isang editoryal na nanghihikayat:
1. Magkaroon ng kawili-wiling panimulang maikli lamang upang maakit ang
atensiyon ng mambabasa.
2. Buoin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga katibayan sa
paraang maayos at malinaw.
3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran.
4. Tapusin nang naaangkop. Bigyan ng mahusay na pagwawakas.
5. Tandaang ang pinakamahalagang bahagi ay ang panimula at wakas.
6. Huwag mangaral o magsermon.
7. Sundin ang lahat ng simulain sa mabisang pagsulat –kaisahan, linaw,
pagkakaugnay-ugnay at diin. Tungkol sa isang isyu...”

Ating Alamin

Mga Pahayag na Ginagamit sa Panghihikayat at Pagsasalaysay


Iba’t ibang salita ang ginagamit sa pakikipag-usap depende sa lugar, okasyon,
panahon gayundin sa taong kausap. Ipinapakita nito ang antas ng wika batay sa
pormalidad.

1. Panghihikayat – ang pagnanais o naglalayong mahikayat o makumbinsi ang


iyong mga mambabasa o makikinig sa iyong pananaw o paninindigan ay isang
hamon sa isang manunulat o tagapagsalita. Makatutulong ang paggamit ng mga
angkop na pahayag sa iyong panghihikayat.

Ilan sa halimbawa ng mga Pahayag at Salitang Nanghihikayat:


• Totoo/Tama • Kaya natin ito…
• Tunay • Siguradong
• Sama na • Talaga
• Ngayon na • Tara
• Tumpak • Siyempre
• Kitang-kita mong… • Pero/Subalit
• Naniniwala akong… • Ito na
• Kaya mong maging bahagi ng…

✓ Mga Halimbawa ng Pangungusap:


• Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa atin upang masugpo
ang nakamamatay na sakit.
• Ito na ang tamang panahon upang tayo ay magtulungan.
• Tara na’t magkapit-kapit nang kamay upang ipakita ang suporta sa
kaniya.

37
2. Paglalahad o Pagsasalaysay – Ang Paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag
na naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o
paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Sa
Pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil
nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan na
makapaghahatid sa kaniya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-
uusapan.

Ilan sa halimbawa ng mga pahayag na karaniwang ginagamit sa pagsasalaysay o


Paglalahad:
a. Sa Pagsasalaysay ng isang kuwento o mahalagang karanasan o pangyayari.
➢ Sa ganitong pagsasalaysay nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng isang
araw, samantala at iba pa.

b. Sa pagsusunod-sunod ng pangyayari o pagbibigay ng hakbang o proseso sa


pagsasagawa ng isang bagay
➢ Mahalagang masundan ng mambabasa o tagapakinig ang hakbang o
proseso kaya karaniwang ginagamit sa ganitong pagsasalaysay ang mga
salitang una, ikalawa, ikatlo, kasunod, panghuli.

c. Sa Paglalarawan
➢ Inilalarawan ang mga katangian ng anumang isinasalaysay kaya’t
karaniwan itong gumagamit ng mga salitang ang mga katangian ay, ang anyo
ay, ang itsura ay, ang lasa ay, ang kulay ay, at iba pa.

d. Sa Paghahambing
➢ Ginagamitan ito ng mga salitang pareho sa, magkaiba sa, magkalayo ang
katangian sa, sa kabilang banda.

e. Sa Paglalahad ng Sanhi o Dahilan


➢ Ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na dahil sa, sapagkat, palibhasa at iba pa.
f. Sa Paglalahad ng Suliranin at Solusyon
➢ Ginagamitan ng mga salitang ang problema ay ang suliranin ay, ang
diperensya ay, ang tanong ay, ang sagot diyan ay, ang solusyon ay.

