You are on page 1of 28

Filipino – Baitang 7

Alternative Delivery Mode


Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Mga Pangyayaring may Suliraning Panlipunang Dapat
Mabigyang Solusyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark,
palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsumikap ang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Maris C. Pactores, T – I

Reviewers: Gideon J. Pascubillo, HT – III


Marietess M. Santos, HT – I
Margene P. Caigan, T – III
Jessica G. Burlat, T – I
Roland Z. Lauron, T – I
Ariel A. Camingao, T – I
Ana M. Junio, T – I

Illustrator and Layout Artist: Noel Jay S. Pahayac, T – I

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Myra P. Mebato,PhD, CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members: Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Lorena R. Simbajon, EPS - Filipino
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Marilyn C. Panuncialman, EdD, PSDS
Maria Cheryl T. Samonte, EdD, Principal III / DIC
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Office Address: Zone 1, DepEd Building, Masterson Avenue, Upper Balulang, Cagayan de Oro City
Contact Number: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
7
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 6
Mga Pangyayaring may Suliraning
Panlipunang Dapat Mabigyang Solusyon

Ang materyal sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda


at sinuri ng mga piling guro, punong guro, at Education Program
Supervisor sa Filipino ng Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng
Misamis Occidental. Hinihikayat ang mga guro at ibang nasa larangan
ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10 sa region10@deped.gov.ph.

Mahalaga ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 6 ukol


sa Mga Pangyayaring may Suliraning Panlipunang Dapat Mabigyang Solusyon

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot
sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!
TALAAN NG NILALAMAN

Alamin ---------------- 1

Subukin ---------------- 1

Aralin 1 ---------------- 5

Balikan ---------------- 5

Tuklasin ---------------- 6

Suriin ---------------- 10

Pagyamanin ---------------- 11

Isaisip ---------------- 13

Isagawa ---------------- 14

Tayahin ---------------- 15

Karagdagang Gawain ---------------- 18

Susi sa Pagwawasto ---------------- 20

Sanggunian ---------------- 21
Sa araling ito, matutunghayan mo ang iba’t ibang pangyayari sa akdang
nagpapakita ng mga suliranin. Makatutulong ito upang ikaw ay makapagbibigay ng
solusyon.
Ito rin ang magsisilbing gabay sa iyo upang lalo mong mapagyaman ang
kakayahan sa pagsusuri ng mga mahahalagang pangyayari at mga suliraning
panlipunang magagamit sa pagbibigay ng solusyon sa tunay na buhay. Halina’t
basahin at unawain mo ang mga ito.

Layunin
a. Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning
panlipunan na dapat mabigyang solusyon (F7PB-IVc-d-21)
a.1 Natutukoy ang mga pangyayari sa akdang nagpapakita ng mga
suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan sa bawat bilang.


Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.
1. Ang krimen ay isa sa mga halimbawa ng suliraning panlipunan, alin sa
sumusunod na saknong ang sumasalamin nito?
a. Ano ang kasasapitan c. “Kaya ngayon ang magaling
ng isang pinagtulungan si Don Juan ay patayin;
di ang humantong nga lamang kung patay na’y iwan natin,
sa tiyak na kasawian. ang Adarna nama’y dalhin.”
b. Kaya’t kanyang pinag-isip d. Nang makitang gulapay na’t
kung saang dako papanig; halos hindi humihinga
doo’t dito’y naririnig: hawla’t ibon ay kinuha’t
“Tayo ay magkakapatid!” nagsiuwi sa Berbanya.

1
2. Ang sumusunod ay suliraning nakapaloob sa akdang “Ibong Adarna” maliban
sa isa.
a. pagiging traydor kapag ang kaaway ay nakatalikod at walang kalaban-laban
b. paggawa nang masama para lang matakpan ang isang kahihiyan
c. pagsasamantala ng isang lider sa kaniyang kapangyarihan
d. sunod-sunoran sa iba kahit alam na nakasasama
3.
“Sa gayon ay maligayang
dadalhin ta ang Adarna,
pagharap sa ating ama
hiya natin ay wala na.”

Batay sa saknong, ang suliraning makikita ay tinatawag na crab mentality.


