You are on page 1of 5

The Good Samaritan Colleges Inc.

Burgos Avenues, Cabanatuan City

INTEGRATED SCHOOL DEPARTMENT


SENIOR HIGH SCHOOL
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
PRELIM FOR FIRST SEMESTER
S.Y. 2020-2021

Name: ______________________________________ Score _______________________


Grade:______ Section/Block: ___________________ Date: _______________________

I. . PAGPILI NG TAMANG SAGOT.


Panuto. Basahing mabuti ang mga pangungusap/katanungan at piliin ang tamang sagot sa mga
pagpipilian. Isulat sa patlang bago ang letra ang inyong sagot.
EASY.
_______1. Anong teorya ng wika ang nagsasaad na ang mga wika ay nagmula sa mga walang kahulugang bulalas ng mga
tao na nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid?
A. Teoryang Buble Lucky
B. Teoryang Coo Coo
C. Teoryang Mama
D. Teoryang Singsong
_______2. Anong katangian ng wika ang ginagamit sa pampanitikan na gawain at pambansang mga sulatin?
A. Arbitraryo
B. Imoral
C. Nakabatay sa Kultura
D. Pormal
_______3. Sa kaninong pamumuno tinatag ang Batas Komonwelt Blg. 184, ang “Surian ng Wikang Pambansa”?
A. Diego Silang
B. Diosdado Macapagal
C. Jose E. Romero
D. Manuel L. Quezon
_______4. Anong wika ang kinamulatan at natural na ginagamit ng isang tao, madalas ay natutunan natin ang atin unang
wika sa ating mga magulang?
A. Ikalawang Wika
B. Konseptong Wika
C. Unang Wika
D. Teorya ng Wika
_______5. Anong teorya ang nagsasaad na ang wika ay nagmula sa sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad
ng tsug-tsug ng tren o tiktak ng orasan. Anong teorya ng wika ito?
A. Teoryang Bow-wow
B. Teoryang Ding-dong
C. Teoryang Pooh-pooh
D. Teoryang Sing Song
1
_______6. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng teoryang tarara boom de ay?
A. Mga huni ng ibon.
B. Mga salitang nakakatwa.
C. Mga sinasabing ritwal ng mga albularyo.
D. Mga sinasabi ng mga doctor habang nanggagamot.
_______7. Ang mga kamag-anak ni Elaine ay pabalik na sa kanilang probinsya kung kaya kinumpas niya ang kanyang
kamay upang mamaalam, sa anong teorya ito nahahanay?
A. Teoryang Mama
B. Teoryang Pooh-pooh
C. Teoryang Tarara boom de ay
D. Teoryang Tata
_______8. Ang anak Mika ay magaling kumanta kung kaya’t maganda ito bumigkas ng mga salita. Sa anong teorya ito
nahahanay?
A. Teoryang Coo coo
B. Teoryang Mama
C. Teoryang Sing song
D. Teoryang Tata
_______9. Ano sa mga sumusunod ang mga katangian ng wika?
I. Ang wika ay kagila-gilalas
II. Ang wika ay nakabatay sa kultura
III. Ang wika y arbitraryo
IV. Ang wika ay nagbabago
A. I, II, III,IV
B. II, III, IV
C. II lamang
D. III lamang
_______10. Si Ginoong Cadorna ay gumagamit lamang sa pagbabahagi ng mga larawan at opinion sa Facebook at Twitter
gamit ang salita lamang ng kanilang pangkat. Ano katangian ng wika ang kanyang ginamit?
A. Creole
B. Pidgin
C. Sosyolek
D. Wika
_______11. Saan nahahanay ang pahayag na ito, “Ang mga mamamayan ng Cabanatuan ay nais malaman kung gaano
kalapit ang Bulacan kung kaya’t ginamit ng tagapagsalita ang kanyang kamay upang ipaliwanag ito sa mga mamamayan”.
A. Convergence
B. Dimensyong sosyal
C. Divergence
D. Diyalekto
_______12. Saan nakahanay ang pahayag na sumusunod? “Ang magulang ni Angela ay magkaiba ang unang wika at
hindi rin magkatulad ang kanilang pamayanan, ngunit iginigiit ng kanyang magulang na gamitin niya ang wika ng
kanyang mga magulang at hindi ang wika ng kanilang lugar.”
A. Double non dominant language without community
B. Mixed
C. Non dominant language

