You are on page 1of 5

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

SECOND PERIODICAL EXAM


S. Y. 2023 - 2024

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot. Itiman ang bilog
ng iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ang __________ ay mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparna ng isang tao.


A. karapatan B. sinseridad C. konsensiya D. tungkulin

2. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?


A. pagsuot ng uniporme C. pagpasok sa paaralan sa takdang oras
B. pagsuot ng Identification Card (ID) D. lahat ng mga nabanggit

3. Si Senador Manny Pacquiao ay nagmungkahi na ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa


mga criminal o nagkasala sa batas. Sinasang-ayunan mob a na ibalik ang ganitong klaseng parusa?
A. Opo, para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
B. Opo, para mabawasan na ang kriminalidad sa ating lipunan.
C. Hindi, dahil may mga taong napagbintangan lamang sa krimeng hindi naman ginawa.
D. Hindi, dahil ang buhay ay sagrado. Ang Diyos ang tagapagbigay buhay at tanging Siya lang ang
may karapatang bawiin ito ayon sa Kanyang kalooban.

4. Isang pulubi na maraming dumi sa katawan at may masangsang na amoy ang nais pumasok sa isang
supermarket upang bumili ng kanyang pagkain. Subalit hindi siya pinatuloy ng gwardya. Tama baa ng
nagging pagtrato sa kanya?
A. Opo, dahil pangingilagan siya ng ibang namimili kapag pumasok siya sa loob.
B. Hindi, dahil may pambayad naman siya.
C. Opo, dahil pwede naman siyang bumili sa mga maliliit na tindahan sa labas.
D. Hindi, dahil hangad lamang niya na makabili ng pagkain at may karapatan at kalayaan din siya
kagaya ng iba pang mamamayan.

5. Ang mga sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa __________.
A. terorismo C. pagpatay sa sanggol
B. pagbabayad ng utang D. diskriminasyong pangkasarian

6. Sa papaanong paraan napapakinabangan ng tao ang karapatan?


A. sa paggawa ng moral na kilos C. dahil tao lamang ang nakagagawa ng moral na kilos
B. dahil tao lang ang may isip D. dahil tao lang ang marunong kumilos

7. Alin ang angkop na paglalarawan ng paglabag sa karapatang pantao?


A. Hindi pahihintulutang mag-absent bukas ang isang tinedyer.
B. mga karpinterong nagtatrabaho ng walang sumbrero
C. isang Linggo ng hindi makapagtinda sa palengke dahil sa pandemya
D. Pinagtatrabaho ang mga menor de edad sa isang minahan upang makatulong sa mga
magulang.

8. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ariarian upang mabuhay nang
maayos at makapagtrabaho ng produktibo. Ito ay karapatan ng __________.
A. pribadong ari-arian C. bumili ng mga ari-arian
B. mag-impok sa bangko D. umangkin ng ari-arian

9. Kapag nilabag ang karapatang pantao magkakaroon ng __________.


A. pag-iisip ng pagsisisi C. damdamin ng pagsisisi
B. pananagutan D. pagmumuni
10. Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na may
kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila
uhaw at gutom na. ano ang gagawin mo?
A. Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at tawanan sa aking mga kaeskwela.
B. Tatawagin ko siya para umupo nang sandal sa aming grupo habang naghihintay siya ng may
mabakante.
B. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong
may kapansanan.
C. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa
siya nakakahanap ng lugar sa kainan.