Ano kaya ang nararapat na solusyon nito?
a. Tanggapin ang pagkakamali at subukang iayos ito na walang inaapakang
tao.
b. Ipaglaban ang sariling kagustuhan kahit ikapapahamak ng ibang tao.
c. Huwag tanggaping maging talunan at ipakitang nakalalamang ka.
d. Ipagmayabang ang mga nakamit na tagumpay sa kakilala.
4. Ang sumusunod ay masasamang maidudulot kapag naiinggit sa buhay ng iba
maliban sa isa.
a. Nawawalan ng kumpiyansa sa sarili at naiiba ang direksiyon sa buhay.
b. Gagawin ang lahat kahit nakasasama ito upang makuha ang gusto.
c. Giginhawa ang buhay at makakamit ang tunay na kaligayahan.
d. Nagiging dahilan sa paggawa nang ikapapahamak ng iba.
5. Ang pandaraya ay isa sa mga suliraning panlipunang inilahad sa akda. Ano
kaya ang nararapat na solusyon sa suliraning ito?
a. Kinakailangang huwag tanggapin ang pagkakamali at mamuhay nang may
poot na kinikimkim.
b. Gumawa ng paraan upang matakpan ang pagkakamaling ginawa kahit ito’y
nakasasama.
c. Kapag napahiya, gumawa ng masamang balak sa kapwa upang hindi
mapag-usapan ng lahat.
d. Kinakailangang tanggapin ang pagkakamali at mamuhay nang naaayon sa
utos ng Poong Maykapal.

2
6. “Taglay ta ang karangalang magsabi ng anoman, sampung mga kahirapan sa
ginawang paglalakbay.” Anong suliraning panlipunan ang makikita sa pahayag
na ito?
a. digmaan c. pandaraya
b. pagbabalatkayo d. diskriminasyon
7. Ang sumusunod ay suliraning maiuugnay sa magiging bunga ng inggit sa
kapwa maliban sa isa.
a. magulo ang buhay c. pinag-uusapan ng ibang tao
b. hindi magiging masaya d. maayos ang relasyon sa kapwa
8. Ipinapakita sa akda ang paggamit ng dahas sa kapwa, ano kaya ang
nararapat na solusyon sa suliraning ito?
a. Manood ng bidyo upang malaman ang tamang paggawa nito.
b. Ayusin ang plano upang hindi malaman ang ginawang kasamaan.
c. Manalangin sa Panginoon upang magabayan at makaiwas sa maling
gawain.
d. Siguraduhing walang makaaalam sa iyong masamang balak upang hindi
maisumbong sa pulisya.
9. Ang sumusunod na pangyayari ay naglalahad ng suliraning panlipunan, alin
sa mga ito ang maiuugnay sa kabanatang “Bunga ng Inggit”?
a. Korapsyon ang nagiging isang isyu dahil sa pangangamkam ng mga
opisyalis ng pamahalaan sa kaban ng bayan.
b. Ang makalat na bakuran ay dulot ng kawalan nang maayos na sistema ng
pagtatapon sa basura maging kawalan ng disiplina sa sarili.
c. Isang palatandaan ng pagiging crab mentality o utak talangka ay kapag
naininiwala ang isang taong kung hindi ako magtatagumpay, dapat hindi rin
sila magtatagumpay.
d. Kahirapan ang isa sa mabibigat na problema sa ating bansa kaya madalas
sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno, gayon pa man, may
kasabihang, “Ang katamaran ay katumbas ng kahirapan.”
10. Ano ang kaisipang makikita nang pinili nina Don Pedro at Don Diego na
gawan ng masama ang kanilang bunsong kapatid?
a. pagsisinungaling c. pagmamahal
b. pagkainggit d. pagkabahala

