You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education

SCHOOLS DIVISION OF TAGUIG CITY AND PATEROS

Unang Markahang Pagsusulit


Taong Panuruan 2023-2024

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10

Pangalan:_____________________________________________ Iskor:________
Pangkat:____________________ Guro:_____________________ Petsa:_______

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng
pinakaangkop na salita o lipon ng mga salitang tumutukoy sa bawat pahayag.

1. Ito ang nag iimpluwensya sa kilos –loob


A. Instinct
B. Kilos-loob
C. Isip
D. Memorya

2. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng taong lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito.
A. Imahinasyon
B. Kilos – loob
C. Isip
D. Memorya

3. Ano ang kahulugan ng pahayag na “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan
upang maipluwensiyahan ang kilos-loob”.
A. Magagawang kontrolin ng tao ang kanyang pandamdam at emosyon
B. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman sa kung ano ang tama at mali
C. Ang tao ay may kamalayan
D. Nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip

4. Si Ana ay mahilig sa mga matatamis na pagkain subalit nang nagkaroon siya ng sakit na
diabetes naging mapili na siya sa kaniyang mga kinakain kahit gustong-gusto niya nito. Bakit
kaya ni Ana na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
A. ang tao ay may kamalayan sa sarili
B. malaya ang taong pumili o hindi pumili
C. may kakayahan ang taong mangatwiran
D. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon

5. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong tinutukoy sa bilang 4?
A. Magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang damdamin at emosyon at ilagay ang paggamit nito
sa tamang direksiyon.
B. Ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng
kailangan niyang gawin.
C. Kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan
ang pagkakasakit.
D. Hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay
natatangi

6. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng wastong paggamit ng kilos-loob?


A. Deon. Lumabas pa rin siya ng bahay kahit na mapanganib pa.
B. Nelly. Ipinamalita niya sa mga kapitbahay na wala ng COVID-19.
C. Julius. Binato niya ang pusa matapos siyang biglaang kagatin nito.
D. Edna. Pinigilan niyang kumain ng masarap dahil bawal ito sa kanya.

7. Basahin ang mga pahayag, alin sa mga ito ang hindi nagpapakita ng tamang paggamit ng kilos
loob?
A. Nangangalap muna si Alden ng mga impormasyon mula sa mga eksperto at kinauukulan bago
maniwala sa sinasabi ng iba.
B. Uminom ng alak si Aldrich sa udyok ng mga barkada. Tanda raw ito ng pakikisama at
pagmamahal sa bawat isa.
C. Hinikayat ni Stephanie ang kapatid at mga magulang na magbigay ng tulong sa kapitbahay na
nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 kahit na nga nangangailangan din sila.
D. Sa pagiging masikap at matiyaga ni Joey sa pagsagot at pagpasa ng modyul nakatulong ito
para siya ay magkaroon ng mataas na grado.

8. Ito ay tumutukoy sa praktikal na paghuhusga ng isipan na magpapasiya na gawin ang mabuti at


iwasan ang masama
A. Konsensiya
B. Instinct
C. Kilos -loob
D. Memorya

9. Kailan masasabi na ang paghusga ng konsensiya ay tama?


A. kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan
ay naisasakatuparan nang walang pagkakamali.
B. kung walang taong nasaktan dahil sa desisyong ginawa.
C. kung hindi kailangang pagisipan ng maayos ang mga pasiyang kailangang gawin.
D. kung mas maraming tao ang nakinabang sa kinalabasan ng kilos.

10. Ang konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang Likas na Batas Moral ay ginagamit na
__________.
A. pagbabago sa mga bagay na nagawa.
B. batayan ng kabutihan ng mga gawain.
C. personal na pamantayang moral ng tao.
D. batayan sa karunungan at kabutihan ng Diyos.

11. Isangdaan nalang ang natitira mong pera. Dahil sa lockdown hindi ka makakauwi upang
humingi ng pera sa iyong mga magulang. Wala ka nang pagkain ngunit gustong-gusto mo nang
magload para makapag laro ng ML para hindi ka maiwan ng mga kaibigan mo.Ano ang iyong
gagawin?
A. Mangungutang ako sa kaibigan ko para makapagload ako ng pang ML.
B. Ilalaan ko na lang ang isangdaang piso para sa aking pagkain dahil mas mahalaga ang
pagkain kaysa sa paglalaro ng ML
C. Magpapadala ako ng mensahe sa aking mga magulang na padalhan ako ng pera thru g-cash
para makapaglaro ako ng ML.
D. Hindi na lang ako kakain ,titiisin ko ang gutom ko makapaglaro lang ako ng ML.

