Professional Documents
Culture Documents
I. Layunin
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang kuwento. F6PN-Ia-g-3.1
II. Paksang Aralin
Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Kuwento.
Kuwento: Mariang Sinukuan
Sanggunian: Talindaw 6 p.p 283-284 / p. 58
Curriculum Guide blg. 2 p. 119
https://www.scribd.com/doc/118194938/buod_ng_maria_makiling
Pagpapahalaga: Pag-unawa at Pagsunod sa mga Tagubilin
III. Kagamitan
larawan ni Mariang Sinukuan, tsart, show-me-board, meta cards, Activity Cards
IV- Pamamaraan
A- Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat
Bigyang pansin ang gamit ng malaking titik sa mga pangungusap na
idididkta ng guro.
a. Si Maria ang nagtataglay ng magagandang ugali.
b. Siya ay maunawain at mahabagin sa kapwa.
B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
. Kilala mo ba si Mariang Sinukuan? Ilarawan siya.
2. Paghahawan ng balakid
Thumbs up! Thumbs Down!
Kung ang pares ng mga salita ay magkapareho ang kahulugan, ipakita ang
Thumbs Up. Kung hindi ka sang-ayon sa kahulugan ng salita, ipakita ang
Thumbs Down.
a. naglipana – nagkalat
b. naglaon – nagtagal
c. naghangad – nagnais
d. sarat – matangos ang ilong
e. iwinasiwas – iniamba
3. Pagganyak na Tanong
“Ano ang ginawa ng mga tao nang mapatunayang ang ginagawa ni Maria
ay para sa kabutihan nila?”
4. Pagbibigay ng Pamantayan sa Pakikinig
5. Paglalahad
Pakinggan ang kwento ni Mariang Sinukuan na babasahin ng guro mula sa
aklat na Talindaw 6 p. 283 – 284
Mariang Sinukuan
Noong unang panahon ay may isang diwatang napakaganda na nakatira sa
Bundok Arayat. Siya ay nagtataglay ng ilong na di naman matangos ngunit di rin
naman sarat. Ang mga labi niya ay kulay rosas. Kayumangging kaligatan ang kanyang
balat.
Si Maria ay nagtataglay ng magagandang ugali tulad ng pagiging maunawain at
mahabagin.
Sa Bundok Arayat na tinitirhan ni Maria ay natatamnan ng mga bungangkahoy at
punungkahoy. Marami ring mga hayop na nalipana rito. Ipinamimigay niya ang mga ito
sa mahihirap na tao.
Sa ginagawang ito ni Maria ay hindi na naghangad pa ang mga tao na magtungo
sa bundok bilang paggalang sa sagradong tahanan ng diwata.
Kung minsan makikita na lamang nilang nasa hagdanan ng bahay nila ang mga
bungangkahoy. Alam nilang iyon ay inilagay ni Maria habang sila ay natututlog.
Ngunit hindi naglaon, naging sakim ang mga tao. Hindi sila nagkasya sa kung
ano ang ibinibigay sa kanila kaya’t isang araw ay inakyat nila ang bundok at
nagpakasasa sa mga bungang nakita nila.
Habang pinagkukuha nila ang mga hayop at bunga ng mga puno ay biglang
dumating si Maria at isang nakasisilaw na liwanag ang nakapaligid sa diwata na labis na
ikinamalikmata ng mga tao.
Winika ni Maria sa mga kalalakihan: “Maaari ninyong kainin hangga’t gusto
ninyo ang mga bungangkahoy na makukuha ninyo ngunit hindi kayo maaaring mag-uwi
nang wala akong pahintulot.”
Pagkasabi nito, biglang nawala si Maria. Nagpatuloy sa pangunguha ang mga tao.
Wala silang takot sa pangunguha ng mga bunga at panghuhuli ng mga hayop. Itinuloy
nila ang pag-uuwi ng mga ito sa kabila ng pagbabawal ng diwata.
Habang pasan-pasan ng mga tao ang kanilang mga dala ay waring bumibigat ang
mga ito. Tiningnan nila ang kanilang mga pasan at nakita nilang ang laman ng mga sako
ay mga bato.
Noon lamang nila naalala ang banta ni Maria. Dahil sa takot, sila ay nagtatakbo
hanggang makita nila ang engkantada na nag-aabang sa kanilang daraanan.
