You are on page 1of 6

SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL

Edukasyon sa Pagpapakatao 10- QUARTER 2

Pangalan: _______________________________________ Petsa: ________________


Taon at Pangkat: ____________________________________ Iskor: _________________

WRITTEN WORK NO. 1


PAKSA: Pagsusuri ng Makataong Kilos
I. Panuto: Basahin ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.
______1. Isang ama ang sumugod at nanakit sa isang bata bilang ganti
sa ginawa sa kanyang anak na pambubully. Base sa katuruan
ni Aristoteles, anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan nabibilang
ang kilos na ito?
a. Kilos-loob c. Kusang-loob
b. Walang kusang-loob d. Di kusang-loob

_______2. Sino sa sumusunod ang may pananagutan sa ginawa niyang kilos?


a. Si Maria na isang baliw na nagpabuntis
b. Si Junior na nakapatay bunga ng pagliligtas sa kanyang sarili mula sa
masasamang-loob
c. Si Antonio na isang empleyado na siniraan ang kanyang kasamahan
para makuha niya ang promosyon.
d. Si Daniel na tatlong taong gulang ay sinampal ang kanyang lola.

_______3. Ito ay likas na kilos na nagaganap sa tao tulad ng paghinga,


pagtibok ng puso, pagkurap ng mata at paghikab.
a. Malayang kilos c. makataong kilos (Human Act)
b. Kilos ng tao (Act of Man) d. kilos-loob

_______4. Alin sa mga sumusunod na kilos ang ginagamitan ng isip at kilos-loob?


a. Pagkurap ng mata c. Paghinga
b. Pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo d. Pagtibok ng puso

_______ 5. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mapanuri


at mapanagutang Pagkilos?
a. Si Raine na nagbibigay ng “relief goods” sa mga taong mahihirap at
Inilalagay ito sa “My Day o My Story” sa kanyang social media
account para ipaalam sa mga tao ang kanyang ginawa.
b. Si Jones na pinagsisilbihan ang kanyang popular na kaibigan upang
mabahaginan siya ng popularidad na tinatamasa nito..
c. Si Lucky na palagiang nagbibigay ng pera sa magulang para
maipakita niya sa kanyang nobya na mabuti siyang anak.
d. Si Maine na itinatama ang pagkakamali ng kanyang kapwa sapagkat
ito ay kanyang responsibilidad.

______ 6. Bakit pananagutan ng tao ang kawastuhan at kamalian ng makataong


kilos?
a. Sapagkat ito ay ginawa ng may kamalayan, kaalaman at kusa
b. Sapagkat ito ay kilos na intensyong ginawa ng tao
c. Sapagkat ito ay ginawa ng may pagnanais at kasiyahan
d. Sapagkat ito ay kilos na kinagiliwan ng tao

_______ 7. Alin sa mga sumusunod na kilos ang dapat panagutan?


a. Pagtanggap ng illegal na gawain upang matustusan ang pamilyang
nangangailangan dahil sa kahirapan.
b. Napilitang gumamit ng ipinagbabawal na gamot bunga ng
pakikisama sa barkada.
c. Pangongopya ng mga kasagutan mula sa internet bilang sagot sa
ibinigay na takdang aralin ng guro.
d. Lahat ng nabanggit

___ __8. Si Lena ay isang mahirap na nakaranas ng pagmamalupit,


Panghahamak at pang-aapi ng mga mayayaman. Dahil sa
karanasang ito, natuto siyang mahalin at pahalagahan ang
kanyang sarili, bumuo ng magandang pangarap na mabago
ang kanyang buhay. Nag-aral at nagnegosyo upang makaahon
sa kahirapan, at Ipinaranas niya sa mga taong nagpahirap sa
kanya ang sakit na kanyang nadama. Mula sa mga kilos na ginawa
ni Lena, alin ang dapat panagutan sa mga ito?

a. Ang pagbuo ng magandang pangarap upang mabago ang kanyang


buhay
b. Ang pag-aaral at pagnenegosyo upang makaahon sa kahirapan
c. Ang iparanas sa mga taong nagpahirap sa kanya ang sakit na
kanyang nadama at naranasan.
d. Ang mahalin at pahalagahan ang sarili

_______9. Masipag, mabait at responsableng empleyado si Drew. Makikitaan


siya ng pagiging organisado sa lahat ng kanyang ginagawa.
lagi siyang handang tumulong sa kanyang mga kasamahan
na nahihirapang umintindi at gumawa ng mga gawain. Dahil dito,
naging paborito at pinagkatiwalaan siya ng kanyang boss.
may pananagutan ba si Drew na naging paborito siya ng
kanyang boss?
a. Oo, dahil nagpapaimpres lamang siya para magustuhan ng
kanyang boss
b. Oo, dahil kabutihan lang ang kanyang ipinapakita at itinatago niya
ang kanyang masamang katangian
c. Wala, dahil ginagawa lamang niya ang tama at ang kanyang
responsibilidad bilang empleyado
d. Wala, dahil hindi naman niya pinilit ang boss upang at
pagkatiwalaan siya

