You are on page 1of 21

KAUGNAYAN NG BIRTUD

AT PAGPAPAHALAGA
MGA GAWAIN
IKATLONG MARKAHAN – UNANG LINGGO
GAWAIN #1: ALAMIN NATIN!
Subukin ang iyong kaalaman para sa
aralin sa linggong ito. Suriin ang mga
pangungusap at isulat ang TAMA o
MALI. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ang birtud ay taglay na ng tao sa
kanyang kapanganakan.
2. Ang pagpapaunlad ng ating
kalayaang gumawa ng mabuti at
umunawa sa masama ay gawain
ng isip.
3. Ang birtud ay bunga ng mahaba
at mahirap na pagsasanay.
4. Ang sining at agham ay
halimbawa ng uri ng Intelektwal
na Birtud.
5.Ang Intelektwal na Birtud ay mga
gawi na nagpapabuti sa tao na may
kaugnayan sa kilos.
6.Ang isang kilos ay maaari lamang
purihin o sisihin kung ito ay
isasagawa ng malaya.
7. Nakikilala ng isang taong nagtataglay ng
pagtitimpi ang bagay na makatwiran at
mga bagay na luho lamang.
8. Ang katatagan ay itinuturing na ina ng
mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay
ng ibang birtud ay dumadaan sa
pagiging matatag.
9.Ang birtud ng katatagan ang magtuturo
sa atin ng pag-iwas sa mga tuksong
kinakaharap natin sa araw-araw.
10. Masasabi lamang na naabot ng kaisipan
ng tao ang kanyang kaganapan kung ito
ay nagamit sa paggabay ng birtud ng
katarungan.
ANSWER KEY
1. MALI 1.TAMA
2.MALI 2.TAMA
3.TAMA 3.MALI
4.TAMA 4.MALI
5.MALI 5.MALI
GAWAIN #3:
PAGPAPAHALAGA O BIRTUD
Tukuyin kung ang mga sumusunod ay
pagpapahalaga (pinapahalagahan) o
maituturing na birtud. Isulat ang P para sa
Pagpapahalaga o pinapahalagahan at B
para sa Birtud. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Kaibigan
2. Katarungan
3. Malakas na pagtitimpi
4. Pag-aaral
5. Pagkamit ng karunungan
(wisdom)
6. Simpleng Pamumuhay
7. Kalinisan
8. Katatagan o paninidigan sa pag-iwas
sa tukso
9. Positibong pagtanggap sa sarili
10. Paulit-ulit na pagsasabuhay ng
katapatan
ANSWER KEY
1. P 1. P
2. B 2. P
3. B 3. B
4. P 4. P
5. B 5. P
GAWAIN #2: ANG AKING
PINAPAHALAGAHAN
Ilagay sa kolum A kung sino (tao) o
kung ano (bagay) ang
pinapahalagahan mo at isulat naman
sa kolum B ang dahilan. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
DAHILAN NG
SINO / ANO
PAGPAPAHALAGA
Halimbawa: Dahil sila ang nagmamahal at
Pamilya tumatanggap sa akin ng buong-buo.
1.
2.
3.
4.
5.
REPLEKSYON: BIRTUD KO,
ISASABUHAY KO
Mula sa iyong natutunan sa mga sinagutang gawain at
mga kaalaman na nakuha sa babasahin, gawin ang mga
sumusunod:
a. Magtala ka ng mga birtud na iyong isasabuhay.
b. Isulat ang mga angkop na kilos na iyong isasagawa
para sa pang-araw-araw na pagsasabuhay.
BIRTUD NA KILOS NA ISASAGAWA SA
ISASABUHAY PAGSASABUHAY
Halimbawa: Hindi pagkopya ng sagot sa
Malakas na Pagtitimpi likurang bahagi ng module.
1.
2.
3.
4.
5.
TAKDANG ARALIN: VIRTUE
CHECKLIST
Alamin natin kung nagagawa mo ba
ang mga sumusunod. Isulat ang
ginagawa, madalang na ginagawa at
hindi pa ginagawa sa iyong sagutang
papel. (COPY ALL)
GINAGAWA MADALANG HINDI PA NAGAGAWA

1. Iginagalang ko ang lahat ng tao


maging ito man ay matanda o mas
bata sa akin.
2. Hindi agad umiinit ang ulo ko
kapag nagawan ng masama upang
hindi na humaba ang gulo.
3. Tumutulong ako sa aking kapwa
tao sa abot ng aking makakaya.
4. Pinipigilan ko ang aking sarili sa mga
bagay na maaaring makaapekto sa akin
tulad ng sobrang pag FB at pag online
games.
GINAGAWA MADALANG HINDI PA NAGAGAWA

5. Nagsasabi ako ng totoo at hindi ko


itinatago ang katotohanan.
6. Nag-iingat ako sa paghuhusga,
inalam at Pinag-aaralan muna ng
mabuti ang sitwasyon bago
magdesisyon.
7. Nakapagsasabi ako ng “hindi” sa
aking barkada sa mga hindi
magagandang bagay o kilos na gusto
nilang ipagawa.
GINAGAWA MADALANG HINDI PA NAGAGAWA

8. Nagiging patas ako sa aking kapwa


at ibinibigay nang nararapat sa kanila.
9. Paggamit ng aking karunungan
upang makalikha ng mga
magagandang sining at
makabuluhang bagay.
10. Pagtitiyaga sa pag-aaral at
pagsagot ng modyul upang ako ay
matuto at makapasa sa paraang
ikakabuti ko.
SAGUTAN PAGKATAPOS NG
CHECKLIST
Pagnilayan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Alin sa mga pangungusap sa virtue checklist ang
madalang mo lang gawin at hindi pa nagagawa?
2. Suriin ang mga sinulat na pangungusap sa tanong #1,
anong mga birtud ang mga ito?
3. Ano sa palagay mo ang mga dahilan kung bakit hindi
mo madalas naisasabuhay ang mga nasabing birtud?

You might also like