“Binigyan ko kayo ng inyong mga pangangailangan, ngunit hindi pa rin kayo
nagkasya sa aking mga ipinagkaloob at ngayon ay nais pa ninyong magnakaw. Dahil sa
ginawa ninyo, gagawin ko kayong mga baboy.”
Sa isang iglap, iwinasiwas ni Maria ang kanyang baston at ang mga tao ay
nagging baboy.
Hindi pa rin nadala ang mga tao dahil patuloy pa rin silang nagsamantala. Dahil
ditto, nagging malupit si Maria sa mga tao dahil nais niyang ang mga ito ay magbago.
Nang lumaon, napaniwala ang mga tao na ang hangaring iyon ni Maria ay para sa
kanilang kabutihan. Sumuko sila at sumang-ayon sa nais ng diwata hanggang makilala
si Maria bilang Mariang Sinukuan.
6. Pagsagot sa Pagganyak na Tanong
7. Pagtalakay
a. Sino si Mariang Sinukuan? Ilarawan siya.
b. Saan naninirahan si Maria?
c. Ano-ano ang kabutihang ginawa ni Maria sa mga tao?
d. bakit hindi na naghangad pa na magtungo sa bundok ang mga tao?
e. Ano ang pagbabagong ginawa ng tao?
f. Paano pinarusahan ni Maria ang mga tao?
g. Sa sarili mong palagay, makatarungan ba ang pagpaparusang ginawa
ni Maria sa mga tao? Pangatwiranan mo.
h. Kung ikaw ay si Maria, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?
i. Anong aral / kaisipan ang napulot ninyo sa napakinggang kuwento?
j. Ano-anong mga tanong ang nasagot mo sa kwento?
8. Pagsasanay
Pakinggan ang kuwentong babasahin ng guro at pagkatapos sagutan ang
mga sumusunod na pagsasanay.
Kuwento: Mariang Makiling. (mula sa internet
https://www.scribd.com/doc/118194938/buod-ng-maria-
makiling)
Pangkatang Gawain
Gawin ito sa loob ng limang minuto. Pumili ng lider at iulat sa klase
ang sagot.
Pangkat I. Ikuwento Mo
Sagutin ang mga tanong gamit ang Circle Story.
Paksa
Wakas Suliranin
Maria Makiling
Noong unang panahon, maraming hayop at makahoy pa ang mgabundok. Isang
araw, isang magsasaka ang pumunta sa bundok. Mangangahoysiya at manghuhuli ng
usa upang may makain ang kaniyang pamilya.
Tuwang-tuwa ang magsasaka. Nakita rin niya ang hinahanap niyang usa.Ngunit
mabilis na nakatakbo ang usa.
Sinundan ito ng magsasaka.Naligaw siya at hindi na niya malaman ang
daangpabalik sa kanila.
Pagdating sa bahay nila iniabot niya ito sa kanyang asawa.At laking gulatniya, na
ang isang basket ng prutas at gulay ay naging ginto.
Lumipas ang ilang taon. Isang araw, nabalitaan nila na may dalawangmasamang
taong nagnakaw sa kubo sa gitna ng gubat. Nagalit si Maria. Mulanoon, hindi na siya
nagpakita sa tao.
Gayunman, hindi nila malimot angkabutihang ginawa ni Maria sa kanila.
Tinawag nilang bundok ng MariaMakiling ang bundok na tirahan ni Maria bilang alaala
sa minamahal nilangmagandang babae.
https://www.scribd.com/doc/118194938/buod-ng-maria-makiling
9. Paglalahat
Nasagot ba ninyong lahat ang mga tanong mula sa napakinggang
kuwento?
Paano ninyo nasagot ang mga tanong?
Ano ang kahalagahan ng masusing pakikinig?
V. Pagtataya
Pakinggan ang babasahing kuwento ng guro;
Alamat ng Pasig ( mula sa aklat na Talindaw 6,p. 58 )
at sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang namangka sa ilog?
2. Ano ang paulit-ulit na sinasabi ng binata habang nagsasagwan sa
Bangka?
3. Bakit gumewang ang bangka?
4. Paano humingi ng tulong kay Paz ang kasintahang nahulog sa ilog?
5. Kung ikaw ay si Paz, anong gagawin mo kung nakita mong nalulunod
ang iyong kasintahan?
VI. Takdang Aralin
Magtala ng kwento o balitang narinig ninyo sa TV Patrol. Isulat sa papel
ang sagot.
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
I. Objectives
Decode meaning of unfamiliar words using structural analysis – affixes.
