You are on page 1of 32

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikalawang Markahan – Modyul 1: Mahahalagang Kaisipang Nais Iparating ng Napakinggang
Karunungang-bayan ng Kabisayaan at Pagbubuo ng Paghahatol o
Pagmamatuwid Epiko ng Kabisayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Ariel A. Camingao
Emma B. Cabibil

Reviewers: Susan C. Rosellosa, HT – III


Gideon J. Pascubillo, HT – III
Wilgermina D. Juhaili, HT – I
Mary Cecille D. Luzano, HT – I

Illustrator and Layout Artist: Roland Z. Lauron

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III/District In-charge
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 1
Mahahalagang Kaisipang Nais Iparating
ng Napakinggang Karunungang-bayan
ng Kabisayaan at Pagbubuo ng
Paghahatol o Pagmamatuwid

Ang materyal sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga piling guro, punong guro, at Education Program Supervisor
sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Misamis Occidental.
Hinihikayat ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-
email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon –
Rehiyon 10 sa region10@deped.gov.ph.

Mahalaga ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 1 ukol
sa Mahahalagang Kaisipang Nais Iparating ng Napakinggang Karunungang-bayan ng
Kabisayaan at Pagbubuo ng Paghahatol o Pagmamatuwid
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
TALAAN NG NILALAMAN

Aralin 1 ---------------- 1
Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 1
Balikan ---------------- 3
Tuklasin ---------------- 4
Suriin ---------------- 5
Pagyamanin ---------------- 7
Isaisip ---------------- 8
Isagawa ---------------- 9
Tayahin ---------------- 10
Karagdagang Gawain ---------------- 12

Aralin 2 ---------------- 13
Alamin ---------------- 13
Subukin ---------------- 13
Balikan ---------------- 16
Tuklasin ---------------- 16
Suriin ---------------- 18
Pagyamanin ---------------- 19
Isaisip ---------------- 20
Isagawa ---------------- 20
Tayahin ---------------- 21
Karagdagang Gawain ---------------- 23

Susi sa Pagwawasto ---------------- 24


Sanggunian ---------------- 25
Mahahalagang Kaisipang Nais
Aralin
Iparating ng Napakinggang
1 Karunungang-bayan ng Kabisayaan

Ang modyul na ito ay kinapalolooban ng mga gawain sa ikalawang


markahan para sa mag-aaral sa ikapitong baitang. Dito matutunghayan mo ang
mga piling akda mula sa Kabisayaan tulad ng awiting-bayan, bulong, bahagi ng
akda, at epiko.

Layunin
1. Naipaliliwanag ang mga mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais
iparating sa napakinggang awiting-bayan, bulong, bahagi ng akda, teksto
tungkol sa epiko ng Kabisayaan (F7PN-IIa-b-7)
a.1 Nasusuri ang mahahalagang detalye sa akdang pampanitikang binasa
a.2 Napahahalagahan ang kaisipang natutuhan hinggil sa binasang akda

Sa bahaging ito ay masusukat ang iyong nakatagong kaalaman batay sa


bagong aralin.
I. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungang nasa ibaba. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Saan ipinagbili ni Pilemon ang kaniyang huling isda?
a. sa kapitbahay c. sa palengke
b. sa kaibigan d. sa daan
2. Anong uri ng isda ang nahuli ni Pilemon?
a. Bangus b. Tilapya c. Lapu-lapu d. Tambasakan
3. Ano ang ginawa ni Pilemon sa kaniyang nahuling isda?
a. ibinigay b. ipinagbili c. inulam d. itinapon
1
4. Ano ang pinakaangkop na kaisipan ang ipinahihiwatig sa mga linya ng awiting-
bayan batay sa kanilang pangkabuhayan?
“Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan”
a. Masaya si Pilemon nang nakahuli ng isda.
b. Maraming isdang tambasakan sa Kabisayaan.
c. Pangingisda ang libangan ng mga taga-Bisaya.
d. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga-Bisaya.
5. Ano ang isinasaad sa linya ng awit?
“Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke
Ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba”
a. Ang tauhan ay nagtitinda ng tuba.
b. Ang tauhan ay namimili ng tuba.
c. Ang tauhan ay nagbebenta ng isda.
d. Ang tauhan ay nagnenegosyante sa palengke.
6. Batay sa akdang “Ang Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan,” paano
nagkahiwalay ang magkakapatid?
a. sumadsad sa mga malalaking bato
b. nabangga ang sinasakyan ng malaking barko
c. nabangga ang sinasakyan ng malaking bangka
d. hinampas ng dagat ang bangkang sinakyan
7. Ano ang natanaw ng matanda sa gitna ng laot?
a. maliit na isla c. maliit na isda
b. maliit na bangka d. maliit na lambat
8. Ano ang naramdaman ng ama nang makita ang nagkalat na bahagi ng
bangkang sinakyan ng mga anak?
a. nanlulumo b. nanghihina c. nanghihinayang d. natutuwa
9. Ano ang tawag sa munting isla na lumitaw sa gitna ng laot?
a. Isla ng Pitong Makasalanan c. Pugad ng Pitong Makasalanan
b. Lupain ng Pitong Makasalanan d. Kuta ng Pitong Makasalanan
10. Anong pangunahing kaisipan ang nangingibabaw sa akdang “Ang Alamat ng
Isla ng Pitong Makasalanan”?
a. pagiging suwail na anak c. pagmamahal ng isang ama
b. mapagkunwaring anak d. pagiging matiisin ng magulang

