You are on page 1of 9

PANUTO: Basahing mabuti ang mga pahayag.

Piliin ang titik na may tamang


sagot isulat sa patlang bago ang bilang.

_______1. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos.


Ang pahayag ay:

a. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao


b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan
c. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang
nagpapahinga
d. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang
kanyang paghahanap sa kanyang tunguhin

_______2. Nahuli ng kanyang guro si Ronaldo na nagpapakopya sa kanyang kaibigan


sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at
patuloy na panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang
kanyang kaibigan at ito raw ang nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando
sa pagkakataong ito?

a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto


nito para sa sarili
b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng kapwa
na akuin ang pagkakamali
c. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng kilos
para sa sarili
d. lahat ng nabanggit

_______3. Ang sumusunod ay katangian ng isip maliban sa:

a. Ang isip ay may kapangyarihang mag-alala


b. Ang isip ay may kapangyarihang mangatwiran
c. Ang isip ay may kapangyarihang mag lapat ng mga pagpapasya
d. Ang isip ay may kapangyarihang umunawa sa kahulugan ng buhay

_______4. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?

a. Mag-isip
b. Umunawa
c. Magpasya
d. Magtimbang ng esensya ng mga bagay

_______5. Analohiya : Isip: kapangyarihang mangatwiran – kilos-loob: ___________.

a. Kapangyarihang magnilay, sumangguni, magpasya at kumilos


b. Kapangyarihang pumili, magpasya at isakatuparan ang pinili
c. Kapangyarihang magnilay, pumili, magpasya at isakatuparan ang pasya
d. Kapangyarihang makadama, kilalanin ang nadarama at ibahagi ang
nadarama

_______6. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil ng mga ito ay nilikhang may buhay ng diyos


b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi ipinanganak at walang mga
magulang
c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao na higit pa sa mabuhay, maging
malusog at makaramdam
d. Tama, dahil katulad ng tao ay may pangangailangan din silang alagaan
upang lumaki, kumilos at dumami.

_______7. Sa pamamagitan ng kilos-loob, nahahanap ng tao ang ______________

a. Kabutihan
b. Kaalaman
c. Katotohanan
d. Karunungan

_______8. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?

a. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina


b. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
c. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
d. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaaalam at puno ng
karanasan

_______9. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan


b. Mali, dahil nakikilala nito ang gawang mabuti at masama
c. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin
d. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinigay na impormasyon ng isip

_______10. Ang tao ay may tungkuling __________________, ang isip at kilos-loob.

a. Sanayin, paunlarin at gawing ganap


b. Kilalanin, sanayin at gawing ganap
c. Kilalanin, sanayin, paunlarin at gawing ganap
d. Wala sa nabanggit
_______11. Nais ni Maria na makapagtapos ng pag-aaral kaya siya ay pumasok sa
isang bahay aliwan. Kaya nagtatrabaho siya sa gabi at nag-aaral sa araw. Mula sa
ginawa ni Maria, masasabing:

a. Tama ang kanyang pasya subalit mali ang kanyang kilos


b. Tama ang kanyang intension subalit mali ang kanyang pasya
c. Mali ang kanyang intension subalit tama ang kanyang pasya
d. Mali ang kanyang kilos ngunit tama ang kanyang intension

_______12. Sumali si Jenny sa paligsahan sa pagkanta upang mas maging sikat siya
kaysa sa kanyang kapitbahay na mas maganda sa kanya.

a. Tama ang kanyang pasya subalit mali ang kanyang kilos


b. Tama ang kanyang intesyon subalit mali ang kanyang pasya
c. Mali ang kanyang intensyon kahit tama ang kanyang kilos
d. Mali ang kanyang intensyon at mali ang kanyang kilos

_______13. Ang ibig sabihin ng pahayag na: “The end does not justify the means” ay:

a. Ang kilos ay mabuti dahil mabuti ang dahilan


b. Kung mabuti ang layunin kahit masama ang kilos ay nagiging tama rin
c. Ang kabutihan ng layunin ay hindi makakapagtatama ng maling kilos
d. Kung hindi mabuti ang kilos, hindi rin mabuti ang pasya

_______14. Ayon sa uri ng konsensya, ito ay ang paghuhusga sa kilos na naaayon sa


batas na moral

a. Tamang konsensya
b. Maling konsensya
c. Tiyak na konsensya
d. Di- tiyak na konsenya

_______15. Ang konsensya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin


nito ay:

a. Bahala na nag tao sa kanyang kilos


b. Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos
c. Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos
d. Makabubuti sa tao na kumilos ng tama

_______16. Nakita ni Martha ang kanyang panyo na nasa bag ni Lorna, inisip niyang
kinuha ito ni lorna kaya kinuha niya ito at hindi ipinaalam kahit kanino. Dahil sa maling
hinala, ang pasya ni Martha ay batay sa konsensyang;

