You are on page 1of 32

7

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Ang Pakikipagsapalaran ng
Tatlong Prinsipe
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 4: Ang Pakikipagsapalaran ng Tatlong Prinsipe
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ellen L. Generalao
Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Iret R. Flores
Tagaguhit: Mary Grace C. Asis
Tagalapat: Ellen L. Generalao
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – Filipino
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
7

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Ang Pakikipagsapalaran ng
Tatlong Prinsipe
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda


para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy
na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong ytulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na
ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa
kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.

ii
Aralin Ang Pakikipagsapalaran
1 ng Tatlong Prinsipe

Alamin Natin

Isa na namang panibagong araw ng pagtuturo at pagkatuto kaibigan.


Binabati kita dahil matagumpay mong natapos ang naunang modyul at
sigurado akong nasasabik ka nang simulan ang sumusunod na gawain.

Sa modyul na ito, tutulungan kayong alamin ang karanasan, hamon,


paglalakbay at pakikipagsapalaran ng tatlong prinsipe sa paghahanap ng
Ibong Adarna na tanging gamot para sa Amang maysakit. Matutuklasan mo
rin kung paano napagtagumpayan ng bunsong prinsipe ang pahirap na
pamamaraan sa paghuli sa Ibong Adarna. Maliban pa riyan ating makikilala
nang lubos ang natatanging katangian ng tatlong prinsipe batay sa
sitwasyong kanilang kinasasangkutan. Kaya ang tanong, sino kaya sa tatlo
ang kakampihan mo? Makatuwiran kaya ang naging desisyon ng mga binata?
Ano ang mga pangyayari sa bawat kabanata na nagpapatunay na talagang
may pagpapala sa taong marunong mapagkumbaba? Paano pinatatag ng
karanasan at kahirapan ang paniniwala ni Don Juan sa Poong Maykapal at
sa Birheng Maria? Ito ay ilan lamang sa mga tanong na ating hahanapan ng
sagot sa pagpapatuloy ng mga gawain sa modyul.

Kaya naman, sa katapusan ng modyul na ito inaasahang:

• nasusuri mo ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga


suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon (F7PB-IVc-d-21);
at
• naiuugnay mo sa sariling karanasan ang mga karanasang nabanggit sa
binasa (F7PB-IVc-d-22).

O, ano handa ka na ba kaibigan? Tara na at matuto!

1
Subukin Natin

Ngayon, kaibigan ating pag-aralan ang ilan sa mga isyung panlipunan


na inyong naririnig sa radyo at napapanood sa telebisyon. Lagyan ng A kung
ang natukoy na isyu ay may pagkakapareho ng pangyayari sa inyong sariling
komunidad at B naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Halimbawa:

Manila
Bay
Dolomite

Sagot: B

1.

Bakuna
Laban sa
COVID-19

__________

2.

Pag-
papatupad
ng Modular
Distance
Learning

__________

2
3.

Sigalot sa
West
Philippine
Sea

__________

4.
Tumataas na
Bilang ng
Namamatay
sa COVID-19
sa India

__________

5.

Pagsusuot ng
face mask at
face shield sa
pampublikong
lugar

__________

3
Aralin Natin

Sa bahaging ito, babasahin natin ang mga buod ng mga pangyayari sa


bawat kabanata upang lubos mong maunawaan ang nilalaman nito.

Si Don Pedro at Ang Puno ng Piedras Platas

Walang pag-alinlangang sinunod ng panganay na anak na si Don Pedro


ang utos ng Amang Hari na hanapin ang tanging lunas sa kanyang sakit.
Gamit ang kabayo naglakbay siya ng mahigit tatlong buwan upang hanapin
ang ibong Adarna. Sa kasamaang
palad dahil sa hirap ng landas at sa
haba ng panahon ng kanyang
paglalakbay namatay ang kanyang
kabayo. Napilitang maglakad ang
prinsipe, bitbit ang kanyang mga
gamit pinipilit niyang kayanin ang
sobrang hirap marating lang ang
bundok Tabor.
Pagdating ni Don Pedro sa
nasabing bundok, agad na
nakatawag pansin sa kanya ang
isang punongkahoy na mayabong at
may bukod tanging dahon na katulad
ng diyamante kapag ito’y nasisikatan
ng araw. Nakabibighani ang ganda ng
punong ito kaya napasyahan ni Don
Pedro na doon muna mamalagi
upang makapaghinga at para na rin
maibsan ang sobrang pagod. Sa
kanyang pamamahinga at
paglilibang, napagtanto niyang baka
ito na ang bahay ng ibong Adarna dahil sa kakaiba nitong ganda.
Unti-unti sumapit ang gabi nang mapansin niyang nagsidatingan na at
dumarapo ang grupo ng mga ibon sa punongkahoy. Tinitingnan niya ang
bawat isa na tila ba sinisiyasat kung alin dito ang ibong Adarna ngunit laking
pagtataka ni Don Pedro dahil wala ni isa man lang ibon ang dumapo sa
napakagandang puno nito.
Payapa na ang gabi ngunit hindi pa rin nakikita ni Don Pedro ang ibong
Adarna na dumapo sa puno ng Piedras Platas. Sa sobrang pagod nakatulog

4
at napahimbing ang binata at hindi na
niya namalayan ang pagdating ng
Adarna. Maya-maya’y sinimulan nito
ang pag-awit ng pitong kanta kasabay
ang pitong beses na pagbihis ng
kaakit-akit nitong balahibo. Sa
kasamaang palad, hindi nasaksihan
ni Don Pedro ang pangyayaring ito, at
dahil nga ugali ng Adarna ang
magbawas bago matulog sa sanga, si
Don Pedro’y naging batong-buhay
nang napatakan ito ng ibon.

