You are on page 1of 10

Komunikasyon at

Pananaliksik sa
Wika at Kulturang
Filipino
(KPWKP)

Ikalawang
Markahan

WEEK 5

1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Ikalawang Markahan–Modyul 9:
Kakayahang Lingguwistiko

Ang lingguwistika ay makaagham na pag-aaral ng alinmang wika na sumasakop sa apat


na lawak sa pag-aaral ng wika, ito ay ang ponolohiya, morpolohiya, sintaksis, at semantika.

Ang kakayahang lingguwistik/gramatikal ay tumutukoy sa kaalamang leksikal at


pagkaalam sa tuntunin ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantiks, ayon kina
Michael Merill Canale at Swains.

Gramatika ang mahalagang salik sa pag-aaral ng kakayahang ito. Ang gramatika ay


tungkol sa tuntunin ng wastong paggamit ng bantas, salita, bahagi ng pananalita, pagbuo
ng mga parirala, sugnay, at pangungusap.

1. Ponolohiya o Palatunugan – maagham na pag-aaral ng mga makabuluhang tunog


(ponema) na bumubuo ng isang wika.
Halimbawa:
malapatinig na w at y = bahay. Reyna, bahaw, agiw

A. Ponemang segmental – makabuluhang tunog sa Filipino.


Halimbawa: bata (child) banta (threat)
batas(law) bantas (punctuation mark)

Ginagamit ang daw/din kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig


(consonant), raw/rin kapag patinig (vowel) o malapatinig na w at y.
Halimbawa: bayad daw bababa raw malikot din
pangit din maganda rin magalaw rin

B. Ponemang suprasegmental – pantulong sa ponemang segmental upang higit


na maging mabisa ang paggamit ng 28 ponemang segmental sa
pakikipagtalastasan at upang higit na maging malinaw ang kahulugan.

2. Morpolohiya o Palabuoan – makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa


pamamagitan ng pinakamaliit na yunit ng isang salita o morpema.
Halimbawa: pangdesal = pandesal tawid+in = tawirin
Takip+an = takpan hati+gabi = hatinggabi

3. Sintaks – estruktura ng mga pangungusap at ang mga tuntuning nagsisilbing patunay


sa pagsasabi ng kawastuan ng isang pangungusap. Ang anyo ng pangungusap ay
2
karaniwang anyo: nauuna ang panaguri kasunod ang paksa; at kabalikan: nauuna ang
paksa na sinusundan ng ‘ay’ na sinusundan ng panaguri
Halimbawa: Pinatawag ng nanay ang bata. (karaniwan)
Ang bata ay pinatawag ng nanay. (kabalikan)

4. Ang semantika ay tumatalakay sa interpretasyon ng mga kahulugan ng mga morpema,


salita, parirala, at pangungusap.

Pagbibigay sa isipan ng tao ng kahulugan batay sa:


Denotasyon at Konotasyon Halimbawa: Ilaw ng tahanan
Denotasyon: Maliwanag ang ilaw sa bahay namin.
Konotasyon: Si inay ang ilaw ng tahanan.

WRITTEN WORKS#7
Pagsasanay A
Sagutan mo nang buong giting ang sumusunod na tanong sa sagutang papel. Basahing
maigi ang panuto at magpatuloy ka.

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang tanong at letra ng wastong sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang wastong salita na tumutukoy sa panganib?


a. batas c. bantas
b. bata d. banta

2. Ang bata sa punò ay… Anong tamang salita ang dapat idugtong sa
pangungusap?
a. bumagsak c. nadulas
b. nadapa d. nahulog

3. Ano ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng salita na may sariling kahulugan?


a. ponema c. parirala
b. sintaks d. morpema

4. Ano ang tamang kabuuan ng salita kung ang ‘sara’ ay nilapian ng ‘an’?
a. saraan c. saran
b. sarahan d. sarhan

3
5. Saan sa lingguwistiko mahusay kung nakapagsusuri ng kabuoan ng
pangungusap?
a. semantika c. sintaksis
b. morpolohiya d. ponolohiya