3
11. Batay sa akda, binugbog ng dalawang nakatatandang kapatid si Don Juan.
Anong suliraning panlipunan ang masasalamin sa pangyayari?
a. pagmamahalan c. pagkabahala
b. pagiging bayolente d. pagsasamantala
12. Ang pagpapahamak sa sariling kapatid para sa pansariling kapakanan ay
isang suliraning tinatawag na . . .
a. makasarili c. pagkampi sa masama
b. mapapel sa buhay ng iba d. pagkabahala
13. Tumutukoy ito sa mga problemang nangyayari ngayon sa lipunan o maging sa
isang bansa.
a. pambansang suliranin c. pansariling suliranin
b. suliraning panlipunan d. pandaigdigang suliranin
14. Batay sa akda, gumawa nang masama ang magkapatid na Don Diego at Don
Pedro upang takpan ang kanilang kahihiyan, sa tingin mo ang ganitong
suliranin ba ay makikita pa sa kasalukuyan?
a. Oo, dahil walang ibang magawa sa buhay.
b. Hindi, dahil ang mga tao’y may maayos na disiplina.
c. Hindi, dahil maayos ang pamamahala ng kasalukuyang administrasyon.
d. Oo, dahil sa pansariling kapakanan ng ibang tao kahit ikapapahamak ng
kapwa.
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng isang suliraning
panlipunang pagbabalatkayo?
a. Binugbog nina Don Pedro at Don Diego ang bunsong kapatid.
b. Napangiti ang ama nang makita ang anak nagdala ang ibong Adarna.
c. Nagdalawang-isip si Don Pedro na pumayag sa binabalak ni Don Diego
dahil alam niyang masama ito.
d. Maayos ang pakikitungo nina Don Pedro at Don Diego sa kanilang kapatid
ngunit sa likod nito ay mayroong masamang binabalak.

4
Aralin Mga Pangyayaring may Suliraning
Panlipunang Dapat Mabigyang
1 Solusyon

Magandang buhay! Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay makasusuri


ng mga pangyayari sa akdang nagpapakita ng mga suliraning panlipunang
dapat mabigyang solusyon.
Alam kong handang-handa ka na! Simulan mo na.

Gawain 1
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang isang pangyayaring naglalahad ng
suliranin. Magbigay ng posibleng solusyon sa suliraning ito. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

Para sa ating mga Pilipino, naniniwala tayo na ang lahat ng problema


ay may kaakibat na solusyon. Ngunit bakit ang problema ng droga sa
Pilipinas ay palala nang palala?
Araw-araw maraming balitang napatutungkol sa ilegal na paggamit ng
droga, walang pinipiling edad at kasarian, bata man o matanda, maging
lalaki o babae. Patuloy na sinisira ang kani-kanilang buhay. Kailan pa kaya
ito matatapos?
Nakaaalarma ang suliraning ito sa ating lipunan. Ito’y hamon ng bawat
isa. Para sa iyo, ano kaya ang posibleng solusyon nito?

http://www.pngitem.com

MGA SOLUSYON

5
Ngayon, basahin at unawain ang akdang nasa ibaba upang masuri mo ang
mga suliraning panlipunan na makikita rito. Pero bago ang lahat, kailangan mo
munang malaman ang kahulugan ng suliraning panlipunan.

Alam mo ba kung ano


ang ibig sabihin ng
suliraning panlipunan?

http://www.pngitem.com

Ang suliraning panlipunan ay mga


problemang nangyayari ngayon sa
lipunan o sa isang bansa.
Ito ay mga suliranin o isyung
kinakaharap ng mga taong bahagi ng
isang lipunan.
Halimbawa nito ay kahirapan, krimen,
pandaraya, diskriminasyon, pagsa-
samantala, digmaan, at iba pa.
http://www.freepik.com

Ang Bunga ng Inggit


Bahagi ng Ibong Adarna

Nagsilakad na ang tatlo Inaaming may matuwid


katuwaa’y nag-ibayo; nag-umapaw kay Don Juan ay mainggit,
ngunit itong si Don Pedro ngunit bakit naman, bakit
may masama palang tungo. aapihin ay kapatid?

Nagpahuli kay Don Jua’t Urong-sulong magsalita


kay Don Diego umagapay, tumutol ay di magawa mapahamak

ito’y kanyang binulungan sa takot na mapalisya


ng balak na kataksilan. umayon nama’y masama.