Gabay sa Pag-unawa:

1. Bakit kaya nabigo si Don Pedro sa paghuli sa ibon?


2. Kung ikaw si Don Pedro, paano mo paghahandaan ang paghuli sa
Ibong Adarna? Ipaliwanag.

Si Don Diego at ang Awit ng Ibong Adarna

Agad na inutusan ng hari ang pangalawang anak na si Don Diego dahil


sa katagalan ng paghihintay kay Don Pedro. Agad namang sumunod ang
prinsipe sa kagustuhang mahanap ang lunas sa amang may sakit. Kagaya ng
naging karanasan ng panganay na
prinsipe, nilakbay rin ni Don Diego
ang bundok, gubat at ilog upang
mahanap ang bundok Tabor.
Buong tapang niyang binaktas ang
mga ito ng limang buwan ngunit
hindi rin sinuwerte ang binata
dahil namatay rin ang sinakyang
kabayo dahil sa sobrang pagod.
Bitbit ang pag-asa at matibay na
paniniwala ipinagpatuloy ng
pangalawang prinsipe ang
paghahanap sa Tabor.
Sa katagala’y narating din ni Don Diego ang pakay. Ganoon na lang
ang pagkabighani niya nang makita ang Piedras Platas dahil sa kakaiba
nitong ganda, ang tila gintong kinang ng mga dahon ay agad na nakatawag
ng pansin sa binata. Nagmasid siya sa buong paligid upang mahanap ang

5
mahiwagang ibon. Maya-maya pa’y nagsidatingan ang grupo ng mga ibon
ngunit ni isa sa kanila ay walang dumapo sa Piedras Platas na siyang
ipinagtataka ng prinsipe.
Matiyagang naghintay ang
prinsipe sa pagdating ng
Adarna ngunit dahil sa
sobrang pagod ay nakatulog
ito at hindi na niya
namalayan ang pagdating ng
mahiwagang ibon. Gaya ng
nakagawian, umawit ang ibon
ng pitong kanta na sinabayan
din ng pitong beses na
pagpapalit ng kanyang
kaakit-akit na balahibo. Maya-maya pa’y nagbawas na ang ibon at napatakan
si Don Diego na siyang sanhi ng pagiging buhay na bato niya.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Nagtagumpay ba si Don Diego sa kanyang misyon? Ipaliwanag.
2. Ano kaya ang dapat ginawa ni Don Diego upang hindi siya
magaya kay Don Pedro?

Si Don Juan, Ang Bunsong Anak

Nainip na sa kahihintay ang kahariang Berbanya kina Don Pedro at


Don Diego na mas lalong nagpalala sa sakit ng hari. Alalang-alala na ang
buong kaharian kung ano na ang nangyari sa dalawang prinsipe. Ibig na
sanang utusan ng Hari ang bunsong
anak kaya lang nagdadalawang-isip
siya, samantalang si Don Juan
naman ay naghihintay lang pala sa
utos ng Amang Hari. Hindi na
nakatiis ang bunsong prinsipe at
naglakas-loob na siyang magpaalam
upang hanapin ang mga kapatid.
Labag man sa kalooban nina Haring
Fernando at Reyna Valeriana wala
silang magawa dahil kinakailangan
ng pagkakataon. Kaya, bendisyon
para sa anak ay iginawad ng mag-asawa upang malayo sa kapahamakan ang
bunsong anak.

6
Bitbit ang limang tinapay, nagsimulang maglakbay si Don Juan baon
ang mataimtim na panalangin at mahigpit na paniniwala sa Birheng Marilag.
Taliwas sa nakatatandang kapatid hindi gumamit ng kabayo ang prinsipe.
Sa tuwing magkaisang buwan siya sa kanyang paglalakad isang tinapay ang
kanyang kinakain. Umabot na siya sa apat na buwang paglalakbay, ibig
sabihin isang tinapay na lang ang natitira mula sa kanyang baon. Ganoon pa
man pinapatatag ni Don Juan ang kanyang loob sa tulong ng Mahal na
Birhen upang mapagtagumpayan ang kanyang misyon.
Sa gitna ng kanyang paglalakbay
nakasalubong niya ang matandang
sugatang leproso. Nagmamakaawa siya
sa binata upang tulungan dahil sa
sobrang gutom. Kahit na alam ng
prinsipeng huling tinapay na lang ang
natitira sa kanya, walang pag-
aatubiling ibinigay niya ito sa matanda.
Hindi na niya iniisip ang sariling
kapakanan matulungan lang ang
matanda. Walang hanggang
pasasalamat ang matanda kay Don
Juan. Ipinagtapat ng binata ang totoong
dahilan kung bakit napadpad siya sa nasabing lugar. Agad naman siyang
tinulungan ng matanda at itinuro ang bahay na puwedeng mapagtanungan
para matulungan siya sa kanyang misyon.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Bakit nagdadalawang-isip si Haring Fernando na payagan ang
anak na hanapin ang Ibong Adarna?
2. Naniniwala ba kayong ang taong mapagbigay ay pinagpapala?
Ipaliwanag.

