You are on page 1of 13

7

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Kwarter 2 – Modyul 2:
Isip at Kilos-Loob
KARAPATANG SIPI ©2020

Edukasyon sa Pagpapakatao – Baitang 7


Kwarter 2 – Modyul 4: Isip at Kilos-Loob

Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksyon 176 na “Walang aangkin ng


anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula,


larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng
may-akda at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at
makuha ang pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na
kagamitan. Hindi kinakatawan maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-
akda ang karapatang-ari sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Flordeliza B.Siguenza


Editor: Veronica O. Bolaňos – Basud National High School
Tagasuri ng Nilalaman:
Sheila C. Bulawan – EPS II , Regional Office V
Dario I. Cabanela – EPS II, Division of Camarines Norte
Amy V. Dumail – EPS I, Division of Camarines Norte
Nagdisenyo ng Pahina: Veronica O. Bolaňos
Flordeliza B.Siguenza
Panimula

Mapalad ka talaga sa lahat ng nilalang. Mula sa nakaraang modyul ay


natutuhan mong ikaw ay bukod-tanging nilalang na nagmula sa Diyos. Ikaw ay
espesyal at natatangi kaysa sa ibang nilikha tulad ng hayop at halaman. Ipinagkaloob
sa iyo ang katawan at kaluluwa na magagamit mo upang mabuhay nang naaayon sa
iyong kalikasan. Dahil sa kakayahan mo bilang tao na angat sa ibang nilikha,
inaasahang gagamitin mo ang kakayahang ito upang piliin at gawin ang tama sa mga
sitwasyong iyong kakaharapin. Paano mo gagamitin ang iyong kakayahan mag-isip at
pumili?
Tatalakayin sa modyul na ito ang mga sitwasyon na karaniwang kinakaharap
ng isang kabataang katulad mo, at kung sakaling mangyari sa iyo ang parehong
sitwasyon paano mo ito haharapin?

Layunin

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa isip at kilos-loob.
Pamantayan sa Pagganap:
Nakagagawa ng angkop na pagpapasiya tungo sa katotohanan at
kabutihan gamit ang isip at kilos-loob
Kasanayan sa pagkatuto:
Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-
loob (EsP7PS-lla-5.2)

Paunang Pagtataya

Basahing mabuti ang sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang
papel.
1. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos

1
b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga
magulang.
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay , maging
malusog at makaramdam.
d. Tama, dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan
upang lumaki, kumilos at dumami.

2. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:


a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan
b. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
c. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
d. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip

3. Ang tao ay may tungkuling _________________________, ang isip at kilos-loob.


a. Sanayin, paunlarin at gawing ganap
b. Kilalanin, sanayin, at gawing ganap
c. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
d. Wala sa nabanggit

4. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?


a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
c. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng
karanasan

5. Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay ______________sa sarili.
a. may kontrol o pananagutan
b. may Kalayaan sa kanyang pagkilos
c. kailangang paunlarin ang katangian
d. may responsibilidad na dapat gampanan

Paglinang sa Kaalaman, Kakayahan, at Pang-unawa

Gawain 1
Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Bilang isang nagdadalaga at
nagbibinata, ano ang iyong iisipin at gagawin sa mga sitwasyong ito. Gamit ang
ilustrasyong angkop sa speech balloon, isulat sa iyong kuwaderno ang iyong iisipin at
gagawin sa bawat sitwasyon.

2
Isulat sa loob ng speech balloon na ito Isulat sa loob ng speech
ang dapat na iisipin balloon na
ito ang sasabihin o gagawin
1. Nagmamadali kayong magkaibigan. Malayo pa ang overpass o tulay kaya kahit na
may nakasulat na, “Bawal Tumawid,” hinikayat ka ng iyong kaibigang tumawid na hindi
dadaan sa overpass o tulay. Ano ang iyong iisipin at gagawin?

Higit na mabilis
tayong makakarating
sa pupuntahan natin
kung basta tatawid
na lang tayo kaysa
umakyat sa
overpass. Wala
naming pulis

2. Dahil sa pag-uwi mo nang gabi at hindi pagpaalam sa iyong mga magulang sinita
ka nila at hinihingian ng paliwanag. Takot kang sabihin ang totoo dahil baka lalo kang
pagalitan. Ano ang iyong iisipin at gagawin?

Bkit gabi ka naang


umuwi? Hindi ka
man lang nagpaalam
kung saan ka
pupunta para hindi
kami nag-aalala sa
iyo.
Saan ka nga ba
nanggaling?

3
3. Mahaba ang pila sa kantina nakita mong malapit na sa unahang pila ang iyong
bestfriend at niyaya ka niyang pumuwesto na sa kanyang likuran upang mapadali ang
pagkuha mo ng pagkain. Ano ang iyong iisipin at gagawin?

Tumayo ka na
dito sa tabi ko
para ikaw na ang
nakasunod sa
akin

4. May iniinom kang juice, nang maubos ito wala kang makitang basurahan kaya’t sabi
ng kaibigan mo itapon mo na lang ito sa iyong dinadaanan.