III. Procedure
A. Introduction/Preparation (Opening Up)
1. Spelling (Teach)
2. Review
Using the given affixes, write as many words as you can. Write the words
beside the shadow. Share your words with the class.
B. Presentation
Affixes are letters or syllables added at the beginning or end of a root word.
Prefixes are letters or syllables placed before the root word or the base form of a word. A
root word is the form of a word after all affixes are removed. A prefix changes the
meaning of a word. For example, the word unloading has the prefix un - that means
“opposite” or “not”. unload; therefore, means the opposite of load, or not loading.
Here are more prefixes with their meaning and examples
Let us study the chart.
Discussion:
What are affixes?
What are the two kinds of affixes?
Can you give example of prefixes?
How did affect the meaning of the word?
Can you tell me about suffixes?
What are they?
Did the word’s meaning change when we add suffixes? Why?
B. Pick out the words that contain the prefix indicated in each
group. Use the dictionary if in doubt.
1. under – (less than) 2. over – (too much)
a. underage a. overture
b. underarm b. overtime
c. undergo c. overripe
d. undermanned d. overdraw
e. underchange e. overt
3. ex – (former) 4. super – (superior)
a. ex-secretary a. superfine
b. examine b. superfluous
c. ex-governor c. supersonic
d. excavate d. supervisor
e. ex-mayor c. superb
C. Closure
What have you learned today?
Tell something on how are we going to know the meaning of a word using
structural analysis?
Affixes are used with root words. Affixes add to or
change the meaning of the root or base words. Unlike root
words, affixes can never be used alone. Affixes are either
prefixes or suffixes.
Prefixes always occur at the beginning of words.
Suffixes, on the other hand, are always added at the end
of a word.
IV. Evaluation
Write the meaning of the following words on the spaces provided using your
knowledge about affixes:
1. criticism - __________________________
2. deformity - _________________________
3. director - __________________________
4. fantastic - _________________________
5. imitation - __________________________
No Classes
Celebration of National Independence Day
June 13, 2018 Wednesday
I. Layunin
Nagagamit ng wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap
sa iba’t ibang sitwasyon. F6WG-Ia-d-2
II. Paksang Aralin:
Paggamit ng mga Pangngalan at Panghalip
Sanggunian: Hiyas Sa Wika p. 54- 59
CG sa Filipino p 119
Halaw sa internet, google
Pagpapahalaga: Kalinisan sa Kapaligiran
III. Kagamitan
Larawan, show me board, tsart, metacards
1. Balik-aral ( 1 minuto)
Ano ano ang mga tanong na nasasagot ng kwento?
2. Pagwawasto ng Takdang Aralin ( 1 minuto)
B. Gawain Sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Tingnan ang larawan. Ano ang masasabi mo tungkol dito ?
B. Paglalahad: (10-15 minuto)
Matapos nating mapag-aralan noong nakaraang araw ang tungkol sa Panghalip
na panao ,mag pokus naman tayo sa Panghalip na pamatlig.
Basahin natin ang mga pangungusap .Suriin natin ito:
1. Nakita mo ba iyong isla na hugis buwaya? Doon tayo pupunta.
2. Hayan ang magkakapatid. . Malapit lang ang pinaglalaruan.
3. Itapon natin dito ang mga basurang nabubulok.
Oo, itapon natin sa basurahan, ang basurang nabubulok.
4 Nakita mo ba ang sanggola ko? Hayun ang tayug-tayog ng lipad..
5 Halika rito sa tabi ko. Lambing ng nanay sa kanyang anak.
Sa mga salitang may salungguhit na ginamit sa pangungusap may nakita
ka bang kaugnayan/ relasyon nila sa isa’t isa?
Ang panghalip pamatlig ay mayroon ding 4 na uri: Tatalakayin natin ito. Tingnan ang
tsart.
Pronominal Panawag- Patulad Panlunan
pansin
Anyong Ire, yare, ito, (h) ere Ganire, Narini,
palagyo/ iyan, (h) eto ganito, narito,
paturol yaan,iyon, (h) ayon ganyan, nariyan
yaon ganon naroon
Anyong paari
Nire, nito,
niyan, noon
Anyong
palayon Dine, dito,
diyan, doon
C. Pagtatalakay ( 10 minuto)
1. Ano -anong mga pangngalan at panghalip ang ginamit sa
pangungusap? Ano kaya ang relasyon o kaugnayan nito sa isa’t isa?
2. Sa mga panghalip na ginamit, nalaman ba natin ang layo o lapit ng
bagay na itinuturo?