Ang Gantimpala ng Karapat-dapat

Sa kasabikang masilayan ang bahay ng Adarna, nawala ang pagod at


hirap na naramdaman ni Don Juan. Binilisan
niya ang kanyang paglalakad, pinuntahan niya
ang lugar ayon sa biling ibinigay ng matanda.
Hindi nga siya nabigo dahil sa wakas matapos ang
mahabang panahong paglalakbay narating din
niya ang tahanan ng mahiwagang ibon. Tunay
ngang kabigha-bighani ito upang mapako ang
tingin ng binata sa malalagong dahon ng puno.

7
Ngunit bigla niyang naalala ang tugon ng matanda kaya dali-dali niyang
hinanap ang bahay na tinutukoy na siyang magbibigay-gabay sa paghuli niya
sa Adarna.
Walang sinayang na sandali si Don Juan, agad niyang kinatok ang
pinto ng bahay, hindi naman siya nabigo nang pinagbuksan siya ng
ermitanyo. Walang pag-aalinlangang pinatuloy at inalok ng pagkain si Don
Juan ngunit laking gulat at pagtataka ng prinsipe dahil ang tinapay na
ibinigay niya sa matandang leproso ang siya namang inihain ng ermitanyo.
Isinalaysay ni Don
Juan ang tunay niyang
pakay kaya pinayuhan siya
ng ermitanyo kung paano
hulihin ang mahiwagang
ibon. Isang babala ang
sinabi ng ermitanyo sa
binata upang hindi
mahulog sa patibong ng
mahiwagang ibon. Isang
labaha ang ibinigay ng
ermitanyo kasama ang
pitong (7) pirasong dayap
na hinog na. Kailangang
sugatan ni Don Juan ang sarili sa tuwing kakanta ang ibon nang sa ganoon
malabanan ang mararamdamang antok. Kasabay ng pagkanta ng ibon ay
pitong beses namang nagbibihis ng balahibo ang Adarna, ibig sabihin pitong
beses na susugatan ni Don Juan ang sarili upang hindi siya magaya sa
kanyang mga kapatid na nakatulog at napatakan ng dumi ng ibon kaya
naging buhay na bato sina Don Pedro at Don Diego. Maliban sa labaha’t
dayap binigyan din si Don Juan ng sintas upang maging pantali sa ibon.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Anong nakita ni Don Juan sa dampa na nag-iwan ng malaking
tanong sa kanya?
2. Kung ikaw ang matanda, paano mo kaya ibabalik ang
kagandahang-loob na ipinakita ni Don Juan?

8
Ang Bunga ng Pagpapakasakit

Mabilis na nagpaalam si Don Juan sa ermitanyo upang marating agad


ang Tabor, pagdating sa lugar ay diretsong hinanap ang punongkahoy na
tahanan ng ibon. Matiyaga namang naghintay ang prinsipe sa pag-uwi ng
Adarna. Hindi nagtagal napansin na
ng prinsipe ang mahiwagang ibon na
tila ba pagod at galing sa malayong
lugar. Maya-maya pa’y nagsimula na
itong kumanta at nagbago na ang
bihis. Natutukso nang matulog si
Don Juan kaya’t labaha ay dinukot
at pinigaan ng dayap. Nawala ang
antok ni Don Juan dahil sa tindi ng
sakit na nararamdaman. Tiniis niya
ito ng pitong beses hanggang
matapos ang pag-awit ng Adarna.
Nang matiyak na tulog na ang ibon
dahan-dahang umakyat sa puno ang
batang prinsipe at agad sinunggaban
ang paa ng Adarna, Ginapos niya ito
gamit ang sintas na ibinigay ng
ermitanyo at buong galak na
ipinasok ang ibon sa hawla.
Pagkatapos nito, inatupag naman
ng prinsipe ang dalawang kapatid.
Sinunod niya ang utos ng ermitanyo
na punuin ng tubig ang banga at ibuhos ito sa batong nakapuntod. Nagising
ang dalawang prinsipe at laking pasasalamat nila sa bunsong kapatid.
Walang mapaglagyan ang kasiyahan nina Don Pedro at Don Juan nang
masilayan si Don Juan.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Ano ang kakaibang katangian ang nakita ni Don Juan sa tirahan
ng Adarna?
2. Paano napagtagumpayan ni Don Juan ang paghuli sa Adarna?

