You are on page 1of 6

PROJECT CLAID (Contextualized and Localized Activities Intended for Distance Learning)

Pangalan: _______________________ Petsa:___________Iskor:__________

FILIPINO 7
Kuwarter 4 – Linggo 7

Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip. Nagagamit
ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay sa
mabubuong iskrip.

Pamagat: Aralin 31-35: Pagsulat ng iskrip


Layunin: Magandang araw sa iyo! Kumusta ka? Sana’y nása mabuti kang
kalagayan. Ako ang iyong makakasáma sa iyong pag-aaral ngayong panahon ng
pandemya. Alam kong sabik ka nang matuto! Bago iyon, narito ang mga layunin
natin sa modyul na ito:
1. Nababatid ang ilan sa mga mahalagang bahagi ng iskrip.
2. Nakasusulat ng orihinal na iskrip mula sa aralin 31-35,
3. Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip, at
4. Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong iskrip, at
5. Nakapagsasatao gamit ang mga iskrip na nalikha.

Konsepto:
Isa sa pinakamahalagang sangkapt ng dula ay ang iskrip. Ito ang nakasulat na
bersiyon ng mga salitang dapat sabihin o batayan sa pagganap ng mga aktor sa dula.
Ginagamit ito sa produksiyon ng programa. Mahalaga ang iskript dahil ito ang gabay ng
mga tagaganap o actor, director, ng taga-ayos ng musika, ng editor, at maging ng
technician.

Tatlong bahagi ng pagsulat ng iskrip (ayon kay Ricky Lee)

1.PRE-WRITING STAGE – bahagi ng pag-iisip at pagpaplano. Dito binubuo ang


Istorya, sino ang mga tauhang gaganap kabilang ang bida at kontrabida, saang
lugar o tagpuan gagawin, at anong banghay ang gagamitin.

2. WRITING STAGE - sumulat muna ng sentence outline. Ang sentence outline ay


isang de-numerong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa storya na
tinatawag na eksena. Repasuhin ito at pinuhin. Sa bahaging ito ay maaari nang

1
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code:F7PN-IIIj-17
Kasanayan: Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa napakinggang
halimbawa
buoin ang iskript kasama ang tauhan magsasalita, mga props,eksena at iba pa.
Kapag natapos na ang pagsusulat ay muling basahin ang nabuong iskrip.

Halimbawa ng Sentence Outline:


1. Nasa nayon si Maria Blanca at nalaman niya sa pamamagitan ng kaniyang
mahiwagang singsing ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Don Juan at
Donya Leonora.

2. Humiling si Donya Maria sa kaniyang mahiwagang singsing ng isang


magandang karosa at kasuotang pang-emperatriz.

3. Umalis si Donya Maria Blanca sakay ng magandang karuwahe.

3. REWRITING STAGE- kapag sa iyong palagay ay napino na ang iskrip ay isulat


itong muli upang maging malinaw itong maitanghal.

Halimbawa ng Iskrip:
Tauhan: Donya Maria – makapangyarihan, matalino, at magandang prinsesa
Panahon: umaga, maliwanag ngunit maulap
Tagpuan: sa nayon kung saan iniwan ni Don Juan si Donya Maria
Tagapagsalaysay: Pagkahawi ng tabing o sa pagliliwanag ng tanghalan ay
makikita ng madla si Donya Maria suot ang isang magandang damit habang
malungkot na nakatingin sa kaniyang singsing. Maraming mga puno sa
kaniyang paligid at ipinakita ang isang munting tahanang yari sa bao sa
kaniyang likuran.
Donya Maria: Don Juan, ako’y talagang iyo nang nalimot. Paano na ang iyong
mahal na prinsesa kung ikaw ay magpakasal kay Donya Leonora?
Tagapagsalaysay: Mamasdan ang singsing at hiniling sa kaniyang singsing na
tila naiyak pa.
Donya Maria: Mahiwagang singsing, ako ay bigyan ng isang magandang karosa.
Tagapagsalaysay: Lalabas ang karosa. May labindalawang kabayo at
labindawang kabataang lalaking maganda ang tindig na nakatayo sa tabi
ng karosa.

TANDAAN: Sa pagsulat ng iskrip ay mahalagang isaalang-alang ang mga


natutuhan sa gramatika at retorika. Ito ay mahalaga upang higit na maging
mabisa, makatotohanan, malinaw ang pagbuo ng iskrip at maiwasan ang maling
interpretasyon o di-pagkaunawaan bunga ng maling gamit ng mga salita o
pahayag

2
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code:F7PN-IIIj-17
Kasanayan: Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa napakinggang
halimbawa
GAWAIN 1
PANUTO: Ayusin ang ang mga ginulong letra upang mabuo ang salitang tutugon sa
larawan. Pagkatapos ibigay ang kahulugan nito.

