You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon MIMAROPA
MATAAS NA PAARALAN NG BAHILE
Bgy. Bahile, Lungsod ng Puerto Princesa

PANGALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT


Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan (Teknikal)
SY 2018 - 2019
Pangalan: _________________________________ Marka:____________________
Seksyon: ____________ Petsa:_____________________

I – Panuto: Kilalanin at unawain ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.

_____1. Ito ay isang dokumentadong ulat ng isang pangyayari na isinusulat sa paraang kronolohikal.
Ito ay tinatawag na..
a. deskriptibong ulat. b. naratibong ulat. c. paglalarawan. d. pagsasalaysay.
_____2. Ayon kay Onega at Landa, ang __________ ay representasyon ng serye ng mga pangyayari.
a. Deskriptibong ulat b. Naratibong ulat c. Paglalarawan d. Pagsasalaysay
_____3. Ang _______ ay isinusulat upang makapagbigay at makapagbahagi ng impormasyon.
a. paalala b. babala c. anunsyo d. patalastas
_____4. Ang liham na isinusulat upang humanap ng trabaho ay tinatawag na..
a. liham. b. liham pangangalakal. c. liham aplikasyon. d. manwal.
_____5. Dito, ang instruksyon ay para sa tagapagsagawa. Tinutukoy para sa kaniya ang mga pag-
iingat na akma sa ilalim ng partikular na sirkumstansya upang maiwasan ang pagkasira ng
kagamitan.
a. Paalala b. Babala c. Anunsyo d. Patalastas
_____6. Ginagamit upang tukuyin ang mga aytem na nagbibigay lamang ng impormasyon at
makatutulong sa mga taong gumagamit upang maunawaan ang layunin ng isang intruksyon.
a. Paalala b. Babala c. Anunsyo d. Patalastas
_____7. Ang ginagamit para manghikayat ng bagong kostumer, bumuo ng magandang relasyon sa
mga dating kostumer, magpakilala ng mga bagong produkto , lumikha ng pangalan ng
kinilala , manghikayat ang empleyado at ipagdiwang ang tagal ng kompanya sa larangan ay
tinatawag na..
a. Leaflets b. Flerys c. Manwal d. Promo materials
_____8. Layunin nito na paglawayin ang tumitingin sa litrato upang masigurong pipiliin ng tagatangkilik
ang pagkaing kanyang nakita.
a. larawan b. Hitsura c. Tekstura d. Lasa
_____9. Ito ay tumutukoy sa pagkakahabi ng pagkain at kung gaano kaartistiko ang pagkain upang
maging mas kapani-panabik ito sa mga tagatangkilik.
a. larawan b. Hitsura c. Tekstura d. Lasa
_____10. Ito ang dahilan kung bakit binbabalik-balikan ng mga tagtangkilik ang produkto.
a. larawan b. Hitsura c. Tekstura d. Lasa
_____11. Isang anyo ng papel advertisement na naglalayon para sa malawak na pamamahagi at
karaniwang nai-post o ipinamahagi sa isang pampublikong lugar o sa pamamagitan ng selyo.
a. Leaflets b. Flyers c. Manwal d. Promo materials
_____12. Ang isang anyo ng naka-printa sa kapat ng papel, minsan nakatupi, naglalaman ng
impormasyon o advertising at karaniwan ay ipinapamahagi itong libre ay tinatawag na..
a. leaflets. b. flyers. c. manwal. d. promo materials.
_____13. Naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang
organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura, at iba pang
mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito.
a. Feasibility study b. Teknikal na pagsulat c. Manwal d. Flyers

1
_____14. Ang ____________ ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman
ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin.
a. feasibility study b. teknikal na pagsulat c. manwal d. flyers
_____15. Ang liham na ginagamit sa mga tanggapan at sa mundo ng kalakalan. Ito ay mahalagang
instrumento ng komunikasyon sa pagitan ng mga mangangalakal at ng kanilang mga
kostumer o iba pang taong nais makipagkalakalan sa kanila.
a. Liham b. Liham pangangalakal c. Liham aplikasyon d. Manwal