2
II. Pagpapaliwanag
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mahahalagang kaisipan
mula sa epikong “Labaw Donggon” at ipaliwanag ito ayon sa iyong
pagkaiintindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Huwag maghangad nang sobra-sobra.


1.
Paliwanag: ____________________________________________________

2. Ang pagmamahal ng pamilya ay walang kapantay.

Paliwanag: ____________________________________________________

Pagtutulungan sa panahon ng kagipitan.


3.
Paliwanag: ____________________________________________________

Gawain 1
Panuto: Pagtatapat-tapatin ang Hanay A at Hanay B. Piliin sa Hanay B ang
katumbas na kahulugan ng mga salita sa Hanay A. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Epiko a. pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patuluyan na
2. Alamat nag-uugnay sa isang tao
3. Bulong b. mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang
4. Awiting-bayan ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin
5. Akdang c. isang matandang katawagan sa orasyon ng mga
Pampanitikan sinaunang tao sa kapuluan ng Pilipinas
d. isang uri ng kuwentong-bayan at panitikang
nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig
e. uri ng panitikang tumatalakay sa mga kabayanihan
at pakikipagtunggali ng tao laban sa mga kaaway na
may mga tagpung kababalaghan
3
Halina, basahin at alamin ang mahahalagang kaisipan tungkol sa aralin.

Awiting-bayang Sugbuwanon

Si Pilemon Si Pilemon
(Awiting-bayang Cebuano) (Salin sa Tagalog)

Si Pilemon, si Pilemon Si Pilemon, si Pilemon


namasol sa kadagatan. nangisda sa karagatan.
Nakakuha, nakakuha Nakahuli, nakahuli
ug isda’ng tambasakan. ng isdang tambasakan.
Gibaligya, gibaligya Pinagbili, pinagbili
sa merkado’ng guba. sa isang munting palengke.
Ang halin puros kura, Ang kanyang pinagbilhan,
ang halin puros kura, ang kanyang pinagbilhan,
igo ra i panuba. pinambili ng tuba.

Naintindihan mo na ba ang awiting-bayan na iyong binasa o inawit?


Sagutin ang sumusunod na gawain.

Gawain 2
Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na mga katanungan. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Si Pilemon

1. Sino ang 2. Anong uri ng 3. Saan niya ito 4. Bakit niya ito
pangunahing isda ang ipinagbili? ipinagbili?
tauhan sa kanyang nahuli?
awitin?

4
Mga Bulong
1. Kapag ikaw ay nasa gubat habang naglalakad bumubulong ng ganito:
“Tabi, tabi po, baka po kayo mabunggo.”
2. Kung nangangahoy sa gubat upang hindi mamatanda ay bumibigkas ng
bulong bilang paghingi ng paumanhin gaya ng “Aming pinutol lamang,
ang sa aming napag-utusan.”
3. May bulong din ang matatanda kung nabubungian ng ngipin at humihingi ng
panibagong ngipin at ito’y ihahagis sabay ang bulong na “Dagang malaki,
dagang maliit, heto na ang ngipin kong sira at pangit. Bigyan mo ng
bagong kapalit.”

