You are on page 1of 25

Taking an exam is

like being in a
relationship… NO
CHEATING!
ESP 10
I. Isulat lamang ang titik ng tamang
sagot.
1.Ang tao ay moral at ispiritwal kung
kaya ___________________.
a. may katawan lamang
b. may kakayahang mag – isip
c. malayang gawin ang gusto
d. alam ang tama at ang mali
2. Ito ay katotohanan na ang tao ay higit
sa lahat ng nilikha.
a. may instinct
b. may kakayahang mag – isip
c. may kakayahang maghanap ng kanyang
makakain
d. wala sa nabanggit
3. Ano ang tunay na nagpapahayag ng Kalayaan?
a. malayang nagagawa ang gusto
b. kapag nagagawa ang tama sa kapwa
c. kapag walang nagbabawal na batas
d. nagagawa ang gustong gawin
4. Ano ang kakambal ng kalayaan?
a. konsensiya
b. kilos – loob
c. pananagutan
d. pagmamahal
5. Ito ay tumutukoy sa mga etikal at prinsipyo na
gumagabay sa tao sa bawat pagkilos at gawain.
a. natural moral law
b. divine law
c. commandments
d. laws of men
6. Ang paggamit ng kalayaan ay dapat _______.
a. maging responsible
b. maging makatarungan
c. maging matapang
d. maging mapagmatiyag
7. Nilalayon ng mabuting loob (will) ang paggawa
ng _________.
a. kabutihan
b. kagandahan
c. kalayaan
d. kapayapaan
8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI
nagpapahayag ng katotohanan sa likas ng tao?
a. alam ang tama at mali
b. lumalago sa iba’t – ibang aspeto
c. nilikha ng Diyos na kawangis Niya
d. malayang nakakakilos ayon sa kanyang
kakayahan
9. Ang isang tao ay magiging moral at ispiritwal
ang kilos
a. kung ito ay ginagawa ng karamihan
b. kung ito ay ayon sa batas
c. kung ito ay Mabuti at ang motibo ay makatao
d. kung sumasang – ayon ang nakararami
10. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na
di madadaig?
a. pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang
halaga dahil ito ay galing sa masama
b. pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit
ipinambili lamang ng rugby
c. pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak
kung makabubuti ito
d. pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na
bawal tumawid
11. Inalok ka ng iyong barkada na magbenta ng ipinagbabawal na
gamut upang mabili mo ang iyong gusto. Mahirap ang inyong buhay,
pinagkakasya lang ng inyong pamilya ang kinikita ng iyong ama.
Alin ang HINDI mo dapat gawin?
a. di baleng mahirap basta marangal ang pamumuhay
b. di ko tatanggapin ang alok niya dahil alam kong masama iyon
c. Tatanggapin ko ang alok ng barkada ko upang makatulong sa
pamilya
d. Pagkakasyahin ko nalang ang maibibigay sa akin at magsikap sa
aking pag – aaral upang makamit ko ang aking mga pangarap
12. Hindi marunong tumanggap ng pagkakamali ang kaibigan
mong si Jessa. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
a. hindi nalang pansinin ang ugali niyang ito
b. papayuhan na maging mahinahon
c. pagsasabihan na ayaw mo ng ganong kaibigan kaya dapat
niyang baguhin ang ugaling iyon
d. pagsasabihan na walang mawawala sa kanya kung siya
ay magpakumbaba
13. May kapatid kang nakapag – asawa ng kasapi ng ibang
relihiyon na itinuturing na maling pananampalatay ng iyong
pamilya. Ngunit nagpamalas naman ng kabutihan sa inyo.
Paano mo siya pakikisamahan?
a. balewalain na lamang
b. hindi nalang siya papansinin
c. sabihin na umanib sa inyong relihiyon upang
magkasundo kayo
d. igagalang ang kaniyang paniniwala at pakikisamahan na
lamang siya
14. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na
kalayaan?
a. Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang
oras niya gustuhin.
b. Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at
humingi ng paumanhin sa ginawa.
c. Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang
gusto niyang sabihin sa isang tao.
d. Wala sa nabanggit.
15. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at
nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na
making sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro
niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang – ayon ka ba sa kaniya?
a. Sang – ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa
sa mga mag – aaral ang leksiyon.
b. Sang – ayon, dahil kailangang maganda ang leksiyon para
hindi nakababagot sa mag – aaral.
c. Di sang – ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang
kilos.
d. Di sang – ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong
kilos.
16. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling
interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong
pag – uugali?
a. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi
makakamit ang kalayaan.
b. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang
ganitong katangian.
c. Nag – iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao
ng tao.
d. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag –
uugali.
“Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang
mabuti. Walang tunay na kalayaan kundi sa pagmamahal at
paglilingkod.”

17. Ano ang mensahe nito?


a. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti.
b. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa kilos ng tao.
c. Makabubti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.
d. Ikaw ay Malaya kapag naipakita ang pagmamahal at
paglilingkod.
“Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang
mabuti. Walang tunay na kalayaan kundi sa pagmamahal at
paglilingkod.”

18. Ano ang tinutukoy na mabuti?


a. Ang pagkakaroon ng kalayaan.
b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa.
c. Ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti.
d. Ang magamit ang Kalayaan sa tama at ayon sa
inaasahan.
19. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao?
a. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan
at maging malayang tumugon sa pangangailangan
ng sitwasyon.
b. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil
nagagawa niya nag kaniyang nais na walang
nakahahadlang dito.
c. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng
taong piliin ang mabuti kaya ibinigay sa kaniya ang
kalayaan.
d. Lahat nang nabangit.
20. Ano ang kahulugan ng pangungusap na “Ang tao
bilang persona ay isang proseso ng pagpupunyagi
tungo sa pagiging ganap na siya”.
a. nilikha ng tao ang kaniyang pahka – sino sa
pamamagitan ng pagsisikap
b. lahat ng tao ay dumadaan sa proseso ng pag –
unlad
c. dapat magsikap ang lahat ng tao
d. nagiging ganap ang tao dahil sa kaniyang
pagpupunyagi
II. Ibigay ang hinahanap sa bawat bilang.

1 – 3. Anu – ano ang mga katangian ng tao bilang persona?

4 – 5. Ang dalawang uri ng kamangmangan.

6 – 8. Ang tatlong yugto ng pagpapakatao.

9 – 10. Mga kakayahan ng tao ayon kay Sto. Tomas de


Aquino

You might also like