11. Ang __________ ay tumutukoy sa mga prinsipyo na nagsisilbing gabay sa mga pananaw ng tao na may
kinalaman sa kung papaano niya itrato ang kanyang kapuwa at sa kanyang dignidad bilang tao.
A. karapatan B. konsensiya C. sinseridad D. tungkulin

12. Ang kagustuhan na lumipat o tumira sa ibang lugar at magkaroon ng oportunidad tulad ng trabaho o
komportableng pamumuhay o ligtas sa anumang panganib ay sinusuportahan ng karapatang __________.
A. magtrabaho o maghanap buhay C. pumunta sa ibang lugar at maghanap buhay
B. pumunta sa ibang lugar D. mag-abrod

13. Maagang nag-asawa sina Gina at Peter. Maraming pagsubok silang naranasan sa kanilang
pagsasama. Gayunpaman, nanatiling metatag ang kanilang pagmamahalan. Maraming nanghusga sa
kanila. Pinagsikapang magtrabaho nang maayos ng mag-asawa upang umunlad ang kanilang buhay. Ito
ay ang kanilang karapatang __________.
A. mag-asawa C. magkaroon ng pribadong ari-arian
B. magkapagtrabaho D. makapunta sa ibang lugar o bansa

14. May nakita kang isang lalaking naka-kotse na pinapagalitan ang isang matandang drayber dahil sa
hindi pagpaparada nang tama sa kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan siya nang hindi maganda,
naroon sa tabi niya ang kanyang paslit na apo. Ano ang gagawin mo?
A. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
B. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kani sa kaganapan.
C. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa kanila.
D. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber at pagsasabihan ko sila na tumigil na.

15. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at kawang-gawa? Ito ay __________.
A. bagay na pansarili lamang
B. mahalagang bagay para sa lahat ng nilalang
C. magdudulot ito ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng tao
D. mahalagang katangian na nararapat na mayroon ang bawat tao

16. Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa Likas na Batas Moral.
A. Pangungulit sa bata na maligo
B. Pagpilit sa mga tao na magsimba
C. Pagkaltas ng buwis sa mga manggagawa
D. Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doktor

17. Paano nalalaman ang mabuti?


A. Kung ito ay nakakatulong sa pagkabuo ng sarili
B. Kung ang ginawang desisyon ay sabay na ginamitan ng isip at puso
C. Kung ang pagpili ay batay sa panahon, kasaysayan, konteksto at sitwasyon
D. Kung ang mga posibleng epekto ng pagpili ay mapanindigan niya ang mga bungang kanyang
kakaharapin

18. Dahil mahigpit ang kampanya laban sa paggamit ng ilegal na droga, ang ibang kabataan ay
napapansin mong nagnganganga o nagbabantay na lang sa mga tindahan ng dahon ng cocaine, dahon ng
buyo, tabako, bangkit (apog), at bunga (betel nut) mga sangkap na mapagkukunan ng lokal na droga.
Anong angkop na kilos ang gagawin mo upang maituwid mo ang bisyong ito?
A. Panoorin ko ang kanilang ginagawa
B. Iuulat ko ang kaganapan sa mga kinauukulan
C. Kunan ko sila ng mga larawan at ipapakita sa pulisya
D. Pagsasabihan ko ang mga nagtitinda na pagtutulak pa rin iyon ng droga.
19. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa
sumusunod ang tunay na diwa nito?
A. Protektahan ang iilang mayayaman at may kapangyarihan
B. Ingatan ang interes ng nakararami
C. Itaguyod ang karapatang-pantao
D. Kondenahan ang mapagsamantala sa kapangyarihan

20. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat
mamamayan?
A. Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga
mamamayan
B. Sa pamamagitan ng maraming mga batas
C. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura na senyales ng pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa
D. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng
bawat mamamayan

21. Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?


A. Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon
B. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam
C. Angkop sa pangangailangan at kakayahan
D. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang

22.Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?