Gawain 3
Panuto: Tukuyin ang kaisipang nais iparating sa bulong. Piliin at isulat sa
sagutang papel ang sagot at ipaliwanag.
1. “Tabi-tabi po, baka po kayo mabunggo.”
Isinasaad ng mga linyang ito na...
a. tumabi para hindi masagasaan
b. tumabi para hindi mabunggo
 Ito ang kaisipang napili ko dahil _______________________________

Dito ay lalo pang hahasain ang iyong karunungan sa panibagong akdang


pampanitikan “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan” mula sa Bisaya.

Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan


(Buod)

Noong unang panahon, may isang matandang mangingisda na may pitong


anak na dalaga. Naninirahan sila sa tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-
Bisaya. Sila ay nasa bayan ng Dumangas na nasa gawing hilagang-silangan ng
lalawigan ng Iloilo.

5
Masayang gumagawa ng gawaing-bahay ang mga dalaga araw-araw.
Makikita sila sa dalampasigan na nagtatampisaw at lumalangoy, naghahabulan
at nagtatawanan.
Maraming bumibisita sa kanilang tahanan para manligaw. Sa pagmamahal
ng ama ay natatakot siyang may makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga
dalaga na maaring makapaglayo sa kanya.
“Sana, kung makahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay
tagarito lang sa aming isla upang hindi sila mapalayo sa akin.”
Isang araw, sumadya ang isang grupong binata upang makilala ang pitong
dalaga. Habang wala ang ama, sumama silang lahat sa mga binata. Nang sila
ay nasa bahagi ng baybayin ng Guimara kung saan nangingisda ang kanilang
ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang
kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang ama para
mahabol ang mga bangka ngunit walang nagawa ang kaniyang mabagal na
bangka.
“Mga anak, huwag kayong umalis. Bumalik kayo! Maawa kayo.”
Walang magawa ang matanda kundi lumuha. Nagdilim ang langit at
lumakas ang ulan at ang mga alon. Wala siyang magawa kundi umuwi.
Pag-uwi niya ay tahimik at malungkot ang bahay. Inaalala niya ang malakas
na bagyo habang ang kaniyang mga anak ay nasa laot.
Kinaumagahan, pumalaot na ang ama. Umaasa siyang mahahabol pa niya
ang bangka ng mga estranghero na marahil ay tumigil sa pinakamaliit na isla
habang malakas ang ulan.
Ang matanda ay kinabahan nang makita niya na nakalutang sa paligid ang
bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang pitong anak. Mayroon ding mga
munting isla.
Binilang niya ito. Pito ang mga munting isla, pito rin ang kanyang mga anak
na dalaga. Nalaman niyang nalunod ang kanyang mga anak sa bangka na
hinampas ng dagat.
Itinawag dito ay Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong
Makasalanan. Maaalala sa mga islang ito ang mga suwail na mga anak.

mula sa https://brainly.ph/question/10945936#readmore

6
Gawain 4
Panuto: Piliin at lagyan ng tsek (√) ang lahat ng mensaheng taglay nang binasa,
ekis (x) naman ang ilagay sa hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Mahal na mahal ng ama ang lahat ng kaniyang mga anak.
2. Ipinagbili ng ama ang lahat ng mayroon siya para lang maitaguyod ang
pag-aaral ng kaniyang mga anak.
3. Sumuway ang mga anak sa kagustuhan ng kanilang ama.
4. Ang kapakanan pa rin ng mga anak ang nasa isipan ng ama kahit pa naging
suwail ang mga ito sa kaniya.
5. Kapahamakan ang kinasadlakan ng mga anak na hindi sumunod sa kanilang
magulang.

Kung umabot ka na sa bahaging ito, nalaman mo na ang mga dapat mong


matutunan at ngayon ay pagtitibayin mo ang iyong kaalaman sa araling ito.
Basahin ang panibagong buod ng epiko ng mga Bisaya.

Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon


(Buod)

Nakilala si Labaw Donggon bilang isang makisig na lalaki at umibig kay


Abyang Ginbitinan. Idinaan sa pagbibigay ng mga regalo kay Abyang Ginbitinan
ang panliligaw ni Labaw Donggon hanggang sila ay naging mag-asawa.
Subalit hindi nagtagal ay muli siyang umibig sa isang dilag na si Anggoy
Doronoon. Sa pangatlong pagkakataon ay umibig si Labaw sa isa pang dilag na
si Yawa Sinagmaling, subalit ang dilag ay kasalukuyan ng mayroong iniibig na si
Buyung Saragnayan.
Dahil sa labis na kagustuhan ni Labaw na maikasal kay Sinagmaling,
nakipaglaban siya kay Saragnayan. Nagbunga ng pagkakakulong ang pagkatalo
ni Labaw. Ang kanyang mga anak ang naging dahilan ng kanyang pagkalaya at
pagbabalik sa kanilang mga tahanan

7
Gawain 5
Panuto: Suriin at ipaliwanag ang mahahalagang kaisipang nais ipahiwatig sa
larawang nasa ibaba at ipaliwanag ito. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

http://m.facebook.com/govph/photo/?tab=album&album_id=12154184818

Paliwanag:
__________________________________________
__________________________________________

Pagkatapos na sagutan ang mga gawain ay marapat lamang na iyong


matutunan ang mahahalagang kaisipan sa araling ito.

Mayaman tayo sa iba’t


ibang uri ng karunungang bayan
tulad ng awiting-bayan, bulong,
alamat, at epiko. Upang manatili
ito sa bawat henerasyon marapat
lamang na itoy pagyamanin at
bigyang halaga ng bawat
salinlahi.

8
Marahil ay natutunan mo na ang mga kasanayan sa araling ito. Ngayon ay
ihandang muli at gamitin ang iyong mga kaalaman sa isa na namang pagsubok.

Ipinapakita sa epikong “Hinilawod” ang pagdadamayan sa pamilya. Kahit


nagpakita ng kahinaan at nakagawa ng pagkakamali si Labaw Donggon ay hindi
pa rin siya pinabayaan ng mga kapamilya sa oras ng pangangailangan.
Ikaw, ano naman ang kaya mong gawin sa iyong mga kapamilya para
ipakita ang pagmamahal at suporta kahit pa tulad ni Labaw Donggon ay may
mga pagkukulang o pagkakamali rin sila?

Gawain 6
Panuto: Punan ang patlang depende sa kasapi ng sarili mong pamilya. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. para sa iyong ama
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. para sa iyong ina


______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. para sa iyong kapatid


______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. para sa iba pang kapamilya tulad ng lolo o lola


______________________________________________________________
______________________________________________________________

9
I. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa ibaba. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Kailan sinasabi ang bulong na, “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo”?
a. kapag ikaw ay nasa kalye habang naglalakad
b. kapag ikaw ay nasa gubat habang naglalakad
c. kapag ikaw ay nasa loob ng mall habang naglalakad
d. kapag ikaw ay nasa loob ng bahay habang naglalakad
2. Anong bulong ang bibigkasin kung nangangahoy sa gubat upang hindi
mamatanda bilang paghingi ng paumanhin?
a. “Tabi, tabi po, nuno sa punso.”
b. “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.”
c. “Aming pinutol lamang, ang sa aming napag-utusan.”
d. “Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong sira at pangit.
Bigyan mo ng bagong kapalit.”
3. Ano ang isinasaad sa linya ng awiting ito?
“Pinagbili, pinagbili sa isang munting palengke,
ang kanyang pinagbilhan, ang kanyang pinagbilhan, pinambili ng tuba.”
a. Ang persona ay nagtitinda ng tuba dahil mahilig siyang uminom ng tuba.
b. Ang persona ay namimili ng tuba dahil ito ang kaniyang hanapbuhay.
c. Ang persona ay mahilig uminom ng tuba dahil ipinambili nito ang biniling huli.
d. Ang persona ay isang negosyante sa palengke dahil doon niya pinagbili ang
huli nito.
4. Ano ang kaisipang ipinahihiwatig sa ilang linya ng awiting-bayan na ito?
“Si Pilemon, si Pilemon, nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan.”
a. Malawak ang karagatan sa Kabisayaan.
b. Maraming isdang tambasakan sa Kabisayaan.
c. Pangingisda ang libangan ng mga taga-Bisaya.
d. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga taga-Bisaya.