9
Ang Bunga ng Inggit

Puno ng kasiyahan ang tatlong prinsipe nang sila’y papauwi na, bitbit
ang Adarna at ang pag-asang gagaling na ang kanilang ama ngunit dahil sa
inggit ni Don Pedro kay Don Juan may plano itong masama laban sa kanya.
Nagpahuli si Don Pedro sa
paglalakad upang sabihin kay Don
Diego ang masamang balak nito
laban sa kapatid na si Don Juan, at
iyon ay patayin. Nang malaman ni
Don Diego ang balak ni Don Pedro
hindi niya ito sinang-ayonan subalit
tumutol man siya ay wala rin siyang
magawa dahil sa takot na
mapahamak siya bagkus nagbigay
na lang ng mungkahi si Don Pedro
na sa halip na patayin ay bugbugin na lang ang nakababatang kapatid. Kaya,
gaya ng napagplanohan walang-awang binugbog ng dalawang prinsipe si Don
Juan hanggang sa mawalan ito ng malay. Iniwan nilang gulapay at halos
hindi na humihinga si Don Juan, saka dali-daling kinuha ang hawlang
pinaglalagyan ng ibon.
Masayang ibinalita nina Don Pedro at Don Diego na dala na nila ang
Adarna. Ikinatuwa ito ng hari sa narinig na balita ngunit napansin niyang
wala ang bunsong anak kaya inusisa niya ang dalawang prinsipe.
Ikinalungkot ni Haring Fernando ang ibinalita ng dalawa. Ang kaligayahan ay
napalitan ng kalungkutan. Itinuon ang atensiyon ng Hari sa dalang ibon,
nagtaka siya dahil kabaliktaran ang hitsura nito sa sinabi ng mediko at higit
sa lahat ayaw nitong kumanta.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Ano na naman ang nabuong plano ni Don Pedro laban kay Don
Juan?
2. May naidudulot bang masama ang inggit? Ano ito?

10
Ang Dalangin ng Bunsong Anak sa Gitna ng Paghihirap

Samantala, nagising na si Don Juan, mahina at nananamlay, maga ang


buong katawan, may bali ang tadyang at dinaramdam ang gutom at sobrang
uhaw. Pilit niyang nilakasan ang sarili, ginapang niya ang damohan at
sinubukang humingi ng saklolo. Tanong sa sarili kung sino kaya ang
makatutulong sa kanya gayong malayong-malayo siya sa palasyo. Sa kawalan
ng pag-asa, tanging ang Diyos lamang ang mahingian niya ng tulong kaya
taimtim na nagdasal ang
kaawa-awang si Don Juan.
Hiniling niya sa Mahal na
Birhen na kahabagan ang
kanyang kalagayan at kahit
nahihirapan sa kanyang
sitwasyon kapakanan pa rin ng
ama ang inaalala niya. Hindi
rin niya lubos maisip kung
bakit pinagtaksilan siya ng
kanyang mga kapatid.
Humingi pa ng kapatawaran
ang binata sa ginawang kasalanan nina Don Pedro at Don Diego. Huminto
saglit sa pagdarasal si Don Juan dahil sa sobrang kirot na nararamdaman at
saka ipinako ang paningin sa kalangitan. Sinambit niya ang mga bituing nasa
langit upang tingnan ang kaawa-awa niyang kalagayan. Bumabalik sa
kanyang alaala ang larawan ng Berbanya at higit sa lahat ang
pinakamamahal niyang ina. Tinatawag niya ito na parang kausap lang ang
ina, pilit na isinusumbong ang lahat ng kanyang nararamdamang paghihirap
at pasakit.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Ano ang naging dasal ni Don Juan sa gitna ng kahirapan?
2. Kung ikaw si Don Juan, kaya mo pa bang patawarin ang iyong mga
kapatid? Bakit?