6
“Mabuti pang hindi hamak Kaya’t kanyang pinag-isip
si Don Juan,” kanyang saad kung saang dako papanig;
“at sa ama nating liyag mahal doo’t dito’y naririnig:
ay marangal na haharap. “Tayo ay magkakapatid!”
malantad ang katotohanan

“Pagkat ipaglihim nama’y Nakahambing ni Don Diego


mabubunyag din ang tunay yaong si Bernardo Carpio
ang Adarna’y kay Don Juan, nagpipilit na matalo
ang sa ati’y kabiguan. ang nag-uumpugang bato.

“Kaya ngayon ang magaling Datapwa nga sa dahilang


si Don Juan ay patayin; ang tao’y may kahinaan,
kung patay na’y iwan natin, ayaw man sa kasamaa’y
ang Adarna nama’y dalhin.” nalihis sa kabutihan.
Labis na pagkatakot
katatanong
Si Don Diego ay nasindak Kaya sa kauukilkil
sa mungkahing kahahayag, ni Don Pedro’y sumagot din
matagal ding nag-apuhap na kung ating lilimii’y
ng panagot na marapat. umiiwas sa sagutin.

“Iyang iyong panukala plano


“Sino naman ang pupuwing
tila man din anong sama, ganito man ang sabihin,
alaming ang mawawala sa narito’t dala natin
kapatid nating dakila.” ang katunayang magaling?”
mapagtaksil

Malabo man yaong sagot Itong huling pangungusap


si Don Pedro ay nalugod nalaman ni Don Pedrong mapagsukab
pagkat para nang natalos pikit-mata nang kinagat
kataksila’y masusunod. ni Don Diegong napabulag.

“Kung tunay nga,” kanyang saysay Inumog na si Don Juan


“na masama ang pumatay, na di naman lumalaban
gawin nati’y pagtulungan suntok, tadyak sa katawan
na umugin ang katawan. kung dumapo’y walang patlang.
bugbugin

7
“Kung siya’y mahina na’t Itong abang inuumog binubugbog

bali-baling mga paa, ang panlaban ay himutok

walang daang makasama sa tama ng mga dagok, napalinlang

sa pag-uwi sa Berbanya. dumaraing, napalugmok.

“Maiiwan siya ritong Ano ang kasasapitan

nag-iisa’t lumpong-lumpo; ng isang pinagtulungan

walang kakanin mang ano di ang humantong nga lamang

maliban sa mga damo. sa tiyak na kasawian


di-makakilos
natin

“Sa gayon ay maligayang Nang makitang gulapay na’t

dadalhin ta ang Adarna, halos hindi humihinga,

pagharap sa ating ama hawla’t ibon ay kinuha’t

hiya natin ay wala na. nagsiuwi sa Berbanya.

“Taglay ta ang karangalang Sa palasyo nang dumating


nagsaad
magsabi na ng anoman, ang magkapatid na taksil,

sampung mga kahirapan sa ama’y agad nagturing:

sa ginawang paglalakbay. “Ang Adarna’y dala namin!”

Amang malubha ang lagay “Sinasabi ng mediko

nangiti sa napakinggan; na ito raw ibong ito

mga anak ay hinagka’t ay may pitong balahibo

Katawa’y gumaan-gaan. pawang likhang engkantado.

Ngunit nang kanyang mapunang “Kung ito raw ay kumanta,

si Don Jua’y di kasama maysakit ay giginhawa;

nag-usisa sa dalawa bakit ngayon ay para bang

sagot nito’y ewan nila. tinitikis yaring dusa?


pananamlay

Naghimutok ang hari “Ano kaya ang dahilan

katuwaan ay napawi nawala ng sa ibong pamamanglaw?

ibigin ma’y di mangiti, kung ang ibong ito’y ganyan,

ang hininga ay may tali. lalo ko lang kamatayan.”

8
matagal

Ang kangina’y kagaanan Sa gayong pag-aakala


sa laon ng karamdaman, si Don Jua’y nagunita,
ngayo’y isang kabigatan sa daloy ng kanyang luha
tila ibig nang mamatay. may larawang napabadha.
napakita

Bakit ang ibong Adarna Yaong dating panaginip


sinasabing anong ganda, na sanhi ng kanyang sakit
ngayo’y ayaw nang kumanta, ang nakitang nakaguhit
nanlulugo’t pumapangit pa! sa larawang pagkalupit.
natatanggal ang balahibo

Hari’y lubhang nananabik Kaya’t biglang pinag-agaw


na ang ibon ay umawit; ang buhay ng haring mahal,
sa paghintay, puyat, inip, salamat sa karununga’t
ngunit wala kahit himig. Naligtas sa kamatayan.

