You are on page 1of 22

7

Araling Panlipunan
Quarter 2 – Module 2-3, Lesson 1:
Sistemang Pampolitika at Pang-
Ekonomiya ng Kabihasnang
Sumer, Indus at Shang
Araling Panlipunan – Ikapito na Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 2-3, Aralin 1 : Sistemang Pampolitika at Pang-
Ekonomiya ng Kabihasnang Sumer, Indus at Shang

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa aklat na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad

Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gladys L. Canon , Jean G. Mira

Editor: Joel A. Agripa, Salve G. Olazo, Ross G. Gime, Joelando A. Cailing, Noli C.
Huet, Eleonora F. Polo, Josephine C. Ebuenga, Owen N. Castillo

Tagasuri: Owen N. Castillo

2
Pamagat: Sistemang Pampolitika at Pang-Ekonomiya ng

Kabihasnang Sumer, Indus at Shang

Panimula

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga sinaunang Kabihasnan sa

Asya. Matututunan dito ang Sistemang Pampolitika at Pang-

Ekonomiya ng Kabihasnang Sumer, Indus at Shang. Malalaman dito

kung sino ang kanilang pinuno gayundin kung ano ang mga tungkulin

nito sa kanilang mga nasasakupan. Higit sa lahat makikita rin dito ang

sistema ng kanilang ekonomiya na may malaking papel sa kanilang

pang-araw-araw na pamumuhay.

Layunin

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang maisasakatuparan mo

ang sumusunod:

1. Natutukoy ang mga lugar na pinag-usbungan ng mga sinaunang

kabihasnan sa Asya;

2. Nauunawaan ang sistemang pampolitika at pang-ekonomiya ng

kabihasnang Sumer, Indus at Shang; at

3. Nabibigyang-halaga ang mga sistemang pangkabihasnan sa

pang-araw-araw na buhay.

1
Talahulugan

 ARTIFACT – kagamitang ginawa ng tao para sa isang

mahalagang layunin

 ARTISANO– taong eksperto o may kaalaman sa paggawa ng

isang bagay

 CITADEL- isang tanggulan na nagsisilbing proteksiyon sa mga

tao kapag merong mananakop.

 FERTILE CRESCENT- matabang lupa na hugis arko na

matatagpuan sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates na pinagsibulan

ng kabihasnang Sumer.

 GRID-PATTERN- mga lansangang nakadisenyong kuwadrado

 PARING-HARI- ang kinikilalang pinuno ng mga lunsod- estado

 ZIGGURAT- isang templo na binubuo ng maraming palapag. Ang

tuktok ang nagsisilbing dambana ng mga diyos ng mga Sumerian.

Panimulang Pagsubok

Handa ka na ba sa mga gawaing inihanda para sa iyo? Subukin

natin ang iyong kaalaman tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya

at ang kanilang sistemang pampolitika at pang-ekonomiyang ipinairal sa

pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong.

Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.

1. Sa anong ilog-lambak umusbong ang kabihasnang Sumer?

2
a. Indus at Huang Ho c. Huang Ho at Tigris

b. Nile at Tigris d. Tigris at Euphrates

2. Ang unang sibilisasyon sa India ay umusbong sa _________.

a. Ganges b. Indus c. Brahmaputra d. Salween

3. Alin sa sumusunod ang hindi tungkulin ng paring-hari?

a. tagapamagitan sa diyos at mamamayan

b. tagakolekta ng buwis

c. tagapamahalang ispiritwal at politikal

d. tagapamahala sa ekonomiya ng nasasakupan

4. Anong lungsod ang pinakakilala sa kabihasnang Shang?

a. Mohenjo-Daro c. Anyang

b. Uruk d.Lagash

5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang hindi katangian ng Harappa bilang

punong-lungsod sa kabihasnang Indus?

a. May maayos na arkitektura ng mga bahay na yari sa bato

b. May mga kalyeng mayroong paagusan ng tubig

c. May sariling kusina at karaniwang binubuo ng tatlong palapag

d. May sistema ng pagsulat na cuneiform na nababasa sa mga

pampublikong lugar

Mga Gawain sa Pagkatuto

3
Sa nakaraang modyul, napag-aralan mo ang tungkol sa kahulugan,

konsepto at mga katangian ng mga sinaunang kabihasnan. Tara Na!!!