11
Ang Awit ng Ibong Adarna

May biglang sumulpot na matanda sa gitna ng gubat at tinulungan ang


prinsipe. Pinahiga niya nang maayos at ginamot ang mga sugat. Nagising ang
binata na wala nang nararamdamang sakit at kirot, naayos na rin ang butong
nabali at bumalik na sa dati ang lakas ng pangangatawan ng prinsipe. Laking
pasasalamat ni Don Juan sa tulong na ginawa ng matanda. Isang malaking
himala ang manumbalik ang lakas ng katawan at mawala ang lahat ng mga
sugat at pasa. Pinayuhan siya ng matanda na umuwi na kaagad sa Berbanya
dahil sa kalagayan ng kanyang ama. Matulin sa paglalakad ang prinsipe na
waring isang ibong lumilipad. Nang masapit ni Don Juan ang palasyo walang
mapagsidlan ang
kaligayahan ng kanyang
mga magulang. Lumuhod
siya sa nakaratay na ama
upang humalik sa kamay.
Magkagayo’y ang Adarna ay
namayagpag na mula sa
hawla at ang balahibong
pangit ay napalitan na.
Umawit nang matamis ang
ibon, isinalaysay nito ang
pakikipagsapalaran ni Don
Juan upang mahanap siya
at kung paano siya nahuli.
Ikinuwento rin ng ibon kung paano iniligtas ni Don Juan ang mga kapatid at
higit sa lahat ibinunyag niya ang kataksilang ginawa nina Don Pedro at Don
Diego. Sobrang dinaramdam ni Haring Fernando ang kapighatiang sinapit ng
bunsong anak. Pagkatapos umawit ng Adarna ay bigla na lang itong
bumangon na para bang hindi nagkasakit. Muling nanumbalik ang dating
lakas at nilapitan niya ang Adarna at niyakap si Don Juan. Galit na
binalingan ang dalawang anak, pinalayas niya ang mga ito sa kaharian at
tinanggalan ng karapatan. Kinamumuhian niya ang mga ito dahil sa
kataksilang ginawa sa mismong kapatid nila ngunit sadyang may maamong
puso at mabuting kalooban itong si Don Juan, pinakiusapan niya ang Hari
na huwag ng parusahan dahil kapatid pa rin niya ang mga ito. Dagdag pa
niya kalimutan na lang ang lahat ng mga pangyayari dahil wala ring
nababago sa kanilang samahan. Dininig naman ng Hari ang hiling ng anak
pero nagbanta ito na kung uulitin pa nila ang pagpapahamak kay Don Juan
kamatayan nina Don Pedro at Don Diego ang magiging hatol nito.

12
Gabay sa Pag-unawa:
1. Paano tinulungan ng matanda si Don Juan sa tiyak na
kapahamakan?
2. Paano nalaman ng hari ang kataksilan ng kanyang mga anak sa
bunso nilang kapatid?

Ang Muling Pagkahamak ni Don Juan

Bumalik ang dating saya at sigla sa kaharian ng Berbanya, naging


maayos din ang pakikitungo nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan.
Lahat ay namuhay nang matiwasay. Kinagigiliwan ng hari na laruin ang ibon
araw-araw kaya sa takot na mawala ito inutusan ang mga anak na bantayan
ito gabi-gabi. Tigtatatlong oras ang pagbabantay nila sa Adarna tuwing gabi
ngunit sadyang itong Don Pedro ay
masamang tao, muli na namang
bumuo ng plano na ikakapahamak
kay Don Juan. Hindi pa oras ni Don
Juan upang magbantay sa Adarna
ginising na niya ito, dahil sa sobrang
pagod sa mga gabing nagdaan
nakatulog nang mahimbing ang
batang prinsipe. Dito nakahanap ng
pagkakataon sina Don Pedro at Don
Diego na pakawalan sa hawla ang
ibon. Laking gulat ni Don Juan pagkagising dahil wala na ang ibon, sinisi
siya ng mga ito kaya pinayuhan siya ng mga kapatid na umalis na lang sa
palasyo dahil sa malaking kasalanan na kanyang nagawa. Kinabukasan,
agad silang ipinatawag ng hari dahil sa nawawalang ibon at si Don Juan.
Walang sinayang na sandali ang Hari at inutusan ang dalawa na hanapin ang
Adarna at si Don Juan.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Paano muling pinagtaksilan si Don Juan ng kanyang mga
kapatid?
2. Tama kaya ang pagsunod ni Don Juan sa payo nina Don Pedro at
Don Diego? Patunayan.

13
Sa Bundok Armenya

Naabot ni Don Juan ang Armenya, isang magandang bundok at ang


paligid ay kaaya-aya. Payapa ang lugar na ito at sagana sa kalikasan kaya
napagpasyahan ni Don Juan na dito na manirahan upang pagsisihan ang
nagawang kasalanan.
Natagpuan siya ng dalawang kapatid sa Bundok Armenya. Sa pag-
uusap nilang tatlo napagpasyahan nilang doon na manirahan. Matiwasay
silang namumuhay sa gubat na iyon hanggang isang araw naisipan nilang
mamasyal at tuklasin ang loob nito na hindi na nila napuntahan.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Paano mo ilarawan ang Bundok Armenya?
2. Bakit napasyahan nilang tatlo na doon na manirahan?

Ang Mahiwagang Balon

Sa kanilang pamamasyal sa gubat may natagpuang balon ang


magkakapatid. Naakit sila dito at ninais na alamin ang hiwagang dala nito.
Nag-usap ang tatlo kung sino ang dapat na bumaba sa balon. Unang nagwika
si Don Juan pero hinadlangan ito ni Don Pedro kaya siya ang
nagboluntaryong pumasok sa balon. Hindi naman ito sinang-ayonan ni Don
Diego pero nanaig pa rin ang desisyon ni Don Pedro kaya unang bumaba ang
binata ngunit sa kalagitnaan ay hindi niya ito kinaya. Pumalit si Don Diego
kay Don Pedro pero ganoon rin ang kanyang naging karanasan. Hindi niya
nakayanan ang hirap at dilim papasok sa balon kaya sumuko rin ang binata.
Panghuli si Don Juan, natatakot man pero pilit nilakasan ang loob para
malaman kung anong hiwagang nakabalot sa balon.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Bakit tinatawag itong mahiwagang balon?
2. Sino ang panghuling pumasok sa balon?