10
5. Ang sumusunod ay mahahalagang detalye mula sa awiting-bayang “Si
Pilemon” maliban sa isa.
a. Si Pilemon ay isang mangingisda.
b. Ang kaniyang kinita ay pinambili niya ng tuba.
c. Nagnenegosyo ng tuba si Pilemon sa palengke.
d. Sa isang munting palengke niya ipinambili ang kaniyang huli.

(Bilang 6-10: Mga tanong mula sa “Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan”)


6. Ano ang nagpabantog sa pitong dalaga?
a. Kabaitan kaya dinadagsa ito ng mga tao.
b. Kagandahan kaya dinarayo ang kanilang tahanan.
c. Kakinisan kaya maraming dalaga ana humuhingi ng payo.
d. Katalinuhan kaya maramin kabataan ang nagpapaturo.
7. Ano ang ikinatatakot ng ama para sa kaniyang pitong dalaga?
a. magutom sa katatampisaw sa dalampasigan
b. makapag-asawa ang sinuman sa kaniyang mga dalaga ng mga lalaking
maaaring maglayo sa kaniya
c. matangay ng mga binatang may masasamang balak sa kanila
d. kaiinggitan ng mga dalaga sa kanilang bayan
8. Bakit buong lakas na sumagwan ang ama ng pitong dalaga sa karagatan?
a. para makahuli ng maraming isda
b. para maihabol ang mga damit ng anak na naiwan
c. para mahabol ang kaniyang pinakamamahal na anak
d. para magpasalamat sa mga binatang nagbigay ng mamahaling regalo
9. Ano ang hinahangad ng mga binatang dumarayo sa tahanan ng pitong dalaga?
a. Malaman ang kanilang pinag-aabalahan para lubusan silang makilala.
b. Makuha ang kanilang hiyas para magamit sa kanilang negosyo.
c. Makuha ang kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan.
d. Masuri ang kanilang kalagayan para matulungan.
10. Ano ang kaisipang nangingibabaw sa binasang akda?
a. Walang magulang ang naghahangad ng masama sa kanilang anak.
b. Kagandahan ay alagaan para buhay ay umangat.
c. Pagmamahal ng magulang ay makasarili.
d. Ang mga anak na suwail ay nagtatagumpay.

11
II. Tama o Mali
Panuto: Kilalanin ang ang sumusunod na mensahe mula sa epikong “Labaw
Donggon” kung ito ba ay totoo o hindi. Isulat ang Tama kung ito ay
nagsasaad ng katotohanan at Mali naman kung ang sinasaad ay hindi
totoo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Pantay ang pagmamahal niya sa kaniyang dalawang asawa.
2. Nagtulungan ang magkakapatid upang mahanap ang ama.
3. Kinamuhian si Labaw Donggon ng mga kapatid dahil sa sobrang paghahangad
ng mga magagandang babae.
4. Pagkalipas ng maraming panahon saka pa natagpuan si Labaw Donggon.
5. Mula sa pagkakulong ni Labaw Donggon ay hindi na nanumbalik ang kaniyang
dating lakas at kakisigan.

Marahil ay natutunan mo na ang mga kasanayan sa araling ito. Malapit mo


nang matapos ang aralin. Ihanda muli ang iyong angking kaalaman sa panghuling
pagsubok na iyong gagawin.

Gawain 7
Panuto: Bilang isang kabataang saksi sa pagbabago ngayon, ano-ano ang
maipapayo mo sa kapwa kabataan tungkol sa kahalagahan ng akdang
pampanitikan na itinuturing na pamana at yaman mula sa ating mga
ninuno. Isulat ang sagot sa sagutang papel

Ang aking maipapayo ay ___________________________________________


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

12
Aralin Pagbubuo ng Paghahatol o
2 Pagmamatuwid

Matutunghayan sa araling ito ang mga awiting-bayan mula sa Kabisayaan.


Ang pagpapalaganap ng iba’t ibang akdang pampanitikan ay nagsimula sa
pasalindila kung saan ang panitikang ito ay nagpalipat-lipat sa iba’t ibang
henerasyon upang makabuo ng mga awiting-bayang nagsisilbing yaman ng
Kabisayaan.

