You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF GINGOOG CITY
JESHUA SEPTUAGUNT SCHOOL
Paaralan Jeshua Septuagint School Baitang/Antas 10
Guro Rodney E. Cago Asignatura Filipino
Petsa June 27, 2023 Araw Martes Markahan

I. LAYUNIN
PAGKATAPOS NG TALAKAYAN ANG MGA MAG-AARAL AY INAASAHANG:
A. Natutukoy nang wasto ang mga katangian ng korido.
B. Naibabahagi ang kahulugan at mga katangian ng “Korido” (F7PT-IYa-b-18).
C. Nakagagawa ng ibat-ibang presentasyon hinggil sa paksa.

II. NILALAMAN
Paksa: “AKADEMIKONG SULATIN SA REBYU NG PAGKAIN, FASHION, DISENYO NG KASUOTAN,
SHADOW PLAY, AT PUPPET SHOW”

KAGAMITANG PANGTURO
 Sanggunian: Modyul ng mga mag-aaral (Wika at Panitikan 7)
 Kagamitang panturo: Pantulong Biswal, Laptop, Ppt
 Estratehiya: Serye ng katanungan at pangkatang Gawain
 Intergrasyon sa ibang Asignatura: ESP- Naipapahayag ang sariling pananaw o pagpapasya.
III. PAMAMARAAN

A.Paghahanda  Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala sa liban/ pagtsek ng atendans
 Pagkuha ng mga takdang-aralin
 Paalala/Rules and Policies
 Pagbabalik-aral

B.Pagtuklas/Pagganyak (Message Relay)


Panuto: Papangkatin ng guro ang mag-aaral sa tatlong pangkat dahil
magkakaroon ng isang larong tinatawag na “Message Relay”. Kung
saan bawat pangkat ay bibigyan guro ng mga nakasulat ng
salita/pangungusap na may kaugnayan sa paksang tatalakayin. Ang
bawat pangkat ay magpipila upang magawa ang larong ito.
magpapaunahan lamang ang bawat pangkat sa pagbabahagi ng mga
salita/pangungusap na matatanggap sa pamamagitan ng pagbubulong
nito. Ibibigay ng guro ang bawat salita/pangungusap sa pinakahuling
bahagi ng myembro at ibubulong ito sa kanilang kasama hanggang
umabot ito sa pinaka-unang bahagi ng myembro at agad itong
isusulat sa pisara. Ang unang groupong makakakuhan ng apat (4) na
tamang sagot ay siyang mananalo at magkakaroon ng karagdagang
puntos.

MGA SA IBUBULONG NA SALITA/PANGUNGUSAP:

KAHULUGAN AT KATANGIAN NG KORIDO

IBONG ADARNA ANG ISANG HALIMBAWA NG


KORIDO

ANG KORIDO AY MAIKLING TULANG PASALAYSAY

BINUBUO ITO NG WALONG PANTIG

Pamprosesong Katanungan:

1. Pamilyar ba kayo sa panitikang Korido?


2. May mga Ideya naba kayo sa ating magiging paksa ngayong
hapon?

Talasalitaan
MGA SALITA KO, KAHULUGAN MO!

HANAY-A HANAY-B

Dampa Bahay-kubo

Pumanhik Pumasok

Engkanto Mahika

Sintas Lubid

Maiinam Magaganda

Tatalakayin ng guro ang paksang bahagi ng Modyul 2 ika-apat na


C. Talakayan markahan (Baitang 7) “Kahulugan at katangian ng Korido”. Sa
pamamagitan ng pagtatalakay ng Kahulugan at Katangian ng
Korido, at pagbibigay ng mga halimbawa ukol sa paksa. Pagkatapos
nito, ay tutungo naman ang guro sa kanyang inihandang mga
katanungan upang marinig at malaman ang kanilang mga opinyon,
Ideya, naunawaan at natutunan.

