You are on page 1of 3

TUBOD NATIONAL HIGH SCHOOL

Tubod, Surigao del Norte

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Grade 11
Midterm Examinations (1st Semester)

NAME:____________________________________ SCORE:_____________
GRADE AND SECTION:______________________ DATE:______________

TEST I Panuto: Bilugan ang titik ng napiling sagot. Istriktong WALANG ERASURES.

1. Ang salitang Ingles na language ay galing sa salitang Latin na lingua na ang ibig sabihin ay ___.
a. dila b. bibig c. tunog d. salita

2. _____ ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensiyong heograpiko.


a. dayalek b. sosyolek c.rehistro d.iyolek
3. Ang ___ ay tumutukoy sa kakayahan ng isang indibiduwal na makapagsalita at makaunawa ng
iba’t ibang wika.
a. monolingguwalismo b. bilingguwalismo c. multilingguwalismo d. wala sa pagpipilian
4. ____naman ang tawag sa barayti ng wika na nililikha at ginagamit ng isang pangkat o uring
panlipunan.
a. dayalek b. sosyolek c. rehistro d. idyolek
5. Ang ___ ay tinatawag ding katutubong wika o mother tongue.
a. unang wika b. ikalawang wika c.wikang pambansa d. dayalek
6. ____ ang dayalek na personal sa isang ispiker.
a. dayalek b. sosyolek c.rehistro d. idyolek
7. Ang wika ay nagbabago, samakatuwid, ito ay ____.
a. pinipili b. isinasaayos c. dinamiko d.kagila-gilalas
8. ____ ang barayti ng wika na ginagamit base sa propesyon o larangang kinabibilangan ng isang
tao.
a. dayalek b. sosyolek c.rehistro d. idyolek
9. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay ____.
a. Tagalog b. Pilipino c. Filipino d. Ingles
10. Kung ang ___ ang nagiging dahilan upang mapagbuklod-buklod ang mga tao, masasabi nating
lingguwistikong komunidad ang kanilang kinabibilangan.
a. komunikasyon b. wika c. kilos d. kultura
11. Kailan sinimulang ituro sa mga paaralan ang Wikang Pambansa ____?
a. Hunyo 19,1940 b. Hunyo 19, 1941 c. Hulyo 19, 1940 d. Hulyo 19, 1941
12. Ito’y gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng kaisipan, damdamin o saloobin sa paraang
pagsasalita.
a. Di-Berbal b. Paguhit c. Berbal d. Pagpinta
13. Tinatawag na ____ kapag napakaraming wikang ginagamit sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa.
a. Nasyonalismo b. Multilingguwalismo c. Bilingguwalismo d. Rehiyonalismo
14. Tinatawag na ___ ang malawakang gamit ng Wikang Ingles at Tagalog.
a. Nasyonalismo b. Multilingguwalismo c. Bilingguwalismo d. Rehiyonalismo
15. Ayon sa Teoryang ____, binago ng isang tagapagsalita ang isang umiiral na schema o porma ng
isang kaganapan.
a. Asimilasyon b. Akomodasyon c.Baryasyon d. Barayti
16. Ito ay ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon.
a. Imahinatibo b. Heuristik c. Personal d. Impormatib
17. Ginagamit ng tao sa pagtatatag , pagpapanatili at pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa
tao.
a. Instrumental b. Personal c. Interaksyunal d. Imahinatibo
18. Pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon,ginagamit sa mga talakayang pormal at
impormal.
a. Personal b. Interaksyunal c. Imahinatibo d. Regulatori
19. Pagpapahayag ng sariling imahinasyon sa malikhaing paraan.
a. Regulatori b. Interaksyunal c. Personal d. Imahinatibo
20. Ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan.
a. Interaksyunal b. Regulatori c. Instrumental d. Personal
TEST II Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat sa patlang.

Ding-dong Tata La-la


Pooh-pooh Ta-ra-ra-boom-de-ay Sing-song
Bow-wow Biblikal
Yo-he-ho Yum-yum

1. Teoryang may kinalaman sa puwersang romansa para makabuo ng tula o awit ng pag-ibig.
2. Teoryang nakabatay raw sa unang wika sa melodiya.
3. Huling teorya na tumutukoy sa mga ritwal.
4. Teoryang pinagmulan ng wika sa mundo.
5. Teoyang nagsimula sa panggagaya ng mga tao sa tunog ng kalikasan.
6. Teorang naibubulalas ng tao dala ng matinding damdamin tulad ng galak, takot at iba pa.
7. Teoryang tumutukoy s “Stimulus Response Theory”.
8. Teoryang nagmula sa mga gawaing pisikal ng mga tao.
9. Teoryang ginagaya raw ng dila ang pagkumpas ng kamay.
10. Teoryang pinaniniwalaang may sariling tunog na kumakatawan sa lahat ng bagay sa kapaligiran
gaya ng tsug-tsug ng tren at tiktak ng orasan.

TEST III. Panuto : Ibigay ang mga sumusunod na kahulugan ng mga akronim. Isulat sa patlang ang sagot.

1. S.W.P
2. Dep-Ed
3. UNESCO
4. DOH
5. MTB-MLE

TEST IV. Ibigay ang sampung (10) Katangian ng Wika

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Good luck and God bless You :)

Prepared by:
ELNORA G. MASCARINAS
Subject Teacher

You might also like