Layunin
a. Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob
sa akda na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-Kabisayaan
(F7PN-II-b-7)
a.1 Nakapangangatuwiran sa mahahalagang detalye sa akdang binasa
a.2 Napahahalagahan ang kaisipang natutunan hinggil sa binasang akda

Sa bahaging ito, masusukat ang iyong nakatagong kaalaman batay sa


bagong aralin.
I. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat akda sa susunod na pahina.
Pagkatapos, sagutin ang mga katanungang nakasaad sa ibaba. Isulat
ang titik ng sagot sa sagutang papel.

13
Lawiswis Kawayan

Sabi ng binata halina’t o hirang


Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan
Binata’y nagtampo at ang wika’y ikaw pala’y ganyan
Akala ko’y tapat at ako’y minamahal
Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad.

1. Saan gustong mamamasyal ng binata?


a. ilog c. tabing-dagat
b. bundukin d. lawiswis kawayan
2. “Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan”
Sa taludtod ng awiting-bayan, anong damdamin ang nangingibabaw?
a. takot c. nag-alinlangan
b. lungkot d. napilitang pagmamahal
3. “Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang nang malaman”
Ano ang umiiral na kaugalian ng dalaga sa taludtod na ito?
a. malikot c. matapat
b. magalang d. mayabang
4. “Binata’y nagtampo at ang wika’y ikaw pala’y ganyan
Akala ko’y tapat at ako’y minamahal.”
Ano ang nangingibabaw na damdamin ng binata?
a. nagtampo b. nagalit c. nalungkot d. nagmayabang
5. “Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak.”
Anong damdamin ang umiiral sa taludtod na ito?
a. tuwa b. saya c. galak d. lungkot

14
II. Pagpapaliwanag
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon sa loob ng kahon. Sagutin ang tanong
at pangatuwiranan ang sagot. Isulat sa sagutang papel.

Bagong kasal ang aming kapitbahay na si Liza at nabalitaang


namatay ang kanyang asawa dahil sa sakit sa puso. Ayon sa
paniniwala, ipinagbawal ang pag-iyak malapit sa kabaong ng asawa
para hindi mapatakan ng luha ang kabaong upang ang kaluluwa ng
kanyang asawa ay hindi mahirapan sa pag-akyat sa langit.

1. Naniniwala ka bang mahihirapang umakyat sa langit ang kaluluwa kapag


napatakan ng luha ang kabaong? Pangatuwiranan ang iyong sagot.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

III. PAGKILALA
Panuto: Kilalanin ang nais ipahiwatig sa larawan sa ibaba. Suriin kung anong uri
ng tradisyon ang nakapaloob dito at pangatuwiranan ang iyong sagot.
Isulat sa sagutang papel.

https://www.google.com/search?q=mga+tradisyong+pilipino&oq=Mga+tradisyon&aqs=chrome.5.69i59l2j0l8.8
526j1j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

1. Uri ng Tradisyon: ___________


Pangangatuwiranan: _____________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

15
Bago simulan ang talakayan, gawin muna ang gawain sa ibaba.
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga salita sa loob ng kahon.
Pagkatapos ay pangatuwiranan ito ayon sa iyong pagkauunawa. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

Mga salitang may kaugnayan sa Mga salitang may kaugnayan sa


pagpapaliwanag ayon sa inyong paghahatol o pagmamatuwid.
natutunan sa nakaraang talakayan.

*pakikipag-ugnayan *sapat na katibayan

*nagbibigay linaw sa kahulugan *katanggap-tanggap

*may mga hudyat o senyas ng kamay *kapani-paniwala

*mapanghikayat

 Pangatuwiranan ang pagkakaiba sa pagpapaliwanag at paghahatol o


pagmamatuwid?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Sa yugtong ito, malalaman mo ang mahahalagang kaisipan tungkol sa


araling ito. Simulan mo nang basahin!

Paghahatol o Pagmamatuwid
 Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o
patunay.

16
 Ang isang panukala ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala.
 Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang
kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng
makatwirang pagpapahayag (Badayos).
 Ayon kay Arogante, ang paghahatol o pagmamatuwid ay ang
katotohanang pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran
o rason.

Mga Dahilan sa Paghahatol o Pagmamatuwid


1. Mabigyang-linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. Maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa isang
tao.
3. Makapagbahagi ng kaniyang kaalaman sa ibang tao.
4. Makapagpahayag ng kaniyang saloobin.
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kapwa.

Tradisyon
 Ito ay mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang
papunta sa mga anak nila.
 Ang mga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga nakagawian na at
sa mga tradisyon.