_______10. Paano mo maipapakita ang pagsasabuhay ng pagkukusa ng


makataong kilos?
a. Kung ang aking ginagawa ay pinag-iisipang mabuti at malayang
naisasagawa base sa katotohanan at tamang konsensya
b. Kapag ang aking ginagawa ay walang nagdidikta
c. Kapag ang aking ginagawa ay bunga ng aking mga nais gawin
d. Kung ang aking ginagawa ay malayang pinili na gawin base sa
pansariling pamantayan ng tamang kilos
II. Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang bawat pahayag. Isulat sa sagutang
papel ang tamang sagot.

______11. Ang tao ay hindi maaaring panagutin sa kanyang ginawang kilos


kung ito ay ginawa na walang kusang-loob sapagkat ang kilos
ay walang pagkukusa dahil walang pagsang-ayon sa taong
gawin ang kilos.
______12. Mas Malaki ang pananagutan ng taong mas mataas ang
pinag-aralan kaysa sa taong mangmang o kulang ang pinag-aralan.
______13. Ang bawat kilos na ginagamitan ng katwiran, sinadya at niloob ay may
Pananagutan ang tao sa kawastuhan at kamalian nito.
______14. Ang makataong pagkilos ay bunga ng kaalaman at mapanagutang
Kalayaan ayon sa Batas ng Diyos at Pagpapahalagang Moral.
______15. Ang pananagutan sa kilos na isinasagawa ay humihina sa ilalim ng
Kamangmangan, pamimilit, di-sinasadya o pananakot.
SAN MATEO NATIONAL HIGH SCHOOL
Edukasyon sa Pagpapakatao 10- QUARTER 2

Pangalan: _______________________________________ Petsa: ______________


Taon at Pangkat: _________________________________ Iskor: _______________

WRITTEN WORK NO. 2


PAKSA: Pagsusuri ng mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao
I. Panuto: Basahin ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat ito sa sagutang papel.
______1. Pangarap ni Raine ang maiahon mula sa kahirapan ang kanyang
Pamilya at tanging ang magtapos ng pag-aaral ang
magpapabago ng kanilang buhay. Ngunit dahil sa
pagmamahal naisantabi niya ang kanyang pangarap sa halip si
Rhaine ay sumamang magtanan sa katipan. Alin sa mga sumusunod
na salik ang nakaapekto sa pananagutan sa kahihinatnan ng kilos
at pasya?
a. masidhing damdamin c. gawi
b. Inggit d. kamangmangan

_______2. Ang mga sumusunod ay salik na nakaaapekto sa pananagutan ng


tao sa kahihinatnan ng kilos at pasya maliban sa isa:
a. takot c. sirkumstansya
b. karahasan d. kamangmangan

_______3. Laman ng mga pahayagan at balita ang posibleng maging epekto sa


tao ng bakuna laban sa Covid-19. Bunga nito, maraming
indibidwal ang nangamba at nagdesisyong huwag magpabakuna.
Anong salik ang nakaapekto sa naging kilos at pasya ng tao?
a. Gawi c. kamangmangan
b. Masidhing damdamin d. takot

_______4. Bakit mahalaga na matukoy ang mga salik na nakaaapekto sa


kahihinatnan ng kilos at pasya?
a. Upang maunawaan at mapangasiwaan ang mga salik na
nakaaapekto sa kilos at pasya
b. Upang matukoy ang kahulugan ng bawat salik na nakaaapekto
sa kilos at pasya
c. Upang magkaroon ng kamalayan hinggil sa mga salik na
nakaaapekto sa kilos at pasya
d. Upang maging gabay ang mga salik na nakaaapekto sa kilos at
pasya

_______5. Si Robinhood ay kilala bilang bayani ng mga mahihirap. Layon


niya ang ipagtanggol at tulungan ang mga inaapi at nasa
laylayan bunga ng labis na pagkaawa na nararamdaman niya
sa mga ito. Upang maisakatuparan niya ang kanyang layon,
si Robinhood ay nagnanakaw mula sa mayayaman at ang
kanyang ninakaw ay ibinabahagi niya sa mga mahihirap.
May pananagutan ba si Robinhood sa ginawa niyang kilos at pasya?
a. Opo, sapagkat may kaalaman at kalayaan siya sa piniling kilos.
b. Opo, sapagkat pinipili lamang niya ang taong kanyang tutulungan
c. Wala, sapagkat nakatutulong siya sa mga mahihirap
d. Wala, sapagkat ang ganitong kilos at pasya ay bunga ng ating mga
kakulangan o hindi pagkalubos bilang tao.