“Ito baga ang Adarna?” Ibo’y ayaw ring kumanta


naitanong sa dalawa; pagkat dinaramdam niyang
“Kung ito nga’y ano baga’t yaong may-ari sa kanya
pagkapangit pala niya! sa palasyo ay wala pa.

Malaki ang kanyang nais Uuwi sa kaharian


na ang kanyang mga awit sa pag-ibig sa magulang,
sakali mang marinig may araw ring malaman
si Don Juan ay kaniig. kasama ang nangyaring kataksilan.

Labis ang kanyang pag-asa


ang prinsipe ay buhay pa,
kung tunay mang nasa dusa
gagaling ding walang sala.

(mula sa Pinagyamang Pluma 7, pp.450-455)

9
Gawain 2
Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Ano ang naging plano ni Don Pedro upang madala nila ang ibong Adarna
pabalik sa kahariang Berbanya?
a. Pagbantaan si Don Juan upang ibigay ang ibong Adarna sa kaniya.
b. Itali si Don Juan sa puno upang hindi nila makasama sa pag-uwi.
c. Ipakain si Don Juan sa mababangis na leon sa gubat.
d. Patayin at iwanan na lamang si Don Juan sa gubat.
2. Ano ang naging bunga ng pagkainggit nina Don Diego at Don Pedro sa
kanilang bunsong kapatid na si Don Juan?
a. Napahamak si Don Juan at kumanta ang ibong Adarna.
b. Nagkasundo ang magkapatid at gumaling ang kanilang ama.
c. Napahamak si Don Juan kaya hindi kumanta ang mahiwagang ibon.
d. Naging maayos ang relasyon ng magkakapatid na ikinatuwa ng kanilang
mga magulang
3. Kung ikaw si Don Diego, ano ang gagawin mo kung mayroong nagsabi sa
iyong saktan ang iyong sariling kapatid para sa pansariling kapakanan?
a. Susunod lamang ako kapag mayroong perang kapalit nito.
b. Hindi ako magdadalawang-isip na sundin ito para sa pansariling kapakanan.
c. Susundin ko ito dahil gusto kung umangat ang aking buhay upang
kaiinggitan ng lahat.
d. Hindi ko susundin dahil ang magkapatid ay kinakailangang magmahalan at
magtulungan.
4. Bakit hindi umawit ang Ibong Adarna nang madala na ito nina Don Pedro at
Don Diego sa kaharian?
a. dahil sinumpa ng ermitanyo ang Ibong Adarna upang hindi makakanta
b. dahil ayaw niya kay Don Pedro na nagdala sa kaniya sa kaharian
c. dahil hindi si Don Juan ang nagdala sa kaniya sa kaharian

10
d. dahil naiingayan siya sa kaniyang paligid
5. Ano ang masamang maidulot ng pagkainggit sa buhay ng ibang tao?
a. Nawawalan ng kumpiyansa sa sarili at naiiba ang direksiyon sa buhay.
b. Ginagawang batayan sa paggawa ng ikapapahamak sa sarili.
c. Mawawalan ng pag-asang maging maginhawa ang buhay.
d. Mahihirapang maabot ang mga pinapangarap sa buhay.

