You are on page 1of 14

Sanggunian: Filipino sa Piling Larangan (TECH-VOC)

Nina: Christian George C. Francisco, Et.al


Layunin
1. Nabibigyang-kahulugan ang deskripsiyon ng
produkto.
2. Natutukoy ang kahalagahan ng deskripsiyon ng
produkto.
3. Nakakagawa ng sariling poster tungkol sa
deskripsiyon ng napiling produkto.
Deskripsiyon ng Produkto – ay isang
maikling sulatin na ginagawa para sa
pagbebenta ng mga produkto para sa isang
negosyo.
Kinakailangan ang paglalarawan
Deskripsiyon ng Produkto, Alam sa produkto upang maging
niyo ba yun? kaakit-akit at maibenta ito sa
mga target na awdiyens o
mamimili,
Kahalagahan ng Deskripsiyon ng Produkto

1. Upang mabigyang impormasyon ang


mamimili tungkol sa mga
a. benepisyo,
b. katangian
c. gamit
d. estilo
e. presyo
2. Mahalaga rin ang
deskripsiyon ng produkto
upang maipakita sa
mamimili na ang
produkto ay akma sa
kanilang mga
pangangailangan.
3. Mahalaga sa larangan
ng kalakalan o negosyo
dahil sa napakalas ang
kompetensiya ng iba’t
ibang kompanya
• Hindi lamang boutique o mga
pisikal na estruktura ng mga
tindahan ang gumagawa ng
mga deskripsyon ng produkto
na dati inilalagay sa mga
magazin. Laganap na rin ang
mga online store na totoong
may mas mahigpit na
kompetensiyon dahil sa
malawak ang maaring
marating ng produkto at mas
maraming potensiyal na
kliyente.
• Karaniwan ang deskripsiyon ng produkto ay
isang maikling talata lamang.
• Maaring gumamit ng bulleted lists sa pagsulat
ng deskripsiyon sa produkto lalo na kung sa
online stores.
Mga Paraan sa Pagsulat ng Deskripsiyon ng
Produkto
1. Maikli lamang Kailangan masabi sa
ang Deskripsiyon ng maikling talata ang
Produkto mga kinakailangang
ilarawan tungkol sa
produkto.
May iba’t ibang buyer
persona ang bawat
produkto. Ito ay kung para
2. Magtuon ng kanino ibinebenta ang isang
Pansin sa ideyal proodukto. Kalangan
na mamimili. malaman ang katangian ng
target na mamimili sapagkat
sa pagsulat ng deskripsiyon
ng produkto, sila ang
nararapat na direktang
kausapin.
3. Mang-akit sa pamamgitan ng mga benepisyo.
4. Iwasan ang mga gasgas na pahayag.
5. Patunayan ang paggamit ng superlatibo.
6. Pukawin ang imahinasyon ng mambabasa.
7. Magkuwento tungkol sa pinagmulan ng produkto
8. Gumamit ng mga salitang umaapela sa pandama.
9. Gumamit ng mga testimonya o patunay mula sa
social media.
10. Gumamit ng pormat na madaling i-scan
11. Gumamit ng kaakit-akit na larawan ng produkto.
Activity

• Sa isang long bond paper, lumikha ng isang poster ng


isang patalastas para sa isang produktong batay sa
iyong interes o hilig.
• Maaring tunay o piksiyunal ang produkto.Iguhit ito
at maging kaakit-akit sa paningin ng inyong
mamimili.
• Sumulat ng maikling deskripsiyon bilang pangganyak
o pan-engganyo sa mga posibleng mamimili ng iyong
produkto.
Takdang Aralin

Bumuo ng isang pangkat na may 5


miyembro at lumikha ng maikling video ng
isang patalastas para sa produktong nais
itanghal at ibenta. Tiyaking makikita sa
video ang deskripsiyong teksto na kaugnay
ng produkto. Gawing malikhain at angkop
sa uri ng produkto ang estilo ng
presentasyon.

You might also like