Balikan ang nakaraang aralin at Sagutin mo ang gawain na nasa ibaba.

Gawain 1: BALIK-ARAL

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon sa ibaba ang salitang tinutukoy sa

pangungusap at isulat ang iyong sagot sa patlang.

________1. Mula sa salitang Latin na “civitas “ na nangangahulugang

lungsod.

________2. Pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming

pangkat ng tao.

________3. Binubuo ng sining, kaugalian, paniniwala at gawaing

panlipunan.

________4. Paniniwala sa isang makapangyarihan na tagapaglalang.

________5. Isang organisasyon na may namamahala at nagpapatupad

ng batas.

Gawain 2a – HULAAN MO!!!

Sisimulan na natin ngayong makamit ang mga layunin sa modyul

na ito. Upang maisakatuparan mo ito, sagutin at gawin ang mga gawain

na inihanda para sa iyo.

Panuto: Tukoyin ang sumusunod na salita. Ayusin ang mga letra upang

mabuo ang salita at isulat sa patlang.

1. Ilog sa India na pinagmulan ng sinaunang sibilisasyon.


4
UDSNI _______________

2. Isa sa sinaunang kabihasnan na umusbong sa Fertile Crescent.

ERMUS _______________

3. Ilog na naging sentro ng kabihasnan sa Tsina.

ANGUH OH __________________

4. Nangangahulugang “Lupain sa pagitan ng dalawang ilog”

MAIOTOPESMA ___________________

5. Ang mga sinaunang kabihasnan ay umusbong sa mga ___________

KABMAL LOGI ___________________

Gawain 2b – BASA-UNAWA

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang teksto sa ibaba tungkol sa

sistemang pampolitika at pang-ekonomiya ng Sumer, Indus at Shang.

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya

Ang mga labing nahukay ay nagpapatunay na ilan sa mga unang

kabihasnan ay sumibol sa Asya. Ito ay ang mga kabihasnang sa may

lambak ng ilog Tigris at Euphrates sa Mesopotamia (Iraq ngayon);

Kabihasnang Indus (bahagi ng Pakistan ngayon) at Kabihasnang Tsino

sa may lambak ng ilog Huang Ho. Ang Sumer ang unang kabihasnang

sumibol sa rehiyong Fertile Crescent - matabang lupa na hugis arko na

matatagpuan sa pagitan Ilog Tigris at Euphrates. Ang mga nabanggit na

kabihasnan ay nagsimula sa mga lambak ng ilog dahil sa nabatid ng

5
mga unang tao ang kahalagahan ng tubig sa pang-araw-araw na

pamumuhay

Sistemang Pampolitika at Pang-ekonomiya ng Sumer

Ang Sumer ay itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang

kabihasnan sa buong daigdig. Matatagpuan ito sa Mesopotamia o

lambak- ilog ng Tigris at Euphrates. Tinatayang noong 3500- 3000

B.C.E. umusbong ang mga lungsod na lumitaw sa Sumer, Ang Ur, Uruk,

Eridu, Lagash, Nippur at Kish. Karaniwang hugis parihaba ang mga

lungsod sa Sumer at may malalapad na kalsada. Pinalilibutan ito ng

mataas at malapad na pader.

Ang pinakamalaking gusali ay ang ziggurat at nasa tuktok nito

ang dambana para sa mga diyos at diyosa ng lungsod. Nasa gitna ng

lungsod ang ziggurat at mula rito nakaplano ang pagkakalatag ng iba

pang gusali. Malapit sa templo ang imbakan ng mga butil, palasyo na

may malawak na bakuran at bahay ng iba pang opisyal ng lungsod. May

lugar din para sa mga bazaar at pagawaan ng mga artisano na may mga

kasanayan tulad ng manghahabi at karpintero. Papalayo sa sentro ang

bahay ng iba pang ordinaryong mamamayan. Dahil nagsasarili ang

bawat lungsod at ang sentro ng lipunang Sumer ay nakatuon sa

relihiyon, karaniwang tinatawag din na templong-estado ang mga

lungsod-estado ng Sumer.

