You are on page 1of 5

GRACE CHRISTIAN MISSION TECHNICAL SCHOOL

OLD BOSO-BOSO BRGY, SAN JOSE ANTIPOLO CITY

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


Edukasyon sa Pagpapakatao 10
_____________________________________________________________________________________

PANGALAN: ___________________________________ ISKOR: _____________________


GRADE/SECTION: ______________________________ PETSA: _____________________

PANUTO: Basahin Mabuti ang mga tanong at Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang
sa ibaba.

_______1. Ang mga hindi mo namamalayang galaw ng iyong katawan gaya ng paghikab, reaksiyon sa
pagkagulat o pagkurap ng mata ay mga halimbawa ng ______.
a. Kilos ng tao b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob d. Nakasanayang kilos
_______2. Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ayon kay Aristotle?

a. Ang kilos ay nagpapakita ng kaalaman tungkol sa gawain at pagsang ayon

b. Ang kilos ay hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan

c. Ang kilos ay walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito

d. Ang kilos ay resulta ng bulong ng konsensiya

_______3. Nakapulot si Elsa ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito
dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa
sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?

a. Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera

b. Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari


c. Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari
d. Nagbabasakaling makilala ang ma-ari ng bag
_____ 4. Buong husay na ginagawa ni Elmer ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang
asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga
magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?
a. Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Elmer sa ginagawa niya
b. Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang
proyekto
c. Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang
matuwa ang kaniyang mga magulang
d. Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang kusang-
loob
______5. Sa tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle, alin ang karapat-dapat panagutan?
a. Walang kusang- loob b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob d. Kilos ng tao
______6. Alam mong bawal at labag sa iyong kalooban ang dagdag timbang pero ginawa mo pa rin dahil
katwiran mo, ginagawa naman ito ng lahat ng nagtitinda sa palengke. Anong uri ito ng kilos ayon sa
kapanagutan?
a. Walang kusang- loob b. Di kusang-loob
c. Kusang-loob d. Kilos ng tao
______7. Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?
a. Paglilinis ng ilong b. Pagpasok nang
c. Pagsusugal d. Maalimpungatan sa gabi
_______8. “Hindi lahat ng kilos ay obligado; ang isang gawa o kilos ay obligado lamang kung ang hindi
pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari. Ang pahayag na ito ay ayon kay?
a. Sr. Felicidad Lipio b. Santo Tomas
c. Aristoteles d. Agapay
_______9. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at
nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _____ niya ay nakatuon at kumikiling sa
mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama.
a.Isip b. Kalayaan
c.Kilos-loob d. Dignidad
_______10. Isang matandang babae ang nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store. Ngunit
walang barya na maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming
benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong
ito?
a.Takot b.Kamangmangan
c.Karahasan d. Masidhing damdamin
_______11. 1. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya?
a. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
b. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
d. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili.
______12. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?
a. Upang magsilbing gabay sa buhay.
b. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
_______13. Sa anumang isasagawang proseso ng ____________, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na
panahon sapagkat mula rito mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.
a. pagtulong b. kamalayan
c. pagpapasiya d. kilos-loob
_______14. Ang ____________ ay ang pinaka unang yugto ng makataong kilos kung saan nagkakaroon
ng kaalaman sa pangyayari.
a. pagkilos b. kamalayan
c. pagpapasiya d. pagkakaroon ng interes sa nakikitang pangyayari
______15. Ang _____________ ay ang pagbibigay katuparan sa lahat ng nagawang pagninilay-nilay,
pagtitimbang at pagpapasiya.
a. kamalayan b. kalayaan
c. pagkilos d. katotohanan

PANUTO: Basahin ang maikling kwento sa ibaba. Pagkatapos nito ay sagutan ang mga taong sa mga
aytem bilang anim hanggang sampu.

______16. Base sa kuwento sa itaas, tama ba ang ginawang desisyon ni Lisa?


a. Oo, dahil mahalagang tumulong tayo sa pangangalaga ng ating kalikasan.
b. Oo, dahil mas tamang isipin ng kinabukasan ng buong mundo kaysa sa kinabukasan ng iilang
tao lamang.
c. Hindi, dahil marami namang ibang paraan sa pagtulong sa pangangalaga ng kalikasan ng hindi
isinasakripisyo ang pangangailangan ng pamilya.
d. Hindi, dahil mali ang sumuporta sa mga clean-up drives kasi hindi naman ito epektibo.
_______17. Sa dalawang kanyang pinagpilian, alin ba ang mas matimbang?
a. ang pagsali sa clean-up drive dahil masaya itong gawin
b. ang pagtulong sa nanay dahil mas maganda itong pakinggan
c. ang pagsali sa clean-up drive dahil mas maraming matutuwa rito.
d. ang pagtulong sa nanay dahil ito ay para sa kanilang buong pamilya
______18. Sa iyong palagay, ano kaya ang maaaring magandang nangyari kung mas pinili ni Lisa ang
tulungan ang kanyang nanay sa pagtitinda ng isda sa palengke?
a. magkakatampuhan silang magkakaibigan
b. makatitipid si Lisa sa pamasahe dahil hindi na siya lalayo pa
c. tataas ang tingin ng kanilang kapit-bahay sa kanya dahil sa pagtulong sa nanay
d. makabibili sila ng gamot ng kanyang nanay nang hindi ito masyadong napagod
______19. Sa paanong paraan makatutulong si Lisa sa ating kapaligiran kahit pa siya ay nagbebenta ng
isda sa palengke kasama ng kanyang nanay.
a. pagbibigay ng tamang sukli sa lahat ng bumibili
b. pagsusuot ng face mask habang nagbebenta ng isda
c. paglilinis sa paligid ng pwestong pinagbebentahan nila
d. paggamit ng isang pambalot lamang sa mga binibentang isda
______20. Kung sakaling sumakabilang-buhay ang nanay ni Lisa, mababawasan ba ang pagiging makatao
ng kanyang desisyon?
a. Oo, dahil may namatay na tao.
b. Hindi, dahil ang gawa ay hindi maapektuhan ng resulta nito
c. Oo, dahil naaapektuhan ng kinahinatnan ng gawa ang pagiging makatao nito.
d. Hindi, dahil ang mali ay hindi kalianman magiging tama at ang tama naman ay hindi kailanman
magiging mali.
PANUTO: Punan ng wastong sagot ang hinihingi ng bawat bilang.
21-22 Dalawang Uri ng kilos ng tao.
23-25 Uri ng kilos ayon sa kapanagutan ni Aristotle
26-27 Dalawang uri ng kamangmangan
28-32 Mga salik na nakakaapekto sa makataong kilos
33- 44Sa pagsasagawa ng makataong kilos nahahati sa dalawang kategorya ISIP at KILOS-LOOB.ibigay
ang 12 yugto ayon kay sto. Tomas de Aquino Ano ano ang mga iyon?
45-50 Mga hakbang sa Moral na Pagpapasya

You might also like