Gawain 3
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat sa sagutang papel ang Oo
kung ang suliraning panlipunan ay nakabatay sa akdang binasa at
Hindi naman kung hindi nakabatay sa akda.
1. kaibigan sa harapan, kaaway sa talikuran
2. paggawa nang masama para lang matakpan ang isang kahihiyan
3. pagiging bayolente, pananakit, o paggamit ng dahas laban sa kapwa
4. pagiging sunod-sunoran sa iba kahit alam mong ito’y nakasasama
5. labis na pagsasamantala ng isang lider sa kaniyang kapangyarihan

Gawain 4
Panuto: Suriin ang mga suliraning panlipunan sa sumusunod na saknong na
dapat mabigyang solusyon. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.
1. “Kaya ngayon ang magaling
si Don Juan ay patayin;
kung patay na’y iwan natin,
ang Adarna nama’y dalhin.”
Batay sa saknong, ang inilalahad na suliraning panlipunan ay ang paggamit
ng dahas laban sa kapwa. Ano kaya ang maaaring solusyon sa suliraning ito?
a. Huwag piliting makamit agad ang iyong gusto, may tamang panahon ang
lahat kaya manalangin lamang upang ika’y magabayan.

11
b. Huwag gumamit ng dahas laban sa kapwa, bagkus maghanap ng ibang
paraang malalamangan mo ang kapwa.
c. Makinig sa payo ng ibang tao at gawing batayan sa paghiganti na hindi
gumagamit ng dahas laban sa kanila.
d. Huwag gumamit ng dahas ngunit ipanalangin na lamang ang ikababagsak
ng ibang tao.

2. “Urong-sulong magsalita
tumutol ay ‘di magawa
sa takot na mapalisya
umayon nama’y masama.”

Masasalamin sa saknong ang suliraning panlipunang pagkampi sa masama.


Paano ito masosolusyunan?
a. Mag-isip ng magandang plano upang hindi malaman ng iba ang
kasamaang ginawa.
b. Pagsabihan ang kapatid na ipagpatuloy ang paggawa ng masama.
c. Huwag sumang-ayon at pigilan ang kapatid sa masamang balak.
d. Hayaan na lamang ang kapatid at huwag ng makialam pa.

3. “Sa gayon ay maligayang


dadalhin ta ang Adarna,
pagharap sa ating ama
hiya natin ay wala na.”

Ang crab mentality ay kilalang suliraning panlipunang kinakaharap ng lipunan


na siyang inilahad sa saknong. Ano kaya ang nararapat na solusyon nito?
a. Pagpapakumbaba sa mga taong gusto lamang iangat ang sarili.
b. Gumawa ng kahit anong paaran upang mangibabaw ka sa lahat.
c. Bigyang pansin ang sariling kapakanan kaysa sa ikabubuti ng kapwa.
d. Pagpapakumbaba, kahit nasa taas ka na ay nakaapak pa rin ang paa sa
lupa upang hindi mamuo ang inggit.

4. “Taglay ta ang karangalang


magsabi na ng anoman,
sampung mga kahirapan 12
sa ginawang paglalakbay.”
Batay sa saknong, ang inilahad na suliraning panlipunan ay ang pandaraya.
Ano kaya ang nararapat na solusyon dito?
a. Manalanging hindi masilaw sa anomang bagay at laging isipin ang
magandang maidulot ng pagiging totoo.
b. Manalangin bago gawin ang isang pandaraya upang hindi maging mabigat
ang kasalanang nagawa.
c. Samantalahin ang kapangyarihan at gawin ang nais para sa sarili.
d. Gawing motibasyon ang pera upang maging matagumpay sa buhay.\

5. “Inumog na si Don Juan


na di naman lumalaban
suntok, tadyak sa katawan
kung dumapo’y walang patlang.”

Tumataas ang krimen sa ating bansa, ito’y ipinapakita rin sa saknong. Paano
kaya ito masosolusyunan?
a. Palihim na gagawin ang krimen upang walang makaaalam.
b. Paigtingin nang maayos ang batas upang ang lahat ay sumunod nito.
c. Maayos na disiplina ng mga mambabatas sa pagpapatupad ng batas.
d. Maghanap ng maraming kakampi upang maging matagumpay sa krimeng
gagawin.

Kailangang tandaan at huwag mong kalilimutan ang mga impormasyong


nakatala sa loob ng kahon.