Mga Uri ng Tradisyon


o Pista
o Araw ng mga Patay
o Araw ng Pasko
o Simbang Gabi

Pamahiin o Superstition
 Isa itong paniniwala o kasanayan na kadalasang hindi batay sa dahilan at
walang pang-agham o siyentipikong katotohanan.
 Gayunpaman, ang mga pamahiin ng mga matatanda ay nagagawang
impluwensiyahan sa pag-uugali ng mga Pilipino sa iba’t ibang paraan.

17
Sa bahaging ito, basahin ang isang halimbawa ng awiting-bayang
“Lawiswis Kawayan”.

Lawiswis Kawayan

Sabi ng binata, halina o, hirang


Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Pugad ng pag-ibig at kaligayahan
Ang mga puso ay pilit magmahalan
Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang nang malaman
Binata’y nagtampo at ang wika, ikaw pala’y ganyan
Akala ko’y tapat at ako’y minamahal.

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng sagot at
pangatuwiranan ito. Isulat sa sagutang papel.
1. “Sabi ng binata, halina o, hirang
Magpasyal tayo sa lawiswis kawayan
Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw
Sasabihin pa kay Inang nang malaman.”
Anong tradisyon ang masasalamin sa bahaging ito ng awiting-bayan?
a. paggalang at pagrespeto sa magulang
b. takot sa magulang
Paghahatol/Pagmamatuwid:
o Ang tradisyong masasalamin sa bahaging ito ng awiting-bayan ay _______
____________________________________________________________
___________________________________________________________

18
2. “Ang dalaga naman ay biglang umiyak
Luha ay tumulo sa dibdib pumatak
Binata’y naawa lumuhod kaagad
Nagmakaamo at humingi ng patawad.”
Anong magandang kaugalian ang makikita sa bahaging ito?
a. matiisin ang binata
b. marunong humingi ng patawad ang binata
Pagahahatol/Pagmamatuwid:
o Ang magandang kaugaliang makikita sa bahaging ito ay _______________
____________________________________________________________

Gawain 3
Panuto: Kilalanin ang nais ipahiwatig sa larawang nasa ibaba. Uriin kung anong
uri ng tradisyon at pangatuwiranan ang sagot. Isulat sa sagutang papel.

https://www.google.com/search?q=mga+tradisyong+pilipino&oq=Mga+tradisyon&aqs=chrome.5.69i
59l2j0l8.8526j1j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

1. Uri ng Tradisyon: ________________


Pangangatuwiran: ________________________________________________
_______________________________________________________________

19
Kung umabot ka na sa bahaging ito, ibig sabihin ay natutunan mo na ang
mga dapat mong malaman sa araling ito. Ngayon ay atin itong pagtitibayin sa
pamamagitan ng gawain.

Sa paghahatol o pagmamatuwid Ang katotohanan ay ipinagtitibay


ay nagbibigay ng sapat na katibayan o pinatutunayan sa pamamagitan
o patunay upang ang isang panukala ng mga katwiran o rason.
ay maging katanggap-tanggap o
kapani-paniwala.

Marahil ay natutunan mo na ang mga kasanayan sa araling ito. Ihandang


gamitin ang kaalaman sa araling ito para sa bagong pagsubok.
Gawain 4
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na mga sitwasyon na nasa loob ng
kahon. Pangatwiranan ang iyong sagot at isulat sa sagutang papel.

Masayang-masaya si Margene habang pinagmamasdan ang nakasabit na


damit pangkasal na gagamitin niya bukas. Hindi siya nakapagpigil at isinukat
niya ito ngunit pinigilan siya ng kaniyang ina. Ayon sa paniniwala ng mga
matatanda, bawal isukat ang damit pangkasal dahil hindi ito matutuloy.

1. Sa kasalukuyan, nangyayari pa rin ba ang ganitong paniniwala?


Pangatuwiranan ang iyong sagot.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

20
Matapos ang hapunan ay minabuti ni Ariel na magwalis ng mga nahulog na
mumo ng kanin, nang makita ito ng kanyang ina na si Jessica siya’y
pinagbawalan dahil ayon sa paniniwala ng mga matatanda ang pagwawalis
tuwing gabi ay masama dahil lumalayo ang biyaya.