3. Paano ginamit ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap?
4. Ano ang ipinapahiwatig ng salitang doon sa unang pangungusap,?
5.Ano ang distansya ng bagay na itinuturo sa taong nagsasalita?
6. Sa palagay mo, ano naman ang distansya ng kausap sa bagay na itinuturo
ng nagsasalita?
7. Bakit kaya pinalitan ng panghalip ang mga pangngalan na ginamit sa
pangungusap?
8. Bumuo ng sariling pangungusap mula sa sitwasyon: Kayo ng kaibigan
mo ay nasa parke. May nakita kang isang bagay at humanga ka. Ito ay malayo sa iyo
ngunit malapit sa kaibigan mo. Tanong: Nagamit mo ba ang pangngalan at panghalip sa
nabuo mong pangungusap? Ipaliwanag. .
4. Pagsasanay (10 minuto)
A. Pinatnubayang Pagsasanay
Piliin sa loob ng panaklong ang panghalip na pamtlig na angkop sa
pangungusap:
1. Halika na ( rito, riyan, roon ) sa katabi ko at may sasabihin akong sikreto.
2 Ito ang bisikleta ni Ben.May butas na ang gulong (nito, niyan, noon).
3. Ang aking Nanay ay (narini, nariyan, naroon) na sa Dubai.
4. Naiwan ko ang aking pencil case sa silid-aralan. Itatabi naman (ito, iyan, iyon)
ng janitor.
5. Sino kaya ang may-ari (nitong, niyang, niyong) bolang hawak ko?
B. Malayang Pagsasanay
Punuan ng angkop na panghalip na pamatlig ang patlang:
(malapit sa kausap) 1.Ate, talaga bang bigay ng Nanay mo ang lapis na _______?
(malapit sa nagsasalita) 2. Bumisita _______ ang ating meyor para tingnan ang
kalagayan sa barangay.
(malapit sa nag-uusap) 3.Pahiram nga. Kailan kaya kami makakatanggap _______ sa
aming lugar?
(malayo sa kausap) 4.________ na ba si Jam sa kantina?
(malayo sa nag-uusap) 5. Nakikita mo ba ang parking sa dulo? ______ ako paparada.
5. Paglalahat (3 minuto)
Kailan ginagamit ang panghalip na pamatlig?
Paano ginamit ang mga pronominal na panghalip sa pangungusap?
6. Paglalapat ( 3 minuto)
Magpangkat-pangkat kayo at pumili ng lider. Gumawa ng maikling dayalogo
gamit ang mga panghalip na pamatlig. Pumili ng naiibigang paksa.
V. Pagtataya (5 minuto)
Bilugan ang panghalip na pamatlig na ginamit sa pangungusaP
1. Hayun ang bukid ni Mang Kanor sa may paanan ng burol.
2..Wala na akong ibang kopya niyang hawak mong aklat. Paki ingatan
mo na lamang.
3.Makukulay ang damit sa istanteng ito... Ganyan ang bagay sa iyo..
4.May upuan sa tabi mo. Diyan ka na maupo.
5.Ganire pala ang buhay dito.
VI. Takdang Aralin (2 minuto)
Punuan ng wastong panghalip na pamatlig ang patlang.
1. Nakikita mo ba ang parkeng iyon. _______ tayo magpapahinga.
2. Ang mga aklat ay galing sa silid-aralan._________ ay galing sa silid-aralan.
3. Nakasampay sa labas ang blusa. Nakasampay sa labas _______.
4. Ang mga prutas ay regalo ni Dino._____________ ay regalo ni Dino.
5. Sa kabinet ko itinago ang kumot. Sa cabinet ko itinago ________ .
VIII. Pagninilay
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
III. Procedure
A. Introduction/Preparation (Opening Up)
1. Spelling (Follow up test)
2. Review
Guess the word based on the given definition in each number. Write the
letters of the word inside the letter blocks below the definition.
3. Motivation
Let us listen to this song. (please refer to this link.)
https://www.youtube.com/watch?v=zFzBr5LFJCA
Do you love the song?
What is it all about?
2. Presentation
Let us read this poem.
I Am Proud To Be A Filipino
Toribia Maño
You learned in the previous meeting that poems are pieces of writing written in
separate lines. Aside from sound devices and figurative language, there are elements
that add beauty and creativity to poems. These are rhyme and imagery.