Ang suliraning panlipunan ay… http://www.pngitem.com

 mga problemang nangyayari ngayon sa lipunan o sa isang bansa


13
 mga suliraning kinakaharap ng mga taong bahagi ng isang lipunan
 mga isyung dapat mabigyang solusyon
Halimbawa:
Gawain 5
Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Bakit kailangang mabigyang solusyon ang mga kinakaharap na suliranin ng
lipunan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Gawain 6
Panuto: Magbigay ng nararapat na solusyon sa sumusunod na pangyayaring
nagpapakita ng suliraning panlipunan. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

Mga Pangyayaring Nagpapakita ng Nararapat na Solusyon sa


Suliraning Panlipunan Suliranin
1. Patay ang isang lalaki matapos
pagbabarilin ng kaniyang sariling kapatid
dahil sa pag-aagawan ng lupaing naiwan
ng yumaong mga magulang.
2. Isa sa mga hamon ng bansa ay ang
tumataas na bilang ng krimeng
nagaganap ngayon tulad ng pagpatay,
pagnanakaw at panggagahasa.
3. Pinahiya ang katrabaho sa harap nang
maraming tao upang maiangat ang sarili
na siya ang nararapat sa isang mataas

14
na posisyon.
4. Hindi pantay na pagtingin o pagtrato sa
isang tao dahil sa kaniyang estado sa
buhay.

I. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng


tamang sagot sa sagutang papel.
1. Tumutukoy sa mga suliraning kinakaharap ng mga tao na bahagi sa lipunan.
a. diskrimasyon c. suliraning panlipunan
b. pananampalataya d. suliraning pansarili
2. Alin sa mga sumusunod na suliraning panlipunan ang kinakaharap kapag
hindi pantay ang pagtrato sa kapwa dahil sa kaniyang kulay at lahi?
a. crab mentality c. pagbabalatkayo
b. diskrimasyon d. pandaraya
3. Ang pandaraya ay isang suliraning panlipunan, alin sa sumusunod na
saknong ang sumasalamin dito?
a. Ano ang kasasapitan c. Sa palasyo nang dumating
ng isang pinagtulungan ang magkapatid na taksil,
di ang humantong nga lamang sa ama’y agad nagturing
sa tiyak na kasawian. “Ang Adarna’y dala namin!”
b. Itong huling pangungusap d. “Sino naman ang pupuwing
ang panlaban ay himutok ganito man ang sabihin,
sa tama ng mga dagok, sa narito’t dala natin
dumarating napalugmok. ang katunayang magaling?”
4. “Inumog na si Don Juan
na di naman lumalaban
suntok, tadyak sa katawan
kung dumapo’y walang patlang.”
Batay sa saknong, ang inilahad na suliraning panlipunan ay pananakit. Ano
ang gagawin mo upang hindi na ito muling mangyari?
a. Maging mapagmatiyag sa kapaligiran upang hindi makita ng ibang tao.