14
Ang Unang Pagtibok ng Puso ni Don Juan

Laging gulat nang marating ni Don Juan ang dulo ng balon. Namangha
siya sa kagandahan na taglay nito, maraming halaman at bulaklak ang
tumutubo dito na lalong nagpaganda sa paligid. Lalo siyang namangha nang
masilayan ang napakagandang prinsesa, ang
marilag na si Donya Juana ngunit sa
kagandahang namasid hindi malay ang
prinsipe sa kapalarang sinasapit ng
prinsesa. Matagal nang bihag ng higante ang
dalaga kaya humihingi siya ng saklolo kay
Don Juan. Hindi naman nag-atubiling
tumulong ang binata dahil sa pag-ibig na
naramdaman sa dalaga. Hinamon niya ang higante na makipaglaban sa
kanya at tinanggap naman ito ng higante. Pinalad si Don Juan at siya’y
nanalo. Sobrang tuwa ni Donya Juana dahil sa wakas nakalaya na rin siya
sa higante ngunit hindi pa lubos ang kanyang kasiyahan dahil maiiwan ang
nakababatang kapatid na si Donya Leonora na bihag naman ng serpiyente.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Sino ang dalagang nagpabihag sa puso ni Don Juan?
2. Makatuwiran ba ang pagtanggap ni Donya Juana sa alok na
pag-ibig ni Don Juan? Patunayan.

Si Donya Leonora at ang Serpiyente

Habang nakadungaw si Donya Leonora laking pagtataka niya dahil


isang mapangahas na nilalang ang paparating sa kanilang palasyo. Inusisa
niya ang binatang si Don Juan upang
alamin kung ano ang sadya nito. Humingi
ng paumanhin ang binata sa kanyang
kapangahasan. Ipinagtapat naman ni
Leonora nag tungkol sa serpiyente sabay
ang pagbibigay ng babala sa kapahamakan
na susuungin niya. Hinarap ng binata ang
kalaban at muli na namang siyang nagtagumpay. Matapos mapatay ang
serpiyente dali-daling nilisan ng dalawa ang lugar.

15
Gabay sa Pag-unawa:
1. Ano ang naging reaksiyon ni Donya Leonora nang makita si Don
Juan sa loob ng palasyo?
2. Paano hinarap ni Don Juan ang kalabang serpiyente?

Ang Muling Pagtataksil kay Don Juan

Pinuntahan nina Don Juan at Donya Leonora ang kapatid na si Donya


Juana. Walang sinayang na sandali ang tatlo at agad na umahon sa balon.
Lubos ang paghanga nina Don Pedro at Don Diego sa nakababatang kapatid
dahil sa mga ikinuwento nitong
pakikipaglaban sa higante at serpiyente.
Nang unang masilayan ni Don Pedro si
Donya Leonora ay agad na napaibig ang
binata ngunit napansin niyang malapit
ang loob nito sa prinsipeng si Juan kaya
muli namang nabuhay sa kanya ang
inggit at paninibugho sa kapatid. Habang
papalakad pauwi ng Berbanya ang lima
biglang naalala ni Donya Leonora ang
singsing na naiwan sa mesa. Mahalaga
ito para sa kanya dahil pamana pa ito ng
kanyang ina. Agad na nagboluntaryo si Don Juan na bumalik sa balon upang
kunin ang naiwang singsing. Sa panahong ibinababa na ang lubid na nakatali
kay Don Juan agad itong pinutol ni Don Pedro na siyang ikinabagsak ng
batang prinsipe. Huli na nang makita nila ang ginawa ng nakatatandang
kapatid kaya gayon na lang ang pagkaguho ng mundo ni Donya Leonora sa
sinapit ng binata.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Anong kataksilan na naman ang ginawa ng magkakapatid sa
bunsong prinsipe?
2. Paano kaya matitigil ang kataksilang ito nina Don Pedro at Don
Diego?

16
Ang Kahilingan ni Donya Leonora sa Hari ng Berbanya

Isinalaysay nina Don Pedro at Don Diego ang kanilang paglalakbay


upang hanapin si Don Juan ngunit kahit na anong gawing paghahanap sa
batang prinsipe ay hindi nila ito mahagilap
sa halip natagpuan nila ang dalawang
prinsesang nakatira sa balon. Ikinuwento
rin nila ang kasinungalingan na buong
tapang silang nakipag-away sa higante at
siyerpente. Nalungkot ang ama sa tinuran
ng mga binata pero ipinagmamalaki naman
niya ang mga ito nang malamang natalo nila ang kanilang mga kalaban.
Kasabay nito, nagpaalam si Don Pedro na magpapakasal na sila sa
prinsesang napupusuan. Si Don Pedro kay Donya Leonora at si Don Diego
kay Donya Juana. Tumutol si Donya Leonora sa nasabing kasal at hiniling
sa hari na hintayin munang maisagawa ang kanyang panata at iyon ay
mamuhay nang mag-isa sa loob ng pitong taon. Walang magawa ang hari
kundi igalang ang desisyon ng dalaga. Ikinasal sina Don Diego at Donya
Juana na umabot sa siyam na araw ang pagdiriwang.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Ano ang naging kahilingan ni Donya Leonora kay Haring
Fernando?
2. Sang-ayon ka ba sa naging kahilingan ng dalaga sa Hari ng
Berbanya? Ipaliwanag.