Mahalaga ang naging papel na ginampanan ng pari-hari

(priest-king) sa mga templong –estado. May mga tungkulin siya na

6
dapat tuparin bilang tagapamahalang ispritwal at bilang isang pulitikal

na lider. Bilang pari, inaasahan mula sa kanya na maging

tagapamagitan sa diyos at mamamayan. Sa kabilang banda, bilang hari,

siya ang tagapagpatupad ng batas upang mapanatili ang kapayapaan

at kaayusan sa lipunan. Siya rin ang namamahala sa sistema ng

irigasyon. Sa kalaunan, ang mga templong-estado ay maglalaban para

sa pagkontrol sa limitadong lupa at tubig sa Mesopotamia. Magiging

madalas ang digmaan na nangangailangan ng pinunong militar. Ang

pinunong militar ang papalit sa paring-hari bilang pinuno ng templong-

estado.

Pinagkunan: ASYA Pag-usbong ng Kabihasnan ( Grace Estela C.

Mateo, Ph.D. et al )pp. 131-132

Sistemang Pampolitika at Ekonomiya ng Indus

Ang kabihasnan ng Timog Asya ay umusbong sa lambak-ilog ng

Indus. Noong 1922 lamang natuklasan ng mga arkeologo ang mga labi

ng sinaunang kabihasnan dito. Nakahukay ng mga labi ng lungsod at

bahay na gawa sa ladrilyo at mga selyong luwad. Ngunit marami pa ring

misteryo ang hindi nasasagot. Hindi pa rin naiintindihan ng mga

eksperto ang kahulugan ng mga simbolo sa pagsusulat ng

Indus.Walang tala ukol sa mga pangalan ng kanilang hari o reyna. Wala

ring tala ng pagbubuwis at kahit isang literatura.

Ang nalalaman lamang ay nabuo ang ilang lungsod sa Indus noong

bandang 2700 B.C.E.Sa limang lungsod na nahukay, dalawa ang

7
pinakaimportante:ang Harappa at Mohenjo-Daro.Tinatayang umabot

ang populasyon ng dalawang lungsod sa 40,000 katao.Sinasabi rin na

ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus.

Tulad ng Sumer, kulang sa mga likas na yaman ang Indus: walang

metal, kahoy at mga semi-precious stone sa kapaligiran nito. Pagsasaka

ang pangunahing gawain sa Harappa at Mohenjo-Daro. Upang

makontrol ang pag-apaw ng tubig sa Indus gumawa ng irigasyon, kanal

at dike ang mga Dravidian. Ilan sa kanilang pananim ay trigo, barley,

melon, date at bulak. Ang bulak ay hinahabi upang maging tela. May

mga artisano na gumagawa ng palayok at alahas na gawa sa garing,

ginto at kabibe. May ilang gumagawa ng iba’t ibang kagamitang gawa

sa bronse, tanso at pilak. Nakipagkalakalan din tungo sa mga baybayin

ng Arabian Sea at Persian Gulf hanggang sa mga lungsod ng Sumer.

Lulan ng mga barkong Dravidian ang samu’t saring produkto tulad ng

perlas, tanso, tela, ivory comb at mga butil.

Ang Harappa at Mohenjo-Daro ay mga planado at organisadong

lungsod. May dalawang bahagi ito-citadel o mataas na moog at

mababang bayan. Karaniwang nasa bandang kanluran ng lungsod ang

moog. Nakapatong ito sa plataporma na ladrilyo nay may taas na 12

metro at napapalibutan ng pader. Nasa loob ang malaking imbakan ng

mga butil, malaking bulwagan at pampublikong paliguan.

Maayos na nakalatag sa ibaba ng moog ang lansangang

nakadisenyong kwadrado (grid-patterned) at pare-pareho ang sukat na

bloke ng kabahayan. Ang mga bahay ay gawa sa mga ladrilyo na

8
pinatuyo sa pugon. Pantay ang bubong ng bahay at karaniwang

nakatalikod sa pangunahing kalsada. May ilang bahay na umaabot sa

dalawa o tatlong palapag at may balkonahe na gawa sa kahoy. Ang

bawat bahay ay may isa o higit pang banyo o palikuran na nakakonekta

sa sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa. Patunay

ito na may sentralisadong pamahalaan ang mga Dravidian na

namamahala ng paggawa ng mga pampublikong proyekto tulad ng

irigasyon at imburnal.

