You are on page 1of 5

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION III
DIVISION OF ZAMBALES
DISTRICT OF SUBIC
SUBIC NATIONAL HIGH SCHOOL- ANNEX V
ILWAS HIGH SCHOOL
Pre Test
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10
NAME:________________________
SCORE:_____
Part 1: Knowledge

YR. &SEC: __________________ __

1. Ang tao ay moral at ispiritwal kung kaya


_____________________________________________________.
a. may katawan lamang
c. malayang gawin ang gusto
b. walang kakayahang mag-isip
d. alam ang tama at mali
2. Ito ay katotohanan na ang tao ay higit sa lahat ng nilikha
a. may instinct
c. may kakayahang maghanap ng kanyang
makakain
b. may kakayahang mag-isip ng lohikal
d. wala sa nabanggit
3. Ano ang tunay na nagpapahayag ng kalayaan?
a. malayang nagagawa ang gusto
b. kapag nagagawa ang tama sa kapwa

c. kapag walang nagbabawal o batas


d. nagagawa ang gustong gawin

4. Ano ang kakambal ng kalayaan?


a. konsensiya
b. pananagutan

c. kapayapaan
d. lahat

5. Ito ay tumutukoy sa mga etikal at prinsipyo na gumagabay sa tao sa bawat pagkilos at


gawain.
a. natural moral law
c. divine law
b. laws of men
d. commandments
6. Ito ay nagsisilbing gabay sa tao sa araw-araw upang maging maayos at mapayapa ang
pamumuhay
a. pagiging malaya
c. pagiging relihiyoso
b. natural at Divine law
d. pulis at awtoridad
7. Ang paggamit ng kalayaan ay dapat
a. maging responsible
b. maging makatarungan

______________________________________________.
c. maging mapagmatyag
d. maging matapang

8. Nilalayon ng malayang loob (WILL) ang paggawa ng __________________________________.


a. kabutihan
c. katotohanan
b. kagandahan
d. kapayapaan
9. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapahayag ng katotohanan sa likas ng tao?
a. alam ang tama at mali
c. nilikha ng Diyos na kawangis at kalarawan Niya
b. lumalago sa ibat-ibang aspeto
d. malayang nakakakilos ayon sa kanyang
kakayahan
10. Kailan nagiging abusado ang tao sa paggamit ng kanyang kalayaan?
a. kung ang kilos ay kaugnay sa batas
c. kapag may hangganan ang kinikilos
b. nagagawa ang lahat ng gustong gawin
d. lahat ng nabanggit
11. Ano ang ibig sabihin ng kasabihang Ang kalayaan ay nagtatapos sa pagsisimula ng iba.
a. Ang kalayaan ay may hangganan
c. kanya-kanya ang kalayaan
b. pantay-pantay ang kalayaan
d. wala sa nabanggit
12. Ang isang tao ay magiging moral at ispiritwal ang kilos
a. kung ito ay ginagawa ng karamihan
b. kung ito ay ayon sa batas
c. kung ito ay mabuti at ang motibo ay makatao
d. kung sumasang-ayon ang nakararami
13. Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kanyang kabuuan, kaya
siya naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kanyang matibay na paninindigan?
a. Persona
b. Personalidad

c. Pagme-meron
d. Indibidwal
14. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapwa?
a. kakayahang mag-abstrakiyon
b. kamalayan sa sarili
c. pagmamalasakit
d. pagmamahal
15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Likas na Batas Moral?
a. ito ay sukatan ng kilos
b. ito ay nauunawaan ng kaisipan
c. ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
d. ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
Part 2: Understanding/Comprehension
16. Inalok ka ng iyong barkada na magbenta ng ipinagbabawal na gamot upang mabili mo ang
iyong gusto. Mahirap ang inyong buhay, pinagkakasya lang ng inyong pamilya ang kinikita ng
iyong ama. Ano ang gagawin mo?
a. di baling mahirap basta marangal ang pamumuhay
b. di ko tatanggapin ang alok niya dahil alam ko masama iyon
c. tatanggapin ko ang alok ng barkada ko para makatulong sa pamilya
d. pagkakasyahin ko na lang ang maibibigay sa akin at magsisikap ako sa pag-aaral upang
makamit ang pangarap
17. Hindi marunong tumanggap ng pagkakamali at sariling kahinaan ang kaibigan mong si Ruth.
Ano ang maipapayo mo sa kanya?
a. hindi na lang papansinin ang ugali niyang ito
b. papayuhan na maging mahinahon
c. pagsasabihan na ayaw mo ng ganoong kaibigan kaya dapat niyang baguhin ang ugali niyang
iyon
d. pagsasabihan na walang mawawala sa kanya kung matuto siyang magpakumbaba
18. May kapatid kang nakapag-asawa na kasapi ng ibang relihiyon na itinuturing na maling
pananampalataya ng iyong pamilya. Ngunit nagpamalas naman ng kabutihan sa inyo. Paano mo
siya pakikisamahan?
a. balewalain na lamang
b. hindi na lang siya papansinin
c. sabihin na sumanib sa inyong relihiyon upang magkasundo kayo
d. igagalang ang kanyang paniniwala at pakikisamahan na lang siya
19. Alin anghindi tinutukoy ng bahaging madaling maging tao sa kasabihang Madaling maging
tao, mahirap magpakatao?
a. May isip at kilos-loob ang tao
b. May kamalayan siya sa kanyang pagtungo sa kanyang kaganapan
c. Tapatang tao sa kanyang misyon
d. May konsiyensiya ang tao
20. Alin ang hindi tinutukoy ng bahaging mahirap magpakatao sa kasabihang Madaling
maging tao, mahirap magpakatao?
a. Ito ang nagpapabukod-tangi sa tao sa kanyang kapwa-tao.
b. Ibang mag-isip at tumutugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa
parehong sitwasyon.
c. Nililikha niya sa kanyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya habang
siya ay nagkakaedad.
d. May kakayahan ang tao na itakda ang kanyang kilos para lamang sa katotohanan at
kabutihan.
21. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang
pahayag?
a. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama
b. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip
c. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid
ditto
d. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip
(Para sa bilang 22 at 23)

Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes


naging maingat na sya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong gusto niya
nito.
22. Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kanyang damdamin?
a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili
b. Malaya ang taong pumili o hindi pumili
c. May kakayahan ang taong mangatwiran
d. May kakayahan ang taong mag abstraksiyon
23. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
a. magagawa ng taong kontrolin ang kanyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit
nito sa tamang direksiyon
b. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makakapag dikta sa kaniya ng
kailangan niyang gawin
c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kanyang kakainin upang maiwasan ang
pagkakasakit
d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay
natatangi
24. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan
upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang
gumagawa pa rin ng bagay na masama?
a. Kahit alam na ng tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama
b. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti
c. madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura
d. hindi tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kayat nalilito siya
25. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?
a. Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin
b. Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa
c. Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao
d. Ipinaglalaban ni Daniel ang kanyang katwiran.
26. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa
sitwasyon. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa kapwa.
b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa.
c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng tao.
d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa.
(para sa bilang 27 at 28)
Higit na nagiging Malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Walang tunay na
kalayaan kundi sa pagmamahal at paglilingkod.
27. Ano ang mensahe nito?
a. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti
b. Ang pagiging Malaya ay nakabatay sa kilos ng tao
c. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan
d. Ikaw ay Malaya kapag naipakita ang pagmamahal at paglilingkod
28. Ano ang tinutukoy na mabuti?
a. Ang pagkakaroon ng kalayaan
b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa
c. Ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti
d. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan.
29. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya
nawalan ka ng interes na making sa kanya. Dahil dito, wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi
mo ang iyong guro. Sang-ayon kaba sa kanya?
a. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon
b. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral
c. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kanyang kilos
d. Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos

30. Ano ang kahulugan ng pangungusap, Ang tao bilang persona ay isang proseso ng
pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya.
a. Nililikha ng tao ang kanyang pagka-sino sa pamamagitan ng pagsisikap
b. Lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pag-unlad
c. Dapat magsikap ang lahat ng tao
d. Nagiging ganap ang tao dahil sa kanyang pagpupunyagi.
PROSESO (PROCESS)
Panuto: Ihanaykungsaangpangkat o aspetonabibilangangmgasumusunodnapahayag.
Isulatangtitik/letranakatumbas ng pahayag/pariralasailalim ng talahanayan kung
saanitonabibilang. (2 puntos bawat bilang)
KAISIPAN/ ISIP
KALOOBAN/ KILOSA-paggamit ng kalayaan na kaakibat ng
LOOB
pananagutan
31
35
B-pagsisikap na baguhin at paunlarin ang buhay
C-pag-unawa sa mga naririnig at naiisip
D-paghahanap ng tunay na kahulugan ng buhay

32

36

33

37

34

38

E-pagtitiwala at pagtitiis

39

F-pagsasabuhay sa mga pagpapahalaga

40

G-pagtulong sa mga mahihirap


H-malayang pagsasagawa sa bagay na makabubuti sa sarili
at sa kapwa
I-pagmamahal sa kaibigan at kaaway
J-pagsususri sa isang sitwasyon
DAYAGRAM
Panuto: Isulat ang mga wastong kasagutan sa loob ng kahon upang makumpleto ang
dayagram. (2 puntos)

Nilikha ng

41.

ang 42.

43.

ng may

Na

PUMILI

mula sa

44.
na pananagutan.

45.

G O O D L U C K !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Prepared by:
Jasper J. Palomo
ESP Teacher

na may kaakibat

You might also like