You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR

IKALAWANG MARKAHAN – MAHABANG PAGSUSULIT SA


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

Name: _____________________________________ Score: ___________


Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at mga pahayag. Piliin lamang ang tamang sagot
at isulat ang titik sa sagutang papel.
1. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa
pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng ______.
A. Kilos ng tao
B. Di kusang-loob
C. Kusang-loob
D. Nakasanayang kilos
2. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?
A. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang ayon
B. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan
C. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa
ditto
D. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya
3. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito
dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-
ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?
A. Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera
B. Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari
C. Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari
D. Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag
4. Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang
asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng
kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?
A. Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginagawa niya
B. Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang
kaniyang proyekto
C. Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan
niyang matuwa ang kaniyang mga magulang
D. Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang
kusang-loob
5. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin
dahil katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng
kilos ayon sa kapanagutan?
A. Walang kusang- loob
B. Di kusang-loob
C. Kusang-loob
D. Kilos ng tao
6. Ayon kay Aristoteles, saan nakasalalay ang pagiging mabuti at masama ng isang kilos?
A. intensiyon kung bakit ginawa ang kilos
B. paraan upang maisagawa ang kilos
C. obligasyong gawin ang kilos
D. pagkakataon kung kailan ginawa ang kilos
7. Sa mata ng tao, ang pagtulong sa kapwa ay laging mabuting kilos, kailan ito nagiging
masama?
A. kung hindi ito kaaya-aya sa tumanggap ng tulong
B. kung ang nilalayon sa pagtulong ay para sa pansariling kabutihan lamang
C. kung walang layunin ang taong nagbibigay ng tulong
D. kung walang kaalaman at malayang pagtanggap sa tumatanggap ng tulong
8. Ayon kay Sto. Tomas, kailan obligado ang taong gawin ang isang kilos?
A. kung mas nakakatulong ang kilos sa kapwa kaysa sa sarili
B. kung maganda ang magiging bunga o kahihinatnan ng isang kilos
C. kung magdadala ito ng kapanatagan ng loob
D. kung ang hindi pagtuloy na gawin ito ay magdudulot ng masamang bunga
9. Noong unang ginamit ang tabako, ang mga tao ay higit na walang kamalayan sa mga
nakakapinsalang epekto nito. Ito ay tinutukoy ang tungkol sa?
A. kamangmangan
B. takot
C. masidhing damdamin
D. karahasan
10. Si Anna ay tumutulong sa isang organisasyon para sa mga bata na nangangailangan ng
pinansiyal na tulong. Ito ay isang halimbawa ng?
A. kusang-loob
B. di kusang loob
C. walang kusang loob
D. boluntaryo
11. Ito ay isang damdamin na sapilitan na nagdudulot ng panganib o banta at dahil dito ay
nagdudulot ng mga pagbabago sa pisyolohikal at mga pagbabago sa pag-uugali.
A. masidhing damdamin
B. karahasan
C. gawi
D. takot
12. Hindi na ginawa ni Brooke ang kaniyang takdang aralin at wala siyang balak na gawin ito.
Ito ay isang halimbawa ng?
A. kusang-loob
B. katamaran
C. walang kusang loob
D. boluntaryo
13. Si Anna ay tumutulong sa isang organisasyon para sa mga bata na nangangailangan ng
pinansiyal na tulong. Ito ay isang halimbawa ng?
A. kusang-loob
B. di kusang loob
C. walang kusang loob
D. boluntaryo
14. Ang ideya ng mga 12 na yugto ng makataong kilos ay mula sa aral ni:
A. Rene Descartes
B. Aristoteles
C. Plato
D. Sto. Tomas de Aquino
15. Sa hindi inaasahang pangyayari, ang inyong pamilya ay dumaranas ng matinding
pagsubok sa buhay. Ginawa na lahat ng makakaya ng pamilya upang maligtas ang buhay
ng iyong kapatid dahil sa matinding sakit na kanyang dinaranas ngayon. Awang-awa ka sa
iyong kapatid at gusto mong makatulong subalit wala kang magawa. Anong proseso ng
pakikinig ang dapat gamitin ng pamilya?
A. Magsagawa ng pasiya
B. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos
C. Magkalap ng patunay
D. Isaisip ang mga posibilidad
16. Kung ikaw ay naguguluhan sa iyong pagpapasya dahil sa nagtutunggaliang katwiran sa
iyong isipan, maaaring:
A. Huwag ka nang gumawa ng pasya.
B. Konsultahin ang iyong magulang, kapatid, guro, o pari, pastor o ministro.
C. Gayahin ang pasya ng iba.
D. Ituloy pa rin ang pasya at bahala na ang resulta at epekto nito.
17. Sa gitna ng suliranin, pagsubok at alalahanin, mahalagang magkaroon ng kapanatagan ng
loob at tamang pagpapasya. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng wastong pagharap sa
suliranin?
A. Hindi papansinin ang problema
B. Humingi ng payo sa nakakatanda
C. Umiyak na lamang dahil sa problema
D. Manalangin sa Panginoon upang maliwanagan ang isipan
18. Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos?
A. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti
ang panlabas.
B. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
C. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
D. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.
19. Ang kilos, anuman ang intensyon ay kinakailangang maging tama. Gusto mo man na
pakainin ang nagugutom kung ang pinagkunan mo ng laang salapi ay masama, wala rin
itong silbi. Ano ang ipinahiwatig nito?
A. Ang kilos ay repleksyon ng ating intensyon.
B. Ang tamang intensyon ay dapat tumbasan ng kahit anong kilos.
C. Mas mabuting mangupit para ibili ng pagkain kaysa magutom.
D. Ang kilos ay mas mahalagang pamantayang moral kaysa intensyon. 1
20. Tumunog nang malakas ang cellphone ni Ana habang nasa kalagitnaan ng pagsesermon
ang pari. Nagtinginan ang mga tao at napahiya si Ana. Anong bahagi ng kilos ang hindi
tama.
A. Ang sitwasyon o kondisyon
B. Ang partikular na kilos o gawain
C. Ang pagpili ng alternatibo
D. Ang layunin o intensyon ng kilo

You might also like