Maraming artifact na laruan ang nahukay sa mga lungsod estado ng

Harappa at Mohenjo-Daro. Samantala, wala namang artifact ng

anumang armas o sandata. Marahil, ang mga Dravidian ay mahilig

maglibang at maglaro. Ngunit ang kawalan ng sandata ay nagpapakita

ng kawalan ng digmaan at pag-aaway.

Pinagkunan: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Grace Estela C.

Mateo, Ph.D. et al)pp.134- 135

Sistemang Pampolitika ng Kabihasnang Shang

Bandang 1700 B.C.E. lumitaw ang kabihasnang Shang sa lambak

ng Huang Ho.Lumago ang populasyon mula sa mga naunang

neolitikong pamayanan at mas umunlad ang kaalaman sa

agrikultura.Walang gaanong irigasyon na ginawa sa Shang ngunit

lagging masagana ang ani dahil sa loess,tubig ng ilog at tubig-ulan sa

lambak ng Huang Ho.

9
May pitong lungsod ng Shang ang nahukay ng mga arkeologo. Ang

pinakasikat ay ang Anyang. May maayos na paglalatag ang mga

kabahayan at estruktura ng Shang. Nasa gitna ng lungsod ang iba pang

pampublikong gusali at tirahan ng mga opisyal. May nakatalagang lugar

para sa mga pagawaan ng mga artisan at iba pang mamamayan. Ang

buong lungsod ay napalilibutan ng mataas na pader. Nakahukay rin ang

mga iskolar ng sementeryo sa labas ng lungsod. Dito nakita ang

malalaking libingan ng mga hari at matataas na opisyal ng Shang.

Nakita sa isa sa mga nahukay na libingan ng hari, ang malaking kahoy

na kabaong, maraming kagamitang bronse,buto at bato. Natagpuan na

kasamang inilibing ang ilang pugot na bangkay ng alipin. Ang mga ulo

ng mga alipin ay nakalagay sa isang bahagi at ang kanilang mga

katawan sa kabilang lugar. Ngunit pinaka-importanteng nahukay sa mga

sementeryo ng Shang ay ang iba’t ibang buto na ginamit sa mga ritwal.

Ang mga butong ito ay tinawag na oracle bones, mga butong pang-

orakulo o panghuhula.

Ang mga pinuno ng Shang ay mga paring-hari na namumuno sa mga

hukbong gumagamit ng mga sandatang bronse at sasakyang chariot.

Madalas ang digmaan at marami ang mga rebelyon kaya mahalaga ang

pagkakaroon ng malakas na hukbo upang mapanatili ang

kapangyarihan ng hari.

Pinagkunan: Asya Pag-usbong ng Kabihasnan (Grace Estela C.

Mateo, Ph.D. et al )

10
Gawain 2c- I-CHART MO!

Panuto: Upang mapaunlad ang iyong kaalaman sa binasang teksto. Punan

ang chart ng hinihinging datos at sagutin ang pamprosesong tanong.

Mga lungsod
Pinuno at
Ilog na na naitatag Sistema ng
Kabihasnan Tungkulin
pinagsibulan at katangian Pamumuhay
nito
nito

1.Sumer

2. Indus

3.Shang
(Tsina)

Pamprosesong tanong:

1. May pagkakatulad ba ang tatlong kabihasnan? Ano ang mga

ito?

Sagot:_________________________________________________

_______________________________________________________

2. Ano ang pagkakaiba ng lungsod estado ng Sumer sa Mohenjo-

Daro at Harappa?

Sagot:_________________________________________________

_______________________________________________________

3. Paano ang sistema ng pamumuhay ng tatlong kabihasnan?

Sagot:_________________________________________________

_______________________________________________________

11
Gawain 3 – PAGPAPAHALAGA!!!

Panuto: Upang malaman mo ang kahalagahan ng sistemang

pangkabihasnan na pinag-aralan mo. Tapusin mo ang pangungusap.