Galugarin
Gawain 6: Tukuyin Mo!
Panuto: Kilalanin ang mga pahayag at salitang nanghihikayat sa sumusunod na
mga pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Naniniwala akong may magagawa ang bawat isa sa atin upang maging
makabuluhan ang buhay natin sa mundo.
2. Tama! Lahat tayo’y may magagawa kung nanaisin natin.
3. Ngayon na. Kung ipagpapabukas pa natin ang pagtulong ay baka huli na.
4. Kaya natin ito basta tayo’y sama-sama.
5. Talagang kailangan ng iba ang tulong natin.
6. Sama na! Gawing makabuluhan ang buhay mo kaibigan.
7. Siguradong mababawasan ang krimen sa Pilipinas kung marunong
dumiskarte ang mga tao.
8. Tumpak! Gawin natin iyan para na rin mahanap mo ang tunay na
kaligayahan.
9. Tara, gamitin natin ang kapangyarihan ng social media.
10.Totoo ang kaniyang mga ipinapahayag batay sa mga pangyayari kahapon.

38
Sukatin
Hayan at natapos mo na ang mga Gawain. Binabati kita! Sige, hinga muna nang
malalim. Kaunting sandal na lamang. Tiyak na handa ka na para sa isang pagtataya.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

A. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa papel


ang letra ng tamang sagot.

_____ 1. Ito ay nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo, pinakalayunin


nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado.
A. Awit B. Bulong C. Pabula D. Dula

_____ 2. Ito ang panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring
isinaad sa dula.
A. Saglit na kasiglahan C. Tagpuan
B. Tanghalang D. Tauhan

_____ 3. Bakit mahalaga ang mga manonood sa isang dula?


A. Kailangan ng gagawa ng ingay habang itinatanghal ang dula
B. Kailangan ng pupunta sa mga kahinaan ng pagtatanghal
C. Kailangan ng saksi sa matagumpay na pagkakatanghal ng dula
D. Sila ang magbabayad sa ginastos ng produksyon

_____ 4. Dito nasusubok ang katatagan ng tauhan sa anong bahagi ng dula?


A. Kakalasan C. Kasukdulan
B. Kalutasan D. Simula

_____ 5. Siya ang nag-iinterpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng


tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at
pagbigkas ng mga tauhan.
A. Aktor C. Manonood
B. Direktor D. Tanghalan

B. Panuto: Kopyahin sa sagutang papel ang mga sumusunod na pangungusap.


Salungguhitan ang salitang nagtataglay ng di-masidhing damdamin, bilugan ang
salitang masidhi ang kahulugan at ikahon naman ang may pinakamasidhing damdamin.
1. Ako ay nalumbay ng umalis na ang aking mga pinsan na nagbakasyon sa aming
tahanan. Lungkot ang aking nararamdaman ng muling kaming magkalayo ng
aking kasintahan. Ang hapis na aking nararamdaman ay hindi pa rin mapawi,
sapagkat labis akong nasaktan sa maagang pag aasawa ng aking anak na babae dahil
siya ang inaasahan sana ng pamilya na magaahon sa amin sa kahirapan. Labis na
pighati ang aking nararamdaman sa pagkawala ng aking kabiyak.

2. Ang galit na naramdaman ni Jessa sa kaniyang kapatid ay agad na nawala dahil


nanaig ang pagmamahal niya dito. Poot ang nararamdaman niya sa kaniyang
kaibigan ng siraan siya nito sa iba. Muhi ang nararamdaman ko ng makaharap ko ang
taong nagnakaw ng aking mga alahas. Sobrang ngitngit ang aking nararamdaman ng
makaharap ko ang pumaslang sa aking ama.

39
Wow! Ang aking taos-pusong pagbati sa iyo
mahal kong kaibigan. Pinatunayan mo ang iyong
kasipagan sa ating paglalakbay at pagtalakay
natin sa Dula at Mga Pahayag na Ginagamit sa
Paghihikayat. Alam kong nakapapagod
maglakbay ngunit sulit naman dahil matagumpay
mong natutuhan ang mga dapat mong malaman.
Ihanda mo ngayon ang iyong sarili sa kasunod na
modyul – Modyul 4: Epiko ng Kabisayaan.

Sanggunian
Julian, A. B. et.al (2018). Pinagyamang Pluma 7 (K to12). Quezon City: Phoenix
Publishing House, Inc.

Dula. Nahango noong Oktubre 17, 2020 mula sa https://www.rexinteractive.com

40

You might also like