15
b. Isumbong sa kinauuukulan upang mabigyan ng leksiyon sa buhay.
c. Ilihim na lamang ang ginawa upang hindi mapahamak.
d. Tulungang gawin ang isang krimen.
5. Makikita sa akda ang pagsang-ayon ni Don Diego sa balak ni Don Pedro kahit
alam niyang masama ito. Kung ikaw si Don Diego, ano ang nararapat mong
gawin?
a. Pagsabihan ang kapatid na ipagpatuloy ang paggawa ng masama para sa
isang karangalan.
b. Mag-isip ng plano upang hindi malaman ng iba ang kasamaang ginawa.
c. Huwag sumang-ayon at pigilan ang kapatid sa masamang balak.
d. Hayaan na lamang ang kapatid at huwag nang makialam pa.
6. Bakit nagawa nina Don Pedro at Don Diego ang manakit sa bunsong kapatid?
a. upang makuha nila ang gantimpalang ibibigay ng ama
b. upang maramdaman nila ang pagmamahal ng kanilang ama
c. upang sila ang makahuli sa ibong Adarna para sa kanilang ama
d. upang takpan ang hindi matagumpay na paghuli sa ibong Adarna
7. Alin sa sumusunod na saknong ang nagpapakita ng suliraning crab mentality
o paghila pababa sa isang tao kung umaangat sa buhay?
a. Inumog na si Don Juan c. Urong-sulong magsalita
na di naman lumalaban tumutol ay di magawa
suntok, tadyak sa katawan sa takot na mapalisya
kung dumapo’y walang patlang. Umayon nama’y masama.
b. “Kaya ngayon ang magaling d. “Sa gayon ay maligayang
Si Don Juan ay patayin; dadalhin ta ang Adarna,
kung patay na’y iwan natin, pagharap sa ating ama
ang Adarna nama’y dalhin .” hiya natin ay wala na.
8. Isa sa mga suliraning panlipunang makikita sa akda ay ang pagbabalatkayo
ng magkapatid na Don Pedro at Don Diego. Ano kaya ang nararapat na
solusyon nito?
a. ipagpatuloy ito upang magawa ang binabalak
b. maging totoo at huwag magkunwari
c. gumawa ng panibagong plano
d. tanggapin ang katotohanan
9. “Urong-sulong magsalita
tumutol ay ‘di magawa 16
sa takot na mapalisya
umayon nama’y masama.”
Masasalamin sa saknong ang suliraning panlipunang pagkampi sa masama.
Paano ito masosolusyunan?
a. Mag-isip ng magandang plano upang hindi malaman ng iba ang
kasamaang ginawa.
b. Pagsabihan ang kapatid na ipagpatuloy ang paggawa ng masama.
c. Huwag sumang-ayon at pigilan ang kapatid sa masamang balak.
d. Hayaan na lamang ang kapatid at huwag ng makialam pa.
10. Ang mga katiwalian at pandaraya ay isang malaking suliraning kinakaharap ng
ating bansa. Sino-sino sa mga tauhang makikita ang may ganitong gawain?
a. Haring Fernando at Reyna Valeriana
b. Don Juan at Haring Fernando
c. Don Pedro at Don Diego
d. Don Pedro at Don Juan

Para sa bilang 11 – 15
II. Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pangyayari sa akda at tukuyin
kung anong suliraning panlipunan ang isinasaad ng bawat pangyayari.
Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.
11. Sina Don Pedro at Don Diego ay may mabuting pakikitungo sa kanilang
bunsong kapatid kapag nakaharap ito, ngunit laging mayroong masamang
plano.
a. pagbabalatkayo c. pagkampi sa masama
b. pagkabahala d. paninisi sa iba
12. Inumog, sinuntok, at tinadyakan si Don Juan ng kaniyang mga kapatid.
a. digmaan c. pandaraya
b. krimen d. pagkampi sa masama
13. Paggawa nang masama nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan upang
sila ang magdala ng ibong Adarna sa kaharian, nang sa gayon mapasakamay
nila ang karangalan.
a. makasarili c. pandaraya

17
b. mapagmataas d. paninisi sa iba
14. Sumang-ayon si Don Diego kay Don Pedro sa masamang balak para sa
kanilang bunsong kapatid.
a. mapagpanggap c. pagkampi sa masama
b. pagbabalatkayo d. pananakit
15. Pinahamak ang kapatid para sa sariling kapakanan.
a. makasarili c. pagkampi sa masama
b. pagkabahala d. pandaraya

Gawain 7
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang tula sa ibaba. Itala ang mga suliraning
panlipunan at bigyan nang nararapat na solusyon. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Mga Suliraning Mga Nararapat na


Akda
Panlipunan Solusyon
Ang Ating Lipunan
ni Shiela Mae C. Penaso

Gastusin di mapigilan
Presyo di maunawaan
Tao’y lalong nahirapan
Wala ng katahimikan.

Mundo’y lalong nagkagulo


Kahit saan mang anggulo
Oh! Mahal na pinuno
Tulungan ang mga tao.
Mga kurakot dumami
Ang Pinas lalong marumi
Dapat ibalik ang ngiti
Na biglang nawala sa labi.

18
Paano ba nawawala
Ang sakit ng ating bansa?
Anong gamit ang mabisa
Saan ito makikita?

19
20
AKLAT
o Baisa, Ailene G. et al. Pinagyamang Pluma 7. Phoenix Publishing House Inc,
2014.

MGA WEBSITE
o http://www.freepik.com
o http://www.scribd.com
o http://www.brainly.ph
o http://www.prezi.com
o http://www.pngitem.com
o http://www.blogspot.com

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10

Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang


Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph

You might also like