You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XII
City of Koronadal Division
Koronadal National Comprehensive High School
Senior High School
Rizal St. Koronadal City

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO


(KOM PAN)

Unang Markahan

Pangkahatang Panuto: Ang pagsusulit na ito ay aabutin lamang ang isang oras. Suriing Mabuti
ang bawat pahayag bago isulat ang sagot. Maglalagos ito sa mga napag-usapang aralin sa
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO.

I. Analisis: Bigyan ng tamang hinuha o nalisis ang bawat pahayag. May dawalang
pangungusap sa ibaba X at Y. Tukuyin ang bawat pahayag at ilagay kung:

A. Kung ang X ay Tama at Y ay mali


B. Kung ang X ay Mali at Y ay Tama
C. Kung ang X at Y ay parehong tama
D. Kung ang x at Y ay parehong Mali

_____ 1. X: Ang wika ay isang amsistemang balangkas na sinasalitang tunog


na isinasaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipagtalastasan.

Y: Sapangkabuuan ang wika ay salamin ng lahing Filipino na nagpapakita


Ng kalinangan at paniniwalang Filipino.

_____2. X: Ang wika ay isang tulay na nag-uugnay sa kaisipang banyaga tungo sa


isang kaisipang local upang makabuhol ng iisang paniniwala at adhikain ng mundo.

Y: Ang wika ay buhay na nagsisilbing daluyan ng isang malayang kaisipan, adhikain at


pangarap na mabauo ng isang sibilisasyon at kabihasnan.

_____3. X: Kapag ang wika ay nagkakaroon ng pagkakaparehong salita sa isa pang wika ngunit
Nagkakaroon ng ibang kahulugan tulad ng langgam ng Tagalog (isang insekto) at
langgam sa Sebwano (tawag ibon) ang tawag sa katangian ng wika ay masistemang
balangkas.

Y: Ang wika ay binubuo ng isang makabuluhang tunog o ponema na nakalilikha ng salita


ng katangiang binabanggit hinggil sa wika ito ay arbitraryo.

_____4. X: Ang mga salitang kasapwego (posporo), salumpuwit ( upuan), salimpapaw (eroplano)
ay nagpapatunay na ang wiak ay malaya.

Y: Ang mga salitang chaka, pasok sa banga, at choks ay nagpapatunay na ang wika ay
patuloy na umuunlad at yumayabong bilang wika ng karunungan.

_____5. X: Ang wika ay benakular kung ito ay sinasalita ng isang lalawiagn o rehiyon.

Y: Ang wika dialekto kung ito ay sinsalita ng isang particular ng grupo ng isang tao.
II. Paglalapat. May mga halimbawang kaso sa ibaba. Tukuyin kung anong konseptong
pangwika ang nais nitong ipakita. Isulat ang titik at salita.

6. Kapansin-pansin ang mabilis nap ag-unlad ng mga bansang Hapon, South Korea, at Pransya
na mahigpit na ipinag-uutos ang isitemang iisang wika sa kani-kanilang bansan. Ang iisang wika
ay gagamiting panturo sa anumang larang (field) o asignatura dahilan upang mas lalong
magkaunawaan ang bawat isa at makagagawa ng mas produktibong ani.

A. Monolingguwalismo C. Bilingguwalismo
B. Multilingguwalismo D. Istandardisasyon

7. Ang wika ng mga beki ay isang paraan upang maipalaganap ang pagbabago ng wika, madalas
naririnig natin ang charing, chaka, at keke bilang mga salitang namamayani sa mga beki. Mas
binibigyan nito ng malawak na pagtingi ang pag-unlad ng wika.

A. Idyolek C. Register
B. Sosyolek D. Varyasyon

8. Walang tao sa mundo ang may kaparehong magsalita bawat isa amy espesyal na
pagkakagamit ng wika na siyang dahilan upang makilala natin ang bawat nilalang dahil sa
paraang kung paano nagagamit ang wika.

A. Idyolek C. Bernakular
B. Sosyolek D. Register

9. Nagsasalita ang mga doctor ng: dextrose, pasyente, iligtas ang buhay, survive at iba pa na may
kaugnayan sa kanilang propesyon. A mga wikang ito angnaging tatak ng kanilang araw-araw na
sakripisyo at paghihirap upang maipadama nila sa mga tao ang tunay na serbisyo.

A. Monolingguwalismo C. Register
B. Speech Community D. Heteregenous Language

10. Ang sab isa konstitusyon, dalawa ang wikang opisyal sa bansa, isa ang Filipino. Kasama ng
Filipino ang Ingles. Ngunit, ang Ingles ang naghaharing “wikang opisyal” sa pamahalaan at
itinututring na ikalawang wika at pansaling lamang ang Filipino.

A. Monolingguwalismo C. Multilingguwalismo
B. Heterogenous Language Community D. Bilingguwalismo

III. Pag-unawa sa binasa: Suriin ang isang pananaliksik pangwika at ibigay ang
hinihinging kasagutan.

Kaya madaling sabihing ang Hiligaynong ginagamit ng Korondal ay Hiligaynon


unang namutawi sa labi, sa mga isal ng panay at naghele sa malumanay at
malambing na dila ng mga tao rito. Ngunit, masasabing ang timpla ng dila ng mga
taal na Hiligaynong mulang Visayas ay kaiba sa impit at timyas ng Hiligaynon-
Koronadal sapagkat hinaluan ito, kung hindi man naibabads ang kisipan ng mga tao
sa Mindanaong malakas na impluwensiya ng Sebwano.
Na siyang wikang umiiral sa maraming bayan at lalawigan ng Mindano. Kung
paiiklii, ang Hiligaynon- Koronadal ay hindi malambing kundi himig ‘ pagbagsak”,
hindi mahinhin kundi mabilis at hndi maindayog kungi lagging “nagmamadali”-
impluwensiya ito ng eksistinsis ng Sebwano sa mga kalapit probinsiya.
11. Anong konseptong pangwika ang tinatalakay sa teksto?
A. Dialekto B. Bernakular C. Varayti D. Varyasron

