You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
DISTRICT LEARNING CENTER I
Region VIII
Schools Division of Tacloban City
NORTH HILL ARBOURS INTEGRATED SCHOOL
Brgy. 106, Sto. Niño, Tacloban

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


SY. 2022-2023
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba at tukuyin kung ano ang tinutukoy nila mula
sa mga ibinigay na pagpipilian sa ibaba ng bawat isa. Markahang maigi ang sagot sa sagutang
papel.
_____1. Ano ang tawag sa pagbibigay-diin o lakas sa pagbigkas ng salita?
A. pantig C. tono
B. diin D. antala
_____2. Ano ang tawag sa saglit na pagtigil sa pagsasalita upang maipabatid nang
malinaw ang kahulugan ng pahayag?
A. antala C. tono
B. diin D. pantig
_____3. Bukas luluhod ang mga tala. Ano ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit?
A. listahan C. burador
B. bituin D. papel
_____4. Ito ay tawag sa pagtaas-baba sa pagbigkas ng pantig sa iisang salita. Ito ay maaaring
bigkasin sa mataas at,karaniwan o sa mababang tono.
A. diin C. tono
B. antala D. ponema
_____5. Si Angela/Maria tawagin mo na. Ano ang kahulugan ng pahayag?
A. Ipinatatawag kay Maria si Angela.
B. Si Angela Maria ay ipinatatawag.
C. SI Maria ay tinawag ni Angela.
D. Ipinatatawag silang dalawa.
_____6. Ito ay pahulaan o patuturan.
A. Tulang Panudyo C. Tugmang de Gulong
B. Bugtong D. Palaisipan
_____7. Isa sa mga uri ng bugtong na ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika.
A. Talinghaga C. Palaisipan
B. Bugtong D. Tulang Panudyo
_____8. Ito ay mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating matatagpuan sa mga
pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus at tricycle.
A. Tugmang de Gulong C. Palaisipan
B. Bugtong D. Tulang Panudyo
_____9. Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “PARA!” sa tabi tayo hihinto.
Ano ito?
A. Bugtong C. Tulang Panudyo
B. Palaisipan D. Tugmang de Gulong
_____10. Ito ay nasa anyong tuluyan at gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang
kalutasan sa isang suliranin.
A. Palaisipan C. Bugtong
B. Tugmang de Gulong D. Tulang Panudyo
_____11.Isa sa mga katangian ng bugtong ay, ______________?
A. Sukat C. Palaisipan
B. Pahulaan D. Porma

1|Page
_____12. Ito ay tumutukoy sa karaniwang kahulugan na mula sa diksyunaryo o salitang
ginagamit sa pinaka karaniwan at simpleng pahayag .
A. denotasyon C. kasingkahulugan
B. konotasyon D. konteksto
_____13. “Wala siyang awa. Bato ang puso niya.”Ang bato sa pahayag ay ginamit sa anong uri
ng pagpapakahulugan?
A. denotasyon C. kasingkahulugan
B. konotasyon D. konteksto
______14. Palaging napagsasabihan ang mga batang nakagawa ng mga kamalian. Ibigay ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
A. napapalo C. nakukulong
B. nasisigawan D. napaaalalahanan
______15. Dapat mong tanggapin ang katotohanan na ikaw ay wala pang alam. Ibigay ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
A. realidad C. kamalian
B. kasiyahan D. kasamaan
______16. Naumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali’y nagwika, “Inay, igagalang ko
ang gusto mo.” Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.
A. di-nakaimik C. di-nakapagsalita
B. di-nagulat D. di-nabahala
_____17. Ang kanyang boses ay nagtataglay ng kapangyarihang bumabalani sa pandinig. Ano
ang kahulugan ng sinalungguhitang salita sa pangungusap na ito?
A. nakabibingi C. umuungol
B. nakalilito D. umaakit
_____18. Nagpatawing-tawing ang dahon habang nahuhulog ito mula sa sanga ng kahoy dahil
sa lakas ng hangin. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita ayon sa konteksto ng
pangungusap nito?
A. Nagpaanod-anod C. Nagpatangay-tangay
B. Lumilipad D. Sumasabay-sabay
_____19. Ito ay isang awitin na karaniwang may paksa ng pag-ibig, pangamba, pamimighati,
kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan na maaring ginawa upang maging panukso sa kapwa.
A. awitin/tulang panudyo C. korido
B. tugmang de Gulong D. tulang panukso
_____20. Alin sa sumusunod na pangkat ng mga salita ang may angkop na miyembro?
A. mangga, malunggay, upo, atis
B. kamote, ubas, ube, gabi
C. talong, malunggay, okra, kalabasa
D. palay, mais, trigo, saging
_____21.Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng tugmang de gulong?
A. Ang ‘di magbayad walang problema, sa karma palang bayad karma
B. isda ko sa Marivelis, nasa loob ang kaliskis
C. Palda, pantalon, jacket, at Pajama
D. bata batuta! isang perang muta!
_____22. Ito ay nagkukuwento tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
A. alamat C. mito
B. kuwentong-bayan D. maikling kuwento
_____23. Alin sa ibaba ang halimbawa ng alamat?
A. Ang Pilosopo C. Sinukuan
B. Pilandok D. Pinagmulan ng Pinya
_____24. Ang mga gumaganap sa kuwento na nagtataglay ng iba’t ibang karakter.
A. kaisipan C. tagpuan
B. paksa D. tauhan
2|Page
_____25.Ang mga sumusunod ay bahagi ng kuwento maliban sa isa.
A. gitna C. tuktok
B. simula D. wakas
_____26.Ito ang katapusan ng kuwento kung saan na nag-iiwan sa iyo ng mensahe na maaaring
magbigay ng panibagong paniniwala o pagpapahalaga.
A. gitna C. tuktok
B. simula D. wakas
_____27.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang puwedeng gamitin na pagsisimula ng kuwento?
A. kasunod C. pagkatapos
B. noong unang panahon D. sa huli
_____28.Ito ay sentro o pangunahing tema sa talata na kadalasan ay makikita sa unang
pangungusap.
A. detalye C. pansuportang kaisipan
B. pangunahing ideya D. wala sa nabanggit
_____29.Mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang
pangungusap.
A. detalye C. pansuportang kaisipan
B. pangunahing ideya D. wala sa nabanggit
______30. Ito ay tumutukoy sa makahulugang yunit ng tunog na karaniwang hindi
tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbolo ito ng mga notasyong
ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.
A. ponemang suprasegmental C. ponema
B. ponemang segmental D. morpema
______31. Ang pagpapantig ay tumutukoy sa bilang ng bigkas ng salita, kung gayun ilang pantig
ang bumubuo sa salitang MAYAMAN?
A. 1 B. 2
C. 3 D. 4
______32. Kung ang ponema ay mga tunog na sinisimbolo ng mga titik ng ating alpabeto, ano
naman ang morpema?
A. pagpapantig ng salita C. walang katuturang mga tunog
B. pinagsama-samang tunog D. pinagsama-samang salita
______33. Anong simbolo na nagpapahiwatig ng pagpapahaba ng bigkas ng pantig?
A. / B. ? C. . D. //
______34. Anong simbolo naman ang nagpapahiwatig ng katapusan nang pagbasa ng
pahayag o pangungusap.?
A. // B. . C. ? D. /
______35. Kung ang /ba.kah/ ay nangangahulugang cow, ano naman ang kahulugan ng
/bakah/?
A. cow B. maybe C. always D. horse