Iwanan mo na lang
yan diyan alangan
namang bitbit mo
yan kahit saan tayo
pumunta.

5. Pakiramdam mo ikaw ang pinag-uusapan at pinagtatawanan ng dalawa mong


kaklase. Nasabi mo ito sa iyong kaibigan at ang sabi niya komprontahin ninyo
pagkatapos ng klase. Ano ang iisipin at gagawin mo?

Mamaya pagkatapos
ng klase abangan natin
ang dalawang yan.

4
Gawain 2
Sagutin:

1. Tugma ba ang iyong sinulat na iisipin at gagawin sa bawat sitwasyon? Ipaliwanag


ang iyong sagot.

___________________________________________________________________
___________________________________________________
2. Ang iyong dapat na iniisip ay lagi bang tugma sa iyong ginagawa? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________
_________________________________________________________
3. Bakit may pagkakataong tama at wasto ang naiisip mong gawin subalit hindi ito ang
iyong ginagawa?
___________________________________________________________________
___________________________________________________
4. Kapag naisip mong hindi tama ang iyong ginawa, binabago mo ba ito? Bakit oo?
Bakit hindi?

___________________________________________________________________
______________________________________________
5. Paano mo mapangangatawanang gawin ang mga mabuting bagay na iyong iniisip?

___________________________________________________________________
___________________________________________________

Pagpapalalim

GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB

Ang tao ay mayroong isip (intellect) at kalayaan ng loob (will) kaya’t nasusuri
niya ang kanyang mga kilos at reaksyon sa bawat nakikita, naririnig, nararamdaman,
nalalasahan, at naaamoy. Dahil din sa kanyang isip at malayang loob ay kaya niyang
maunawaan ang likas niyang kalikasan. Upang mapamahalaan niya nang maayos
ang kanyang emosyon, kailangan niyang sundin ang mga batas na itinakda ng Diyos.
Ang mga ito ang gagabay sa kanya upang maunawaang nilikha siya ng isang
makapangyarihang Diyos.

5
Dahil sa isip at kilos-loob ng tao, kasabay ang iba pang pakultad na kaniyang
taglay tulad ng kalayaan, siya ay may kapangyarihan kumilos ayon sa kanyang nais
at ayon sa katuwiran.
Ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol o
pananagutan sa sarili.
Tunghayan ang talahanayan sa ibaba.

ISIP KILOS-LOOB
Gamit Pag-unawa Kumilos/gumawa
Tunguhin Katotohanan Kabutihan

Sa pamamagitan ng isip, ang tao ay naghahanap ng katotohanan; kaya’t


patuloy siyang nagsasaliksik upang makaunawa at gumawa nang naaayon sa
katotohanang natuklasan. Ang pandamdam ng tao ay nakatutulong upang makamit
ang katotohanang ito. Sa pamamagitan ng kaalamang natuklasan, maaari siyang
gumawa para sa ikabubuti ng kanyang kapwa. Dahil ang isip ng tao ay may limitasyon
at hindi ito kasing-perpekto ng Maylikha, siya ay nakadarama ng kakulangan. Kaya’t
ang paghahanap ng isip sa katotohanan ay hindi nagtatapos; ang katotohanan ang
tunguhin ng isip.
Mahalagang mahubog at masanay ang isip sa pagmumuni-muni at pagsusuri
ng mga bagay-bagay batay sa katotohanan bago gumawa ng pasya. Ang kalayaan
naman sa pagpapasya ng kalooban o will ay maisasagawa sa pagsasaalang-alang ng
kabutihan ng sarili, kapwa, kalikasan at Diyos. Sa ganitong paraan ang tao ay
magkakaroon ng kaganapan tungo sa karunungan at kabutihan.
Source: Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaral , pahina 126-128

Pagsasapuso

1. Ano ang natuklasan mo sa iniisip at ginagawa ng tao sa mga sitwasyon na


nasa mga ilustrasyon sa unang gawain?
2. Bagama’t may pagkakataong hindi nagagawa ng tao ang tama kahit pa alam
niya ito, may kakayahan pa rin ba siyang mag-isip ng paraan upang baguhin at
paunlarin ito?
Ano-ano ang natutunan mo sa modyul na ito? Isulat ang mga ito sa
pamamagitan ng isang maikling repleksiyon na binubuo ng 5 – 6 na pangungusap
lamang.

6
Paalala: Ang bahaging ito ay sasagutan mo sa iyong kuwaderno. Maaaring
mong ipasa ang iyong awtput sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagpili ng paraang
angkop sa kasalukuyan mong kalagayan ng pag-aaral (modalities). Ang nasabing
pamamaraan ay nasa ibabang bahagi ng gawaing ito.
Nararapat na ipaalam sa guro gamit ang alinman sa sumusunod upang maitala
ang naging partisipasyon mo sa gawaing ito.