12. Anong impluwensiyang pangwika ang inilatag sa teksto?


A. Topograpiya ng Koronadal
B. . Taong nagsasalita ng Hiligaynon
C. Paggamit ng Sebwano
D. . Tono ng mga pangkat

13. Ang impit, tono, intonasyon ng Wikang Hiligaynon_ Visayas ay halimbawa ng?
A. Varayti B. Register C. Varyasyon D. Sosyolek

14. Ang Hiligaynon ay isang bernakular, habang ang dialektong nabanggit ay?
A. Sebwano B. Hiligaynon-Visayas C. Hiligaynon-Koronadal D. b at c

15. batay bsa teksto, mahihinuha sa pahayag na?


A. Ang Hiligaynon-Koronadal ay iba sa Hiligaynon-Visayas
B. Ang Sebwano ay ibang-iba sa Hiligaynon.
C. Ang Hiligaynon-Koronadal ay naimpluwensiyahan ng Sebwano
D. Nag ating mg aninuno ay mulanf Visayas sa isala ng Panay.

IV. Pagkilala: Ibigay ang mga hinihinging kasagutan sa bawat pahayag.

_____16. Binasa ni Jose ang Konstitusyon ng Pilipinas ng 1987, hinahanap niya ang tamang
Artikulo at Seksyon kung saan ipinahayag ang Filipino bilang Pambansang WIka ng
pilipinas. Ano kayang artikulo at seksyon ang hinahanap ni Jose?

_____17. “Hindi abilata ang tawag sa unang Sistema ng pagsulat ng mga Filipino” Ito ang sabi ng
guro ni Lito, dagdag niya, sinasabing bago pa man dumating ang mga kastila mayroon
na silang pagsulat na kung tawagin ay… biglang nahinto ang guro dahil may tumawag,
ano kaya ang idudugtong ng guro?

_____18. Ang Pambansang Wika ng Pilipinas noong 1936 ay tinatawag na Tagalog, napili ang
Tagalog dahil: wika ito ng kalakalan sa maynila, wika ng Pamahalaan at… napunit ang
papel na hinahawakan ni Lota. Ano kaya ang susunod na dahilan?

_____19. “ Kakaiba ang pagsulat ng mga Pilipino noon may inilalagay silang corlit sa ibaba at
itaas na titik at naglalagay din sila ng…” nagkamot ng noo si dodong dahil hindi niya
alam kung ano ang inilalagay sa ilalim ng titik para mawala ang tunog ng “ a”.

____20. Nagulat si Ana kung bakit sa mahigit 333 taon na sinakop ang Pilipinas ng mga Espanyol
ay hindi man lang napamahal ang kanilang wika, ipinaliwanag sa kanya ni anita, na
kaniyang kaibigan ang dahilan, una, dahil kung tuturuan nila ang mga Pilipino malalaman
nito ang mga ginagawa ng Espanyol at pangalawa ito ay?
V. Paghahanay: Ibigay ang Gamit ng Wika/ Tungkulin ng Wika sa mga ibinibigay na
halimbawa.

_____21. Bumili ng Gulay sa palengke ang nanay ni Lito.


_____22. Sumabay sap ag-awit si Noel sa radio na may lirikong, “ Huwag mawawalan ng
pag-asa darating din ang ligaya, ang isipin mo mo’y may bukas pa na mayroong saya”.
_____23. Pinatunayan ni Hilda na maraming bata ang namamatay dahil sa hilot, pinaabot niya
ang kanyang pag-aaral sap uno ng DOH.
_____24. Sinabi ni Gardenia sa patalastas na napanonood ni Romy na “ Masarap kahit walang
palaman”.
_____25. Sa pagtatanong natuklasan ng mga kultural na mananaliksik na ang mga salitang
sebu, t’nalak, k’nalum at lemiunay ay mga kulutrural na salitang may kahulugan
sa kanilang identidad.

VI. Paglalapat: Piliing kung anong panahon naganap ang mga pangyayari hinggil sap ag-
unlad ng wika. Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. Panahon bago dumating ang mga Kastila


B. Panahon ng Kastila
C. Panahon ng Amerikano
D. Panahon nga Hapones
E. Mula 1950 hanggang 1986
F. Mula 1987 hanggang 2001
G. 2002 hanggang 2017

______26. Ginamit ang Tagalog sa pagpapahayag ng damdamin higit sa panitikan dahil


mahigpit ang pagpapatupad ng hndi paggamit ng wikang Ingles.
______27. Naitatag ang Komisyon sa Wikang Filipino mula sa dating ngalan nga Surian
ng Wiakang Pambansa dahil sa pangangailangan na paigtingin ang paggamit
ng Wikang Filipino.
_____28. Mas ginagamit ang wiakang bernakular sa pagpapalaganap ng lunggati at idealism
ng mga namamakop.
_____29. Nag-utos ang pangulong Arroyo ng pagpapalawig ng paggamit ng Wikang ingles
at Pagpapalit ng oras sa pagtuturo ng mga sabjek na nasa midyun ng Filipino.
_____30. Pinasok ng mga mananakop ang edukasyon bilang mahalagang instrument
upang maipalaganap ang wikang at gahum ng kanilang estado.

Unang Markahang Pagsusulit.


KNSCH-SHS
Maraming salamat.
M.F.GARDONIA

You might also like