2. Tama ba si Jessica na pagbawalan ang kaniyang anak na magwalis tuwing


gabi? Pangatuwiranan ang iyong sagot.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

I. Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Ito ay mga paniniwala o opinyon na naisalin mula sa mga magulang papunta
sa mga anak nila.
a. Tradisyon c. Araw ng Patay
b. Araw ng Manggagawa d. Kasal
2. Isang paniniwala o kasanayan na kadalasang na hindi batay sa dahilan at
walang pang-agham o siyentipikong katotohanan.
a. Tradisyon b. Pamahiin c. Paniniwala d. Kasalan
3. Ang katotohanang pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga
katwiran o rason.
a. Pagmamatuwid c. Pagpapaliwanag
b. Pagsasalaysay d. Paglalahad
4. Ito ay isang pagkakaroon ng kumpiyansa o pananalig sa isang bagay na
walang matibay na patunay sa katotohanan nito.
a. Tradisyon b. Pamahiin c. Paniniwala d. Kasalan
5. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay.
a. Pagmamatuwid c. Pagpapaliwanag
b. Pagsasalaysay d. Paglalahad

21
6. Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng pitong beses
upang hindi ito maglayas. Ito ang isang halimbawang _____________.
a. Tradisyon b. Pamahiin c. Paniniwala d. Kultura
7. Bawal magwalis kapag may patay. Ito ay isang halimbawang _____________.
a. Pamahiin b. Paniniwala c. Kultura d. Tradisyon
8. Ang makasalo ng bulaklak na inihagis ng babaing ikinasal ay susunod na mag-
aasawa. Ito ay isang halimbawang _____________.
a. Pamahiin b. Paniniwala c. Kultura d. Tradisyon
9. Ang dalaga naman ay bigla pang umayaw,
Sasabihin pa kay Inang nang malaman.
Anong kaugalian o katangian ang nangingibabaw sa taludtod?
a. Magalang b. Matapat c. Mayabang d. Matakutin
10. Binata’y naawa lumuhod kaagad,
Nagmakaamo at humingi ng patawad.
Ano ang ipinakitang katangian ng binata sa taludtod?
a. Mapagmataas c. Magalitin
b. Mayabang d. Mapagkumbaba

II. Pagtukoy
Panuto: Kilalanin ang nais ipahiwatig sa larawang nasa ibaba. Suriin kung anong
uri ng tradisyon at pangatuwiranan ang sagot. Isulat sa sagutang papel.

https://www.google.com/search?q=mga+tradisyong+pilipino&oq=Mga+tradisyon&aqs=chrome.5.69i
59l2j0l8.8526j1j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

1. Uri ng Tradisyon: ____________________


Pangangatuwiran: ________________________________________________
_______________________________________________________________

22
Upang mapagtibay pa ang iyong kaalaman, huwag kaligtaang sagutan ang
karagdagang gawain.

Gawain 5
Panuto: Bilang nagbibinata at nagdadalaga, magtala ng mga paraan ng panliligaw
noon at ngayon. Pangatuwiranan ang sagot at isulat sa sagutang papel.

Noon Ngayon

23
ARALIN 1

ARALIN 2

24
AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc,
2014.
o Dela Cruz, Leonora. Gantimpala: Pinagsanib na Wika at Panitikan. Innovative
Education Materials, INC.
o Marquez, Servillano Jr. T. Pintig ng Lahing Pilipino:Teachers wrap around
edition. SIBS Publishing House, Inc.

WEBSITE
o https://www.dreamstine.com/colorful-scene-half-body-couple-students-talking-
dialog-boxes-cororful-scene-half-body-couple-students-talking-dialog-
image127641509
o https://m.facebook.com/govph/photo/?tab=album&album_id=121541848
o https://www.wattpad.com/262945614-mga-pamahiin-part-1

MGA LARAWAN
o https://www.google.com/search?q=Kahulugan+ng+paniniwala&oq=Kahulugan
+ng+paniniwala&aqs=chrome..69i57j0l9.17054j1j9&sourceid=chrome&ie=UTF
-8
o https://www.google.com/search?q=mga+tradisyong+pilipino&oq=Mga+tradisyo
n&aqs=chrome.5.69i59l2j0l8.8526j1j7&sorceid=chrome&ie=UTF-8

25
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

You might also like