PARAAN KUNG PAANO MASAGUTAN ANG GAWAIN O MAIPASA ANG


KASAGUTAN

On-line Face to face Modular

I upload ang Maaring gumawa ng Maaring ipamahagi


iyong repleksiyon isang Reflection Tree sa ng guro ang sipi ng modyul
gamit ang messenger isang bahagi ng klasrum na ito upang magamit at
o facebook page ng kung saan maaring ipaskil ng maiuwi mo sa bahay. Ito ay
inyong klase sa EsP. bawat mag-aaral ang kung wala kang pwedeng
kanilang mga sagot gamit magamit na cell phone, o
Kunin ang
ang post it paper. Sa internet connection sa
detalye sa guro kung
ganitong paraan ay bahay . ibabalik ang mga
paano kayo
mapapanatili pa rin ang modyul at kasagutan sa
magkakaroon ng
social distancing sa loob ng mga gawain depende sa
komunikasyon gamit
silid aralan. itinakda ng guro at inyong
ang internet o link kung
napagkasunduang araw.
saan ka maaring
pumunta upang
maipasa ang mga
gawaing nasagutan.

Pagsasabuhay

Nais mo bang maging tugma ang alam mong tama sa iyong ginagawa at
malinang ang tamang paggamit ng isip at kilos-loob? Narito ang paraan kung paano
ito isasakatuparan. Sundan ang mga hakbang:

1. Mula sa mga nakatalang tungkulin sa talahanayan sa ibaba, tukuyin mo ang


paraan o hakbang na iyong gagawin na dapat paunlarin upang magtugma ang
alam ng iyong isip sa ginagawa ng iyong kilos-loob Sa tapat ng bawat paraan

7
ay maglagay ng pitong kolum na kakatawan sa pitong araw na mayroon sa
isang linggo.
2. Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung naisagawa sa naturang araw ang
pamamaraan na naitala at ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa loob ng dalawang
linggo. Gamitin mong gabay ang halimbawa sa susunod na pahina.

Tungkulin na nais ARAW


isakatuparan PARAAN O
upang maging HAKBANG NA

MIYERKULES
tugma ang alam GAGAWIN

HUWEBES

BIYERNES
ng isip sa

SABADO
MARTES

LINGGO
LUNES
ginagawa ng kilos-
loob

1.Pumili ng Suriin ang liriko ng


musikang awitin
pakikinggan Maging sensitibo
sa idinidulot na
epekto nito sa akin

2. Mag-aral nang
mabuti kahit walang
pagsusulit
kailangang
magreview
3. Paggawa ng
takdang-aralin at
proyekto at
pagpapasa nito sa
takdang oras
4. Tumulong sa
mga gawaing-bahay
lalo na ang
paggawa ng
gawaing nakatakda
sa akin
5. Magkaroon ng
mabuting ugnayan
sa kapatid.

8
Pagtataya

Panuto: Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa pasyang ginawa mo sa natapos na


gawain batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos loob.

Paalala: Ang bahaging ito ay sasagutan mo sa iyong kuwaderno. Maaaring mong


ipasa ang iyong awtput sa gawaing ito sa pamamagitan ng pagpili ng paraang angkop
sa kasalukuyan mong kalagayan ng pag-aaral (modalities). Ang nasabing
pamamaraan ay nasa itaas na bahagi ng gawaing ito.

9
Susi sa Pagwawasto

Paunang Pagtataya
1. c
2. d
3. a
4. b
5. a

Rubric sa Pagtataya ng Sanaysay


(Holistic)

Score Antas ng Paggawa

9-10 May kaugnayan sa paksa, maayos ang mga pangungusap,malinis ang


presentasyon

7-8 Medyo may kaugnayan sa paksa, maayos ang mga pangungusap,


malinis ang presentasyon

5-6 Medyo may kaugnayan sa paksa, hindi gaanong maayos ang mga
pangungusap liban sa ilang lihis na ideya, malinis ang presentasyon

3-4 Kaunti lang ang may kaugnayan sa paksa, lihis ang mga ideya, hindi
gaanong malinis ang presentasyon

0-2 Kaunti lamang ang may kaugnayan sa paksa, lihis ang karamihan sa
ideya, hindi maayos ang mga pangungusap,magulo ang
presentasyon

10
Sanggunian

Babasahin:

Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral (Unang Bahagi), Unang


Edisyon , 2012

Mga larawan:
Edukasyon sa Pagpapakatao 7, Kagamitan ng Mag-aaral (Unang Bahagi), Unang
Edisyon , 2012

Mga icon:

Honesto Character, Mascot Design for “Project LOVE (Living oppurtunities for
Values Enhancement) - An Innovation”, SDO Camarines Norte, March, 2020
https://www.clipartkey.com/view/hmomxb_missions-clipart-industry-profile-objetivos-de-
la-publicidad/
https://www.123rf.com/photo_86924040_stock-vector-preparing-for-exam-icon-set.html
https://icons8.com/icons/set/heart
https://nohat.cc/f/bulb-icons-with-human-hand-and-light-beams/comvecteezy662256-
201908030713.html

11

You might also like