12. Dahil sa pandemia na Covid 19, marami ang nangangailangan ng tulong. Ang utos ng
gobyerno, ang magpapalista lang ay ang mga walang mapagkukunan ng pera dahil walang
trabaho. Parehong may permanenteng trabaho ang mga magulang mo ngunit nagpalista pa rin
sila. Samantalang ang kapitbahay ninyo ay hindi inilista kahit alam nilang walang wala na sila.
A. Magsasawalang kibo na lang ako kahit alam ko na mali ang ginawa ng aking magulang
B. Magbibigay na lang ako ng pagkain sa kapitbahay ko.
C. Maglalaan ako ng oras na kausapin nang mahinahon ang aking mga magulang at ipauunawa
ko na mali ang kanilang ginagawa.
D. Ipagdadasal ko sa Diyos na patawarin ang mga magulang ko sa kanilang hindi pagiging tapat
para lang makakuha ng tulong sa gobyerno.
13. Alin sa mga sumusunod na Prinsipyo ng Likas na Batas Moral ang nakapaloob sa unang
prinsipyo?
A. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak.
B. May kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.
C. Ito ay munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kaniya sa gitna ng
isang moral na pagpapasiya.
D. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama.

14. Alin ang hindi kasama sa pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
A. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
B. Mula sa pagsilang ng tao, nakatatak na ito sa kaniyang isip kaya nga kahit hindi ganap na
hubugin, kayang kilalanin ng tao ang mabuti.
C. Hindi ito nakikisabay sa pagbabago ng panahon o nakabatay sa kagustuhan ng sitwasyon.
D. Kasama ang lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay.

15. Malapit na ang kaarawan ng anak ni Aling Selya. Habang nagtitinda ay nakapulot siya ng pitaka
na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Sa isip niya ay sobra sobra na ito para magamit sa
kaarawan ng anak. Ngunit napagtanto ni Aling Selya na baka mas nangangailangan ang taong
tunay na may ari ng pera. Lalo at may nakita naman siya na pangalan at contact number ng
may-ari. Maraming tanong ang sumagi sa isip niya. Sa pagkakataon na ito ano ang dapat
niyang gawin upang maisabuhay niya ang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral?

A. Tawagan ang numero at ipaaalam na napulot niya ang pitaka at ibabalik niya ito kung
bibigyan siya ng pabuya.
B. Tawagan ang numero at ipaalam na napulot niya ang pitaka upang ito ay maibalik.
C. Huwag galawin ang pitaka at hintayin na lang may maghanap nito.
D. Tawagan ang numero at ipaalam na napulot niya ang pitaka ngunit kukuha muna siya dito
ng pera ng hindi nagpapaalam bago ibalik.

16. Bakit likas sa tao ang alamin ang katotohanan?


A. Dahil ang tao ay imbestigador
B. Dahil ang tao ay may isip.
C. Dahil ang tao ay mabuting nilalang ng Diyos.
D. Dahil ang tao ay isang rasyonal na nilalang ng Diyos.

17. Paano tayo makasisiguro na tama ang naging hatol ng ating konsensiya upang matiyak na
mabuti ang kilos na isasagawa?
A. Kung wala tayong naapakan na tao.
B. Kung sinunod natin ang Likas na Moral ng tao.
C. Kung sinusunod natin ang Batas ng lahat.
D. Kung ang naging batayan natin sa ating kilos ay ang likas na Batas Moral.

18. Bakit kailangan pakinggan ang ating konsensiya ayon kay Clark?
A. Dahil ito ay isang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kaniya
sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong
sitwasyon.
B. Dahil ito ay isang natatanging kilos pangkaisipan, isang paghuhusga ng ating sariling
katwiran.
C. Dahil ito ang isa sa mga kilos ng isip na naguutos o naghuhusga sa mabuting dapat gawin o
masamang dapat iwasan.
D. Dahil ito ang ating boss.