2
D. One person, one language
_______13Ang mag-asawang Bermudez ay may parehong unang wika, ito rin ang dominanteng wika sa kanilang
pamayanan, ngunit si Gng. Bermudez ay laging gumagamit ng hindi dominanteng wika sa kanilang pamayanan sa
pakikipag-isap sa kanilang mga anak. Anong uri ng bilingguwalsimo ito nahahanay?
A. Double non dominant language without community
B. Mixed
C. One person, one language
D. Non-dominant home language
_______14. Ang lahat ng nakapaligid sa bata ay bilingguwal, nagpapalit palit ng wika ang mga magulang kapag
kinakausap nila ang kanilang anak. Sa anong uri ng bilingguwalismo ito nabibilang?
A. Double non dominant language without community
B. Mixed
C. No dominant home language
D. One person, one language
_______15. Sina Ana at Marco ay nag-iimbento ng mga salita sa kadahilanang may madalas silang mapag-usapan o
mapagkasunduan ngunit sila ay may magkaibang wika. Anong halimbawa ng katangian wika ang kanilang ginawa?
A. Convergence
B. Dimensyong Sosyal
C. Divergence
D. Diyalekto
_______16. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng teoryang Coo coo?
D. Si Kyla ay may anak na nagsasalita ng mga may pwersang salita.
C. Si Teresa ay may anak na sanggol at may mga binibigkas ito na ginagamit ng mga matatanda.
A. ang pamilya ng Marie ay nagpapangalan sa pamamagitan ng mga tunog ng kapapanganak na hayop.
B. Ang mga tao sa baryo Bagong Sibol ay nagpapangalan ng mga gamit sa paligid sa pamamagitan ng
mga huni ng hayop sa paligid.
_______17. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng teoryang Mama?
A. Ang sanggol na anak ni Kaye ay nagsasabi ng salitang mama at papa.
B. Ang sanggol na anak ni Rose ay umiiyak at tumatawa.
C. Ang sanggol na anak ni Tricia ay nagsasalita ng mga salitang may diptonggo.
D. Ang sanggol na anak ni Angel ay nagsasalita at sumesenyas ng pagtanggi at pagtanggap.
_______18. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng teoryang pooh-pooh?
A. Si Ana ay ngumiti.
B. Si Mario ay dumila.
C. Si Mia ay suminghot.
D. Si Ivan ay sumimangot.
_______19. Mahalaga bang dapat masistemang binabalangkas at isinasaayos ang wika?
A. Oo, para maganda pakinggan.
B. Oo, para magkaroon ng maayos na impormasyon.
C. Hindi, dahil hindi naman ito nakatutulong para tayo ay mabuhay araw-araw.
D. Hindi, dahil dapat kung ano lang ang maisip ay yun lang ang nararapat sabihin.