Ang Habilin sa Mahiwagang Lobo

Iniligtas ng lobo ang sugatang prinsipe na naiwan sa loob ng balon.


Dala ang tatlong bote ng tubig na galing sa Ilog Jordan ipinahid niya ito sa
mga sugat at pasa ni Don Juan. Bumalik ang lakas at sigla
ng prinsipe sa tulong ng lobo. Buong higpit na niyakap niya
ito bilang pagpapasalamat sa pagligtas sa kanyang buhay.
Matapos nito, kinuha ang singsing na naiwan ng dalaga at
saka umahon sa balon sa tulong pa rin ng lobo.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Paano tinulungan ng lobo si Don Juan?

17
Ang Payo ng Ibong Adarna kay Don Juan

Mag-isa na namang naglakbay si Don Juan. Sa sobrang pagod sa


paglalakad namahinga muna ito sa ilalim ng puno. Maya-maya’y hindi niya
namalayang dumating ang Adarna. Sabik na
sabik itong nilapitan ng binata dahil sa tagal
nang panahong nagkawalay ang dalawa.
Kumanta ang Adarna at isinalaysay ang
totoong nangyari sa araw na iyon nang
nakawala ang ibon. Pinayuhan niya ang
binata na kalimutan na lang si Leonora sa
halip pumunta sa isang kaharian sa bahaging
silangan at doon ay makilala niya ang tatlong
mutya ng pag-ibig na anak ni Haring Salermo.
Dagdag pa ng Adarna sa prinsipe nararapat na piliin niya si Maria Blanca
dahil sa taglay niyang ganda.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Ano ang ibinigay na payo ng Adarna kay Don Juan?
2. Sang-ayon ka ba sa payo ng mahiwagang ibon? Patunayan.

Ang Panaghoy ni Donya Leonora

Samantalang si Don Juan ay papunta na sa Reynong Cristal si Leonora


naman ay puno ng lumbay at hinagpis sa kanyang sinapit. Walang ibang
hinahanap at tinatawag kundi ang prinsipeng mahal. Nag-
aalala kung ano na kaya ang nangyari na minamahal ngunit
kahit ganoon pa man puno pa rin ng pag-asa si Leonora na
balang-araw makauuwi rin si Don Juan sa Berbanya at
makapiling niya ito. Huwag naman sanang siyang
kalimutan nang tuluyan dahil kung magkaganoon ikasisira
niya ito.

Gabay sa Pag-unawa:
1. Bakit sobra ang kalungkutang nararamdaman ni Donya
Leonora?

18
Gawin Natin

Nagustuhan mo ba ang mga pangyayari tungkol sa pakikipagsapalaran


ng tatlong prinsipe sa paghahanap ng mahiwagang ibon? Sana ay
napahalagahan mo ang nilalaman nito.
Sa puntong ito, ating isa-isahin ang mga isyung panlipunang nabanggit
sa buod ng mga kabanata sa ibaba. Tara na’t samahan mo akong unawain
ang hinihimay-himay na paksa.

Isyung Panlipunan Mula sa Korido

Pagiging Gahaman
sa Kapangyarihan

Pagkilala sa
Karapatan ng
mga Babae

19
Paggamit ng Dahas
Laban sa Kapwa

Pagsasamantala
ng Isang Pinuno
o Lider

Kung mapapansin ninyo, may apat (4) na isyu ang lumutang batay sa
mga pangyayari sa korido. Isa-isahin natin ang mga ito.

May mga
indibiduwal na gagawin
ang lahat ng kasamaan
mapanatili lang o di
kaya’y makamtan ang
Pagiging Gahaman
hinahangad na
sa Kapangyarihan pososiyon o
kapangyarihan kagaya
ng ginawa ni Don Pedro
laban kay Don Juan.
Ilang beses niya itong
pinagtaksilan makuha
lang ang simpatiya ng
sariling Ama.

20
Isang pagpapatunay
na hindi naging isyu ang
kasarian upang hindi
pakinggan ni Haring
Pagkilala sa
Fernando ang kahilingan ni
Karapatan ng
mga Babae Donya Leonora. Sa ngayon,
may batas na nagbibigay
proteksiyon sa kababaihan
laban sa pang-aabuso at
karahasan.

Karahasan ang naging


solusyon ng magkakapatid
upang makamtan ang nais.
Sa kasalukuyan, marami
Paggamit ng
tayong naririnig na balita
Dahas Laban sa
Kapwa tungkol sa pag-aaway kahit
na magkadugo pa.
Nakalulungkot isipin dahil
ang iba ay humahantong sa
patayan.

