You are on page 1of 3

Summative Test in FILIPINO 12(Week 5 & 6)

(PILING LARANG-TEKVOK)
FIRST Semester, SY 2021-2022

Name: _____________________________Year &Section Date Score________


A. Pagtapat-tapatin.
Panuto: Matatagpuan sa Hanay A ang kasaysayan ng komunikasyong teknikal samantalang
sa Hanay B naman ay ang mga susing salita na naglalarawan sa Hanay A. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel ng tamang titik lamang.

Hanay A Hanay B
_____1. Ikadalawampu’t Siglo A. Panghihikayat gamit ang argumento
_____2. Reginald Scot B. Video, audio, slides
_____3. Panghihikayat C. Liham, memorandum, ulat
_____4. Argumento D. Manunulat ng siyentipinong kaalaman
_____5. Multimedia E. Manunulat ng teknikal na manwal para sa
paghahalaman
_____6. Martinez et al. (2011) F. Manunulat ng manwal para sa gusali
_____7. Aristotle G. Information Technology
_____8. Korespondensiya H. Naiaangat ang interes ng mambabasa at
tagapakinig
_____9. Pliny the Elder I. Pagsasalansan ng mapanghikayat na Ideya
____10. Sextus Julius Frontinus J. Ang komunikasyong teknikal ay nakapokus sa sa
pasulat at pasalitang diskurso.
____11. Pormat K. Tagatanggap ng mensahe
____12. Awdiyens L. Pagsama-sama ng indibidwal
____13. Komunikasyong Teknikal M. Halaga ng pagpapahatid ng mensahe
____14. Kolaborasyon N. Espesyalisadong uri ng komunikasyon
____15. Layunin O. Ginabayang estruktura

B. MAY PAMIMILIAN
B. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa iyong sagutang papel
ang letra ng tamang sagot.

________16. Alin sa mga sumusunod ang hinihikayat mong isipin ng iyong mambabasa
kung hinahayaan mo silang basahin at pag-aralan ang iba’t ibang elementong biswal o ilustrasyon?
A. Literal C. Ebalwasyon
B. Kritikal D. Interpreta

________17. Paano tinitignan ng isang manunulat ng sulating teknikal ang mga bagaybagay?
A. Matiyaga C. Kritikal
B. Positibo D. Wasto

________18. Anong tungkulin ng isang teknikal na ulat o liham pangangalakal kung ito’y
mahusay na naisulat?
A. Paramihin ang trabaho C. Iwasan ang kompetisyon
B. Iwasan ang maraming tanong D. Madaliin ang pagdedesisyon ng mambabasa
________19. Alin sa mga sumusunod na katangian at pamantayan ng komunikasyong
etikal ang naipapakita kung pinagkakatiwalaan mo ang pagiging mabisa ng iyong sulating teknikal?
A. Obhetibo C. Tahasan
B. Makapangyarihan D. Espesyal

________20. Paano magiging makapangyarihan ang isang sulating teknikal?


A. Pagiging pormal sa kabuuan ng sulatin
B. Maayos na pagkilala sa mga sanggunian
C. Paggamit ng mga matatalinghagang salita
D. Pagbanggit ng mga kilalang tao sa lipunan

_______21. Bakit hindi kinakailangang gumamit ng mga matatalinghagang salita sa sulating teknikal?
A. Mas magiging etikal ito sa mga mambabasa
B. Upang hindi maantala ang pagdedesisyon ng mambabasa
C. Mas magiging personal ang dating ng sulatin sa lahat ng makakabasa nito
D. Upang maunawaan ng mga taong hindi kabilang sa isang espisipikong pangkat

_______22. Alin sa mga sumusunod ang naibibigay ng lahat ng uri ng sulatin?


A. Kaalaman C. Aliw
B. Teknikal na terminolohiya D. Problemang sitwasyon

_______23. Bakit mahalaga ang tamang balarila sa sulating teknikal?


A. Magiging maiksi na lamang ang sulatin
B. Upang hindi ito maging dahilan ng awayan
C. Mas mapapadali ang pag-unawa sa sulatin
D. Magiging mas kaakit-akit sa lahat ng uri mambabasa

_______24. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin kung ikaw ay susulat ng isang
sulating teknikal para sa ispesipikong grupo ngunit hindi ka sigurado sa mga
salitang iyong gagamitin?
A. Magtanong sa eksperto
B. Mag-isip ng simpleng salita
C. I-google na lamang ang terminolohiya
D. Gumamit ng mga matalinghagang terminolohiya

_______25. Bakit kailangang iwasan ang paggamit ng maliligoy na salita?


A. Mas madaling unawain
B. Mas makapagbibigay ng husga ang mambabasa
C. Upang maging patas sa lahat ng uri ng mambabasa
D. Upang makabuo ng maraming tanong mula sa mambabasa

Prepared by

KAREN JANE C. MANIEGO


SHS Teacher II

Checked and verified by:

ROSHELA R. AGULLANA JULIETA M. TABIEROS, Ph.D.


SHS Master Teacher I Head Teacher III

Approved

NEIL ERICSON T. ACOB


School Principal I

You might also like