Pamprosesong katanungan:
1. Batay sa inyong naunawaan, ano ang kahulugan ng Korido?
2. Ano-ano naman ang mga katangian ng Korido?
3. Para sayo, bakit may sukat at tugmang sinusunod ang tulang Korido?
4. Paano mo naman malalaman kung walong pantig ang bawat taludtod
ng isang tulang Korido?
5. Bilang isang mag-aaral, kung pagbibigyan ka ng pagkakataong
susulat ng isang tulang Korido? Ano-anong proseso ang
gagawin/gagamitin mo upang makabuo nito?

Talento Niyo, Ipakita Niyo?


Panuto: Papangkat ng guro ang mag-aaral sa tatlong pangkat, bawat pangkat
D. Malikhaing Gawain
ay:

Unang pangkat:
 Sumulat ng isang Tulang Korido, kinakailangang isaalang-alang
ang tamang proseso sa pagsusulat nito.

Pangkat dalawa
 Gumawa ng isang maikling Spoken Poetry na nakasunod sa mga
proseso ng paggawa ng tulang korido na may Sukat, Tugma at
walong pantig bawat taludtod.

Pangkat tatlo.
 Bumuo ng isang awit na binubuo ng apat na saknong at tig-apat
na taludtod bawat saknong na may sukat at tugma.
Krayterya Napakahusay Mahusay Katamtaman Marka

Pagkamali Malikhain at Katamtaman ang Hindi kawili-


khain Kawili-wili ang kawilihan ng wili ang
presentasyon na presentasyon naging
(10 pintos)
ginawa presentasyon

Nilalaman Ang pinakitang Hindi masyadong Malayong-


presentasyon ay akma sa hinihingi ang malayo ang
(10 pintos)
akma ginawang presentasyon
presentasyon na ginawa

Koopersyo Lahat ng May dalawang Maraming


n miyembro ay miyembro na hindi miyembro ang
aktibong nakilahok sagawain hindi
(10 pintos)
nakilahok nakilahok sa
gawain

Kabuuang
puntos

E. Paglalahat GINTONG ARAL NA NAKUHA MO, IBAHAGI MO!


(HANDS-UP MOMENT)

Tatawag ang guro ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang mga


aral o pagpapahalagang natutunan. Sa pamamagitan ng HANDS-UP
MOMENT kung saan ang lahat ng mag-aaral ay magpapaunahan
sapag tataas ng kanilang dawalang kamay at kung sino man ang
makikitang huling makataas ng kamay ay siyang tatanungin at
sasagut sa mga katanungan ibibigay ng guro.

 Gabay na mga tanong?

1. Bilang isang mag-aaral, bakit kinakailangan natin pag-aaralan


Tulang Korido sa kasalukuyan?

2. Kung pagbibigyan ka ng pagkakataong isulong ang uri ng tulang


ito, sa anong paraan mo ito maisusulong?

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Piliin ang titik ng
E. Pagtataya tamang sagot.
1. Anong himig mayroon ang korido?

a. mabagal b. mabilis c. malumbay d. mahinahon

2. Ilang taludtod mayroon sa bawat saknong ang Korido?

a. dalawa c. apat
b. tatlo d. lima

3. Ano ang karaniwang paksa ng tulang Korido?

a. Pag-ibig c. pamilya
b. Pananampalatay d. pagsubok

4. Ilang pantig mayroon ang bawat saknong ng Korido?

a. anim c. walo
b. pito d. siyam

5. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng Korido maliban sa isa.


a. Prinsipe c. ang Ibong Adarna
b. Kabayong Tabla d. Florante at Laura

Panuto: Sumulat ng isang Repleksyon hinggil sa paksang tinalakay, gawin


V.TAKDANG ARALIN/
ito sa loob ng labing limang pangungusap (15). Isulat ito sa isang kalahatang
KASUNDUAN
papel

Nilalaman 15 puntos

Kahusayan 10 puntos

Kalinisan 5 puntos

Kabuuan 30 puntos

VI.PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral sa
nakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain
C. Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
makatutulong ang punong
guro?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking nagawa
na maibabahagi ko sa
kapwa guro

Ipinasa ni: GG. Rodney Cago


Gurong Mag-aaral

Ipinasa kay: GNG. Rowena Aguilar


Gurong tagapag-masid

You might also like