Kahit noon pa,


laganap na ang korapsiyon
kaya nga ang ibang nasa
katungkulan ay ayaw nang
bumaba sa posisyon.
Pagsasamantala Ganoon din ang ipinakita ni
ng isang Pinuno Don Pedro, sinamantala niya
o Lider ang pagiging panganay kaya
basta-basta na lang niyang
inuutusan ang kaniyang
kapatid na si Don Diego
dahil alam niyang hindi ito
makatatanggi sa kanya.

21
Sanayin Natin

Ngayon naman, ating suriin kung ang sumusunod na pahayag ay


tumutukoy sa isyung panlipunan na nakita mula sa binasang korido. Isulat
ang hugis-puso ( ) kung ito ay isyung panlipunan at tatsulok ( )
naman kung hindi. Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. pagtutulungan sa gitna ng kahirapan

2. pang-aabuso ng mga magulang sa mga anak

3. pang-aabuso ng mga nanunungkulan

4. pagmamahalan ng mamamayan sa isang komunidad

5. paggalang sa karapatan ng bawat isa

6. katapatan sa kapwa at sa Diyos

7. pagpapahalaga sa posisyon at kapangyarihan

8. kataksilan sa mga taong walang kalaban-laban

9. pagdadamayan ng buong komunidad sa gitna ng pagsubok

10. pagiging sunod-sunuran sa desisyon ng iba

22
Tandaan Natin

Natandaan mo pa ba kaibigan ang mahahalagang kaisipan sa ating


talakayan? Ano ang mga isyung panlipunan ang nagingibabaw mula sa
koridong inyong binasa. Gamit ang mga pahayag sa kanan, ibigay ang isyung
panlipunan. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

1.

pantay-pantay na
___________________
___________________
karapatan sa
___________ kababaihan

2.

paghahangad ng
___________________
___________________
kapangyarihan
___________ gamit ang
karahasan

3.

pang-aabuso ng
___________________
___________________
mga
___________ makapangyarihan

4.

pag-aangkin ng
posisyon o
___________________
kapangyarihan
___________________
kahit sa
___________
masamang paaran

23
Suriin Natin

Ngayong alam mo na ang mga kaisipang nais ipabatid ng koridong Ibong


Adarna, susukatin natin ang iyong kakayahan at kasanayan sa pagtukoy ng
mga kasalukuyang halimbawa o sitwasyon na may kaugnayan sa binasa.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kaisipan Mula Isyung Halimbawang Sariling


sa Korido Panlipunan Sitwasyon Karanasan
Halimbawa:

Pagtulong ng Bayanihan sa Community Namimigay ng


ermitanyo kay gitna ng Pantry damit, pagkain
Don Juan kahirapan at iba pa ang
aming pamilya
sa mga
nangangailangan
tuwing araw ng
Pasko.
1. Pagmamahal
ng mga
magulang sa
mga anak
2. Pakikitungo
ng tatlong
magkakapatid

Payabungin Natin

Handa ka na bang mag-ugnay ng pelikula o teleserye nang may


parehong tema o kaisipan sa korido? Tara na’t balikan natin ang palabas,
teleserye, pelikula na alam mo.
Magbalik-tanaw ng mga pelikula/teleserye na napanood mo na may
pagkakapareho ng mga pangyayari sa nabasang korido. Punan ang mga
hinihinging impormasyon sa loob ng dayagram.

24
Sino sa mga tauhan sa Sino sa mga tauhan sa
pelikula/teleseryeng pelikula/teleseryeng
inyong napanood ang inyong napanood ang
maihahambing mo kina maihahambing mo kay
Don Pedro at Don DonJuan?_______________
Diego?___________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________

Pamagat ng
Pelikula/Teleserye
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________

Anong isyung Paano dapat bigyang-


panlipunan ang solusyon ang mga
nangingibaw sa isyung panlipunan na
napanood na lumutang sa korido at
pelikula/teleserye?______ pelikula/teleserye?______
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________
__________________________ __________________________

Pagnilayan Natin

Pagbati kaibigan dahil nasa huling bahagi na tayo ng ating gawain.


Abot-kamay mo na ang minimithing kasanayan na nais linangin sa modyul
na ito.

Matapos malaman ang mga pangyayari tungkol sa


pakikipagsapalaran ng tatlong prinsipe sa paghahanap ng Adarna
napagtanto ko na mahalagang _________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

25
26
Tandaan Natin
1. Pagkilala sa Karapatan ng
mga Babae
2. Paggamit ng Dahas Laban sa
Kapwa
3. Pagsasamantala ng isang
Pinuno o Lider
4. Pagiging Gahaman sa
Kapangyarihan
Sanayin Natin
1.
2.
3.
4.
5. Subukin Natin
6.
1. A
7. 2. A
8. 3. B
4. B
9.
5. A
10.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

DepEd Images

K to 12 Filipino Gabay sa Pangkurikulum sa


Filipino.Department of Education 2016.

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade


7. Department of Education Curriculum and Instruction
Strand 2020.

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

28

You might also like