1.Mahalaga ang naging papel ng mga paring-hari dahil ___________

_______________________________________________________

2. Dahil sa agrikultura, umunlad ang mga kabihasnan at naging daan

ito sa__________________________________________________

_______________________________________________________

3. Ang pagkakaroon ng paniniwala sa isang Maylalang sa kasalukuyan

ay _____________________________________________________

_______________________________________________________

4. Ang pagkakaroon ng lider politikal ay mahalaga dahil

_______________________________________________________

_______________________________________________________

5. Ang kapaligirang pisikal ay mahalaga sa mga tao dahil

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Gawain 4 – TAPOS NA !!!

Panuto: Dugtungan ang sumusunod na pangungusap tungkol sa

modyul na tinalakay.

Sa modyul na ito, natutuhan kong

_______________________________________________________

12
_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Ang pinakamahalagang ideya na nakaapekto sa akin ay

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Mahalaga ito, sapagkat

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Sa pagkakataong ito, naisip kong

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Binabati kita sa matagumpay mong pagkamit sa lahat ng layunin ng

modyul na ito. Ibig sabihin, natukoy mo ang mga lugar na pinag-usbungan ng

mga sinaunang kabihasnan sa Asya, naunawaan mo ang sistemang

pampolitika at pang-ekonomiya ng kabihasnang Sumer, Indus at Shang at

13
napahalagahan ang mga sistemang pangkabihasnan na magagamit mo sa

pang-araw-araw na buhay.

Ngayon ay handa ka na upang mataya mo ang iyong


natutuhan sa modyul na ito, kaya sagutin mo ang susunod na gawain.
Ready, set, go !!!

Pangwakas na Pagsubok

I. Panuto: Pagtapat-tapatin. Itapat ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang

letra ng tamang sagot sa patlang.

A B

_____1. Tigris at Euphrates A. Ilog na pinag-usbungan ng

kabihasnan sa Tsina.

_____2. Paring-hari B. Pinakasikat na lungsod sa

kabihasnang Shang.

_____3.Mohenjo-Daro at C. Ilog na pinag-usbungan ng

Harappa kabihasnang Sumer.

______4. Huang Ho D. Tawag sa mga pinuno sa

kabihasnang Sumer, Indus at

Shang.

______5. Anyang E. Mga planado at organisadong

lungsod.

14
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng photo essay tungkol sa sistema ng pamumuhay sa

inyong lugar. Gamiting gabay ang rubric na nasa ibaba.

Rubric sa pagmamarka:

Indicators 1 2 3 4 5

Naglalaman ng angkop na paksa

Organisasyon ng ideya at konsepto

Biswal at kabuoang epekto

Kabuoan

Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok

1. D

2. B

3. C

4. C

5. D

Mga Gawain sa Pagkatuto

Gawain1: BALIK-ARAL 4. relihiyon

1. sibilisasyon 5. pamahalaan

2. kabihasnan Gawain 2a- Hulaan Mo!!!

3. kultura 1. INDUS

15
2. SUMER 4. MESOPOTAMIA

3. HUANG HO 5. LAMBAK ILOG

Gawain 2c- I-CHART MO!!!

Kabihasnan Ilog na Mga lungsod na Pinuno at Sistema ng


pinagsibulan naitatag at Tungkulin Pamumuhay
katangian nito nito
Tigris at  Ur, Uruk, Eridu,  paring-hari  Agrikultural at

1.Sumer Euphrates Nippur at  lider pakikipag-kalakalan

Lagash politikal at

 ang mga ispiritwal

lungsod ay

napapalibutan

ng mataas na

pader

 Mohenjo-Daro  paring- hari  Agrikultural ang

2. Indus Indus at Harappa ang tagapamahala pamumuhay at

mga lungsod sa sistema ng nakipagkalakalan

 organisado at ekonomiya din ang mga

planado ang  bukod sa Dravidian na

mga lungsod lider unang pangkat

 may citadel o politikal ng tao na

moog na siya rin ay nanirahan sa

nagsisilbing lider lambak ng Indus

tanggulan o ispiritwal

proteksiyon

16
laban sa mga

mananakop

 Anyang ang  paring-hari  Agrikultural ang

3.Shang(Tsina) Huang Ho pinakatanyag  namumuno pamumuhay

na lungsod ang mga

 Ang mga paring -hari

lungsod ay sa mga

napapalibutan hukbong

ng mataas na gumagamit

pader ng chariot

dahil sa

madalas na

digmaan at

mga

rebelyon

Sagot sa Pamprosesong tanong:

1. Opo may pagkakatulad ang tatlong kabihasnan dahil lahat ito ay

pinamumunuan ng mga paring-hari na hindi lang lider politikal kundi pati

na rin lider ispiritwal. Sila rin ang namamahala sa sistema ng ekonomiya

ng kanilang lungsod. Sa sistema ng pamumuhay ang Sumer, Indus at

Shang ay pare-parehong lipunang agrikultural . Ang naging batayan ay

ang pagtitipon- tipon sa mga lambak ng ilog ng mga unang taong

nanirahan dito dahil sa nakita nila ang kahalagahan ng tubig.

17
2. Ang Mohenjo-Daro at Harappa ay itinuturing na planado at

organisadong lungsod kung ikukumpara sa lungsod -estado ng Sumer.

3. Ang pangunahing pamumuhay ng tatlong kabihasnan ay pagtatanim

at pakikipagkalakalan.

Gawain 3-PAGPAPAHALAGA at Gawain 4-TAPOS NA!!!

Ang sagot ay batay sa natutuhan ng mag-aaral.

Pangwakas na Pagsubok

1. C

2. D

3. E

4. A

5. B

Karagdagang Gawain

Ang photo essay ay iwawasto ng guro gamit ang rubric

Pamantayan sa Pagmamarka

Indicators 1 2 3 4 5

Naglalaman ng angkop na paksa

Organisasyon ng ideya at konsepto

Biswal at kabuoang epekto

Kabuoan

18
SANGGUNIAN

A. Daily Lesson Plan

Banghay Aralin sa Baitang Grade 7, Ikalawang Markahan, Ikatlong

Linggo p. 53,59-62,

B. Learners Module

Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba ,pahina 112-115

C. Aklat

Mateo Grace Estela C. Ph.D., Camagay ML T., Jose Ricardo C. et

al, Asya Pag-usbong ng Kabihasnan II. 2010 Vibal Publishing

House, Inc.

D. Websites

Book clip art, accessed 11 May 2020,

https://images.search.yahoo.com/search/images?p=CLIP+ART+FOR+READING+

MODULE&fr=mcafee&imgurl=http%3A%2F%2Fclipart-

library.com%2Fimages%2Fpco5q9dri.jpg#id=40&iurl=http%3A%2F%2Fcliparts.co

%2Fcliparts%2F6cp%2Fo9B%2F6cpo9BecE.png&action=click

Dictionary icon, accessed 12 May 2020

http://www.iconarchive.com/tag/dictionary

Free Write on Cliparts, accessed 11 May 2020, Clipart-library.com

Thinking Smiley Clipart, accessed 11 May 2020

https://images.search.yahoo.com/search/images?p=clip+arts&fr=mcafee&imgur

l=http%3A%2F%2Fcliparts.co%2Fcliparts%2FBia%2FK4q%2FBiaK4qkjT.jpg#id=8&

19
iurl=http%3A%2F%2Fcliparts.co%2Fcliparts%2FBia%2FK4q%2FBiaK4qkjT.jpg&act

ion=click

Cartoon Reading clipart, accessed 10 May 2020 clipart-library.com

Free YardstickCartoon Clipart, accessed 12 May 2020 clipart-

library.com

Kid Taking Test Clipart, accessed 10 May 2020 Clipart.email

Stick Figure witing Clipart, accessed 11 May 2020 Kindpng.com

Clipart Checking, accessed 12 May 2020 Clipart-library.com

Goal icon circle , accessed 12 May 2020

https://www.freeiconspng.com/img/4535

Icon set reading book with bulb, accessed 10 May 2020

https://icons8.com/icons/set/reading

20

You might also like