You are on page 1of 3

VILLACASTOR NATIONAL HIGH SCHOOL

Villacastor, Buug, Zamboanga Sibugay

EsP-10
Diagnostic Test

Pangalan: ______________________________________________ Petsa:__________ Iskor: _________


Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at
isulat sa patlang.

1. _____Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
a. Walang kusang- loob b. Di kusang-loob c. Kusang-loob d. Kilos ng tao
2. _____Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang “dagdag timbang” pero ginawa mo pa rin dahil katwiran
mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos ayon sa kapanagutan?
a. Walang kusang- loob b. Di kusang-loob c. Kusang-loob d. Kilos ng tao
3. _____Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?
a. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon
b. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan
c. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito
d. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya
4. _____Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro mong kahit
na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may kapanagutan ka ba sa
kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit?
a. Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong
b. Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit
c. Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at kahihinatnan nito
d. Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa
5. _____Bakit hindi mapanagot ang taong nagsagawa ng kilos sa walang kusang-loob na uri ng kilos?
a. May depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa sa kilos
b. Ang tao ay walang alam kaya’t walang pagkukusa sa kilos
c. Ang tao ay may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan pero hindi isinagawa
d. Ang tao ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan ng kilos
6. _____Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawangaya ng paghikab, reaksiyon sa pagkagulat o
pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng .
a. Kilos ng tao b. Di kusang-loob c. Kusang-loob d. Nakasanayang kilos
7. _____Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya
pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang
maituturing na makataong kilos?
a. Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera
b. Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari
c. Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari
d. Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag
8. _____Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura. Alam
niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang. Bakit kusang-
loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?
a. Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si
Elmer sa ginagawa niya
b. Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang proyekto
c. Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang matuwa
ang kaniyang mga magulang
d. Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang kusang-loob
Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat patlang upang mabuo ang bawat pahayag.

konsensiy a isip kilos-loob


kapanagu tan ma buti kilos
mas ama kalikasan sarili

9. Ang ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa
sarili.
10-12. Ang taong gumawa sa kilos ay walang pananagutan kung ang kilos ay ayon sa kaniyang bilang tao at
hindi ginagamitan ng at .
13. Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat sa bawat kilos na ginawa nang
may pang-unawa ay may
.
14. Ang tao ay may kapanagutan kung ang kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng
.
15. Kung ang kilos, ito ay katanggap-tanggap at dapat ipagpatuloy.
16. _____Ayon kay Aristoteles, saan nakasalalay ang pagiging mabuti at masama ng isang kilos?
a. intensiyon kung bakit ginawa ang kilos
b. paraan upang maisagawa ang kilos
c. obligasyong gawin ang kilos
d. pagkakataon kung kailan ginawa ang kilos
17. _____Sa mata ng tao, ang pagtulong sa kapwa ay laging mabuting kilos, kailan ito nagiging masama?
a. kung hindi ito kaaya-aya sa tumanggap ng tulong
b. kung ang nilalayon sa pagtulong ay para sa pansariling kabutihan lamang
c. kung walang layunin ang taong nagbibigay ng tulong
d. kung walang kaalaman at malayang pagtanggap sa tumatanggap ng tulong
18. _____Ayon kay Sto. Tomas, kailan obligado ang taong gawin ang isang kilos?
a. kung mas nakakatulong ang kilos sa kapwa kaysa sa sarili
b. kung maganda ang magiging bunga o kahihinatnan ng isang kilos
c. kung magdadala ito ng kapanatagan ng loob
d. kung ang hindi pagtuloy na gawin ito ay magdudulot ng
masamang bunga

Para sa bilang 4-5: Suriin ang sitwasyon.

19. _____Ayon kay Aristotle, masasabi bang mabuti ang kilos na pagtulong ni Ginoong Tang? Bakit?
a. Mabuti ang kilos dahil kusa niyang ibinigay ang tulong at hindi hiningi sa kaniya
b. Mabuti ang kilos dahil kahit natalo siya sa halalan ay hindi niya nagawang bawiin ang mga ibinigay
c. Masama ang kilos dahil kung titingnan ang kaniyang intensiyon sa pagtulong ay para makakuha ng boto
mula sa mga tinulungan
d. Masama ang kilos dahil masama ang loob noong natalo sa halalan
20. _____Pinili ba ni Ginoong Tang ang mas mataas na kabutihan sa kaniyang ginawang pagbibigay ng tulong?
Patunayan.
a. Hindi. Malinaw na pansariling interes ang intensiyon sa pagtulong
b. Hindi. Hindi isinaalang-alang ang magandang paraan sa pagpapaabot ng tulong
c. Oo. Nakatulong pa rin naman kahit na may mali sa intensiyon
d. Oo. Natugunan niya ang pangangailangan ng kaniyang kapwa.
20. _____Ang pagbibigay ng pera ang naiisip ni Ginoong Tang upang makamit ang layuning manalo sa darating na
eleksiyon. Anong hakbang sa Proseso ng Pagkilos ang hindi niya tinugunan?

Isa isang pinuntahan ni Ginoong Tang ang mga kabahayang nasalanta ng bagyo sa kanilang lugar upang ipaabot ang
kaniyang tulong pinansyal. Malinaw sa sitwasyon na mabuti ang kaniyang ginagawa. Pero kapansin- pansin sa mga
ibinigay na envelope, may nakasulat na paalala ng kaniyang pangalan para sa darating na halalan. Pagkatapos ng kaniyang
pagkatalo ay hindi na siya nakikitang tumutulong sa mga nangangailangan sa kanilang lugar.

a. Paglalayon b. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin


c. Pagpili ng pinakamalapit na paraan d. Pagsasakilos ng paraan

Para sa aytem 21-25


PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI ayon sa paliwang
ng mga salik na nakakaapekto sa kahihinatnan ng kilos at pasiya. Isulat ang iyong sagot pagkatapos ng
bilang.

21. _______Si Anna ay laging maagang gumigising para mag-ehersisyo at gawin ang mga gawaing bahay. Ang paulit-ulit na
pagsasagawa nito ni Anna ay maituturing na gawi.
22._______Nawalan ng trabaho and tatay ni Brooke dahil sa CoViD-19 Pandemic kaya nakaramdam siya ng takot na
baka titigil na siya sa pag-aaral. Ang takot ay nagdudulot upang magkaroon ng pagkabagabag ng isip.
23._______May kakayahan ang bawat tao na makita ang mga kahihinatnan ng kanilang mga kilos at pasiya kung kaya't nag-
iingat sila sa lahat ng kanilang ginagawa.
24._______Ayon sa Teorya ni David Kolb sa pamamagitan ng pagmamasid, ang isang tao ay nagkakaroon ng pagkakataon na
matutunan ang isang kilos ito ay maaaring makataong sa kilos o masamang kilos.
25._______Ang masidhing damdamin ng isang tao ay maaaring magdulot ng kilos na hindi sinasadya.

You might also like