______6. Sino sa sumusunod ang makikitaan ng pananagutan sa ginawang


kilos at pasya sa kabila ng salik na kinakaharap?
a. Si Allen na labis ang pagmamahal sa kasintahan ngunit pinanatili
ang pag-iingat at paggalang sa kanyang minamahal.
b. Si Jane na takot sa kanyang ama kung kaya’t minabuti nitong itago
ang pagtatakwil na ginagawa sa kanyang ina.
c. Si Vince na produkto ng pag-aabuso ng magulang ay nagpasiyang
sumapi sa isang gang.
d. Si Luz ay mahilig kumain ng masasarap kung kaya’t itinatago niya
ang mga paboritong pagkain.

______7. Paano makahahadlang ang salik sa mabuting pagpili


at pagpapasiya?
a. Nakaaapeko ito sa kakayahan ng tao na makapag-isip at maka
gawa ng isang matalino at maayos na pagpapasya.
b. Nagdudulot ito ng pagdadalawang isip sa gagawing pagpili at
pagpapasya.
c. Nawawala ang masusing pagsusuri sa pipiliin at magiging pasya
d. Nagkakaroon ng kalituhan kung ano ang pipiliin at gagawing pasya

______8. Isang lalaki na may problema sa pag-iisip ang pagala-gala


sa lansangan habang may dala-dalang yantok. May isang bata
na nangahas na biruin at paglaruan ito. Biglang hinampas ng lalaki
ang bata ng yantok bilang reaksyon sa ginawa nito sa kanya.
Bakit maaaring mawala ang pagkukusa sa kilos ng lalaki sa
sitwasyong ito?
a. Sapagkat ang kilos ay hindi resulta ng kaalaman at hindi
ginagamitan ng isip at kilos-loob
b. Sapagkat ang kilos ay isinagawa sa panahon na siya ay hindi
responsible
c. Sapagkat ang lalaki ay wala sa tamang pag-iisip kung kaya’t ang
kanyang kamangmangan ay walang paraan upang makaalam o
makaunawa sa sariling kakayahan o kakayahan man ng iba.
d. Lahat ng nabanggit

_______9. Kailan nawawala ang pananagutan sa kilos at pasya dahil sa


kamangmangan ng tao?
a. kapag walang posibleng paraan upang malaman ang isang
bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan man ng iba
b. kapag walang alam sa isang gawain/bagay subalit may
pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman
c. kapag hindi nagawa ang paraan upang maitama ang kawalan
ng kaalaman
d. kapag salat sa kaalaman at mayroon ng pagkakalito

_______10. Dahil sa ipinatutupad na ECQ, maraming tao ang nagpapanic buying


o nagho-hoard ng mga pagkain o bilihin upang masiguro na
matutugunan ang kanilang mga sariling pangangailangan sa
araw-araw sa panahon na ipagbawal ang paglabas ng bahay.
kung ikaw ang nasa ganitong uri ng sitwasyon, paano mo
ito haharapin upang maisabuhay ang iyong pananagutan sa
panahon na ikaw ay nakararamdam ng pangamba o takot sa
pinaiiral na ECQ?
a. Magkaroon ng malawak na kamalayan na may pananagutan ka
sa iyong kapwa
b. Magkaroon ng malinaw na pang-unawa na may
pangangailangan din ang iyong kapwa na dapat matugunan
c. Magkaroon ng malasakit sa kapwa at taglayin ang pagkakaroon
ng disiplina
d. Lahat ng nabanggit

II. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Tukuyin ang salik na
Inilalarawan . Piliin sa kahon ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa sagutang papel.

a. karahasan c. gawi
b. takot d. kamangmangan
e. masidhing damdamin

_______11. Ito ay may kaugnayan sa papel ng isip na makikitaan ng kawalan o


kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
_______12. May kaugnayan ito sa dikta ng bodily appetite, pagkiling sa isang
bagay o kilos (tendency) o damdamin. Tumutukoy ito sa masidhing
pag-aasam o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o
kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o
hirap.
_______13. Nagpapakita ng pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa
anumang uri ng pagbabanta sa kanyang buhay o ng
mga minamahal.
_______14. Nagpapakita ng pagkakaroon ng panlabas na pwersa upang pilitin
ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang
kilos-loob at pagkukusa.
_______15. Kilos na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng Sistema
ng buhay sa araw-araw.

You might also like