A. May pagsaklolo sa iba
B. Pagiging matulungin sa kapuwa
C. Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos
D. Pagkampi sa tao

23. Ano ang batas ng tao sa mga sumusunod?


A. Maging palakaibigan C. Maging makatao
B. Maging mapagbigay D. Maging mabuting halimbawa

24. Pumunta ka sa bakanteng loteng inuupahan mo dahil nakita mong pinapala ito ng iba upang tabunan
ang kanal nila. Nagtanong ka lang nang maayos at mapayapang umalis. Di nagtagal lumabas ang isang
babae at galit na sumisigaw at pinaringgan ka upang palabasin na mali at masama ang iyong pagsita.
Paano mo aayusin ito nang hindi lulubha ayon sa Likas na Batas Moral?
A. Hindi na lang ako kikibo
B. Susubukan kong magpaliwanag
C. Hahayaan ko na lang na lalamig ang kaniyang ulo
D. Pakikinggan ko ang kaniyang panig bago ako magpapaliwanag

25. Alin sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng tao?
A. konsensiya B. dignidad C. katuwiran D. kilos-loob

26. Kanino nagsisimula ang pagtuturo ng mabuti at pag-iwas sa masama?


A. kapitbahay B. magulang C. guro D. guidance counselor

27. Ano ang nagsisilbing gabay ng tao upang kilatisin kung ano talaga ang mabuti?
A. Katuwiran at Konsensiya C. Isip at Puso
B. Dignidad at Pilosopiya D. Isip at Kilos-loob

28. Kailan magiging tama ang lahat ng mabuti?


A. Magiging tama ang mabuti kung masusunod mo ang gusto mo.
B. Magiging tama ang mabuti kung masusunod mo ang iyong konsensiya at likas na Batas Moral
C. Magiging tama ang mabuti kung ito ay magpapasaya sayo.
D. Magiging tama ang mabuti kung ito ay magpapasaya sa ibang tao.

29. Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa Likas na Batas Moral.
A. Pangungulit sa bata na maligo
B. Pagpilit sa mga tao na magsimba
C. Pagkaltas ng buwis sa mga manggagawa
D. Pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doktor
30. Kailangang manalo ang aming koponan sa palaro dahil kilalang magaling ang aming paaralan, kaya
lang may problema ang ilan sa edad. Paano mo tutugunan ang patakarang ito?
A. Dadayain ko ang aking edad
B. Himukin ang iba baguhin ang aming edad
C. Umalis na lamang sa koponan
D. Hahayaan ang coach na gumawa ng paraan para maging karapat-dapat ang koponan

31. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nangangahulugan ng salitang paggawa?


A. Isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw
B. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng likas na pagkukusa at pagkamalikhain
C. Isang pagkilos na hindi batay sa kaalaman
D. Malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa ng may pananagutan

32. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod, maliban sa:
A. Suporta para sa pansariling pangangailangan
B. Karapatang samsamin ang pag-aari ng iba
C. Mataas na tiwala sa sarili
D. Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba
33. Kailan masasabi na ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, pamilya, at lipunan
na kaniyang kinabibilangan?
A. Kapag iniisip ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa
B. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatutulong sa kaniyang
kapuwa.
C. Kapag kinakailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at
magsilbi sa kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit

34. Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang
pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap ay _____________.
A. Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.
B. Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.
C. Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa
D. Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapuwa bago ang
sarili

35. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?


A. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
B. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
C. Sa haba ng panahon na iginugol upang malikha ang isang produkto
D. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao

36. Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang ____________.
A. hindi kasangkapan ang tao na kailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan
niya ang paggawa upang makamit niya ang kanyang kaganapan.
B. hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus ang tao
ang kailangan upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman
ng paggawa
C. ang tao gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa lamang
ng tao ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniyang kapuwa.
D. ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng tao
ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang
produkto.

37. Ang sumusunod ay layunin ng paggawa maliban sa isa __________.


A. Kumita at ipagdamot ang bunga ng paggawa
B. Kumita ng salapi na kailangan upang matugunan ang pangangailangan
C. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya
D. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan
38. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kanyang pamilya, sa lipunan na
kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:
A. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa.
B. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapuwa.
C. Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa
kapuwa.
D. Lahat ng nabanggit
39. Ang pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang _____________.
A. pagtulong sa mga nangangailangan.
B. pagkamit ng kaganapang bilang tao.
C. pag-angat ng kultura at moralidad.
D. pag-angat at pagbabago ng Agham at Teknolohiya.