Para sa bilang 36-40: Kilalanin ang mga sumusunod na kaalamang bayan. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
A -Tula/ awiting Panudyo B -Tugmang de-gulong C -Bugtong at D - Palaisipan
36. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
37. Hayan na si Kaka! Bubuka, bukaka!
38. Ano ang makikita sa gitna ng dagat?
39. Nasa isang karera ka.Ikaw ay nasa ikaapat na puwesto. Nahabol mo ngayon ang nasa
ikatlong puwesto. Anong puwesto mo na ngayon?
40. Tutubi, tutubi wag kang pahuhuli sa batang mapanghi.

3|Page
Para sa bilang 40-45 . Piliin sa Hanay B ang tamang tugon o kahulugan ng mga salita o
pahayag sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.

HANAY A HANAY B
___41. Magandang gabi po. a. afternoon
___42. /ha.pon/ b. Si Jose ang tinutukoy, hindi ang ibang tao
___43. /hapon?/ c. Ang taong tinutukoy ay hindi si Jose
___44. Hindi siya si Jose. d. Japanese
___45. Hindi siya/ si Jose. e. pagbati

Para sa Bilang 46-50. Basahin at unawain ang teksto. Markahan ang A kung ang
nakasalangguhit ay Pangunahing Kaisipan at markahan naman ang B kung ito
ay Pantulong na kaisipan.
_______46. Ang lahat naman ay magagawan ng paraan, ang motto nga ni Mama. Salamat sa
internet! Ito ang nagsilbing tulay ko upang maipahayag sa aking mga kausap ang ilang mga
bagay na hindi ko kayang maiparating
nang tuwiran.
_______47. Lahat ng tao ay pwedeng magkamali. May kapangyarihan tayong pumili ng landas na
gusto nating tahakin minsan tayo ay nagkakamali pero hindi ibig sabihin na mali na tayo,
minsan ito ang nagiging dahilan upang tayo
ay matuto at magsumikap upang makamit natin kung ano man ito.
_______48. Ikaw ay naiiba sa lahat. Minsan ang isang salitang ito ay nakakasakit ng damdamin
pero minsan naman ito ay nakapagbibigay ng kasiyahan sa iba dahil sa panahon ngayon gusto
nilang makilala sila kung sino sila at hindi
pwedeng ikumpara o itulad sa iba.
_______49. Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagsasalita. Ang pahayag na iyon ni
Mama ang nagpapaalala sa akin kung bakit hindi ako nag-aalangang maghayag ng aking
saloobin sa internet sapagkat ito ay hindi namimili ng tao. Sa madaling salita walang
diskriminasyong nagaganap sa mundong ito.
_______50. Sa panahong ito ng pandemya dapat tayong magkaisa, upang madaling mawala ang
sakit na COVID-19 kaya dapat tayo ay sumunod sa mga protocol.

---

“Sa dulo ng paglalakbay ng aral na walang humpay,


buhay na matiwasay ang kanya namang alay.”
Inihanda ni:

DHANESSA G. CONDES
Guro sa Filipino 7

Tagasuri:

RIZALEO A. PAMOR
Principal II

4|Page
5|Page

You might also like