6. Alin sa sumusunod ang lipon ng mga salita na naglalahad ng buong diwa?


a. talata c. parirala
b. sugnay d. pangungusap

7. Ano’ng bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa paksa?


a. sugnay c. talata
b. panaguri d. simuno

8. Anong gramatikal na kaalaman ang tumutukoy sa estruktura ng pangungusap?


a. sintaksis c. semantika
b. morpolohiya d. ponolohiya

9. Ano ang anyo ng pangungusap kung nauuna ang panaguri sa paksa?


a. kabaligtaran c. kabalikan
b. karaniwan d. kabilanan

10. Anong kaalaman mayroon kung kabisado ang tuntuning panggramatika?


a. pragmatiko c. ingguwistika
b. komunikatibo d. dramatiko

11. Ano ang anyo ng pangungusap kung ang ‘ay’ ay kasunod ng paksa?
a. karaniwan c. paksa
b. kabuoan d. kabalikan

12. Alin ang isa sa mahalagang tuntunin na kailangang sundin sa pagsulat ng


pangungusap?
a. tuldok c. bantas
b. sagot d. aralin

13. Ano ang kahulugan ng ‘nagsunog ng kilay sa pag-aaral’?


a. pinaso ang kilay c. nagtiyaga
b. nagmataas d. masungit

4
14. Bumalik ang mag-aaral sa loob ng klasrum. Alin ang paksa sa pangungusap?
a. klasrum c. loob
b. mag-aaraL d. bumalik

15. Alin sa sumusunod ang isa sa bumubuo sa gramar ng wika?


a. karaniwan c. morpolohiya
b. gramatika d. panuto

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


Ikalawang Markahan–Modyul 10:
Kakayahang Komunikatibo ng mga Filipino

Narito ang paliwanang ukol sa pagpili ng angkop na mga salita at paraan ng paggamit
nitó sa mga usapan o talakayan batay sa:

1. kausap
Paliwanag: Nag-iiba ang gámit at paraan o estilo ng paggamit ng wika depende sa
kausap.
Halimbawa: Iba ang estilo o pananalita maging salitang ginagamit ng isang guro
kapag ang kausap ay punong-guro. Iba rin estilo sa pagsasalita at gámit na salita
kapag kapuwa n’ya guro ang kausap. Lalong iba ang estilo at gamit na salita
kapag estudyante ang kausap.

2. batay sa pinag-uusapan
Sitwasyon: Nag-iiba ang kahulugan ng salita depende sa pinag-uusapan.
Halimbawa: Ang kahulugan ng “travel” ay lakbay o paglalakbay kung ang
pinag-uusapan n’yo ay paglalakbay o bakasyon, subalit kapag ang pinag-uusapan
ninyo ay basketbol, ang “travel” ay tumutukoy sa isang paglabag o violation.

3. lugar
Sitwasyon: Ang salitang banas sa Quezon ay nangangahulugan ng inis o iyamot, subalit
sa mga karatig lugar nito ang banas ay nagpapahayag ng mainit na panahon.

4. panahon
Ang mga salitang ito ay sumibol at laging bukambibig noong panahon na ginagamit ito.

5
Sitwasyon: Noong 80’s hanggang 90’s laging ginagamit ang luksong-tinik, tumbang-
preso at siyatong ng mga batang naglalaro, samantalang ngayon bukambibig ang ML at
online games.

5. layunin
Bawat grupong kinabibilangan ay may sariling paraan o estilo sa paggamit ng wika.

Sitwasyon: Ang pagbibilang ng isang guro sa loob ng klase ang may layuning pabilisin
ang ginagawa o pagpása ng papel. Ang layunin n’ya sa isa, dalawa, tatlo ay hindi para
magbiláng o wala naman talaga siyang binibílang, kundi ito ay panuto.
Sitwasyon: Ang mga doktor ay may sariling estilo o paraan sa pagsasalita at paggamit ng
salita. Ang mga mangingisda ay mga salitang sila lang marahil ang nakauunawa. Maging
ang mga bakla ay iba ang paraan sa paggamit wika o kayâ naman ay may sarili silang
wika.

