You are on page 1of 13

ARALIN 6:

DESKRIPSYON NG
PRODUKTO
 Ang deskripsyon ng
produkto ay isang maikling
sulatin na ginagawa para sa
DESKRIPSYON pagbebenta ng mga produkto
NG para sa isang negosyo.
PRODUKTO
 Ginagamit upang mabigyang
impormasyon ang mamimili
tungkol sa mga benepisyo,
katangian, gamit, estilo,
presyo, at iba pang
produktong nais ibenta.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG
PRODUKTO

1. Maikli lamang ang deskripsyon ng produkto

sa larangan ng negosyo, ipinapalagay palagi na ang mga


mambabasa o mamimili ay walang panahon para magbasa ng
mahahabang teksto. Kailangang masabi sa maikling talata ang
mga kinakailangang ilarawan tungkol sa produkto.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG
PRODUKTO

2. Magtuon ng pansin sa ideyal na mamimili

may iba’t ibang buyer persona ang bawat produkto. Ito ay kung para kanino
ibinebenta ang isang produkto.
GAANTXT20 Sa papiso- pisong dagdag, pwede magload! Unlitext all
day at all nyt pa! walang maraming ite-text! Di kailangan mag-register!
Bili lang sa suking tindahan ng GAANTEXT20 load, solb na ang
tawagan ang textan nyo ni Mahal!

Nagawa ang ganitong paglalarawan sa produkto sapagkat


kilala nila na masa ang target na mamimili.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG
PRODUKTO

3. Mang-akit sa pamamagitan ng mga benepisyo

bigyan ng diin ang mga benepisyong makukuha ng mamimili


mula sa produkto.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG
PRODUKTO
4. Iwasan ang mga gasgas na pahayag
gumamit ng mga paglalarawan na magbibigay ng impresyon ng kalidad.
Halimbawa:
Ditas Doll Shoes
• Tingnan din ang video para sa deskripsyon ng produktong ito.
• Ang klasikong tibay ng Ditas, ngayon, may pambabaeng disenyo na rin.
• Tinahi ng kamay ng pinakamahuhusay sa sapatero ng Liliw, kilalang shoe exporter ng bansa.
• Hindi nababasa ang de- kalidad na balat (leather) na kinulayan para sa inyong
personalidad.
• Malambot ang panloobna talampakan para sa buong araw na komportableng paglalakad
• Hindi masakit sa paa.
• Hindi nakakagasgas sa sakong.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG
PRODUKTO
5. Patunayan ang paggamit ng superlatibo
kung gagamit ng mga salitang magpapakita ng pagiging pinakamahusay o
pinakamabisa, magbigay ng espesipikong patunay kung bakit. Sa halimbawa sa
ibaba, gumamit ng salitang “pinakamoderno” at “pinakamura”, at naglagay ng
pruweba para dito.
Halimbawa:
Stratz phone- ang pinakamoderno at pinakamurang android phone sa bansa- may mataas na resolution, mas
mataas na contrast ng touchscreen, at 8- week battery life.
• Patented ang built- in light na nagbibigay ng liwanag sa screen para mas madaling magbasa
• 72% mas maraming pixels kaya malinaw ang resolution
• User- friendly menu at magaan ang touchscreen
• Hindi madaling ma- lowbatt
• Sa halagang P3, 000.00 may android phone ka na.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG
PRODUKTO

6. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa

maging malikhain sa paglalarawan. Mag- isip ng mga senaryong pamilyar at


malapit sa kanila.
• Halimbawa:
Pinakahihintay- hintay natin ang bakasyon. Ang dagat. Ang gala sa mall. Ang
barbeque ni Nanay. Ang maraming pagkaing baon sa road trip ng barkada. Kaya
lang minsan may hassle. May nasisirang pagkain. Kaya naman, ngayong summer,
handog ng Ushopping ang pinakabagong CookitSealit, ang resealable bag na
aluminum at titanium ang loob. Iwas- tapon, iwas- panis sa pagkain! Madali pang
bitbitin.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG
PRODUKTO

7. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng


produkto

Sa ganitong paraan, malalaman ng mambabasa kung gaano


katagal ang produkto sa merkado, ano ang mga proseso sa
pagbuo ng produkto, sino o saan ginagawa ang produkto, at
paano sinusuri ang kalidad ng produkto. Lahat ng ito ay
makatutulong para mabenta ang produkto.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG
PRODUKTO

8. Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama-


gumamit ng mga pang- uring pandama

Nagbibigay ang mga ito ng kapangyarihan sa mga


pangungusap.
Halimbawa, “nuot sa sarap” ang ginamit ng Chicken Heaven sa
paglalarawan sa kanilang manok.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG
PRODUKTO

9. Gumamit ng mga testimonya o patunay mula sa


social media

Nagiging personal at mas kaakit- akit kapag may ibang mga


taong nagkukwento tungkol sa iyong produkto. Maaaring
gamitin sa online shops ang mga positibong rebyu mula sa mga
kostumer bilang testimonya.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG
PRODUKTO

10. Gumamit ng pormat na madaling i- scan

Tinatawag na scannable format kapag madaling basahin ang isang pahina. Narito
ang mga payo:
• Maglagay ng kaakit- akit na ulo o headline.
• Gumamit ng subheadings.
• Lakihan ang font size para madaling basahin ng sinuman.
• Gumamit ng video o mga litrato para mapataas ang pagkagusto ng mamimili na
bilhin ang produkto.
• Gumamit ng maraming puting espasyo upang maging kaaya- ayang basahin.
MGA PARAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSYON NG
PRODUKTO

11. Gumamit ng kaakit- akit na larawan ng


produkto.

Sa larawan pa lamang, kailangang mapukaw na ang atensyon ng target


na mamimili, kaya kinakailangang maganda ang kulay, anggulo, at kuha ng
modelo ( kung mayroon) ng litrato ng produkto.

You might also like