40. Ano ang obheto ng paggawa?


A. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang
makalikha ng mga produkto
B. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha
C. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto
D. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto

41. Ano ang isa sa mga palatandaan ng pakikilahok at bolunterismo?


A. pagmamahal, malasakit at talento C. talento, panahon at pagkakaisa
B. panahon, talento at kayamanan D. kayamanan, talento at bayanihan

42. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng bolunterismo?


A. Sumali si Jen sa isang organisasyon sa kanilang barangay na may layuning mapanatili ang
kalinisan at kaayusan ng kanilang barangay.
B. Si Amy ay likas na maawain at matulungin. Tuwing walang pasok lagi siyang nasa center ng
kanilang lugar upang makatulong sa mga programa ng barangay lalo na sa pagtuturo sa mga
batang hindi marunong bumasa at sumulat.
C. Tuwing may programa sa eskwelahan, sinisiguro ni Axel na maayos niyang nagagampanan ang
kaniyang tungkulin bilang pangulo ng student council.
D. Sa mga panahon na may sunog at kalamidad sa bayan ni Cel, hindi niya nakakaligtaang
magbahagi ng kaniyang donasyon maliit man ito o malaki bastat ang mahalaga ay makatulong
siya sa kanyang kapuwa nangangailangan.

43. Tiyak na makakamit ng lipunan ang ______________ kung ang bawat isa ay magsasagawa ng
pakikilahok at bolunterismo?
A. pag-unlad B. pagkakaisa C. pagiging malaya D. kabutihang asal

44. Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?


A. Upang maipakita ang pagmamahal sa kapuwa
B. Upang maibahagi ang sarili sa kapuwa at makamit ang kabutihang panlahat
C. Upang matugunan ang pangangailangan ng iba
D. Upang magampanan ang mga tungkulin
45. Kailan nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng isang tao?
A. Kung naibabahagi niya ang kanyang sarili sa kaniyang kapuwa
B. Kung siya ay nagiging mayaman
C. Kung nagagampanan niya ang kaniyang mga tungkulin bilang tao
D. Kung mahal niya ang kaniyang kapuwa
46. Ito ay paraan ng pagpapakita ng paglilingkod sa kapuwa nang may pagmamahal sa kapuwa at sa
kaniyang lipunan.
A. pakikilahok B. bolunterismo C. paglilingkod D. pananagutan
47. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng bolunterismo?
A. Bayanihan (lipat-bahay)
B. Wellness program ng barangay tulad ng libreng gupit
C. Pag-uugnayan ng iba’t ibang ahensiya
D. Dental mission ng mga militar
48. Ano ang tawag sa pagtulong ng isang tao sa isang partikular na gawain nang naayon sa kaniyang
tungkulin upang makamit ang kabutihang panlahat?
A. pananagutan B. bolunterismo C. paglilingkod D. pakikilahok
49. Sa pakikilahok, nagiging konsiderasyon ang personal na interes o tungkulin. Kailangan mong gawin
dahil kung hindi, mayroong mawawala sa iyo. Ang pahayag na ito ay _______________.
A. tama sapagkat, maaari kang maapektuhan kung hindi ka tutulong
B. mali, sapagkat hindi mo naman buhay ang nakasalalay dito
C. tama, sapagkat makokonsensya ka sa hindi mo pagtulong sa iba
D. mali, dahil ang pagtulong sa kapuwa ay taos puso.
50. Alin sa mga ito ang nagpapakita ng pakikilahok?
A. Medical at dental outreach ng mga kilalang tao
B. Pagpopost ng adhikain
C. Pagboto tuwing eleksyon
D. Pagpapakain sa mga batang lansangan

You might also like