Halimbawa:
1. Bibigyan kita ng reseta para sa sakít mo.
Mahihinuhang salita ito ng doktor para sa kanyang pasyente
2. Lagyan mo ng páin ang kawil para meron kang mahúli.
Mahihinuhang salita ito ng isang mangingisda para sa kaniyang bágong kasama.
3. Ay Gardo Versoza ang umbre.
Mahihinuhang sinasabi ng isang bakla sa kanyang kausap na may poging lalaki.

Ang estilo o pamamaraan sa paggamit ng salita ay tinatawag na register.

Pagsasanay B
Tukuyin ang gámit at paraan sa paggamit ng mga salita batay sa kausap, pinag- uusapan,
lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan nito.

Isulat ang tanong at letra ng wastong sagot sa sagutang papel.


1. Si Rosa ang aming nag-iisang rosas ng aming pamilya na humaling na humaling
sa mga rosas ni Aling Rosana.
A. batay sa lugar C. batay sa panahon
B. batay sa kausap D. batay sa pinag-uusapan

2. Hindi nila ramdam ang init ng araw dahil sa suot nilang vakul, samantalang táyo
ay suot ang sombrero kahit nása loob ng mall.
A. batay sa lugar C. batay sa panahon
6
B. batay sa kausap D. batay sa pinag-uusapan

3. “Bili, bili na po kayo d’yan, sariwa, malalaki, mataba at bágong hango ang aming
tilapya”, subalit habang naririnig ang mga katagang iyan na isinisigaw ng aking ina ay
sariwa pa rin ang sugat sa aking damdamin at hindi ko pa rin matanggap ang nagyari sa
kaniya.
A. batay sa pinag-uusapan C. batay sa panahon
B. batay sa kausap D. batay sa lugar

4. “Ang haba naman ng bitin na iyan,” ang wika ni Roger na isang Bikolano na ang
tinutukoy ay ang ahas. “ Sa palagay ko’y bitin ang taling ito para mahúli natin ang ahas na
iyan,” ang sambit naman ni Alfred.
A. batay sa pinag-uusapan C. batay sa panahon
B. batay sa kausap D. batay sa lugar

5. “Bawal ang lumiban sa kabilang ibayo” ang wika ni Batang na isang Batanguño.
Subalit sumagot si Anna sa kabilang linya at sinabing “ hindi s’ya lumiban sa klase”.
A. batay sa pinag-uusapan C. batay sa panahon
B. batay sa kausap D. batay sa lugar

6. Maliligo sana ako noon subalit walang tubig sa batalan, kayâ pumunta pa ako sa
balon bitbit ang balde at tabo. Ito ang mga alaalang natatawa na lang ako sa tuwing
bumabalik sa aking alaala kapag ako’y nakapikit habang bumubos ang tubig gáling sa
shower.
A. batay sa pinag-uusapan C. batay sa kausap
B. batay sa panahon D. batay sa lugar

7. Ang bangkito ay isang maliit nasalumpuwit na inuupuan noon.


A. batay sa pinag-uusapan C. batay sa panahon
B. batay sa kausap D. batay sa lugar

8. Gayak na ang lugar na pagdarausan ng salo-salo. Gayak na ang mga abay para sa
kasal.
A. batay sa pinag-uusapan C. batay sa panahon
B. batay sa kausap D. batay sa lugar

9. Bantayan mong maigi ang ading mo, naku kapag may mangyari d’yan sa kapatid
mo, lagot ka talaga.
7
A. batay sa pinag-uusapan C. batay sa panahon
B. batay sa kausap D. batay sa lugar

10. “Naku, mam, mababait po ang mga batang ito. Masunurin po sila at lagi po
nilang pinanatili ang kalinisan at kaayusan sa loob ng silid-aralan,” ang mahinahon at
malambing na wika ni Gng. Delos Reyes sa aming punong-guro. Subalit kapag kami na
lamang ay ito ang maririnig mo sa kaniya, “maglinis nga kayo ng silid at para na itong
kulungan ng baboy”.
A. batay sa pinag-uusapan C. batay sa panahon
B. batay sa kausap D. batay sa lugar