_____16. Isang instruksyon na inilalagay upang makaiwas na masaktan ang tagapagsagawa at/o
maiwasan ang pagkasira ng equipment o kagamitan sa normal na operasyon.
a. Paalala b. Babala c. Anunsyo d. Patalastas
_____17. Ang isang maikling sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto para sa isang
negosyo ay tintawag na..
a. leaflets b. flyers c. manwal d. promo materials
_____18. Itinuturing itong paglalarawan ng pagkain kung saan hindi lamang ang kahusayang teknikal
ang sinusukat, bagkus ang pagiging malikhain rin.
a. Menu ng pagkain b. Resipe c. Larawan ng pagkain d. Pagsukat ng pagkain
_____19. Ang ____________ ay isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang
sangkap at epekto ng iminumungkahing produkto at/o serbisyo at kung ito ay naaayon sa
pangangailangan sa pamilihan.
a. feasibility study b. teknikal na pagsulat c. manwal d. flyers
_____20. Tinitingnan dito ang posibilidad kung maisasagawa ang proyekto. Ito ay tinatawag na..
a. feasibility study b. teknikal na pagsulat c. manwal d. flyers

II – Panuto: ibigay ang hinihinging kasagutan sa bawat bilang.

21 – 26 Ibigay ang akronim na kahulugan ng SAKS-BP.

S-______ A-_____ K-_______ S-________ B-_______ P-_______

27 – 29 Ibigay ang 3 karaniwang pormat o pagkakasunod-sunod ng mga nilalaman ng


naratibong ulat.
___________ ____________ ______________

30. Magbigay ng 1 paraan sa pagsulat ng naratibong ulat


______________________________________________________________________

III – Panuto: Suriin ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek ( ̷ ) ang patlang bago ang bilang kung
ang pangungusap ay tama at ekis (x) naman kung kung mali ang inihahayag dito.

__________31. Ang naratibong ulat ay kailangan sa iba’t ibang larangan.


__________32. Sa pagsulat ng mahusay na naratibo, kailangang ilista ang mga detalye sa kronolohikal
sa ayos.
__________33. Ang wikang ginagamit sa naratibong ulat ay impormal.
__________34. Ang naratibong ulat ay ginagamit ng mga propesyonal.
__________35. Ang anunsyo ay karaniwang mahaba at hitik sa impormasyon.
__________36. Sa pagsulat ng paalala at babala, mas makatutulong ang paggamit ng grapikong
representasyon at larawan.
__________37. Ang babala ay caution sa ingles.
__________38. Hindi ginagamit ang paalala upang magbigay ng impormasyon kaugnay sa kaligtasan
ng mga tagapagsagawa o pagkasira ng kagamitan.
__________39. Kinakailangan rin ng pagiging malikhain sa pagsulat ng menu.
__________40. Mahalaga ang kronolohiya ng mga hakbang na nakasaad sa dokumentasyon sa
paggawa ng isang bagay o produkto.

2
IV – Panuto: Iwasto ito sa pamamagitan ng pagsulat sa tamang icon ang sumusunod na babala at
paalala. Iguhit ang kung babala at kung paalala.

_________41. Bawal manigarilyo.

_________42. Tumawid sa tamang tawiran.

_________43. Pagyoyosi sa pampublikong lugar, bawal na simula Hulyo 23.

_________44. Hinay-hinay lamang sa pag-inom ng softdrinks.

_________45. Mang-ingat sa aso, nangangagat.

V – Panuto: Ipaliwanag.

46 – 50 - Bakit kailangan sundin ang “SAKS-BP” sa pagsulat ng naratibong ulat?


PAMANTAYAN
Nilalaman 3 puntos
Kalinawan 2 puntos
KABUUAN 5 PUNTOS

“Ang pag-aaral parang love rin yan. Dapat habang tumatagal, natututo ka. Hindi yung habang tumatagal, mas nagiging tanga ka”
Lmc10/17/18

3
V - (46-50)Panuto : Sumulat ng isang mapaglarong salita ng isang bagay o produkto na makikita sa isang
flyers o leaflets. Iguhit at lagyan ng pangalan ang produktong iaanunsyo.

4
“Ang Exam parang pag-ibig yan, wag kang titingin sa kaliwa, kanan at likuran kasi baka matukso ka, focus ka lang kung ano ang nasa iyong harapan
at makukuha mo rin ang tamang kasagutan.”
Lmc07/07/18

You might also like