19. Hinuhubog natin ang ating konsensiya kapag kumikilos tayo nang may pananagutan. Alin sa
mga sumusunod ang nagpapakita ng wasto at kumpletong detalye tungkol sa pananagutan sa
kilos ng tao.
A. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan.
B. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos mula sa mga mabuting
layunin at hindi mula sa interes ng nakararami.
C. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon ng buhay.
D. Kilalanin ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sangkot sa isang kilos.

20. Tinawag ang konsensiya na munting tinig sa loob ng tao dahil_________.


A. dito nakabatay ang isip at kilos-loob natin
B. dito nakabatay ang isip natin at ito ay nag-uutos
C. nagbibigay ito ng payo
D. nagbibigay ito ng payo at nag-uutos

21. Bakit kailangan hingin ang gabay ng mga taong may kaalaman sa pagsasabuhay ng moralidad?
A..Upang higit na mapaunlad ang paghubog ng konsensiya.
B. Mayroon na silang malawak na karanasan sa buhay
C. Bibigyan ka nila ng pabuya kapag humingi ka ng gabay.
D. Maari ka nilang turuan upang makamit ang gusto mo.

22. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao?


A.Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama o mali, ngmabuti at
masama sa kaniyang isipan.
B. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon.
C. Upang masabi na ikaw ang mas may alam sa lahat.
D. Upang makilala ng tao ang katotohanan na kinakailangan niya, upang magamit niya ng tama
ang kaniyang kalayaan.

23. Sa proseso ng paghubog ng konsensiya, alin sa mga sumusunod ang kailangan gamitin ng
mapanagutan.
A. Kamay, Kilos-loob, Puso, Espiritu
B. Espiritu, Kaluluwa
C. Isip, Kilos-loob, Kaluluwa
D. Isip, Kilos-loob, Puso, Kamay

24. Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo at binigyan ng kakayahan
upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang
gumagawa pa rin ng bagay na masama?
A. Kahit alam nang tao ang mabuti, pinipili pa rin ng ilan ang masama.
B. Hindi tuloy-tuloy ang pagpili ng tao sa mabuti kaya’t nalilito siya.
C. Higit na madaling gawin ang masamang bagay sa mabuti.
D. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng umuusbong na bagong kultura.

25. Kailangan mong bumili ng sapatos dahil hindi na kasya ang dati mong ginagamit. Nagpunta ka
sa department store at dito ay nakita mo ang iba’t-ibang pagpipiliang sapatos. Maraming bagay
ang iyong isinaalang-alang sa pagpili ng bibilhin gaya ng pagiging kumportable nitong isuot sa
paa, saan ito gawa, kalidad ng sapatos, at kung nababagay ang istilo nito sa iyo. Ang sitwasyon
ay isang halimbawa ng malayang pagpili. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Kilala din sa tawag na fundamental option o vertical freedom
B. Uri ng kalayaan kung saan pinipili kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kaniya
(goods)
C. Naaapektuhan nito ang unang pagpiling ginawa (antecedent choice) na nakabatay sa
vertical level
D. Pinipili natin ang isang bagay.

26. Habang ikaw ay nakatayo sa labas ng paaralan at nag-aabang ng masasakyan pauwi, may
biglang lumapit sa iyong isang matandang pulubi. Nanghihingi siya sa iyo ng kaunting pera
upang maipambili niya ng gamot. Ang perang natitira sa iyong pitaka ay sakto lamang na
pambili mo ng load na gagamitin sa paglalaro at pamasahe pauwi. Napagpasyahan mong ibigay
sa pulubi ang perang dapat ipambibili mo ng load. Gamit ang halimbawa sa itaas, ano ang
kalayaan?
A. Ito ay ang pagkakaroon ng kakayahang kumilos ayon sa aking kagustuhan, mayroon akong
kakayahang kumilos nang rasyonal o naaayon sa katuwiran.
B. Ito ay hindi sariling kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan kundi isang kalayaang
kabahagi ang kaniyang kapuwa sa sambayanan na nagpapahalaga sa kapuwa.
C. Ang Kalayaan ay may kakambal na responsibilidad.
D. Ito ay katangian ng isip.