a.tiyak
b. di-tiyak
c. tama
d. mali
_______17. Nakita ni aling Julia nag kanyang anak na apat na taong si Digna na
kumakain ng kendi. Tinanong niya ito kung saan niya ito kinuha. Umiling at ayaw
sumagot ng bata. Sinabi ng ina na masama ang nagsisinungaling kahit walang
nakakakita sa iyo sa pag kuha ng mga bagay na hindi iyo ay mayroong ding Diyos na
nakatingin sa iyo. Matutunan ni Digna na ang konsensya ay dapat na:
a. Tiyak
b. Di-tiyak
c. Tama
d. Mali
_______18. Limang taon lamang si Jose. Minsan galing sa kapitbahay, may dala
siyang laruan. Tinanong niya kung may nakakita ng kunin niya ito. Wala daw kaya
itinago ito ng kanyang kuya. Ang konsensyang maaaring mahubog ni Jose ay:
a. Tiyak
b. Di-tiyak
c. Tama
d. Mali
_______19. Kasalukuyang kumukuha ng pagsusulit ang klase nila Romy. Biglang
tinawag ang kanilang guro sa opisina ng kanilang punong-guro. Sinabi ng katabi niyang
si Eric na maaari na nilang buksan ang kanilang aklat. Ang kanilang mga kaklase ay
gumaya kay Eric. Si Romy ay hindi nagbukas ng aklat, ang kanyang konsensya ay
batay sa:
a. Tiyak
b. Di-tiyak
c. Tama
d. Mali
_______20. Kung ikaw ay naguguluhan sa pagpapasya at nagkakaroon ng alinlangan
sa bulong ng iyong konsensya, ang sumusunod ay maaari mong gawin liban sa:
a. Hintaying bumulong muli ang konsensya
b. Lumapit sa taong iyong mapagkakatiwalaan
c. Ipagpaliban muna ang napiling pasya
d. Isipin ang magiging kalalabasan ng pasya
_______21. Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang tao sa mundo?
a. Matuto tayong magpakumbaba at magpaubaya
b. Mabibigyang pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng
talento at kakayahan ng biyaya ng Diyos sa iilang tao
c. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong
magsikap at magpunyagi para sa pag unlad ng ating pagkatao.
d. Maunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila
natin matatanggap an gating mga pangangailangang materyal at ispirtuwal.
_______22. Saan nag kakapantay-pantay ang mga tao?
a. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
b. Sa pagmamahal ng kani-kanilang mga pamilya
c. Sa kanilang dignidad bilang mga tao at ang karapatan na dumadaloy mula
rito.
d. Sa pagdating ng huling yugto ng kanyang buhay sa daigdig
_______23. Ang sumusunod ay pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad
maliban sa:
a. Igalang ang buhay at buhay ng sariling kapwa
b. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d. Pakitunguhan ang iyong kapwa ayon sa iyong nais nilang gawing pakikitungo
sa iyo
_______24. Paano maipapakita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang
tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hanggat siya ay nabubuhay
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga
ito
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang
pagmamahal at pagpapahalaga.
_______25. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang
kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng
isang empleyado na tumatanda na
b. Isang pilantropong laging nakahandang laging nakahandang magbigay ng
tulong sa kapwa na nangangailangan ng kanyang tulong
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa
pamahalaan
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba

_______26. Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao
dahil sa lipunan ito nagmumula. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil itinadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-
pantay ng lahat ng tao sa lipunan
b. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala sa
karapatan at dignidad ng lahat ng tao
c. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao
d. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na
mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan.
_______27. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Kapag siya ay naging masamang tao
b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
d. Wala sa nabanggit
_______28. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad tao?
a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang sa
paggalang ng kapwa
c. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging
karapat-dapat sa kanilang pagkilala
d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi
sa karangalan bilang tao
_______29. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa
tao?
a. Magiging Malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili
b. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao
c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang
pag-aalinlangan.
d. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umuunlad sa paraang hindi
makasasakit o makasasama sa ibang tao
_______30. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang
dignidad bilang tao?
a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw
b. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may mag-aruga sa
kanya
c. Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan
siya ng disenteng buhay
d. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto
sa kanyang sarili
_______31. Ang mga manggagawa tulad ng tsuper, mananahi, karpintero at iba pa ay
nabibilang sa trabahong tinatawag na:
a. Blue collar
b. Pink collar
c. White collar
d. Yellow collar
_______32. Para maiangat ang dignidad ng lahat ng tao, dapat tumulong ang lipunan
dahil dito nagsisimula. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-
pantay ng lahat ng tao.
b. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkikilala sa
karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
d. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na
mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan.
_______33. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Kapag siya ay naging masamang tao.
b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.
c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
d. Wala sa nabanggit
_______34. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang
paggalang ng kapwa.
c. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging
karapat-dapat sa kanilang pagkilala
d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian maayroon kundi
sa karangalan bilang tao.
_______35. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng
tao?
a. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
b. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-
aalinlangan.
d. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makakasama sa ibang tao.
_______36. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang
dignidad bilang tao?
a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
b. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may magaruga sa
kanya.
c. Humanap ng isang instituyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan
siya ng disenteng buhay.
d. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto
sa kanyang sarili.
_______37. Para maiangat ang dignidad ng lahat ng tao, dapat tumulong ang lipunan
dahil dito nagsisimula. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-
pantay ng lahat ng tao.
b. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkikilala sa
karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
d. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na
mas mataas ang katungkulan sa pamahalaan.
_______38. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Kapag siya ay naging masamang tao.
b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.
c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
d. Wala sa nabanggit
_______39. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang
paggalang ng kapwa.
c. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging
karapat-dapat sa kanilang pagkilala
d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian maayroon kundi
sa karangalan bilang tao.
_______40. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng
tao?
a. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
b. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-
aalinlangan.
d. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makakasama sa ibang tao.

Sagot
1. C
2. B
3. C
4. D
5. D
6. A
7. A
8. A
9. B
10. C
11. B
12. C
13. C
14. A
15. B
16. B
17. A
18. B
19. C
20. A
21. D
22. C
23. D
24. C
25. D
26. A
27. B
28. B
29. D
30. C
31. A
32. C
33. B
34. D
35. D
36. A
37. C
38. B
39. D
40. D

You might also like