3
_______20.Mahalaga bang pag-aralan ang wika?
A. Oo, sapagkat ang wika ay sagot sa kahirapan.
B. Hindi, sapagkat ang wika ay sagabal sa ating pag-unlad
C. Oo, sapagkat ang wika ang susi para sa pagkakaintindihan.
D. Hindi, sapagkat uunlad naman ang bansa kahit walang wika.
_______21. Ginagamit ang wika ng mga tao upang magkaroon ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng komunikasyon ay
nagkakaintindihan ang mga tao sa isang bansa. Batay sa binigay na pahayag, ano ang pangunahing tungkulin o gampanin
ng wika sa isang bansa?
A. Mag-away
B. Magbuklod-buklod
C. Magkasunduan
D. Magmahalan
_______22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa wika?
A. Si Kate ay pinapahalagahan ang mga Ingles at banyagang kultura.
B. Si Patrick ay gumagamit ng mga kasuotang ipinagmamalaki ng Pilipinas.
C. Si Angela ay tinatangkilik ag mga pagkain at lugar na magaganda na matatagpuan lamang sa Pilipinas.
D. Si Bea ay tinangkilik ang mga babasahin na nakasulat sa wikang Filipino at mas ginagamit ang
nasabing wika.
_______23. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pahayag na one person, one language?
A. Ang magulang ni Mac ay magkatulad ng unang wika at parehas gunit hindi alam ang wika sa kanilang
pamayanan.
B. Ang Ama at Ina ni Danilo ay hindi magkatulad ang unang wika ngunit hindi nila alam ang wika sa
kanilang pamayanan.
C. Ang Ama at Ina ni Kris ay may magkaibang wikang sinasalita, ngunit isa sa kanilang wikang sinasalita
ay ang wika sa kanilang pamayanan.
D. Ang magulang ni Andrea ay may magkatulad na wikang sinasalita, ngunit wala sa unang wika ng
magulang niya ang wika sa kanilang pamayanan.
_______24. Ang mga kabataan ng barangay nila Mildred ay naadik sa BTS at EXO kaya ang resulta nito ay ginagaya na
nila ang mga salita nito, mga pagkain at maging ang pananamit nila. Sa ganitong pagkakataon, nagpapakita ba ito ng
pagmamahal at pagpapayaman ng ating sariling wika?
A. Hindi, dahil gusto lang nila.
B. Oo, dahil nadadagdagan naman ang wika na kanilang nalalaman.
C. Hindi,dahil imbes na ang wikang Filipino ang kanilang gamitin ay ibang wika ang kanilang ginagamit.
D. Oo, dahil hindi naman nila kinakalumutan ang kanilang sariling wika, bagkus ay dinadagdagan lamang
nila ang kanilang alam na wika.
_______25. Saan nahahanay ang pahayag na ito, “Sa pagbubukas ng klase, may bagong kaklase sila Lucas. Sa umpisa ng
araw nila ay nagpakilala ang batang bagong lipat ngunit pinagtawanan ito ng kanyang mga kaklase sapagkat may punto
ang salita ng bata na galing sa pangkat ng mga Illongo”.
B. Creole
A. Pidgin
D. Idyolek
C. Sosyolek

4
_______26. Piliin sa mga sumusunod na mga pahayag ang nagpapakita ng diyalekto?
A. Si Tine at Mich ay nagkaroon ng kasunduan para sa isang wika na kanilang gagamitin.
B. Si Mara at Clara ay ginaya ang wika ng kanilang pamayanan upang mas lalo silang maintindihan sila
ng kanilang kausap.
C. Si Teptep at Tonton ay hindi mapagkasunduan ang kanilang wikang gagamitin kaya minabuti nila na
magkaiba na lamang ang kanilang gagamitin.
D. Si Rodrigo at Michael ay nag-imbento ng mga salita ng gagamitin nila para sa kanilang itinatayong
negosyon upang mas lubos silang magkaintindihan.
_______27. Sa pang-araw-araw nating pamumuhay ay kinakailangan ng may sinasalitang tunog ang mga tao upang
magkaroon ng pagkakaintindihan sa kadahilanan hindi lahat ng bagay ay maiintindihan ng ibang tao sa pamamagitan
lamang ng mga simbolo o pagsenyas. Sa makatuwid, ang wika ay ginagamit natin araw-araw sa paanong paraan?
D. Convergence
C. Divergence
B. Diyalekto
A. Komunikasyon
_______28. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahulugan ng Divergence?
A. Si JV ay nais iparamdam ang lamig ng Baguio.
B. Si Fe ay ipinakita ang laki ng Pilipinas sa kanyang mga kaibigan.
C. Si Gener ay pinakita ang ganda ng Bohol sa kanyang mga kaklase.
D. Si Ana ay nais ipakita ang distansya ng Luzon mula sa Visayas sa kanyang kausap.
_______29. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng idyolek?
A. Si Sharee ay nakilala sa paraan ng kanyang pananalita at pagsusulat
B. Si Henry ay nakilala sa pamamagitan ng kanyang isinusuot na damit at kagamitan.
C. Si Vanessa ay nakilala sa paraan ng kanyang pagkain at pag-aayos ng kanyang mukha.
D. Si Edwin ay nakilala sa pamamagitan ng pagkumpas ng kamay at galaw ng kanyang katawan.
_______30. Alin sa mga sumusunod na pahayagang nagbibigay ng pagpapakahulugan sa sosyolek?
A. Sa lugar nila Renz ay walang partikular na wika.
B. Sa lugar nila Andie ay may isang partikular na wika.
C. Sa lugar nila Kaye ay mat tatlong partikular na wika.
D. Sa lugar nila Dondon ay may dalawang partikular na wika.

Prepared by: JUVILENE SORIANO


JOHN HENRY J. CADORNA

You might also like