27. Si John ay ipinadala ng may ari ng kumpanya sa isang leadership seminar upang magsanay
bilang isang manager. Pangalawang araw na ng seminar ngunit hindi pa rin niya maunawaan
ang itinuturo ng tagapagsanay dahil palagi siyang gumagawa ng ibang bagay. Nawalan na siya
ng interes na makinig at nababagot na sa pagsasanay kaya tingin ito ng tingin sa kanyang
cellphone. Dahil dito wala siyang matutuhan sa mga itinuro sa kaniya at sinisisi pa ang
tagapagsanay dahil dito. Sang-ayon ka ba sa kanya?
A. Oo, dahil responsibilidad ng tagapagsanay na maituro ang paksa sa mga kalahok
B. Oo, dahil ang tagapagsanay ay dapat nakapupukaw ng atensiyon sa pagtuturo
C. Hindi, dahil si John ang may kakayahang piliin ang kanyang kilos.
D. Hindi, dahil si John ang may pananagutan sa kaniyang kilos.

28. Nagkaroon ng malaking problema ang isang ahensiya ng pamahalaan sa pagbibigay ng tulong
sa mga mahihirap na mamamayan. Maraming tao ang umasa ngunit nadismaya at nagalit dahil
dito. Ano ang dapat na gawin sa sitwasyong ito na nagpapakita ng tunay na paggamit ng
kalayaan?
A. Gumawa ng mapanirang post sa social media si Ben tungkol sa naging problema.
B. Tinipon ni Erwin ang kaniyang mga kaibigan at nagkalap ng donasyon upang
makapagbigay ng tulong sa iilang mga hindi nabigyan ng ayuda.
C. Ibinahagi ni Raffy sa kanyang mga kapitbahay ang ilang kinakailangan upang maging
kwalipikado sa pagtanggap ng ayuda.
D. Hinikayat ni Mon ang kanyang mga kasamahan na pumila muli at subukang makakuha ng
ayuda.

29. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng mapanagutang paggamit ng kalayaan?
A. Hindi ka nahihiyang humingi ng paumanhin kung ikaw ay nagkamali
B. Kahit pagod galing sa paaralan ay hindi ka nagdalawang isip na tulungan ang kapitbahay
mong kailangang dalhin sa ospital
C. Nakakapamasyal kahit saan at anumang oras mong naisin.
D. Sumusunod ka kapag inutusang gumawa ng mga gawaing bahay.

30. Hinihingi na ng inyong boss ang mga dokumentong kailangang ipasa sa trabaho. Lahat ng tao
sa inyong opisina ay abala upang tapusin ang kanya kanyang ulat. Nakita mong nahihirapan si
Jan na intindihin at gawin ang ulat lalo na at bago pa lamang siya sa inyong trabaho. Ano ang
pinakamainam mong magagawa para sa kanya?
A. Hayaan itong gawin ang kanyang ulat dahil lahat kayo ay abala.
B. Ibigay ang kopya ng mga lumang ulat kay Jan upang kanyang basahin at gawing gabay sa
ginagawang ulat.
C. Ituro si Jan sa ibang kasamahan para tulungan siya.
D. Maglaan ng oras upang sagutin ang mga katanungan ni Jan upang matapos niya rin ang
kanyang ulat.

31. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang
nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito?
A. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili
B. Nakahahadlang ang kapuwa sa pagkamit ng kalayaan
C. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya
D. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali
32. Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Walang tunay na kalayaan
kundi sa pagmamahal at paglilingkod." Ano ang mensahe nito?
A. Sa pagiging mabuti nagiging mas malaya ang isang tao.
B. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa isip ng tao.
C. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan.
D. Ikaw ay malaya kapag naipapakita ang pagmamahal at paglilingkod.

33. Bakit kaya sa lahat ng nilalang ng Diyos, tanging tao lamang ang may kakayahang kumilos
ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdedesiyon kung ano ang gagawin?
A. May likas na batas moral na gumagabay sa kanya.
B. Ang bawat tao ay may kakayahang gamitin ang kanyang konsensiya.
C. Dahil ang tao ay mayroong malayang kilos-loob
D. Tanging tao lamang ang nakaaangat sa lahat ng nilikhang may buhay.

34. Bakit kailangang lumaya ng tao mula sa sariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang
negatibong pag-uugali?
A. Upang makatugon sa pangangailangan ng kapuwa at hindi sumentro lamang sa kanyang
sarili na siyang dahilan bakit hindi makakamit ang kalayaan.
B. Upang magkaroon ng puwang ang kapuwa sa buhay niya at palalimin ang sariling pagkatao.
C. Dahil nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao.
D. Upang hindi makahadlang sa kaniya na kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay.

35. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag ng aspekto ng kalayaan para sa
(freedom for)?
A. Pagiging malaya sa mga makasariling interes at negatibong pag-uugali.
B. Gamitin ang kalayaan upang tumugon sa pangangailangan ng kapuwa
C. Pagkakaroon ng puwang ng kapuwa sa buhay niya.
D. Makita ang kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili.

36. Habang kumakain sa labas ang kanilang grupo, nabalitaan ni Anna na sinisiraan siya ni Nina sa
iba nilang kasamahan sa trabaho kahit na wala siyang ibang ipinakita dito kundi kabutihan
lamang. Kung ikaw si Anna, ano ang pinakaangkop na unang hakbang na iyong gagawin?
A. Sabihin sa inyong boss ang nabalitaang paninira sayo ni Nina upang kayo ay pagharapin at
pag ayusin.
B. Kausapin si Nina ng personal at tanungin kung may nagawa ka bang hindi maganda sa
kanya upang maresolba ito.
C. Kausapin ang nagsabi sayo tungkol dito at pati na rin ang iba ninyong mga kasamahan
upang kumpirmahin.
D. Hayaan na lamang ito at wag nang pansinin.

37. Ang bawat tao ay may pantay na karapatan sa sibil, politikal, panlipunan, at kultural na aspeto
ng buhay. Ano ang tawag sa pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula
sa iyong kapwa?
A Kalayaan
B Karapatan
C Dignidad
D Diskriminasyon

38. May pagkakaiba-iba na humihikayat sa tao na isabuhay ang pagiging mapagbigay at mabuti.
Ipinahihiwatig nito na sa pagkakaiba ng tao ay sumasalamin na kailangan natin ang ating kapwa.
Saan ngayon nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang tao?
A. Ito ay nakatuon sa dignidad ng tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito na isinasabuhay
sa loob ng komunidad
B Ito ay nakatuon sa kilos ng tao na maaaring maka-apekto sa taong nakapaligid sa kaniya
C Ito ay nakatuon sa kakayahan ng tao na humihikayat na kilalanin ang pangangailangan ng
iba at maging mabuti
D Ito ay nakatuon sa kakayahan ng tao na makisalamuha at umakto ayon sa kaniyang estado
39. Ayon kay Papa San Juan Pablo II, “May karapatan ang mga magsasaka at manggagawang
Pilipino na mamuhay at pakitunguhan nang naaayon sa kanilang dangal bilang tao; at kasabay
nito, may karampatang tungkulin din na makitungo sa kapwa sa ganito ring paraan.” Paano
maipapahayag ang pagkilala sa dignidad ng mga manggagawang Pilipino ng kanilang mga
kompanya?
A Turuan sila na pamahalaan ang kanilang paggastos at pagtatabi upang matutunan kung
paano gugugulin ang kanilang sahod
B Ibigay ang kanilang sahod ng buo
C Ibigay ang karampatang sahod gayundin ang mga benepisyo ng manggagawa
D Pautangin ng pautangin ang manggagawa

40. Ayon kay ________, may karapatan ang mga magsasaka at manggagawang Pilipino na
mamuhay at pakitunguhan nang naaayon sa kanilang dangal bilang tao.
A Santo Tomas de Aquino
B Papa San Juan Pablo II
C Propesor Patrick Lee
D Confucius

41. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng obligasyon ng isang tao na pangalagaan ang buhay ng
kaniyang kapwa?
A Ang kapwa ay hindi dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan
B Ang kapwa ay nariyan upang ikaw ay tulungan
C Ang kapwa ay nariyan upang magbigay payo
D Ang kapwa ay dapat pahalagahan dahil sila ang tutulong sa iyo sa gitna ng pagsubok

42. Mahalaga ang pakikiisa at pakikibahagi ng tao sa lipunan. Paano makatutulong ang isang
mamamayan sa lipunang kaniyang ginagalawan?
A Tignan ang magiging epekto ng isang kilos sa iba
B Pag-isipang mabuti kung makabubuti ang gagawin para sa sarili
C Nararapat na isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos
D Itanong sa sarili kung gagawin pa o hindi na ang isang kilos

43. Kanino nagmula ang dignidad ng tao?


A Lipunan
B Tao
C Sarili
D Diyos

44. Ang bawat tao sa lipunan ay hindi mababawasan at maibababa sa kaniyang pagkatao dahil buo
siya bilang tao. Uriin ang mga bagay na nagpapabukod-tangi sa tao:
A Ang tao ay magkakaiba ng anyo.
B Ang tao ay may iba’t-ibang antas ng kalingan na kaniyang pinagsumikapan.
C Ang bawat tao ay may taglay na kakayahan na siyang magagamit sa pag-unlad.
D Ang bawat tao ay may kani-kaniyang isip at kilos-loob.