11. Sa panahon ng new normal ang ating pag-aaral ay online para sa may internet
connection at modular para sa walang gadget sapagkat bawal na ang face to face dahil sa
COVID 19.
A. batay sa pinag-uusapan C. batay sa panahon
B. batay sa kausap D. batay sa lugar

12. Nag-iiba ang kahulugan ng salita depende sa pinag-uusapan.


A. batay sa pinag-uusapan C. batay sa panahon
B. batay sa kausap D. batay sa lugar

13. Ang mga salitang ito ay sumibol at laging bukambibig noong panahon na
ginagamit ito.
A. batay sa pinag-uusapan C. batay sa kausap
B. batay sa panahon D. batay sa lugar

14. Hindi n’ya na nakikita ang kan’yang jowa kaya halos maging krung-krung na
siya.
A. batay sa pinag-uusapan C. batay sa kausap
B. batay sa panahon D. batay sa lugar

15. Ito ay tumutukoy sa gamit at paraan o estilo sa paggamit ng wika.


A. Panghalip C. Register o rehistro ng wika
B. Balbal na wika D. Mga pang-ugnay o cohesive device

8
PERFORMANCE TASK #4 (15pts)

Bumuo o dugtungan ang mga pahayag sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na salita at


paraan ng paggamit nitó sa mga usapan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon,
layunin, at grupong kinabibilangan.
Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Kausap

Sitwasyon 1: Pakikipag-usap ni Gng. Reyes sa kapuwa niya guro


Pangungusap 1: “Hoy mare, mahirap pala ang sitwasyon natin ngayong new normal, aba
eh hindi ka na makasaglit sa mall para mag-milk tea”
Sitwasyon 2: Pakikipag-usap ni Gng. Reyes sa kanyiang punong-guro.
Pangungusap 2:__________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Pinag- uusapan

Sitwasyon 1: Paggamit sa salitang kanser bílang mahina o pabuhat sa larong ML


Pangungusap 1: Nakakayamot ka naman, pare, isa kang kanser, talo tuloy táyo sa laro.
Sitwasyon 2: Paggamit sa pangungusap ng salitang kanser na
tumutukoy sa isang karamdaman.
Pangungusap 2:____________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Lugar

Sitwasyon 1: Ang salitang diin sa Visayas ay may kahulugang “saan”.


Pangungusap 1: Diin ka man makagtu?
Sitwasyon 2: Gamitin ang diin sa sitwasyong nagbibigay ng karagdagang lakas upang
lumapat ang dalawang bagay
Pangungusap 2:______________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
9
4. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Panahon
Sitwasyon: Paggamit sa salitang ketong noon at unti-unting hindi na ginagamit sapagkat
nawala na ang ganitong sakít.
Pangungusap 1: Ang sakít na ketong ay isa sa kinakatakutang sakít na nag-umpisa pa
noong 1873 at lumaganap sa bansa hanggang 1980’s.
Sitwasyon: Gamitin sa pangungusap ang salitang COVID 19 dahil gamt
na gamít ang salitang ito ngayon.
Pangungusap 2:_______________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

5. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Layunin


Sitwasyon: Gagamitin sa pangungusap ang salitang “umuwi ka na” bílang pagtaboy.
Pangungusap 1: Umuwi ka na, kanina ka pa inom nang inom, daig mo pa ang mauubusan
ng alak.
Sitwasyon: Gagamitin ang salitang “umuwi ka na” na mayroong layuning humikayat na
umuwi.
Pangungusap 2 :_____________________________________________________
_________________________________________________________________
___________________________________________________________________

6. Angkop na Salita at Paraan ng Paggamit ng Salita Batay sa Grupong Kinabibilangan


Sitwasyon: Gagamitin ang salitang embotido ng mga beki
Pangungusap: Agang-aga embotido na naman s’ya.
Sitwasyon: Gamitin ang embotido sa pangungusap bílang masarap na pagkain
Pangungusap 2: ______________________________________________________
_______________________________________________________________________

Pamantayan sa Pagmamarka
Nilalaman at kaisahan ng ideya 1
Gámit ng Balarila 1
Gamit ng Bantas 1
Kabuuan 3

10

You might also like