LARAWAN GINULONG NABUONG KAHULUGAN


LETRA SALITA

A U
N
T P
N
A G

S K
E
N E
A N

L A
E
N
\ O
N
E
T B
A D

D A
O I
Y
\ O
N
E
L G

I R
T D
K
\ O
N
E
E R

GAWAIN 2

Panuto:
1. Sumulat ng iskrip na nakabatay sa aralin 31-35 ng Ibong Adarna.
2. Naglalarawan sa kasalukuyang panahong may pandemyang kinahaharap
ang mundo. Gawan ito ng sariling pamagat.
3. Kakikitaan ng angkop na mga salita at simbolo sa pagsulat ng iskrip.
Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may kaisahan at
pagkakaugnay-ugnay sa mabubuong iskrip.
4. Magbatay sa pamantayan

3
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code:F7PN-IIIj-17
Kasanayan: Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa napakinggang
halimbawa
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Mahusay na nakasulat Nakasulat Di-gaanong nakasulat
Sumulat ng Mahusay ang Nakasulat ng iskrip na di-gaanong nakasulat
iskrip na pagkakasulat ng iskrip nakabatay sa aralin ng iskrip na
nakabatay sa na nakabatay sa aralin 31-35 (saknong 1373- nakabatay sa aralin
aralin 31-35 31-35 (saknong 1373- 1717) ng Ibong 31-35 (saknong
(saknong 1717) ng Ibong Adarna. 1373-1717) ng Ibong
1373-1717) ng Adarna. Adarna.
Ibong Adarna.
(10puntos)
(30 puntos) (20 puntos)
Naglalarawan Mahusay na Nakasulat ng Di-gaanong
sa Nailalarawan ang naglalarawan sa nailarawan ang
kasalukuyang kasalukuyang kasalukuyang kasalukuyang
kalagayan ng kalagayan ng kalagayan ng panahong may
panahong may panahong may panahong may kasalukuyang
pandemyang pandemya na pandemyan na pandemya na
kinahaharap kinahaharap ang kinahaharap ang kinahaharap ang
ang mundo. mundo. Gawaan din mundo. Gawaan din mundo. Gawaan din
Gawaan din ng ng sariling pamagat. ng sariling pamagat. ng sariling pamagat.
sariling
pamagat. (30 puntos) (20 puntos) (10 puntos)

Ito’y kakikitaan Mahusay na naipakita kinakitaan ng angkop Di-gaanong


ng angkop na ng angkop na mga na mga salita at kinakitaan ng angkop
mga salita at salita at simbolo sa simbolo sa pagsulat na mga salita at
simbolo sa pagsulat ng iskrip, at ng iskrip, at nagagamit simbolo sa pagsulat
pagsulat ng nagagamit ang mga ang mga salita at ng iskrip, at
iskrip, at salita at pangungusap pangungusap nang nagagamit ang mga
nagagamit ang nang may kaisahan at may kaisahan at salita at
mga salita at pagkakaugnay-ugnay pagkakaugnay-ugnay pangungusap nang
pangungusap sa mabubuong iskrip. sa mabubuong iskrip. may kaisahan at
nang may pagkakaugnay-ugnay
kaisahan at (30 puntos) sa mabubuong iskrip.
pagkakaugnay- (20 puntos)
ugnay sa (10 puntos)
mabubuong
iskrip.

GAWAIN 3
4
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code:F7PN-IIIj-17
Kasanayan: Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa napakinggang
halimbawa
Panuto: Pagsasatao
Sa iyong ginawang iskrip ay pumili ng isang tauhan na iyong bibigyang buhay sa
paraang pagsasatao. Gamit ang vidio clip. Gumamit lamang ng kasuotan na
mayroon sa inyong tahanan “recyclable”.Magbatay sa pamantayan.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
100 puntos Napakahusay ang pagsasatao sa napiling
tauhan. Akma ang kasuotan. Gamit ang
vidio clip
90 puntos Mahusay ang pagsasatao sa napiling
tauhan. Akma ang kasuotan. Gamit ang
vidio clip
80 puntos Di gaanong mahusay ang pagsasatao sa
napiling tauhan. Akma ang kasuotan.
Gamit ang vidio clip

SANGGUNIAN:
-Baisa-Julian Ailene G., Lontoc, Nesrtor S., at Esguerra, Carmela H. Pinagyamang Pluma 7 Alinsunod
sa ktp12 Curriculum. Lungsod Quezon, Phoenix Publishing House, Inc. 2015
-https://iamcarlitorobin.wordpress.com/tag/elemento-ng-dula/

Inihanda ni:

MARISAL C. MALANA
Mataas Na Paaralang Neptali A. Gonzales
SDO Mandaluyong

Sinuri nina:

MELANIE HUMIWAT MAILYN PATRICIO MA.VICTORIA CAMPANG


Tagasuri ng Nilalaman Tagasuri ng Wika Tagasuri ng Layout

Binigyang-pansin ni:

WERLITO C. BATINGA

Superbisor, Filipino

5
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code:F7PN-IIIj-17
Kasanayan: Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa napakinggang
halimbawa
SUSI SA PAGWAWASTO
Filipino 7
Ikaapat na Markahan

Activity Sheet # 7

GAWAIN 1 GAWAIN 2 GAWAIN 3


1. Tagpuan--tumutukoy sa
pook o lugar na Mag batay sa pamantayan Mag batay sa pamantayan
pinangyarihan ng kuwento.
2. Eksena-bumubuo sa
isang yugto, ang paglabas-
masok sa tanghalan ng mga
tauhan.
3. Entablado-dito
itinatanghal ang mga bahagi
ng isang dula.
4. Diyalogo--ng mga bitaw
na linya ng mga aktor na
siyang sandata upang
maipakita at maipadama
ang mga emosyon.
5. Direktor-Siya ang
magpapaliwanag ng dulang
isinulat ng tagabuo ng iskrip
at ang pipili ng babagay na
artistang gaganap sa papel
ng mga tauhan sa dula.

6
Kuwarter 3 : Linggo: 7 Competency Code:F7PN-IIIj-17
Kasanayan: Nasusuri ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa napakinggang
halimbawa

You might also like