45. Sa pagbuo ng tao ng kaniyang pagkatao, paano isasabuhay ng isang mag-aaral mula sa ika-
sampung baitang ang pagpapahalaga sa likas-kayang pag-unlad?
A Maghanap ng disenteng trabaho
B Mag-aral ng mabuti at makapagtapos hanggang kolehiyo
C Mamili ng lugar na mapapasukan na may maayos na pasahod at benepisyo
D Tumulong sa pamilya sa mga gastusin sa bahay

46. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapatdapat ng tao sa pagpapahalaga at


paggalang mula sa kaniyang kapwa. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pagkilala
ng tao sa dignidad?
A Paminsan minsan ay kumukuha si Mike ng tanso sa kanilang mga kapitbahay para ibenta
B Sa kabila ng kahirapan, pumasok si Ging na kahera ng isang malaking tindahan upang
kumita habang nag-aaral sa kolehiyo
C Mapili sa trabaho si Bing, mas pipiliin niya na wala kaysa hindi nya gusto ang kondisyon ng
kompanya
D Naisipan ni Boy na ibenta ang kanilang mga gamit sa bahay upang may ipangtustos sa
pangangailangan

47. Paano maipababatid ng tao sa kaniyang kapwang itinuturing na mababa ang sarili na siya ay
bukod-tangi dahil sa kanyang taglay na dignidad bilang tao?
A Pagbati sa iba sa tuwing sila ay makakasalamuha
B Paghikayat upang paunlarin ang sarili
C Pagbibigay ng oras upang mapakinggan ang kanilang hinaing
D Pagkilala sa kakayahan at karapatan ng kapwa

48. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagpapahalaga sa dignidad ng tao bilang tao?
A Nakipaglapit si Anne sa pinakamatalino sa klase upang makipagkaibigan
B Nagiging maingat si Berly sa pagpili ng kaibigan at mapagkakatiwalaan
C Sa kabila ng kasikatan, pinili ni Francine na makipagkaibigan nang matapat at
makisalamuha sa mga taong humahanga sa kaniya
D Nakikisama si Mia sa lahat ng may paggalang at kinikilala ang kagalingan ng bawat isa

49. Suriin alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapahayag ng pagkilala sa dignidad ng isang tao:
A Simula maging breadwinner ng pamilya, si Sevi na ang nagdedesisyon kahit hindi pabor ang
kaniyang magulang
B Si Den ang may pinakamalaking sahod sa kanila kaya naman siya na ang nasusunod at
pinakikinggan
C Sa kabila ng kaniyang promotion, nakikinig pa rin si Danzelle sa kaniyang magulang at
inihahanda ang kailangan nila sa pagtanda
D Tumatanda na ang magulang ni Diego kaya naman lagi niyang inaalala at isinasaalang-alang
ang mga pangaral ng mga ito sa kanila

50. Paano pauunlarin ng isang tao ang kaniyang sarili?


A Gamit ang isip, may kakayahang umunawa ng konsepto at mangatwiran ang tao
B Gamit ang kilos-loob, may kakayahang tukuyin ng tao ang kabutihan at kasamaan ng isang
kilos
C Gamit ang puso, kaya ng tao na pakisamahan ang mga tao sa kaniyang paligid
D Gamit ang kamay, may kakayahan ang tao na tumulong sa iba at magmalasakit
Unang Markahang Pagsusulit
Taong Panuruan 2023-2024

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO GRADE 10


Susi sa pagwawasto

1. C
2. A
3. D
4. D
5. D
6. C
7. B
8. A
9. A
10. C
11. B
12. C
13. D
14. A
15. B
16. D
17. D
18. A
19. C
20. D
21. A
22. D
23. D
24. A
25. B
26. B
27. C
28. B
29. B
30. D
31. D
32. D
33. C
34. A
35. D
36. B
37. C
38. A
39. C
40. B
41. A
42. C
43. D
44. D
45. B
46. B
47. D
48. D
49. C
50. A

You might also like