Understanding Rhyme
A rhyme is a repetition of similar sounds (or the same sound) in two or more words,
most often in the final syllables of lines in poems and songs.
1. Onomatopoeia. This is a sound device which refers to the use of words whose
sounds suggest their meanings.
2. Alliteration. This is the repetition of the same initial consonant sounds at the
beginning of at least two words in a line of poetry.
3. Assonance. This is the repetition of vowel sounds at the beginning, middle or end
of at least two words in a line of poetry.
Example: “Hear the mellow wedding bells" (by Edgar Allan Poe)
Words are not just letters printed on paper. They tell of things that you see,
hear, smell, taste and feel.
Writers use words in many different ways. Sometimes they tell what happened very
simply. Sometimes to make their meaning clearer, they compare one thing to something
else. When they do this, they are using figurative language. Figurative language gives
clearness, force, and beauty to ideas and adds effectiveness to one’s speech and writing.
Figurative language uses figures of speech. A figure of speech is any use of words in a
sense different from their literal definition.
1. Simile. It is a comparison between unlike things that have one quality in common on
which the comparison is based. The comparison is indicated by the expression like or as.
The ship is like a plough plowing the sea. My love is as red as a red, red rose.
3. Discussion
What are the elements of the poem?
How are we going to analyze it?
Back to the poem, what figurative words are used here?
Are there any sound devices used? What are they?
What does the writer of the poem trying to impart us?
C. Guided Practice
I. Let’s see how well you understood the poem. Choose the letter of the phrase
that completes the sentence.
II. Complete the table below by writing down the sensory images
found in the poem “I Am Proud To Be A Filipino.”
III. Read each of the five sets of sentences that follow. For each sentence in
the set, write O if the sentence uses ordinary language and F if it uses
figurative language. Write your answer on the blank before the number.
Set 1
___1. The wind howled like a wounded animal.
___2. The wind blew hard and made noises.
___3. The wind was a wounded animal, howling in the night.
Set 2
___1. When night ends and daylight begins, people become active again.
___2. The dawn of day is like the beginning of a play.
___3. The curtain of night lifted and we, the actors come on stage once more.
Set 3.
___1. The grass formed a velvet cushion for her head.
___2. The grass felt like velvet when she put her head down.
___3. She put her head on the grass.
Set 4.
___1. He seeks money like a squirrel seeks nuts.
___2. He is selfish and greedy.
___3. He is a hungry squirrel storing loot for the future.
Set 5.
___1. When I held the ice, I felt shivers down my spine.
___2. The ice cube froze my spine.
___3. Holding the ice cube was like lying on a frozen pond.
IV. Encircle the letters of the figure of speech used and the correct
interpretation of each passage taken from the poem.
V. Recognizing Rhyme
Pick out the rhyming words in the poem “I Am Proud To Be a Filipino.”
Write your answers inside the box below.
VI. Recognizing Sound Devices
Complete the table below by writing down the sound devices found in the
poem “I Am Proud To Be A Filipino.”
E. Closure Assessment
What have you learned today?
Rhyme, sound devices, imagery, and figurative language are elements of poetry.
They are essential because they give beauty and creativity, as well as effective use
of words, ideas and images in poems.
__________ 1. When the end or final sound of two or more words are identical.
__________2. When the writer or speaker uses their descriptions to access the senses
of the reader or listener.
__________3. The repetition of consonant sounds in the beginning, middle or end of
words.
__________4. The repetition of vowel sounds.
__________5. The repetition of the initial consonant sound in the beginning of a line
or verse.
I. Layunin
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng
nakalarawang balangkas. F6PB- Ib-5.4
II. Paksang Aralin
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari sa Kuwento sa tulong ng Balangkas
Sanggunian: Curriculum Guide p. 119
Internet/ google
https://youtu.be/ep4HquRRg6M
Pagpapahalaga: Pagkakaisa
III. Kagamitan
Tsart, metacards, sipi ng kwento, laptop, projector
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Padiktang Pagsulat (1 minuto)
Bigyang pansin ang gamit ng malaking titk.
1. Nakatira sa Bundok Arayat si Maria.
2. Gusto kong kumain ng Toblerone.
2. Balik-aral ( 2minuto)
Kailan ginagamit ang panghalip na pamatlig?
B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak( 2 minuto )
Puzzle.. Iayos ang mga sumusunod na titik upang makabuo
ng salita.
a. S K A A P PAKSA
S K A A P
.b. PAUGANUPNG S PANGUNGUSAP
c. BALANGKAS
B L A GA K A S N
2. Paglalahad( 10-15 minuto)
A. Suriin natin ito. Saan ninyo ito nakikita?
I. Pamagat
_________________________________________
II. Mga Tauhan
____________________________________
III. Tagpuan
________________________________________
IV. Mga Pangyayari
A. Pangunahing Pangyayari ______________________
B. Pasidhi o Pataas na Pangyayari _________________
C. Kasukdulan
_________________________________
D. Kakalasan o Pababang Aksyon _________________
E. Wakas
_____________________________________
V. Aral na Napulot
___________________________________
B.( Tatalakayin ng guro ang kahulugan ng balangkas, mga kategorya at uri
nito.)
Hal: Divisyon- pinananandaan ng bilang Romano, I,II,III
Sabdivisyon- pinananandaan ng letra A, B, C…
Seksyon- pinananandaan ng bilang Arabiko 1, 2, 3...
Uri: Paksang balangkas
Pangungusap na Balangkas
Balangkas na Patalata
3. Pagtatalakay(10 minuto)
1. Ano ang tawag natin sa ilustrasyon sa itaas?
2. Saan at kailan natin ito ginagamit ?
3. Ilan lahat ang bahagi ng balangkas sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento? . Ano-ano ang dapat nating ilagay sa bawat bahagi ng balangkas? Isaisahin.
4. Mula sa ating binasang kuwentong Mariang Sinukuan, pagsusunod-sunurin ang mga
pangyayari gamit ang modelongbalangkas.
5. Bakit tayo gumagamit ng balangkas sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari?
4. Pagsasanay (10 minuto)
6.Paglalapat( 5 minuto)
Basahin ang kuwento ,Si Pilandok at ang Tigre. Ibigay ang
buod nito batay sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayari .gamit ang balangkas.
V- Pagtataya
Basahin ang kuwento. Pagsunod-sunorin ang mga pangyayari
gamit ang balangkas sa ibaba. .
VIII. Pagninilay
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
Kuwento: SI PILANDOK AT ANG TIGRE
Maliit man ako at maliksi. Subukan mo ako kung kaya mong mahuli.
I. Objectives
1. Analyze sound devices (personification) in a text heard. EN6LC-Ib2.3.6
2. Read aloud grade level appropriate text with an accuracy rate of 95 – 100%.EN6F-Ib-
1.6
III. Procedure
A. Introduction/Preparation (Opening Up)
1. Spelling (Supervised Study)
2. Review
Can you tell me about figure of speech? What are they? Can you cite
examples?
3. Motivation
Let us watch this video clip. (please refer to the link/ it is uploaded in group page)
https://www.youtube.com/watch?v=5LzMTjAqYd4
Ask
What have you noticed with songs?
What have you observed with the lyrics?
2. Presentation
Listen I read the poem “Dinnertime Chorus” by Sharon Hendricks
.
The teapot sang as the water boiled
The ice cubes cackled in their glass
The teacups chattered to one another
While the chairs were passing gas
The gravy gurgled merrily
As the oil danced in a pan
Oh my dinnertime chorus
What a lovely, lovely clan!
You should know that in reality, it is impossible for inanimate objects to move
and act like humans. In the poem you listened to, the writer used personification.
3. Discussion
What are the inanimate objects personified in the poem?
What specific activities did each inanimate object do?
What can you say about their activities?
Are these realistic?
Can these inanimate objects really move and act like humans?
I. Listen as your teacher read the poem “Bicycling” by Alan Loren. As you listen,
jot down all examples of personification from the poem. Write your answers
inside the wheels of the bicycle below. After you had finished answering be
ready for the choral reading of the poem.
“Bicycling”
by Alan Loren
Haven’t you seen, perhaps in a dream?
A bicycle racing next to a stream
Its two tires spinning and hugging the ground
Picking up speed with nary a sound
Its chain sometimes clanks as the tires do churn
The horn announces loudly that soon it would turn
Oh how I love to ride on my bike
But next time I think I’ll just go for a hike!
E. Closure Assessment
What have you learned today? Tell something about personification?
Personification is a very important tool used by writers to enliven and give human
attributes to inanimate objects. It adds beauty and creativity to any literary piece.
\
VI. Remarks
VII. Reflection
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
June 15, 2018 Friday
No Classes
Obsevance of Eid’l Fitr
(End of Ramadan)
June 11, 2018 Monday
No Classes
Classes were suspended due to inclement weather.